Si Yahushua Lang Ba Ang Tanging “Kristo” Sa Bibliya?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Si Yahushua Lang Ba Ang Tanging “Kristo” Sa Bibliya? Ang karamihan ay tiyak na tutugon ng isang matunog na “Oo!” Gayunman, ang tamang kasagutan ay HINDI. Si Yahushua ay hindi lamang ang Kristo na lumilitaw sa Bibliya.
Kunin sa talaan ang orihinal na mga wikang isinulat ang Kasulatan, iyon ay Hebreo, Aramaiko at Griyego. Mayroong ilang salita na hindi isinalin kundi isinatitik. Ang salitang “Mesias” ay isa sa mga salitang iyon, mula sa Hebreo na Mashiach. Sa Griyego, ito ay Christos.
Kaya ano ang ibig sabihin ng Mesias o Kristo? Ito’y nangangahulugan na pinahiran o pinili ni Yahuwah bilang lider, o hari (1 Mga Hari 2:10-12). Dahil dito, sa Bibliya ay maraming “mesias.”
Narito ang ilan sa mga halimbawa:
- Ang pari ng templo (Levitico 4:3, 6, 16; 6:22)
- Ang mga patnyarka (Awit 105:15; 1 Paralipomeno 16:22)
- Haring Saul (1 Samuel 12:3, 5; 24:6, 10; 26:9, 11, 16, 23; 2 Samuel 1:14, 16, 21)
- Haring David (2 Samuel 19:21; 22:51; 23:1; Awit 18:50; 20:6; 28:8)
- Haring Solomon, minsan (2 Paralipomeno 6:42)
- Ang paganong haring Ciro (Isaias 45:1)
- Ang panghinaharap, Mesyanikong tao (1 Samuel 2:10, 35; Awit 2:2; 89:51; 132:10, 17; Daniel 9:25-26; Habacuc 3:13)
Sapagkat nakikita natin, maraming “kristo” ang nauna kay Yahushua, ngunit siya ang huling “Kristo.” Ang titulong “Mesias” ay hindi maaaring si Yahuwah mismo, dahil ang Mesias o Kristo (pinahiran) ay ahente ng Isang Tunay na Yahuwah (Juan 17:3).
Bilang huli at ipinangakong Mesias, si Yahushua ay isang Propeta, Pari, at Hari. Iyon ay dahil si Yahuwah ang Ama ay itinalaga siya nang higit sa lahat ng kanyang mga hinalinhan, ang kanyang “mga kasamahan” (Hebreo 1:9).
Upang tapusin, si Yahushua ang piniling lider ni Yahuwah na mamumuno sa lupa. Si Yahushua ang pinahiran (Kristo) ni Yahuwah (Lucas 9:20). Ang Hari ng sanlibutan na darating, ang Kaharian ni Yahuwah sa lupa, na itatatag sa nakikitang parousia ni Yahushua mula sa langit.
Sa kadahilanang ito kaya si Yahushua ay inutos sa atin sa bawat araw para sa pagdating ng Kaharian ng kanyang Ama na si Yahuwah (Mateo 6:10). Ito ang magiging katapusan ng kasalukuyang panahon ng kasamaan na pinamumunuan ni Satanas at ang pagsisimula ng walang hanggang panahon na darating na magiging puno ng kapayapaan at katuwiran.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Yasser Gaitan.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC