Ang mga sumusunod ay 9
na karaniwang pagtutol na pinalaganap laban
sa Biblikal na Lunar Sabbath, at kani-kanilang mga Kasagutan.
PAGTUTOL #1: “Ang kalendaryong luni-solar ay maaaring gumana sa perpektong klima
kapag ika’y naninirahan sa ekwador. Gayunman, hindi ito magagamit nang maayos
kapag ika’y naninirahan malapit sa Hilaga o Timog polo.”
SAGOT: Ang kagandahan ng kalendaryo ng Manlilikha ay ipinapakita na ito ay perpektong magagamit para sa Hilagang Polo at Timog Polo, gayon din sa ekwador.
Ang bagong taon sa kalendaryong luni-solar ay nagsisimula sa tagsibol, kung saan nasa pagitan ng tindi ng tag-init at taglamig, maging sa mga rehiyon ng Artiko.
Kapag ang astronomikong alituntunin ng kalendaryong luni-solar ay naunawaan, ang kalendaryo para sa taon ay maaaring kalkulahin mula sa Bagong Buwan ng unang buwan sa panahon ng tagsibol.
Sapagkat ang mga buwang lunar ay may 29.5 na araw ang haba, ang sinuman ay makakalkula sa karaniwan ang bawat buwan maging ito man ay 30 araw na buwan, o maging 29 na araw na buwan. Ito’y marahil ang dahilan kung paanong ang mga Kristyano ay nagawa ito nung sila’y napilitang magtago sa mga katakumba o kaya’y naging alipin sa mga minahan at hindi makita ang kalangitan.
Sapagkat ang Bagong Buwan ay maaaring makalkula nang tiyak, ang pagsamba gamit ang kalendaryong luni-solar sa mga rehiyong Artiko ay hindi magiging problema, gayunman. Kapareho lang din sa ginagawa ng mga sumasamba sa araw ng Sabado sa kaledaryong Gregorian, ay sinuma’y mapapanatili ang banal na oras mula sa paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi.
Ang kalendaryong ng Paglikha ay ang pinakamagiliw gamitin sa lahat ng mga kalendaryong ginawa at maaaring tiyak na magamit ng lahat, saan man tayo naninirahan.
PAGTUTOL #2: “Ang Talmud ng mga Hudyo ay malinaw na hindi tinataguyod ang lunar
Sabbath. Tinutukoy nito ang panalangin na sinasabi na ’Kapag ang Bagong Buwan
ay tumapat sa Sabbath’ at may espesyal na tagubilin para sa Paskua, ’Kapag ang ikalabing-anim
ay tumapat sa Sabbath.’ Ang mga ganung pahayag ay hindi maaaring gawin kapag,
sa katunayan, ang mga Hudyo na sumasamba sa lunar Sabbath sapagkat, ayon sa
kalendaryong lunar, wala sa mga Araw ng Bagong Buwan at ika-16 na araw ng buwan
ang tatapat sa sanlingguhang Sabbath.”
SAGOT: Ang Talmud ay naisulat matapos ang pagkawasak ng Jerusalem noong AD 70. Habang ang mga tiyak na bagay ay maaaring maglarawan sa patotoo ng Bibliya, ang mga ganung punto ay maaari lamang itatag, kapag ikinumpara sa iba pang ebidensya ng Kasulatan.
Habang sa panahon ng Tagapagligtas sa lupa, ang mga Israelita ay patuloy pa ring ginagamit ang orihinal na kalendaryo. Ang mataas na pari, na laging nasa pamumuno ng klaseng Saduceo, ay responsable para sa pagdedeklara kung kailan magsisimula ang bagong buwan. Ang mga Pariseo, na kinikilala ang ”mga tradisyon ng tao”, ang Tagapagligtas ay labis na tinuligsa, HINDI na nila nakontrol ang kalendaryo.
Ito ay labis na napakahalagang punto sapagkat ang kalendaryo na ginagamit ng mga Hudyo ngayon upang kalkulahin ang kanilang mga kapistahan ay isang korap na pagbabago ng orihinal na kalendaryo. Ito ay binalangkas ng mga Pariseo at kanilang ipangatwiran ang pagbabagong ito sa pamamagitan ng kanilang mga sinasalitang tradisyon.
“Sa pagkawasak ng Templo (70 A.D.) naglaho ang lahat ng mga Saduceo, iniwan ang lahat ng mga alituntunin at kapakanan ng mga Hudyo sa kamay ng mga Pariseo. Magmula noon, ang pamumuhay ng mga Hudyo ay pinangasiwaan ng mga Pariseo; ang buong kasaysayan ng Hudaismo ay muling itinayo mula sa Pariseikong pananaw, at ang bagong aspeto ay ibinigay sa Sanhedrin ng lumipas. Isang bagong tanikala ng tradisyon ang pumalit sa sinaunang tradisyon ng kaparian (Abot 1:1). Ang Pariseismo ay hinugis ang katangian ng Hudaismo at ang pamumuhay at pag-iisip ng mga Hudyo para sa lahat ng hinaharap.” (“Pharisees,” The Jewish Encyclopedia, Vol. 9, [1901-1906 ed.], p. 666.)
Para gamitin ang Talmud at ”patunayan” na ang kalendaryong luni-solar ay mali, ay walang uri na magpapatunay. Magpapatunay sa lahat na, ang mga tradisyon ng mga Pariseo ay nagtagumpay matapos ang mga Israelita ay tinanggihan ang kanilang Messiah.
“Ang Pariseismo ay naging Talmudismo . . . subalit ang diwa ng sinaunang Pariseo ay nanatili at di nagbago. Kapag ang Hudyo ay pinag-aralan ang Talmud, siya ay sa katunayang inuulit ang mga argumento ginamit sa Palestinong akademya. Ang diwa ng doktrina ng mga Pariseo ay nanatiling mabilis at mahalaga.” (Louis Finklestein, The Pharisees: The Sociological Background of their Faith, [Jewish Publication Society of America], Vol. 4, p. 1332.)
Ang mga makabagong iskolar na Hudyo ay ibinatay ang kanilang mga paniniwala sa Talmud kung saan, sinundan, direkta mula sa mga doktrina ng mga Pariseo. Ang Tagapagligtas ay naghahangad na palayain ang banal na kautusan at ang Sabbath mula sa mga ”tradisyon ng mga matatanda” na ito. Batayin ang paniniwala sa Talmud ay upang itatag ang paniniwala ng sinuman sa mismong mga tradisyon na tinuligsa ng Messiah.
PAGTUTOL #3: “Ang salitang ’sanlinggo’ ay mula sa salitang pito. Walang duda,
tinutukoy nito ang paulit-ulit na pag-ikot ng pitong araw! At saka – ang araw
ng Sabado ay kung kailan ang mga Hudyo ay sumasamba!”
SAGOT: Ang salitang Hebreo na ’shabuwa’ ay ibig sabihin, literal na, ”pito,” sapagkat ang sanlinggong Hebreo ay pitong araw ang haba. Ito ay isinalin sa Ingles bilang ”sanlinggo.” Iba’t-ibang kultura sa buong panahon ay may mga sanlinggo ng iba’t-ibang haba.
Iba’t-ibang lugar sa Aprika ang may tatlo, apat, lima, anim at walong araw na mga sanlinggo, nakasentro sa mga merkadong araw. Sa katunayan, sa bansang Konggo, ang salitang “sanlinggo” ay kapareho sa salitang “merkado.”
Ang mga Mayan ng Yucatan ay may kumpol ng limang araw na mga sanlinggo. Ang mga Muyscas ng Timog Amerika, tinatawag din na Bachica, ay may tatlong araw na sanlinggo habang ang Chibchas ay may apat na araw na sanlinggo.
Ang mga Etruscans at mga Romano ay may walong araw na sanlinggo, habang ang mga Egyptians at ang Rebolusyonaryong Pranses ay may 10 araw na sanlinggo.
Wala sa kahulugan ng salitang ”shabuwa”, gayunman, ang tumutukoy sa pag-ikot ng mga sanlinggo. Magmula pa noon, lahat ng sanlinggong pag-ikot ay muling nagsimula sa Bagong Buwan. Ang katunayan na ang makabagong sanlinggo ay isang patuloy na umiikot na sanlinggo ay maaaring maiugnay sa iba’t-ibang mga kadahilanan, ngunit HINDI sa orihinal na kalendaryo ng Paglikha.
Isang iskolar na Hudyo, propesor sa Rutgers University, nagbunyi na:
“Ang patuloy na pag-ikot ng pitong araw na tumatakbo saanman sa kasaysayan na hindi pinapansin kahit ano pa man sa buwan at sa mga anyo ay katangi-tangi na imbensyon ng mga Hudyo. Higit pa rito, ang paghihiwalay ng pitong-araw na sanlinggo mula sa kalikasan ay naging isa sa mga pinakamahalagang kontribusyon ng Hudaismo sa sibilisasyon. . . . pinadali nito ang pagtatatag na tinutukoy ni Lewis Mumford bilang ’mekanikong pana-panahon,’ kaya talagang umangat ang distansya sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan. Ang sanlinggong Quasi; mga sanlinggong pag-ikot na muling nagsisimula sa Bagong Buwan at patuloy na umiikot na sanlinggo sa katunayan ay kumatawan sa dalawang panimulang naiibang paraan ng makalupang organisasyon ng buhay ng tao, ang dating konting kinabilangang pagbabago sa kalikasan at ang huling magbibigay-diin sa ganap na paglaya mula rito. Ang imbensyon ng patuloy na sanlinggo ay samakatuwid isa sa pinakamahalaga at pambihirang tagumpay sa tangka ng sangkatauhan na lumaya mula pagiging bilanggo ng kalikasan at gumawa ng sarili nilang panglipunang mundo.” (Eviatar Zerubavel, The Seven Day Circle: The History and Meaning of the Week, p. 11).
Ang pahayag na ito ay walang iba kundi isang pag-amin sa isang paghihimagsik. Ito ay dapat maunawaan sa konteksto ng mga pag-amin ng mga Hudyo na ang makabagong Hudaismo ay espiritwal na tagapagmana ng mga Pariseo, na ang mga ”tradisyon,” mga ”pagbabago,” at mga ”kasinungalingan” ay mga tinuligsa ng Tagapagligtas.
PAGTUTOL #4: “Napakaimposible na bilangin ang Pentecostes sa kalendaryong
luni-solar.”
SAGOT: Kabaliktaran nito, ang tanging paraan upang mabilang nang tama ang Pentecostes ay sa pamamagitan ng kalendaryong luni-solar, sapagkat sa pamamagitan lamang ng kalendaryong Biblikal ay makukuha ang lahat ng mga kinakailangan para sa kalkulasyon ng Pentecostes.
Nagbigay ang Kasulatan ng tatlong takdang-oras na parametro na dapat makuha upang mabilang nang tama ang Pentecostes. Ang mga ito’y malinaw na ibinigay sa Levitico 23:15 at 16:
“Mula sa kinabukasan ng Araw ng Pamamahinga, araw ng pagdadala ninyo ng bigkis na ani, magpapalipas kayo ng pitong linggo; ang ikalimampung araw ay tatama sa kinabukasan ng Araw ng Pamamahinga. Sa araw na iyon, magdadala kayo ng handog na pagkaing butil.” (Levitico 23:15-16, MBB)
Ang tatlong kinakailangan na ipinahayag ng Kasulatan ay:
- Simulan ang pagbibilang sa Bigkis na Ani, “mula sa kinabukasan ng [Sabbath]. . .” (Tingnan ang Levitico 23:11.)
- Ang Pitong Sabbath ay dapat makumpleto.
- Magbilang nang 50 araw.
Kapag nakumpleto ang pitong Sabbath ay magbibigay ng pitong kumpletong sanlinggo, na nagsisimula sa Bigkis na Ani.
Sa susunod na araw matapos ang ikapitong Sabbath, ang bilang hanggang 50 ay magsisimula. Dadalhin ka sa ika-28 o ika-29 ng Ikaapat na Buwan, batay sa bilang ng mga araw sa Ikatlong Buwan o lunasyon. (Tingnan ang Tsart sa ibaba.) Ang buong bilang mula sa Bigkis na Ani ay humigit-kumulang na 100 araw kung saan ay ano ang aming inaasahang ibinigay na ang kapistahan ng pag-aani ay umiikot sa unang bunga ng inaning trigo ng tag-init at ang trigo ay pinanawagan na 100 hanggang 120 araw upang mahinog, o sa loob ng apat na buwan. (Tingnan ang Levitico 23:17-20.)
“Ang dakilang katangian ng selebrasyon ng Pista ng Pag-aani ay ang pagpapakilala ng dalawang tinapay na gawa mula sa unang bunga ng trigong inani.” (Pentecost, Smith's Bible Dictionary)
Nagpahiwatig din si Yahushua sa patotoong ito nang Kanyang ginawa ang pahayag na ito matapos ang Paskua:
“Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang trigo at handa nang anihin.” (Juan 4:35, MBB)
Ang mga mananalaysay at mga Biblikal na iskolar ay sumasang-ayon, na ang Pista ng Pag-aani ay nanindigan bilang pag-alala sa pagbibigay ng Kautusan sa Bundok Sinai.
“Ang araw ng Pentecostes na pinanatili ng mga Hudyo ay kapistahan rin bilang pag-alala sa pagbibigay ng kautusan sa Bundok Sinai.” (Barnes' Notes on the New Testament)
“Ang pista ng Pag-aani ay gumanap bilang pagbati sa pagbibigay ng utos...” (Matthew Henry Concise)
“Ang Pista ng Pentecostes, o ng Pag-aani . . . kapag ang unang bunga (lalo na yung trigo) ay ipinakilala; umaalala din sa pagbibigay ng Kautusan sa Bundok Sinai.” (History Of The Jewish Nation)
Kapag ang sinuman ay nagbilang ng 50 araw mula sa pag-aalay sa Bigkis na Ani sa panahon ng Tinapay na Walang Pampaalsa, samakatuwid ang Pentecostes ay maipagdiriwang nang maayos bago pa ang mga anak ng Israel ay nakaabot sa Sinai. Gayunman, sa paggamit ng kalendaryong Luni-solar, makikita natin ang takbo ng oras na inilatag ng Kasulatan na nagpapatunay na ang Biblikal at makasaysayang salaysay ng Pentecostes ay talagang isang pag-alala sa pagbibigay ng Kautusan.
Sa pagkumpleto sa pagbibilang sa Pitong Sabbath, laging tatapat ang ikapitong Sabbath sa ikawalong araw ng Ikatlong Buwan. Ipinahayag ng Exodo 19:1 na ang mga anak ng Israel ay dumating sa kaparehong araw ng buwan nang kanilang iwan ang Ehipto, ang ika-15. Narito, mayroon na tayong unang pitong araw sa ating pagbibilang hanggang 50. Ipinahayag ng Exodo 19:10-16 na, sinabi ni Yahuwah kay Moises na pabanalin ang bayan. Tatlong araw ang lumipas, bumaba si Yahuwah sa Bundok Sinai. At dahil dyan, mayroon na tayong tatlong karagdagang araw sa bilang, nagbibigay sa atin ng kabuuang 10 araw. Sa Exodo 24, sinabi ni Yahuwah kay Moises na tumungo sa Bundok kasama ang mga matatanda. Sina Moises, Aaron, Nadab, Abihu, at mga matatanda ay tumungo sa Bundok Sinai. Pagkatapos ay tinawag ni Yahuwah si Moises sa bundok. Matapos ang 40 araw, bumaba si Moises, dala ang orihinal na Talaan ng Bato na isinulat sa pamamagitan ng daliri ni Yahuwah. Ito’y magdaragdag ng 40 araw, magbibigay sa atin ng kabuuang 50 araw.
Karagdagang patunay ay ipinakita sa ika-49 na araw ng bilang, nakita natin sa Exodo 32 na idineklara ni Aaron na:
“Kinabukasan ay Kapistahan para kay Yahuwah.” (Tingnan ang Exodo 32:5.)
Bilang punong pari na itinalaga mismo ni Yahuwah, si Aaron ay tumingin sa presensya ni Yahuwah sa ”aspaltadong gawa ng batong sapiro” sa Exodo 24. At iba pa, sa gayon, ito ay hindi tiyak na kapistahan, kahit na ang mga anak ng Israel ay nilapastanganan ang sagradong araw na ito sa kanilang kaugaliang sumamba sa mga diyus-diyosan. Ito ang Pista ng Pag-aani na nakita eksakto 50 araw matapos makumpleto ang Pitong Sabbath sa kalendaryong luni-solar! Ang katunayan na tangi lamang sa kalendaryong luni-solar mabibilang at makukumpleto ang pitong Sabbath at magdadagdag ng 50 araw ay dumarating ang sinuman tungo sa tunay na Pista ng Pag-aani (Pentecostes)! Malayo mula nang pabulaanan ang lunar Sabbath, ang Biblikal na pagbibilang sa Pista ng Pag-aani ay isa sa pinakakapansin-pansing mga patunay pabor sa lunar Sabbath!
PAGTUTOL #5: “Napakaraming hindi tugmang
mga ideya para sa lunar Sabbath. Ang Diyos ay hindi ang may-akda ng
pagkalito. Kung ito ay totoo, ang mga sumasamba sa lunar Sabbath ay may
pagkakaisa sa kanilang mga paniniwala. Subalit, sila ay MAGKAKAHIWALAY, ang
iba’y pinapanatili ang Bagong Buwan sa conjunction, ang iba’y sa HULING
nakikitang gasuklay, ang ilan ay sa UNANG nakikitang gasuklay, ang iba naman ay
sa malasungay na gasuklay at ang iba’y nananatili pa rin sa kabilugan ng buwan!
Lahat ay pagkalito at dahil dito, walang alinlangan, ito ay isang pagkakamali.”
SAGOT: Ito ay walang saysay na argumento. Maaari itong gamitin laban mismo sa Kristyanismo, kung saan may daan-daang sekta na hindi nagkakaisa sa araw ng pagsamba, ang kalikasan ni Kristo, anong nangyari matapos ang kamatayan, ang buong hukbo ng ibang mga doktrina.
Ipinahayag ng Kasulatan na si Yahuwah ang nagdulot na ang tunay na Sabbath ay makalimutan.
“Tulad ng kaaway, winasak ni Yahuwah ang Israel. Giniba niya ang mga palasyo at lahat ng kuta; inilagay niya ang Juda sa walang katapusang pagdadalamhati. Pinaguho niya ang tabernakulo nito gaya ng isang halamanan; winakasan ni Yahuwah ang mga itinakdang pista at Araw ng Sabbath sa Sion.” (Tingnan ang Mga Panaghoy 2:5, 6.)
Sa Hosea, berso 11, ipinahayag ni Yahuwah na:
“Wawakasan ko na ang lahat ng kanyang pagdiriwang, ang mga kasayahan at mga araw ng pangilin, gayundin ang lahat ng itinakda niyang kapistahan.” (Hosea 2:11, MBB)
Ang mga itinakdang oras na ito para sa pagsamba ay kalkulado lahat sa kalendaryong Luni-solar ng Paglikha.
Gayunman, ibinigay din ang katiyakan – na sa mga huling nalalabing araw, lahat ng katotohanan ay manunumbalik:
“Patuloy kayong papatnubayan ni Yahuwah . . . Muli ninyong itatayo ang kutang gumuho, at itatatag ito sa dating pundasyon. Makikilala kayo bilang Tagapagtayo ng mga Nawasak na Pader, mga Tagapagtatag ng Bagong Pamayanan. Inyong igagalang ang takdang Araw ng Sabbath, huwag kayong gagawa para sa pansariling kapakanan sa araw na banal. . . .” (Tingnan ang Isaias 58:11-13.)
Ang proseso ng panunumbalik sa mga katotohanang matagal nang inilibing ay nagsimula noong Repormasyong Protestante at nagpapatuloy sa panunumbalik ng kalendaryong Biblikal at mga Sabbath nito. Ang paghuhukay sa matagal nang nakalimutang mga patotoo ay hindi madali. Ito’y nangangailangan ng dahan-dahan, at may masigasig na pagsisikap.
Gayunman, iba’t-ibang mga pananaw ang patuloy sa paghahanap na itatag muli ang mga nawawalang patotoo ay hindi isang argumento laban rito. Sa halip, lahat ay hayaan ang ating karapatang-pantao sa kalayaang-pangrelihiyon upang pag-aralan na tayo’y mahatulan tungkol sa katotohanan – para sa ating mga sarili.
PAGTUTOL #6: “Ang teorya ng lunar Sabbath
na ito ay isa lamang pagbuhay sa sinaunang kulto ng buwan, nakasuot sa
makabagong pananamit. Ito ay walang iba kundi pagsamba sa buwan.”
SAGOT: LAHAT ng panahon ay kalkulado sa pamamagitan ng paggalaw. Kung wala ang paggalaw ng mga katawang makalangit ukol sa posisyon ng daigdig, ang panahon ay hindi masusukat.
Mayroong apat na pangunahing mga kalendaryo:
Ang kalendaryong sidereal na ginagamit ang paggalaw ng mga bituin.
Ang kalendaryong solar na ginagamit ang pag-ikot ng daigdig sa araw para sa taon. Ang mga buwan ay malaya ng anuman sa kalikasan.
Ang
kalendaryong lunar ay mahigpit na batay sa pag-ikot ng buwan. Sapagkat ang taong lunar ay
mas maiksi kaysa sa taong solar, ang mga lunasyon ay ”lumulutang” sa taong
solar gaya sa kalendaryo ng Islam.
Ang kalendaryong luni-solar na ginagamit ang araw para sukatin ang haba ng taon, at ang pag-ikot ng buwan upang antabayanan ang mga buwan, o mga lunasyon.
Ang modernong kalendaryong Gregorian ay kalendaryong solar. Ang Biblikal na kalendaryo ay kalendaryong luni-solar. Hindi ibig sabihin nito ang sinuman ay sumasamba sa buwan. Ibig sabihin nito lamang ay ang buwan at ang araw ay parehong ginagamit para pag-antabay ng panahon. Ito ang papel na itinalaga sa kanila sa Genesis 1:
“At sinabi ng Elohim, ‘Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang ihiwalay ang araw mula sa gabi; at sila'y maging mga tanda, at mga pagkabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon.’ ” (Tingnan ang Genesis 1:14.)
Ang paggamit ng araw at ng buwan para sukatin ang panahon ay hindi ginagawa ang sinuman na sumasamba sa buwan.
PAGTUTOL #7: “Ang Romanong senador at
mananalaysay, Cornelius Tacitus, ginawang maliwanag na ang mga Hudyo ay
pinanatili ang Sabbath sa araw ng Sabado. Ang katunayan na ang paganong nagsama
sa mga sumasamba sa Sabbath at kay Saturn ay nagpapatunay na ang ’araw ni
Saturn’ ng mga Romano ay kapareho ng ’araw ng Sabbath’ ng Bibliya!’ ”
SAGOT: Ang Kasulatan na mismo ay tumukoy sa mga Israelita na sumasamba kay Saturn. Si Saturn ay isang planetaryong diyos.
“Ang pagdarasal sa mga planeta sa mga kani-kanilang mga araw ay bahagi ng pagsamba sa mga makalangit na katawan.” (Robert L. Odom, Sunday in Roman Paganism, p. 158.)
Ang makabagong araw ng Sabado ay ”Araw ni Saturn” at ito ay posible kapag ang mga Israelita ay sumasamba sa planetaryong diyos na ito, gagawin nila ito sa kanyang araw: Araw ng Sabado. Subalit, ang ganung klaseng pagsamba ay palagi kapag ang Israel ay nasa matinding paghihimagsik at rebelyon laban sa Langit.
Ang pinakaunang pagtukoy sa paghihimagsik ng mga Israelita at pagdakila kay Saturn ay makikita sa Exodo 32, ang paghihimagsik sa Sinai kasama ang gintong baka. Nung ginawa ang baka, sinabi nila:
“Israel, narito ang diyos mong naglabas sa iyo sa Egipto!” (Exodo 32:4, MBB)
Ang gintong baka na ito ay sumisimbulo kay Saturn:
“Ang ordinaryong paraan kung saan ang paboritong diyos ng Ehipto na si Osiris ay mistikong kumakatawan sa ilalim ng anyo ng isang batang baka o guya – ang bakang si Apis- mula saan ang gintong baka ng mga Israelita ay hiniram. Mayroong dahilan kung bakit ang baka ay hindi dapat lumabas sa angkop na mga simbulo ng diyos na kanyang kinakatawan, sapagkat ang baka na kumakatawan sa pagka-diyos ng katangian ni Saturn, ’Ang NAKATAGONG isa,’ ’Apis’ ay naging ibang pangalan lang kay Saturn.” (Alexander Hislop, The Two Babylons, p. 45)
Lumipas ang maraming siglo, nung ang kaharian ng Israel ay nahati sa pagitan ng 10 tribo sa hilaga at dalawang tribo sa timog, ang unang hari ng hilagang kaharian ng Israel, Jeroboam, muling itinalaga ang pagsamba kay Saturn.
“Naisip ni Jeroboam na kung magpapatuloy ang dating kaugalian ng kanyang mga nasasakupan, malamang na manumbalik ang mga iyon sa angkan ni David. Ito ang sabi niya sa sarili, ‘Kapag ang mga taong ito'y hindi tumigil ng pagpunta sa Templo ni Yahuwah sa Jerusalem upang mag-alay ng mga handog, mahuhulog muli ang kanilang loob sa dati nilang pinuno, si Rehoboam na hari ng Juda, at ako'y kanilang papatayin.’
“Kaya't matapos pag-isipan ang bagay na ito, gumawa siya ng dalawang guyang ginto at sinabi sa mga taong-bayan, ‘Huwag na kayong mag-abalang pumunta sa Jerusalem. Narito, bayang Israel, ang inyong diyos na naglabas sa inyo sa Egipto.’
“Inilagay niya ang isa sa Bethel at ang isa nama'y sa Dan. At ang bagay na ito'y naging sanhi ng pagkakasala ng Israel. May mga pumupunta sa Bethel upang sumamba at mayroon din sa Dan.” (Tingnan ang 1 Mga Hari 12:26-30.)
Sa kaawaan, ipinadala ni Yahuwah ang propetang si Amos upang gisingin ang mga Israelita sa panganib ng paghihimagsik na ito. Ang mensahe ni Yahuwah na ipinadala kay Amos ay nagtanong na:
“Sa loob ng apatnapung taóng pamamalagi ninyo sa ilang, O Israel, nagdala ba kayo sa akin ng mga handog na sinusunog at ng mga handog ng pasasalamat? Buhatin na ninyo ang rebulto ni Sakut na inyong hari at ni Kaiwan, ang diyos na bituin, ang mga imahen na inyong ginawa.” (Amos 5:25, 26, MBB)
Ayon sa The New Strong's Exhaustive Concordance of the Bible, ang salitang ’Kaiwan’ ay:
“Isa pang pangalan para sa diyos na si Saturn.” (The New Strong's Exhaustive Concordance of the Bible, p. 194)
Ang mga detalye ng maraming paghihimagsik ng mga Israelita, na naitala sa Kasulatan, ipinapakita na – ang pagsamba kay Saturn ay itinatampok nang labis sa kanilang rebelyong pangrelihiyon.
Ang araw kung kailan ang sinuman ay sumasamba ay dumadakila sa diyos ng araw na iyon. Si Saturn ay diyos ng makabagong araw ng Sabado.
Si Yahuwah, ang Manlilikha, ay dapat sambahin sa Kanyang banal na araw ng Sabbath, kalkulado ng Kanyang kalendaryong Luni-solar. Ang pagsamba sa ibang araw, kalkulado ng iba pang kalendaryo, ay dumadakila sa ibang diyos maliban sa Manlilikha.
PAGTUTOL #8: “Iba’t ibang sinaunang mananalaysay,
mula kay Cassius Dio, hanggang kay Frontinus at iba pa, malinaw na ipinahayag na ang mga Hudyo
ay tumangging lumaban sa ’araw ni Saturn.’ Maging ang pagkawasak ng Jerusalem
noong AD 70 ay naganap sa ’araw ni Saturn.’ Malinaw na ito ang ikapitong araw
ng Sabbath kahit pa bumalik doon.”
SAGOT: Ang pagsalungat na ito ay batay sa pagpapalagay na ang sanlinggo, sa panahon ng mga Romanong mananalaysay na ito, ay magkamukha sa makabagong sanlinggo. Mali ito.
Ang kalendaryong Julian dati ay may walong araw na sanlinggo. Habang ang Mithraismo ay nakakuha ng katanyagan sa paganong Roma, ang planetaryong sanlinggo ng pitong araw ay nakakuha rin ng katanyagan.
“Nakikita na kapag ang ilan sa mga henyo sa espiritwal ay nagkaroon ng kontrol sa mundo ng pagano ay may mga kaayusang bagay na ang paganong planetaryong sanlinggo ay dapat ipakilala tungo sa tamang panahon para sa Mithraismo, ang pinakapopular na kulto ng Araw ng lahat ng panahon upang iparating at itanyag ang araw ng Araw bilang araw na natatangi at higit na sagrado sa lahat. Panigurado na hindi ito sinasadya.” (Robert L. Odom, Sunday in Roman Paganism, p. 157)
Ang mga makasaysayang talaan na umaangkin na ang mga Israelita na sumasamba sa “araw ni Saturn” ay hindi nagpapatunay na ang makabagong Sabado ay ang Sabbath ng Bibliya. Sa halip, isa lamang sa dalawang katunayan ang sa gayon ay napatunayan:
- Ang mga Israelita ay nasa paghihimagsik, dahilan kung bakit pinayagan ni Yahuwah na sila ay sakupin ng mga dayuhan.
- Ang pag-ikot ng mga sanlinggo sa pagitan ng kalendaryo ng mga Israelita at kalendaryo ng mga Romano ay magkaiba.
Sa pagitan ng A.D. 79 at A.D. 81, ang emperador na si Titus ay nagpatayo ng pampublikong paliguan sa ibaba ng burol ng Esquiline sa Roma. Ang mga paliguan na ito, kilala bilang ”Paliguan ni Titus,” ay may mga disenyo sa pader na nilikha ng pintor na si Famullus. Sa isa sa mga pader ng mga paliguang ito ay isang nakadikit na kalendaryo. Ito ang isa sa mga pinakaunang Romanong paglalarawan ng pitong araw na planetaryong sanlinggo.
Ang kahalagahan ng kalendaryong ito ay nagpapakita na ang paganong planetaryong sanlinggo ay dati nang nagsimula sa araw ni Saturn. Ang araw ng Sabado, sa sinaunang kalendaryong Julian, ay hindi ang ikapitong araw, kundi ang pinakauna, susundan ng Linggo, tapos Lunes at sa huli ay magtatapos sa dies Veneris, o ang makabagong Biyernes.
Hindi ito hanggang ang Konseho ng Nicea noong ikaapat na siglo na ang pitong araw na planetaryong sanlinggo ay sa wakas ginawang pamantayan sa kalendaryong Julian na magsisimula sa araw ng Linggo at magtatapos sa araw ng Sabado.
PAGTUTOL #9: “Talagang napakahirap! Ang buong mundo ay gumagamit ng ibang
kalendaryo. Upang ako’y sumamba sa kalendaryong ito ay baka kapalit nito’y
trabaho ko. Hindi ka mabubuhay nang maayos sa modernong mundo ito at sumamba sa
kalendaryong ito.”
SAGOT: Ang isang argumento laban sa katotohanan na ang mga umiibig at mga tagataguyod nito hindi kailanman nagawang tanggihan ay ang pagsunod sa katotohanan ay pagpasan sa krus: ang krus ng pagsunod.
Ang modernong pamumuhay ay pinamamahalaan ng kalendaryong Gregorian: mga araw ng paggawa, mga araw ng pagpasok sa paaralan, Sabado at Linggo, mga bakasyon - lahat ay kalkulado gamit ang patuloy na pag-ikot ng sanlinggo. Kapag ang liwanag ng tunay na Sabbath ay natanggap, mayroong paghihiwalay. Ito’y hindi maiiwasan.
Ang trabaho’y mawawala, mawawasak ang pag-aasawa kapag ang isa’y tinanggap ang katotohanan at ang isa nama’y hindi. Gayunman, hindi nito hahadlangan ang mga tunay na tagasunod ni Yahushua. Iyong mga pinapahalagahan ang katotohanan sa lahat ng bagay, hindi na inaantay ang katotohanan na maging bantog, o ang pagsunod na mas madali. Kapag nahatulan ng katotohanan, kusa nilang tinatanggap ang krus, sumasang-ayon sa apostol na si Pablo, na, “ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad.” (2 Corinto 4:17, MBB)
Ang liwanag ng katotohanan ay patuloy sa paglago. Ang mga doktrina na matagal nang inilibing sa ilalim ng pagkakamali ng pagpapalagay at tradisyon AY naibalik na.
Pipiliin mo bang sumunod?
Papahalagahan mo ba ang katotohanan nang sapat upang sundin ano pa man ang maging katumbas?
Walang hanggang kasiyahan ang naghihintay sa lahat ng gumawa ng desisyong ito.