Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang mga Saksi ni Jehovah ay naniniwala na si Yahushua ay si Miguel ang Arkanghel. Nilapitan ko ang paksang ito nang may pag-iingat at respeto sa mga humahawak ng doktrinang ito; gayunman, ang layunin ng pag-aaral na ito ay para tawagin ang kanilang atensyon sa mga problema na hinaharap ng isa kapag sinusubukan na ipagtanggol ang doktrinang ito.
Mayroong dalawang pangunahing sipi sa Bibliya ang ginamit upang itaguyod ang doktrinang ito.
1 Tesalonica 4:16: “sapagkat ang Panginoon ay bababa mula sa langit nang may nag-uutos na panawagan, sa isang tinig ng arkanghel at trumpeta ni Yahuwah, at ang mga namatay para kay Kristo ang unang bubuhayin” (New World Translation, 2013 revision)
Karamihan sa mga Ingles na pagsasalin ay hinatid ang kaparehong kahulugan gaya ng pagsasalin ng N.W.T.:
“Sa araw na iyon ay maririnig ang tinig ng arkanghel at ang tunog ng trumpeta ni Yahuwah, at ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na sumisigaw. At ang mga namatay na sumasampalataya kay Kristo ay bubuhayin muna” (1 Tesalonica 4:16, NIV)
“Sa araw na iyon, ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit kasabay ng malakas na utos. Maririnig ang pagtawag ng punong anghel at ang pagtunog ng trumpeta ni Yahuwah. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Kristo ang unang bubuhayin” (1 Tesalonica 4:16, NAS).
Narito’y pinagtalunan nila na ang Panginoon (Yahushua) ay bumaba kasama ang tinig ng isang arkanghel, at ang salitang arkanghel ay lumilitaw sa iisang anyo, at iniuugnay kay Miguel (Judas 1:9), pagkatapos ay dapat nating ipalagay na si Yahushua at Miguel ay parehong katauhan. Ang problema ay hindi lahat ng pagsasalin ay hindi isinalin ang siping ito sa kaparehong paraan, halimbawa:
“Kasabay ng malakas na utos at ng tinig ng arkanghel at ng tunog ng trumpeta ni Yahuwah, babalik ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Kristo” (1 Tesalonica 4:16, NJB)
“Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ni Yahuwah: at ang nangamatay kay Kristo ay unang mangabubuhay na maguli” (1 Tesalonica 4:16, One Yahuwah the Father Translation)
Kung ang N.W.T ay nagbigay sa atin ng pinakamahusay na pagsasalin, sila’y nananatiling may mahirap na panahon sa pagpapaliwanag ng mga sipi sa aklat ng Hebreo na nagpapataob sa ideya na si Yahushua ay isang anghel:
“Siya ang kaliwanagan ng kaluwalhatian ng Ama at ang ganap na kapahayagan ng pagka-Diyos ng Ama. Siya ang humahawak ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan. Pagkatapos niyang gawin ang paglilinis sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kanan ng Kamahalan sa kaitaasang dako” (Hebreo 1:3, NAS).
“Alin sa mga anghel ang kailanman ay pinagsabihan ng ganito: ‘Ikaw ay ang aking Anak at sa araw na ito ay ipinanganak kita.’ At muli niyang sinabi: ‘Ako ang magiging Ama sa kaniya at siya ay magiging Anak sa akin.’ Gayundin, nang dalhin niya ang kaniyang tanging dakilang Anak sa sanlibutan, sinabi niya: ‘At hayaan siyang sambahin ng lahat ng anghel ni Yahuwah’” (Hebreo 1:5-6, NAU)
Sapagka’t kanino nga sa mga anghel sinabi ni Yahuwah kailanman, ‘Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon?’ At muli, ‘Ako’y magiging kanyang Ama, At siya’y magiging aking Anak?’ At muli nang dinadala niya ang panganay sa lupa ay sinasabi, ‘At igagalang siya ng lahat ng mga anghel ni Yahuwah’” (N.W.T., 2013 revision).
