Madalas natatanong, “Tunay nga bang pinayagan ni Yahuwah na ang kaalaman ng Kanyang Sabbath ay mawala?” Ang kasagutan na ibinigay sa Panaghoy 2:6 ay: oo. “ipinalimot ni Yahuwah ang takdang kapulungan (mo’edim) at sabbath sa Sion.”
Ang temang ito ay pinalawak sa Hosea, kabanata 2. Narito, inihahalintulad ni Yahuwah ang Kanyang bayan sa isang hindi tapat na asawang babae na naging kalapating mababa ang lipad sa ibang mga kalaguyo. Ang bayan ni Yahuwah ay naging isang hindi tapat na asawa sa kanilang Panginoon. Ang propesiya ni Hosea ay naaangkop sa bayan ni Yahuwah ngayon. Nais namin na sipiin ang napakagandang mga pangako sa ikalawang bahagi ng kabanatang iyon sapagkat naaangkop sa bayan ni Yahuwah. Ang mga pangakong ito ay mahahalaga. Gayunman, ang mga ito ay dapat tingnan sa konteksto, at ang mga ito’y ibinigay sa konteksto ng katipan ni Yahuwah na naging hindi tapat sa Kanya. Dahil dito, ang kaparusahan ay: “Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan, ang kaniyang mga kapistahan, ang kaniyang mga bagong buwan, at ang kaniyang mga sabbath, at lahat ng kaniyang takdang kapulungan.” (Berso 11)
Ang mga “bagong buwan” ay isang malinaw na sanggunian sa kalendaryo kung saan ang mga Sabbath ay naanyo, gaya sa Isaias 66:23: “At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ni Yahuwah.” Ang simbahang Seventh-day Adventist ay ginamit ang tekstong ito para patunayan na ang Sabbath ay pananatilihin sa bagong lupa. Higit pa doon, ang tekstong ito ay pinatunayan na gagamitin sa buong walang hanggan, sapagkat sa pagano, solar na kalendaryong Gregorian, ang mga bagong buwan ay hindi pansinin at tiyak na hindi nagsisimula sa mga buwan.
Ito ay sa kasunduan sa paganismo na ang sinaunang Kristyanong ekklesia ay naglaho ang apostolikong kadalisayan nito. Ito ay nagbukas ng tarangkahan sa lahat ng mga panlilinlang ni Satanas. Sa hindi pagpapahalaga at pagpapanatili ng katotohanan, ang bayan ni Yahuwah ay naiwala ito. Kapag ang patotoo ng Langit ay hindi itinangi gayong ito ang nararapat, tinatanggal ito ni Yahuwah; Siya mismo ang dahilan na ito ay makalimutan.
Ipinapakita ng Hosea 2:14 kung paano tinalikuran ang ating makalangit na Asawa. Ito ay sa pag-alis ng pangalan ni Baal sa ating mga bibig at hayaan ang pagsamba ng mga istraktura ni Baal sa ating mga buhay.
Kaya't, narito, akin siyang hihikayatin, at dadalhin siya sa ilang, at pagsasalitaan ko siyang may pagaliw. . . At mangyayari sa araw na yaon, sabi ni Yahuwah, na tatawagin mo akong Ishi,1 at hindi mo na ako tatawaging Baali.2 Sapagka't aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig, at siya'y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan. At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko sila . . . At ako'y magiging asawa mo magpakailan man; oo, magiging asawa mo ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan. Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat; at iyong makikilala si Yahuwah. . . at aking sasabihin sa kanila na hindi ko bayan, Ikaw ay aking bayan; at siya'y magsasabi, Ikaw ay aking Eloah.3
Kapag ang “bawat isa sa mga sinaunang propeta ay nagsalita nang kaunti para sa kanilang sariling panahon kaysa sa atin, ang kanilang mga hula ay may bisa para sa atin”4 kaya mahalaga na tumingin sa siping ito sa liwanag ng makabagong mundo. Wala nang makakatakbo sa pag-angkin na maging mananamba ni Baal kailanman. Ang berso 17 ay nagbibigay ng isang palatandaan kung paano ito naaangkop: “Sapagka't aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig, at siya'y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan.” Ang mga pangalan ng mga araw ng sanlinggo: Linggo, Lunes, Martes, atbp. ay mga ipinangalan sa mga planetaryong diyos.
Ito ay isang mausisang katunayan ng kasaysayan ng kalendaryo na ang pagano, planetaryong sanlinggo ay orihinal na nagsisimula sa araw ni Saturn (dies Saturni). Ito ay ang pinakadakilang araw ng sanlinggo. Ito ay susundan ng araw ng Araw (dies Solis), araw ng Buwan (dies Lunæ), atbp. Ang mga pagano ay sumamba sa pitong planetaryong diyos sa pagkakasunod na naiisip nila ang mga planetang iyon ay umiikot sa relasyon sa daigdig. Naiisip nila na ang Saturn ang pinakamalayo mula sa daigdig, kaya inilagay ito sa pinakamataas na posisyon ng kahalagahan, bilang unang araw ng planetaryong sanlinggo.5
Sa nakadikit na Romanong kalendaryong ito mula sa Paliguan ni Titus,6 ang mga araw ng pagano, planetaryong sanlinggo ay kumakatawan sa mga guhit ng pitong planetaryong diyos. Ang una ay araw ni Saturn na ipinalagay ng mga Sabbataryan na tumutugma sa ikapito at huling araw ng Biblikal na sanlinggo, ang Sabbath. Ito lamang sa huli ay isinaayos ang mga araw ng sanlinggo sa araw ng Linggo bilang unang araw at ang araw ni Saturn bilang ikapito. Ang labing-dalawang signos ng zodiac ay makikita sa bilog sa gitna, at ang mga ito ay nagsilbing labing-dalawang buwan ng taon, anim sa mga ito ay ipinangalan sa mga paganong diyos.7
Ang mga buwan ng taong Gregorian at ang mga araw ng planetaryong sanlinggo ay hindi mababagong pagano. Ang mga ito ay tinutukoy ng sipi ni Hosea. Noong isinaayos ng mga Kristyano ang kanilang mga buhay at ang kanilang mga araw ng pagsamba sa pagano, planetaryong kalendaryo, ang pangalan ni Baalim ay aalisin sa kanilang mga bibig. Imposible na hanapin ang tamang Biblikal na Sabbath sa pagano, kalendaryong Gregorian at dahil dito kaya ang Manlilikha ay nakalimutan.
Sa pagbabalik sa huling henerasyon ng kaalaman ng Kanyang tunay na paraan ng kalendasyon, ibabalik ni Yahuwah ang mga ito sa isang sinaunang kabanalan. Sinabi Niya, “Kaya't, narito, akin siyang hihikayatin, at dadalhin siya sa ilang, at pagsasalitaan ko siyang may pagaliw.” Ano ang ilang? Ang kasagutan ay makikita sa Pahayag 12. Narito ibinigay ang isang paglalarawan ng tunay na ekklesia, ang Babaeng ikakasal kay Kristo, bilang isang babae na lumayo ay tumungo sa ilang.8 “At tumakas ang babae sa ilang, na doon siya'y ipinaghanda ni Yahuwah ng isang dako, upang doon siya ampuning isang libo dalawang daan at anim na pung araw.” (Berso 6)
Noong ang dalisay na ekklesia ay tinanggap ang mga kasanayan ng paganismo, ang mahabang gabi ng Panahon ng Kadiliman ay bumagsak sa kanya. Ang tunay na ekklesia ay lumayo at tumungo sa ilang at dito, matapos maranasan ang pagkawasak na dumating mula sa pagtanggap ng ibang kalaguyo, nagsimula si Yahuwah na ibalik siya. Ang Repormasyong Protestante ay nagsimulang ibalik siya sa liwanag na naglaho. “Ang katotohanan ay isang sumusulong na katotohanan, at tayo ay dapat na humakbang sa dumaraming liwanag.”9 Ang Ama ay susulong nang hindi mas mabilis kaysa sa kayang sundin ng Kanyang bayan. Simula pa noong panahon ng Repormasyong Protestante, “inaakit” na ni Yahuwah ang Kanyang asawa (ang ekklesia) pabalik sa Kanya, makamit ang kanyang puso sa Kanyang Tunay na Pag-Ibig sa pagpapakita sa kanya ng Kanyang magandang pag-ibig at kalinga sa kanya.10
Ang kaalaman ng mga Sabbath na luni-solar ay kasalukuyang ibinalik ng nalalabing ekklesia. Ang pagkakaunawang ito ay dapat makaapekto sa anumang inakalang mga ideya ng panahon ng panganib. Ang isang paniniwala na ibinahagi ng parehong liberal at konserbatibong Seventh-day Adventist ay ang pamahalaan ng Estados Unidos ay mangunguna sa paggawa ng isang larawan ng halimaw (ang Simbahang Katoliko.) Sa payak na termino: ang lahat ay naghahangad para sa batas ng araw ng Linggo. Tandaan na isinulat ni Ellen White sa Great Controversy sa ganitong paraan bilang “bakasin ang kasaysayan ng kontrobersya ng mga nakalipas na panahon, at lalo na para ipakita ito na magliliwanag sa mabilis na paparating na pagpupunyagi ng hinaharap,” 11 posible ba na ang batas ng araw ng Linggo ay muling lilitaw bilang pagbabalatkayo ng batas ng pagbabago ng kalendaryo?
Isiping mabuti ito. Ang pangunahing tudlaan ni Satanas ay ang mga nagpapanatili ng Sabbath. Nalalaman ng lahat ang tungkol sa mga batas ng araw ng Linggo at ang lahat ay ipinalagay na ang anyo ng batas ng araw ng Linggo ay tatanggapin. Ngunit kung ikaw si Satanas, at ang iyong pinakaunang kaaway ay inaasahan ang plano ng atake na iyon, hindi mo ba susubukan at palalagpasin ito nang wala ang kanilang babala? Nagbabala si Ellen White sa mga matapat na maging mapagmatyag ng mga kasangkapan ni Satanas. Habang naging mapagmatyag ang bayan sa isang kasangkapan, ang ama ng kasinungalingan ay binibigyan ito ng bagong baluktot. Napakahalaga na ang ekklesia ngayon ay may kamalayan ng mga mapanlinlang na kasangkapan ni Satanas dahil ang huling henerasyon ay inatasan sa isang espesyal na komisyon; isang komisyon kung saan desperado si Satanas na panatilihin sila mula sa paggawa:
At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. (Isaias 58:12)
Si Kristo mismo, sandali bago ang Kanyang kamatayan, ay tinukoy rin ang espesyal na pangkat ng mga tao na ito. Ang huling kabanata ng huling aklat ng Lumang Tipan ay naglalaman ng paalalang ito:
Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod . . . sa makatuwid baga’y ang mga palatuntunan at mga kahatulan. Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Yahuwah. At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa. (Malakias 4:4-6)
Ang mga alagad ay nalaman ang propesiyang ito. Matapos magbagong-anyo si Kristo at sina Moises at Elias ay lumitaw kasama Niya, nagtanong sina Pedro, Santiago at Juan: “Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?”12 Sa ibang mga salita, “Kung tunay na ikaw ang Mesias na pinaniniwalaan namin, bakit hindi unang dumating si Elias?”
Ang tugon ni Yahushua ay lubos na nakakaintriga.
At sumagot siya, at sinabi, “Katotohanang si Elias ay paririto, at isasauli ang lahat ng mga bagay: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila.” Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y sinasabi niya.13
Sa usaping ito, ang mga alagad at si Kristo ay parehong tinutukoy ang propesiya ni Malakias na nangako ng pagdating ni Elias bago “ang dakila at kakila-kilabot na kaarawan ni Yahuwah.” Ipinalagay ng mga alagad na Siya ay nagsasalita lamang kay Juan Bautista, ngunit sa katunayan ay “gumawa [si Yahushua] ng pagkakaiba sa pagitan ni Elias na paparating pa lang, at si Juan na dumating na (Mateo 17:11.)”14
Ang Elias na nasa hinaharap pa sa araw ni Kristo ay gagawa ng isang bagay na napakahalaga: siya ay “isasauli ang lahat ng mga bagay.” (Berso 11) Isasauli ang anu-anong mga bagay? Ang kasagutan ay makikita muli sa Malakias 4: “Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises . . . ang mga palatuntunan at mga kahatulan.” (Berso 4) Ang mga tagapaghusay ng mga sira ay isasauli o ibabalik muli ang kautusan ni Moises: ito ay mga palatuntunan, kahatulan at mga tuntunin ng kalendasyon.
Maraming tao ang nagpalagay na ang salitang “palatuntunan” ay naaangkop lamang sa mga pag-aalay o sakrispisyo na natapos na sa krus. Gayunman, isang maingat na paghahanap ng Kasulatan ay ipinapakita na ang salitang “palatuntunan” ay hindi ginamit sa pag-aalay. Sa kabilang dako, ito ay madalas iabang sa mga sumusunod na parirala: “ito ay isang palatuntunan magpakailanman,” “ito ay patuloy na palatuntunan,” at “ito ay isang walang hanggang palatuntunan.”
Ang gawa ng pagbabalik at reporma ay isinagawa ng mga bumalik na ipinatapon, sa ilalim ng pamumuno nina Zerubbabel, Ezra, at Nehemias, nagpapakita ng isang larawan ng isang paggawa ng espiritwal na pagbabalik na gagawin sa mga nagsasarang araw ng kasaysayan ng daigdig . . .
Ang espiritwal na pagbabalik kung saan ang gawa ay pinangunahan sa panahon ni Nehemias ay isang simbulo, binalangkas sa mga salita ni Isaias: “At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi.” “At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.” (Isaias 61:4; 58:12.)
Ang propeta rito ay inilarawan ang bayan na, sa isang panahon ng pangunahing pag-alis mula sa katotohanan at katuwiran, ay maghahangad na ibalik ang mga tuntunin na batayan ng kaharian [ni Yahuwah]. Sila ang mga tagapaghusay ng mga sira na ginawa sa kautusan [ni Yahuwah] – ang pader na inilagay Niya sa paligid ng mga pinili Niya para sa kanilang proteksyon, at pagtalima sa mga tuntunin ng katarungan, katotohanan, at kalinisan ay ang kanilang magpapatuloy na pananggalang.
Sa mga salita ng hindi nagkakamaling kahulugan ng propeta ay ipinunto ang tiyak na gawa ng nalalabing bayan na nagtayo ng pader. “Kung iyong iurong ang iyong paa sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang Sabbath na kaluguran, at ang banal ni Yahuwah na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita: Kung magkagayo'y malulugod ka nga kay Yahuwah; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka’t sinalita ng bibig ni Yahuwah.” (Isaias 58:13, 14.)
Sa panahon ng katapusan ang bawat banal na institusyon ay ibabalik muli. Ang sira na ginawa sa kautusan sa panahon na ang Sabbath ay binago ng tao, ay aayusin. Ang nalalabi [ni Yahuwah], nananatili sa mundo bilang mga repormista, ay ipapakita na ang kautusan [ni Yahuwah] ay ang pundasyon ng lahat ng matatag na reporma at ang Sabbath ng ikaapat na utos ay mananatili na isang alaala ng paglikha, isang patuloy na paalala ng kapangyarihan [ni Yahuwah]. Sa malinaw, naiibang mga linya, ipapakita nila ang kahalagahan ng pagtalima sa lahat ng mga tuntunin ng Dekalogo. Nakapaloob sa pag-ibig ni Kristo, sila ay nakikipagtulungan sa Kanya sa pagtatayo ng mga nasirang lugar. Sila ay mga tagapaghusay ng mga sira, ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. 15
Nawa’y ang bayan ni Yahuwah ngayon ay ibalik “ang bawat banal na institusyon,” kabilang ang Kanyang kalendaryo na ang kagandahan ng Kanyang kautusan ay maipapakita sa buong mundo.
May Kaugnayang Nilalaman:
1 Aking Asawang Lalaki
2 Panginoon, isang karaniwang titulo para sa Diyos o Baal.
3 Hosea 2:14, 16-20, 23
4 3SM 338
5 Para sa mas malalim na tanaw sa kung paano ang mga pagano ay inatasan ang bawat araw na may 24 oras sa isang planetaryong diyos batay sa kanilang inakalang posisyon sa relasyon sa daigdig, tingnan ang How Did Sunday Get It's Name? ni Robert L. Odom, Southern Publishing Association, 1972.
6 R. L. Odom, How Did Sunday Get It's Name?, Southern Publishing Association, 1972.
7 Ang Hulyo at Agosto ay ipinangalan kay Julius Cæsar (na nagtatag ng kalendaryong Julian) at Augustus Cæsar (ang Romanong emperador na nabanggit sa Lukas 2:1-7.) Ang Setyembre, Oktubre, Nobyembre at Disyembre ay mga bilang na salita: “ikapito”, “ikawalo”, “ikasiyam”, at “ikasampu”, ayon sa pagkakabanggit, sapagkat ang Romanong kalendaryo ay orihinal na nagsisimula sa Marso.
8 Ang babae ay laging sumisimbulo sa isang simbahan. Ang nangangalunyang babae ay isang marumi o masamang simbahan; ang dalisay na babae ay ang tunay na simbahan [ang ekklesia].
9 E. G. White, Councils to Writers and Editors, 33.
10 Ang Pahayag 12:1 ay nagbigay ng isang kawili-wiling simbolikong paglalarawan ng tunay na simbahan. Siya na nanatili sa buwan. Ang mga paa ay isang simbulo ng pag-aari (tingnan ang Job 1:7 at Ruth 4:7 at 8.) Ang kahalagahan ng tekstong ito ay napakaganda: ang simbahan ay muling pag-aari ang kaalaman ng tunay na Sabbath at ibinigay sa kanya ang isang hindi malulupig na pundasyon.
11 Ellen G. White, Great Controversy, xi, binigyang-diin.
12 Mateo 17:10
13 Mateo 17:11-13
14 Hebrew-Greek Key Word Study Bible, KJV, talababa sa Malakias 4, ni Spiros Zodhiates.
15 E. G. White, Prophets & Kings, 677-678, binigyang-diin.