While WLC no longer believes that the annual feast days are binding upon believers today, we humbly encourage all to set time aside to commemorate them with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah’s instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world. |
Huwag nang bumalik sa mga walang halagang tuntunin!
Maraming tao ngayon ang nalilito sa Aklat ng Galacia (Ang Sulat ni Pablo sa mga Taga-Galacia). Inangkin ng mga sumasamba sa araw ng Linggo ang Galacia ay itinuturo na ang Sabbath ay napako na sa krus. Ang mga sumasamba sa araw ng Sabado ay ginamit ang kaparehong mga teksto na angkinin ang mga kapistahan ni Yahuwah ay hindi na umiiral. Inangkin ng lahat na ang “tuntuning walang bisa at walang halaga” na nabanggit sa Galacia 4, tumutukoy sa batas ng Israelita na hindi na umiiral sa mga Kristyano ngayon. Isang pagkakaunawa ng mga sangkot na isyu ay nagpapakita ng isang bagay na ganap na kakaiba. Nagsulat si Pablo nang una sa lahat para sa madlang Hentil at lubos na pinagpala ng Langit ang kanyang nagawa.
“Sa halip, kinilala nila na ipinagkatiwala sa akin ang pangangaral ng Magandang Balita sa mga Hentil, kung paanong ipinagkatiwala kay Pedro ang pangangaral ng Magandang Balita sa mga Judio. [Siya] na nagbigay ng kapangyarihan kay Pedro na mangaral sa mga Judio ang siya ring nagbigay sa akin ng kapangyarihang mangaral sa mga Hentil.” (Galacia 2:7, 8, MBB)
Ang mensahe ni Pablo ay lubos na matapat:
“Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ni Yahuwah kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ni Yahuwah at hindi mula sa inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.” (Tingnan ang Efeso 2:8, 9.)
Hangad ni Satanas na putulin ang kamangha-manghang tagumpay sa pagdalo sa paglilingkod ni Pablo ng mga Hentil. Pinukaw niya ang mga Pariseo na “lumipat” sa Kristyanismo upang pasamain ang mensahe ng kaligtasan sa pananampalataya ni Pablo. Ang mensaheng dala-dala ng mga Kristyanong Pariseo ay: kaligtasan sa mga gawa. Ang mga Pariseo ay laging nagdadagdag ng mga ekstrang kautusan sa kautusan ni Yahuwah. Ang mga ito’y kilala bilang “mga tradisyon ng mga nakakatanda.” Paulit-ulit na tinuligsa ni Yahushua ang mga Pariseikong karagdagang ito sa banal na kautusan.
“Ang mga Pariseo . . . [ay] nagpapataw sila ng mabibigat na pasanin sa mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagpasan ng mga iyon.” (Tingnan ang Mateo 23:2 & 4.)
Nang tinanong ng mga Pariseo si Yahushua kung bakit ang Kanyang mga alagad ay nilabag ang mga tradisyon ng mga nakakatanda, ang Kanyang tugon ay:
“Bakit naman ninyo nilalabag ang utos ni Yahuwah dahil sa inyong mga tradisyon?” (Tingnan ang Mateo 15:3.)
Ang mga Kristyanong Pariseo, tinatawag din na mga Hudaiser, itinuro sa mga Hentil na nagbago na, sila’y dapat ring tuliin upang maligtas.
“May dumating doon na ilang taong mula sa Judea at nagturo sa mga kapatid, ‘Kapag hindi kayo nagpatuli ayon sa kaugaliang itinuturo ni Moises, hindi kayo maliligtas.’ Mahigpit itong tinutulan nina Pablo at Bernabe at naging mainitan ang kanilang pagtatalo. Kaya't napagpasyahang papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ilan pang kapatid na taga-Antioquia, upang ang suliraning ito ay isangguni sa mga apostol at sa matatandang pinuno ng iglesya.
“Pagdating nila sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng mga apostol, ng mga matatandang pinuno, at ng buong iglesya. . . . Ngunit tumayo naman ang ilang mananampalatayang kabilang sa pangkat ng mga Pariseo at kanilang sinabi, ‘Kailangang tuliin at utusang tumupad sa Kautusan ni Moises ang mga Hentil na sumasampalataya.’
“Nagpulong ang mga apostol at ang matatandang namumuno sa iglesya upang pag-aralan ang suliraning ito.” (Mga Gawa 15:1-6, MBB)
“Apostol Pablo” ni Rembrandt |
Ang mga apostol ay napagpasyahan na ang mga Hudaiser ay mali. Hindi na kailangang tuliin ang mga nagbagong Hentil para sa kaligtasan. Ang kautusan ng Jerusalem ay ipinahayag na:
“Kaming mga apostol at ang matatandang pinuno ng iglesya, inyong mga kapatid, ay bumabati sa mga kapatid naming Hentil . . . Nabalitaan naming ginugulo kayo ng ilang kasamahan namin galing dito, kahit na hindi namin sila inutusan. At binabagabag nila kayo sa pamamagitan ng kanilang itinuturo, kaya't napagkaisahan naming magpadala sa inyo ng mga sugo . . . huwag na kayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa mga bagay na ito na talagang kailangan: huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga iyan para sa ikabubuti ninyo.” (Mga Gawa 15:23-29, MBB)
Ito ay dapat magpakailanman na ayusin ang isyu, ngunit ang hindi pagkakasundo sa mga Hudaiser ay nanatiling suliranin na paulit-ulit na binanggit ni Pablo sa pagpapahayag. Ito ang sitwasyon nung sinulatan ni Pablo ang mga taga-Galacia. Sinabihan ng mga Hudaiser ang mga taga-Galacia na ang kaligtasan sa pananampalataya ay hindi sapat. Upang maligtas, dapat din silang tuliin.
“Subalit nung ang mga taga-Galacia ay lumipat mula sa pananampalataya hanggang sa gawa, hindi sila tumigil sa mga gawa na itinagubilin at ipinilit ng mga Pariseo. Nung una’y pagano, at pinabalik muli sa gawa galing pananampalataya, kinuha nila mismo ang sariling mga paganong gawa, gayon ang mga gawa na ibinilin ng mga Pariseo. Tumalikod mula sa Espiritu at lumapit sa laman, ito lamang ang inaasahan na gagawin nila: sapagkat ang mga paraan ng mga pagano ay mas magpapalugod sa kanilang laman kaysa sa paraan ng mga Pariseo, dahil ang mga bagay na ito sa kanila’y dati nang kasanayan.” (“Studies in Galatians,” A. T. Jones, Review & Herald, 1900, #20.)
Nang natanggap ni Pablo ang balita, siya’y nalungkot. Alam niya na “walang taong mapapawalang-sala sa paningin ni Yahuwah sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, sapagkat ang ginagawa ng Kautusan ay ang ipaalam sa tao na siya'y nagkasala.” (Tingnan ang Roma 3:20) Agad sinulatan ni Pablo ang mga taga-Galacia:
“Gayunman, alam naming ang tao'y pinapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya kay [Yahushua], . . . Sapagkat walang taong pinapawalang-sala sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan.
“Mga hangal kayong mga taga-Galacia! Sino ang nakagayuma sa inyo? . . .
“Sabihin nga ninyo, tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ayon sa Kautusan o sa pamamagitan ng inyong pananalig sa inyong narinig tungkol kay Kristo [Yahushua]? Talagang napakahangal ninyo! Nagsimula na kayo sa Espiritu, at ngayo'y nais ninyong magtapos sa pamamagitan ng inyong sariling kapangyarihan!” (Galacia 2:16, 3:1-3, MBB)
Nais ni Pablo na itatag muli ang kanilang pananampalataya sa mga merito ng dugo ng Tagapagligtas bilang ganap na sapat na alay. Walang gawang ginawa ng tao ang maaaring makakapagligtas sa sinuman. Ito ay sa Kabanata 4, na marami ang nalito sa mensahe ni Pablo sa mga taga-Galacia.
“Noong hindi pa ninyo nakikilala si Yahuwah, kayo'y alipin ng mga bagay na hindi totoong mga diyos.
“Ngunit ngayong nakikilala na ninyo si Yahuwah, . . . bakit kayo bumabalik sa mga tuntuning walang bisa at walang halaga? Bakit gusto na naman ninyong paalipin sa mga iyon?
“May itinatangi kayong mga araw, mga buwan, mga panahon at mga taon! Nangangamba akong baka nasayang lamang ang pagpapagal ko para sa inyo.” (Tingnan ang Galacia 4:8-11.)
Sapagkat ang mensahe sa mga taga-Galacia ay para sa layuning pabulaanan ang mga Hudaiser, marami ang nagpalagay na ang “tuntuning walang bisa at walang halaga” na tinutukoy ni Pablo ay ang kautusan ni Yahuwah, kasama ang mga palatuntunan at mga kahatulan. Ang pahayag na, “May itinatangi kayong mga araw, mga buwan, mga panahon at mga taon,” ay madalas hinahain bilang patunay na ang Sabbath at mga taunang kapistahan ay napako na sa krus at hindi na umiiral pa. Dapat tandaan na ang mga taga-Galacia ay mga Hentil. Ang mga taga-Galacia ay hindi maaaring bumalik muli sa isang bagay na hindi naman nila pinaniwalaan sa una pa lang bago naging mga Kristyano!
“Sinuman na magbabasa ng Sulat para sa mga taga-Galacia, at nag-iisip habang nagbabasa, dapat malaman at isaalang-alang na ang mga taga-Galacia ay hindi mga Hudyo. Sila’y inilipat mula sa paganismo. Dahil dyan, datihan sa kanilang paglipat, sila’y hindi kailanman nagkaroon ng anumang bagay na gawin sa alinmang kaugalian na sinasanay ng mga Hudyo. Sila’y walang pagkakawig sa mga Hudyo.
“Dahil dito, nung sila’y bumalik muli sa ‘tuntuning walang bisa at walang halaga’ kung saan gusto nilang paalipin muli, ito ay patunay na sila’y hindi babalik sa anumang kaugalian ng mga Hudyo. Sila ay babalik sa kanilang dating paganong kaugalian.” (Glad Tidings, E. J. Waggoner, 175.)
Iniibig ni Pablo ang banal na kautusan. Hindi niya maaaring tukuyin nang nanghahamak ang kautusan ni Yahuwah bilang “walang bisa at walang halaga.” Sa halip, mariin niyang sinabi:
“Ang Kautusan ay banal, at ang bawat utos ay banal, matuwid at mabuti.” (Roma 7:12, MBB)
“Ang apostol na nagpahayag na bago pa nila makilala [si Yahuwah], sila’y alipin sa mga bagay na naman talagang diyos, at ngayon, tumalikod mula [kay Yahuwah], lumipat MULI sila sa mga bagay na iyon, at MULI ay alipin ng mga iyon. At ang mga tuntuning ito kung saan sila’y dating alipin ng mga ito, at ngayong aliping MULI, ay ‘mga tuntunin ng mundo’ . . . .” ("Studies in Galatians," A. T. Jones, Review & Herald, 1900, #20.)
Ilan ay inangkin na ang Lunar Sabbath ay mali sa pagturo sa pagsabi ni Pablo sa taga-Galacia para sa pagtangi sa “mga araw, mga buwan, mga panahon at mga taon.” Gayunman, hindi sinabi ni Pablo iyan. Sa kalendaryo ni Yahuwah, mayroong banal na araw, sanlingguhang kapistahan at maging ang taunang Sabbath. Ngunit walang banal na buwan o kapanahunan. Tinutukoy ni Pablo ang mga kasanayang pagano, kaya kinumpirma na ang mga “tuntuning walang bisa at walang halaga” kung ang mga taga-Galacia ay bumalik, ay mga paganong ritwal. Sa mga paganong kasanayan kung saan bumalik ang mga taga-Galacia ay ang pagtalima sa tiyak na mga pagdiriwang. Ang mismong mga pagtalimang ito na tiyak na paalalahanan ni Yahuwah sa mga Israelita nung unang pumasok sa Canaan:
“Kapag kayo'y naroon na sa lupaing ibibigay sa inyo ni [Yahuwah na inyong Elohim], huwag kayong gagaya sa kasuklam-suklam na gawain ng mga tao roon. Sinuman sa inyo'y huwag magsusunog ng kanyang anak bilang handog. Huwag kayong manghuhula, huwag gagawin ang ginagawa ng mga mangkukulam, ng mga mananawas, at ng mga sumasangguni sa mga espiritu ng namatay. Sinumang gumawa ng alinman sa mga ito ay kasusuklaman ni [Yahuwah na inyong Elohim]. Pakatatandaan ninyo na iyan ang dahilan kaya niya itataboy ang mga nakatira sa lupaing pupuntahan ninyo. (Deuteronomio 18:9-12, MBB)
Ang Aklat ng Galacia ay isang makapangyarihang paninindigan na ang kaligtasan ay isang malayang kaloob para sa lahat, sa pananampalataya; hindi ng gawa, maliban na lang kung may magmapuri.
“Sapagkat kay Yahushua, hindi mahalaga kung tuli man o hindi ang isang tao. Ang mahalaga ay kung siya ay bago nang nilalang. Manatili nawa ang kapayapaan at habag ni Yahuwah sa lahat ng namumuhay ayon sa tuntuning ito, at sa buong bayan ni Yahuwah.” (Tingnan ang Galacia 6:15-16.)