Nakikita natin mula sa Hebreo 1:5 na si Yahuwah ay hindi sinabi sa sinumang anghel, “Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon,” kundi sinabi ni Yahuwah ito kay Yahushua.
Pinanindigan din ng Saksi ni Jehovah sa kanilang paglalathala na Reasoning from the Scriptures, sa ilalim ng paksang “Kristo Yahushua,” na si Yahushua ay kilala sa pangalang Miguel bago dumating sa lupa, at nalalaman sa pangalang Miguel mula nang bumalik siya sa langit, ngunit sila’y hindi nagsipi ng isang berso upang itaguyod ang kanilang angkin:
“Kaya ang ebidensya na nagpapahiwatig na ang Anak ni Yahuwah na nakilala bilang si Miguel bago pa siya dumating sa lupa at nalalaman rin sa pangalang iyon mula pa nang bumalik siya sa langit kung saan siya nananahan bilang niluwalhating Anak ni Yahuwah” (Reasoning from the Scriptures, p. 218-219).
Sa mga tuntunin ng mga pangalan na itinaas, ang pangalang Miguel ay hindi kailanman nabanggit; sa halip, ang pangalang Yahushua ay malinaw na itinaas:
“Kaya siya naman ay pinakadakila ni Yahuwah, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Yahushua ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Kristo Yahushua ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ni Yahuwah Ama” (Phil. 2:9-11).
“At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa’t isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat” (Dan. 12:1).
Sa siping ito, si Miguel ay tinawag na “dakilang prinsipe.” Saanman ay tinawag siya na “isa sa pangunahing prinsipe” (Daniel 10:13), nagpapahiwatig na walang kagaya niya. Ito’y agarang pinabulaanan ang singularidad na ipinahiwatig ng Saksi ni Jehovah kay Miguel.
Mayroong isa pang salik na babanggitin, ang pinagmulan ni Yahushua. Sa mga mabubuting balita nila Mateo (1:16) at Lucas (3:23-38), ang mga Ebangheliko ay nagbibigay sa atin ng isang buong talaangkanan upang ipakita sa atin ang simula ni Yahushua. Pinapataob nito ang ideya na si Yahushua ay isang umiiral na bago isinilang na anghel sa langit.
“Sumagot ang anghel sa kanya, ‘Bababa sa iyo ang Banal na Espiritu at lilimliman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t ang isisilang ay banal at tatawaging Anak ni Yahuwah’” (Lucas 1:35).
Panghuli, dapat nating ipunto ang malaking pagkakamali na ginagawa ng Saksi ni Jehovah kay Yahushua at Miguel sa kanilang N.W.T. (2013 revision), pinasisinungalingan ang kanilang buong doktrina. Idinugtong nila ang Lucas 10:18 sa Pahayag 12:7-9. Sa ebanghelyo ni Lucas, sinabi ni Yahushua na nakikita niya si Satanas na bumagsak na gaya ng kidlat mula sa langit:
“At sinabi niya sa kanila: ‘Nakikita ko si Satanas na bumagsak na gaya ng kidlat mula sa langit’” (Lucas 10:18, N.W.T. 2013 revision).
Ang salitang “bumagsak” ay isang karugtong na bahagi sa Pahayag 12:7-9, kung saan si Miguel ay nakikipaglaban sa Diyablo at ibinagsak siya sa lupa:
“Pagkaraan nito’y nagkaroon ng digmaan sa langit. Si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon at sa mga kampon nito. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at hindi na sila pinayagang manatili sa langit. Itinapon ang napakalaking dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon” (Pahayag 12:7-9, N.W.T 2013 revision).
Maaari nating ipahayag mula sa kanilang koneksyon na magmula na si Yahushua ay nasa lupa na nakikita ang Diyablo na pinalayas ni Miguel sa langit, hindi sila maaaring maging iisang tao sa dalawang magkaibang kaganapan at lugar sa kaparehong panahon.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni T.R. Guerreiro.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC