Umiiral Ba Si Yahushua? Isang Tugon Sa www.jesusneverexisted.com
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Si Humphreys, ang “mananalaysay” sa https://www.jesusneverexisted.com ay sinusubukan na gumawa ng kaso na si Yahushua ay hindi kailanman umiral at ang Kristyanong mensahe ay walang bago o natatangi. Gaano matuwid ang paninindigang ito?
…wala sa “Kristyanong mensahe” ay orihinal. Ang kapatirang pag-ibig at pagkahabag ay itinuro ng mga Stoiko sa loob ng maraming siglo. Ang Kristyanong pananampalataya ay isang masagwang paganismo, itinakda sa tema ng mga Hudyong propeta at pinahina ng pangrelihiyong pagkapanatiko… isang nagsalamangkang “buhay” mula sa misteryosong pantasya, isang bigat ng mga hiram na sipi, kinopyang mga elemento ng kwento at isang korpus ng pagpapalagay na naninilbi sa sarili, hindi bumubuo ng isang makasaysayang katunayan.1
Ginawa niya ang paninindigang ito, nang walang ebidensyang batayan, isipin mo, tanging sa isang pagpapahayag ng kanyang sariling pagpapaliwanag ng kasaysayan, na ipinagsawalang-bahala ang mga talaan na matatagpuan sa Mateo, Marcos, Lucas, at Juan, at tinatanggihan pa ang patotoo ng mga hindi naman tagasunod ni Yahushua, gaya ng unang siglo na Hudyong mananalaysay, si Josephus Flavius na nagsulat sa kanyang Antiquities:
Ngayon, mayroong tungkol sa panahon ito na si Hesus [Yahushua], isang matalinong tao, kung alinsunod sa batas na tawagin siya na isang tao, sapagkat siya ay gumagawa ng mga kahanga-hangang gawa—isang guro ng mga tao na tumatanggap ng patotoo nang may kaluguran. Inilapit sa kanya ang napakaraming mga Hudyo, at mga Hentil. Siya ang Kristo; at noong si Pilato, sa panukala ng mga pangunahing tao sa gitna niya, ay hinatulan si Kristo sa krus, iyong mga inibig niya sa una ay hindi niya pinabayaan, sapagkat lumitaw siya sa kanila, muling nabuhay sa ikatlong araw, dahil ang mga banal na propeta ay nahulaan ang mga ito at sampung libo pang kahanga-hangang bagay tungkol sa kanya; at ang lipi ng mga Kristyano, kaya ipinangalan sa kanya ay hindi nalipol sa panahong ito.2
Natanto ko na maraming iskolar ang ibig sabihin na ito ay isang agaw na idinagdag nang huli ng mga kinopya ang teksto, ngunit hindi ito maaaring mabatid nang sigurado! Kahit na ilang bahagi nito ay pinalamutian, ang LAHAT ng ito ba ay pinalamutian? Paano makatitiyak ang sinuman na si Josephus ay hindi idinagdag ang mga pagbabago? Nabanggit rin ni Josephus si Santiago, ang kapatid ni Yahushua, sa kanyang Antiquities, nagsasabi:
Si Festus ay sumakabilang-buhay na, at si Albinus ay nasa kalsada na lang; kaya tinipon niya ang Sanhedrin ng mga hukom, at hinatid sa harapan nila ang kapatid ni Hesus [Yahushua], na tinawag na Kristo, na ang pangalan ay Santiago, at ilan pang iba, [o, ilan sa kanyang mga kasamahan]; at noong binuo niya ang isang akusasyon laban sa kanila bilang mga lumabag sa batas, hinatid sila na batuhin: ngunit sa mga tila pinaka makatarungan na mga mamamayan, at ang mga pinaka nababalisa sa paglabag sa kautusan, namumuhi sila sa nagawa; ipinadala sila sa hari [Agrippa], nagnanais sa kanya na ipadala kay Ananus na hindi na siya dapat pang kumilos, sapagkat sa nagawa na niya ay hindi pangatuwiranan; hindi, ilan sa kanila ay tumungo upang makita si Albinus, mula sa kanyang paglalakbay mula sa Alexandria, at ipinahayag sa kanya na hindi naaayon sa batas para kay Ananus na tipunin ang isang Sanhedrin nang wala ang kanyang paalam. Kung saan sumunod si Albinus sa anumang sinabi nila, at nagsulat nang poot kay Ananus, at pinagbantaan na magdadala siya ng kaparusahan para sa nagawa niya; kung saan si haring Agrippa ay kinuha ang mataas na kaparian mula sa kanya, na pinamunuan niya lamang ng tatlong buwan, at ginawa si Hesus, ang anak ni Damneus, na dakilang saserdote.
Pansinin na si Josephus ay binanggit ang dalawang Yahushua. Ang isa na ang “Kristo,” ang isa pa ay ang “anak ni Damneus.”
Si Pliny ang Mas Bata, gobernador ng Bythinia, nagsulat mga 110 AD kay Trajan, ang Romanong emperador, ay sinasabi na hindi niya nalalaman kung paano ang iba ay nakikitungo sa mga Kristyano, ngunit inilalarawan kung paano nagpasya na pamahalaan sila:
Hindi ako kailanman lumantad sa pagsisiyasat ng mga Kristyano [sa pamamagitan ng iba], kung saan ang talaan na hindi ko kilala ay minsang tinanong, at ano, at gaano na katagal silang pinarusahan; hindi ang aking mga pagdududa ay munti, kung walang isang pagkakaiba na ginawa sa pagitan ng mga edad [ng inakusahan]? At kung ang malambot na kabataan ay dapat pareho ang kaparusahan sa malakas na matanda? Maging walang puwang para sa kapatawaran sa pagsisisi? O kung maaari ay hindi isang kalamangan sa naging isang Kristyano, na siya ay tinalikuran ang Kristyanismo? Kung ang pangalan lamang, nang walang kasamang krimen, o ang mga krimen ay sumusunod sa pangalang iyon… ay maparusahan? Samantala, kinuha ko ang kursong ito tungkol sa mga hinatid sa akin bilang mga Kristyano. Tinanong ko sa kanila kung sila ba ay mga Kristyano o hindi? Kapag inamin nila na sila’y mga Kristyano, tatanungin ko uli sila, at isa pa, pinaghalu-halo ang mga pagbabanta sa mga katanungan. Kung sila’y nagtiyaga sa kanilang pag-amin, ipinag-utos na sila’y bitayin; sapagkat hindi ko pinagdudahan kundi, hayaan ang kanilang pag-amin na maging anumang ayos, ang pagiging positibong ito at matatag na kasutilan ay dapat lang parusahan.3
Ang Romanong mananalaysay na si Tacitus ay nagsusulat sa kanyang Annals na ang mga Kristyano ay inusig noong 64 AD ng emperador na si Nero. Matapos ang apoy na sumira sa karamihan ng siyudad ng Roma, tinangka niya na pawiin ang mga alingawngaw na siya ang nagpasimuno ng apoy sa paglilipat ng kasalanan mula sa kanya tungo sa mga Kristyano.
Upang puksain ang ulat, pinabilis ni Nero ang pagkakasala at inilabas ang pinakamatinding mga pagpapahirap sa isang antas na kinamuhian para sa pagiging kasuklam-suklam ng mga ito, tinawag na mga Kristyano ng madla. Si Christus, ang pangalan na pinagmulan nito, ay nagdusa ng napakalubhang kaparusahan sa panahon ng pamumuno ni Tiberius sa kamay ng isa sa aming prokurador, si Pontius Pilatus, at isang pinakapilyong pamahiin, kaya sinuri nang sandali, muli ay sumiklab hindi lamang sa Hudea, ang unang pinagmulan ng kasamaan, kundi maging sa Roma, kung saan ang lahat ng mga bagay na kasuklam-suklam at kahiya-hiya mula sa bawat bahagi ng mundo ay nahanap ang kanilang sentro at naging tanyag. Nang alinsunod, isang pagdakip ang unang ginawa sa lahat ng umaming nagkasala; pagkatapos, sa kanilang impormasyon, isang dami ng mga tao ang hinatulan, hindi sa krimen ng pag-arson ng siyudad, kundi ng pagkapoot laban sa sangkatauhan. Ang pangungutya ng bawat uri ay idinagdag sa kanilang mga kamatayan. Binalutan ng mga balat ng mabangis na hayop, sila’y ginutay-gutay ng mga aso at nalipol, o kaya’y ipinako sa mga krus, o sinunog nang buhay, upang magsilbing liwanag sa gabi, kapag ang araw ay lumubog na.4
Seutonius, isa pang Romanong mananalaysay, nagsusulat sa The Twelve Caesars, nagpapatunay sa mga salita ni Pliny, sinasabi ang tungkol kay Nero na matapos ang apoy sa Roma, “ang mga kaparusahan ay ibinigay sa mga Kristyano, isang sekta na ngapapahayag ng isang bago at aligutgot na paniniwalang pangrelihiyon.”5 Mayroon pang mga sanggunian kay Yahushua ng ikalawang siglo na palabas, Lucian. Sa palabas na ito, The Passing of Peregrinus, kinutya niya ang eskematiko at mapanlinlang na simbahan, na ang lider ay ipinako sa krus sa Palestino,6 sa pagyakap sa isang tampalasan na nagsasamantala ng kanilang pagiging mapagbigay.
Upang sabihin na ang mga Kristyano ay “lumikha” ng isang relihiyon sa pagdidikit ng mga mito, mga piksyonal na salaysay, at hiram na mga parirala ay isang walang katotohanang angkin, dahil ang mga sinasabi ni Kristo ay lubos na dakila at lubos na rebolusyonaryo kaya ang manlilikha ng salaysay na ito ay isa sa pinakamatalinong mga tao na umiral. Sapagkat isinulat ni Joseph Parker sa Ecce Deus, “tanging isang Kristo ang maaaring ipinaglihi ng isang Kristo.”7
Posible ba na ang sinaunang mundo ng polyteismo, na noon pa man ay lumikha ng walang tunay na moralidad, maaari na magbigay ng kapanganakan sa mito ni Kristo at kasalukuyang lumikha ng isang huwarang tao? Isa sa mga suliranin sa Stoisismo, halimbawa, ay ang kawalan ng kakayahan na lumikha ng kanilang “matalinong tao” sa hugis ng tao. Sila’y tumanaw sa kawalan para sa “tao” na ito, at sa isang parodya kay Zeno, ang tagapagtatag ng Stoisismo, na nagsabi, “Makatuwiran na parangalan ang mga diyos: hindi makatuwiran na parangalan ang hindi umiiral: dahil dito ang mga diyos ay umiiral,” natagpuan nila ito nang nararapat upang dumulog sa kaparehong paikot na pangangatuwiran pagdating sa paghahanap ng sakdal na modelo, “Makatuwiran na parangalan ang mga matatalinong tao: hindi makatuwiran na parangalan ang hindi umiiral: dahil dito ang mga matatalinong tao ay umiiral.”8 Subalit wala silang matagpuan na matalinong tao. Hindi rin nila ito maisip. Ang kanilang mga diyos ay bumagsak nang malayo sa huwaran.
Ngunit ngayon, ipapalagay ba natin na ang isang hindi maliwanag na manunulat ng hindi kilala ang pinagmulan ay kahit paano nagawang lumikha ng “matalinong tao” ng mga Stoiko, at subalit ay walang banggit ng lumikha o utak nito? Kung ang taong ito, na lumikha ng sakdal na salaysay ng Diyos, ay umiiral, bakit saanman ang ilang tao ay hindi mabanggit ang manunulat na ito? Sa halip, ang salinlahi ng binigyan ng apat na naiibang mga talaan ng aktwal na buhay ng taong ito, si Kristo Yahushua. Itatapon ba natin ang mga patotoong ito nang ganon na lang, lalo na kapag sila’y sumang-ayon nang tumpakan sa mga sekular na makasaysayang talaan, at naniniwala sa halip sa pag-iral ng isang nakatagong may-akda, kapag walang ebidensya ano pa man na ang manunulat na ito ay umiral? Sa ibang salita, upang hindi maniwala sa makasaysayang Yahushua, tayo, sa halip ay maniniwala sa isang matalinong may-akda na hindi kilala kapag walang talaan ng taong ito na umiral. Alin ang kumukuha ng mas maraming pananalig?
Karapat-dapat din na itanong kung paano, buhat nang ang mga ebanghelyo ay hindi isinulat hanggang tatlumpung taon o higit pa matapos ang kamatayan ni Yahushua, ang konsepto ng hindi tunay na Kristo ay nakakuha ng ugnayan sa lahat ng mga Kristyano na naghihingalo na sa arena, binato ng Sanhedrin, at sinusunog sa istaka ni Nero. Ito lamang ba ay sa pamamagitan ng pakikinig sa isang hindi totoong kwento, o ito’y dahil nakita at nakilala nila si Yahushua? Kung ito ay isang katha lamang, hindi ba ito ang karaniwang kaalaman? Sinong gugustuhing mamatay para doon?
Ano pa man na ang isang lihim na manunulat ay umiiral o hindi, o kung pinalamutian o hindi ang mga patotoo ng mga sekular na mananalaysay, sapagkat inangkin ng ilang nagdududa, iyong mga tinanggihan ang pag-iral ni Yahushua ay hindi maaaring itanggi na ang isang pangkat ng mga tao na tinatawag na “mga Kristyano” ay umiiral.
Isang munting pangkat ng mga “mananampalataya” ay magsasambulat sa eksena ng sanlibutan nang may silakbo at moral na kaalaban na yayanig ng isang imperyo at tuluyang magagapi ito nang hindi nagtataas ng sandata. Ang mga tagasunod ng “Ang Landas” ay inangkin na ang kanilang pagiging masigasig ay dumating bilang isang resulta ng isang tao na pinangalanang Yahushua. Iyong mga tumanggi ng makasaysayang pag-iral ni Kristo Yahushua ay ipababatid sa atin na ang alab ng simbahan ay ang resulta ng isang uri ng kwentong-bibit o mito na isang kaguluhan lamang ng paganismo at pilosopiya. Ngunit ang nilalaman ng Kristyanong mensahe ay magkasalungat sa mga “pinagkukunang” ito na ang mga ebanghelyo ay inakalang binuong pinagmulan.
Kaya ang katanungan ay: Saan nagmula ang mga Kristyanong ito? Tayo ba ay maniniwala na sila’y “kusang-loob na nilikha” gaya ng mga langaw mula sa nabubulok na karne o sila’y lumutang mula sa sinaunang sabaw?
Ang mga Griyegong mito ay nagmula kay Homer, at ang mga kasulatang Mormon ay nagmula kay Joseph Smith. Ang Budismo ay mayroong Buda at ang komunismo ay mayroong Karl Marx. Muli, tanong ko, ang pinagmulan ba ng Kristyanismo ay natagpuan kay Yahushua, gaya ng maraming patotoo, o sa isang hindi kilalang multong manunulat na gumawa ng buong kwento? Sino ang “nagsasalamangka ng isang ‘buhay’?”
At hindi ba karapat-dapat na banggitin na halos lahat ng mga alagad na tinukoy sa mga piksyonal na salaysay na ito ay hinatulan ng kamatayan dahil sa kanilang mga paniniwala? Nanaisin ba nilang mamatay para sa isang kwentong-bibit o isang kasinungalingan? Si John Foxe, sa kanyang Book of Martyrs, ay inilarawan ang mga gawa at mga kamatayan ng mga alagad ni Yahushua. Sa kanilang panunumpa sa “kwentong-bibit” na karakter, si Yahushua:
Nagturo si Tomas sa mga Parthians, Medes at Persians, pati rin sa Carmanians, Hyrcanians, Bactrians at Magians. Nagdusa siya sa Calamina, isang siyudad sa Indya, napatay mula sa isang tunod. Si Simon, na kapatid ni Judas, at sa mas nakababatang Santiago, lahat ay mga anak nina Maria Cleophas at Alpheus, ay ang Obispo ng Jerusalem matapos si Santiago, at ipinako sa krus sa isang siyudad sa Egipto sa panahon ni Trajan ang emperador. Si Simon ang apostol, tinawag na Cananeus at Zelotes, ay nagturo sa Mauritania, at sa bansa ng Aprika, at sa Britanya: siya rin ay ipinako sa krus.9
Ayon kay Clement, si Santiago, ang kapatid ni Juan, ay pinugutan. At tumungo si Foxe sa pagsabi na ang tradisyon ay mayroon nito na si Marcos ay sinunog nang buhay sa Egipto. Si Bartholomew ay “pinalo-palo ng mga tungkod, pagkatapos ay ipinako sa krus at matapos… siya ay pinugutan.”10 Si Andrew ay ipinako sa krus ng mga Aegeas sa siyudad ng Patrae. Itinuro ni Mateo si Yahushua “ang kwentong-bibit” sa Egipto at Ethiopia, matapos nito ay si Haring Hircanus ay “nagpadala ng tao upang habulin siya ng isang sibat.”11
Si Felipe ay ipinako sa krus at binato sa siyudad ng Hieropolis. At si Santiago, ang kapatid ni Yahushua, ay pinatalsik mula sa Templo sa araw ng Paskua, ngunit hindi namatay at nagsimulang manalangin para sa kanyang mga tagausig noong siya ay tinamaan sa ulo ng isang tao sa nagkakagulong kawan ng isang pudpod na instrumento at napatay.
Ang mga taong ito ay totoong mga tao sa mga totoong lugar, hindi mga diyos sa Bundok Olympus! At hindi tulad sa mga Islamikong terorista, na namatay upang makamit ang langit, habang hindi nakikita si Allah o nakikilala si Muhammed, na namuhay maraming siglo ang lumipas, ang mga alagad ay sabay na namuhay kasama si Kristo. Kung siya ay hindi totoo, kung siya sa halip ay isang karakter na nilikha ng isang multong manunulat, mananatili pa kaya sila na isuko ang kanilang sarili nang masidhi? Si Yahushua ay isang tao, isang kaibigan, at kapatid sa kanila. Kung siya ay hindi totoo, mayroong sisigaw? Subalit walang talaan saanman ng sinuman—Romano, Hudyo, Griyego, o iba pa—na nagpapahayag na siya ay hindi umiiral. Wala bang isang panawagan o isang tugon mula sa mundo ng mga Romano saanman na ang mga taong ito ay delusyonal? Wala bang mangungutya sa kanila? Wala bang sinuman ang magbabanggit na ang kanilang kwento ay gawa-gawa lang? Kung tutuusin, ang mga Kristyano na pinatay at ipinako sa krus ng mga hari, pari, at madla sa lahat ng sinaunang mundo—sila’y hindi nanatiling malabo—at subalit walang tangka saanman na siraan sila sa pagsabi na si Yahushua ay isa lamang mito!
Ang kwento ni Kristo Yahushua ay isang aktwal na talaan sa tunay na panahon kasama ang mga totoong tao na mayroong mga pangalan at namuhay sa mga aktwal na siyudad at bayan. Ito’y hindi isang kwentong-bibit na may mga kathang-isip na pangalan at mga gawa-gawang pigura. Walang pantasyang tahanan sa isang hindi kilalang kakahuyan kung saan si Snow White ay makakasama ang pitong duwende at ipagtatanggol mula sa isang mangkukulam. Sa halip, ang mga ebanghelyong talaan na nabanggit sina Augustus, Herod, ang Dagat ng Galilee, ang Templo, mga totoong tao na itatala sa kasaysayan, gaya ni Pontio Pilato, at ang mga kaganapan gaya ng kinuhang sensus sa panahon na si Quirinius ay ang gobernador ng Sirya. Sinuman sa sinaunang mundo ay maaaring pagtalunan ang mga katunayang ito at ipahayag na mga kasinungalingan. Maaari nilang makapanayam ang sinumang nabanggit sa mga ebanghelyo at tanungin sila kung ano ang totoong naitala, ngunit walang sinuman. Sa halip, mayroong mga sanggunian kay Yahushua sa sekular na mga pinagkukunan, na nagtuturing sa kanyang pag-iral bilang isang bagay ng katotohanan.
Iyong mga nag-aangkin na si Yahushua ay hindi umiral ay magmataas na nagmumungkahi na iyong mga “walang alam” na naniniwala kay Kristo ay kailangang maliwanagan. Makinig sa saloobin at tono ng mga inaangkin na si Yahushua ay hindi kailanman umiral:
“Sa tingin ninyo ba na ito’y nagsimula sa isang nagbabanal-banalang gumagawa ng kahanga-hanga na Hudyo, nagpapalaboy-laboy tungkol sa unang siglong Palestino? Humanda na maliwanagan.”12
Subalit tila ito para sa akin na iyong mga kailangan na maliwanagan ay iyong mga mapagmataas na iginigiit na si Yahushua ay likhang-isip—nang walang ebidensya na manindigan maliban sa kanilang sariling “nagsasalamangka ng isang ‘buhay’”—ang misteryosong manunulat. Sino ang tunay na mga “sarili lang ang pinaglilingkuran” na mananapalaran na hindi kayang harapin ang makasaysayang katunayan?
1 Ken Humphreys, “Godman—Gestation of a Superhero,” www.jesusneverexisted.com (nakuha noong 2/14/2009).
2 Flavius Josephus, The Works of Flavius Josephus, Volume II, isinalin ni William Whiston (New York: A.L. Burt, n.d.), 443.
3 Pliny the Younger, “Pliny’s Epistle to Trajan About 112 CE,” PBS Online, Frontline: From Yahushua to Christ: The First Christians, http://www.pbs.org/wgbh/pages/frontline/shows/religion/ (accessed 2/14/2009).
4 P. Cornelius Tacitus, The Annals and Histories. Isinalin ni Alfred John Church, William Jackson Brodribb (Chicago: William Benton, 1952), 168.
5 Seutonius, The Twelve Caesars, isinalin ni Robert Graves (Baltimore, MD: Penguin Books, 1960), 217.
6 Lucian, “Lucian of Samasota: The Passing of Peregrinus,” The Tertullian Project, http://www.tertullian.org/rpearse/lucian/peregrinus.htm (accessed 2/9/2008).
7 McDowell, Evidence, 127.
8 Edward Vernon Arnold, Roman Stoicism: Being Lectures on the History of the Stoic Philosophy with Special Reference to its Development Within the Roman Empire (Cambridge, MA: Cambridge University Press, 1911), 286.
9 John Foxe, Foxes’ Book of Martyrs (Pittsburgh, PA: Whitaker House, 1981), 7.
10 Ibid.
11 Ibid., 9.
12 Kenneth Humphreys, “Yahushua—The Imaginary Friend,” www.Yahushuaneverexisted.com (nakuha noong 2/14/2009).
13 Kinilala ni Plato ang kakulangan ng mga Griyegong diyos bilang isang pinagkukunan ng edukasyon para sa kabataan dahil sila’y hindi magigiting kundi mga makasarili, at, dahil dito, ay hindi maaaring gamitin bilang mga modelo para sa kanyang “Republika.” Sinabi niya na ang mga mito, na puno ng mga kwento ng kasibaan at kasakiman, ay “malamang mayroong masamang epekto sa mga tagapakinig; sapagkat ang lahat ay magsisimulang pangatuwiranan ang kanyang mga bisyo kapag siya ay nakumbinsi na ang kaparehong kasamaan ay palaging pinanatili” ng mga diyos. Dahil dito’y naisip niya na kailangang “bigyan ng katapusan ang mga ganoong kwento, maliban kung magbunga ang mga ito ng kapabayaan ng moralidad sa mga kabataan.” (The Works of Plato, Four Volumes in One. Isinalin ni B. Jowett [New York: J.J. Little and Ives Co., n.d.], 93.) Marami sa sinaunang simbahan, gaya ni Justin Martyr, ay naisip na si Plato ay isang Kristyano kung nabuhay siya nang matagal upang makita si Kristo. Isang partikular na nakatutuksong makita ang The Allegory of the Cave bilang isang paghahanap kay Kristo.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Dina Lesperance.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC