Gawing Makabuluhan Ang Pangitain Ng Templo Ni Ezekiel
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang aklat ni Ezekiel ay nagtatapos sa isang pangitain ng isang templo at ang mga nauugnay nitong ritwal. Sa kabanata 40, ang propeta ay inilipat sa pangitain mula sa kanyang tahanan sa mga pagkakatapon sa Babilonya patungo sa Israel, kung saan ang isang banal na tagapagbalita ay hawak ang isang panukat na gabilya na lumilitaw sa kanya. Ang tagapagbalita ay nagbibigay kay Ezekiel ng isang paglilibot sa templo, sinusukat ang iba’t ibang pader, pintuan, at patyo. Sa isang punto, ang kaluwalhatian ng Panginoon, na nakitang umaalis mula sa templo sa isang maagang pangitain (kabanata 10), ay nakitang nagbabalik upang manahanan sa templo (43:1-4).
Ang mga sumusunod na kabanata ay naglalarawan ng iba’t ibang pag-aalay na isinagawa ng kaparian. Ang espesyal na atensyon ay ibinigay sa papel ng isa na tinukoy bilang “ang prinsipe.” Malapit sa pagtatapos, isang batis ang nakitang umaagos palabas ng templo mula sa ilalim ng bungad. Ang aklat ay nagtatapos sa mga bahagi ng lupain na itinalaga sa iba’t ibang tribo.
Ang mga Biblikal na iskolar ay kinikilala na ang pangitain ng templo, na sumasaklaw sa huling siyam na kabanata ng Ezekiel, ay nagpapakita ng mga natatanging hamon sa pagpapaliwanag nito. Ilan pa nga ay inilarawan ito na pinakamahirap na sipi sa Lumang Tipan.
Katulad sa mga paglalarawan ng Tolda sa Exodo at sa mga muwebles nito, maraming mambabasa ay matatagpuan ang bahaging ito ng Ezekiel na nakakainip dahil sa marami nitong misteryosong detalye, ngunit ito ay hindi ang pinakamahirap na ipinakita sa mga kabanatang ito. Sa malayo, ang mas dakilang kahirapan ay may kinalaman sa pagtukoy sa panahon at paraan ng katuparan ng pangitain.
Ito Ba Ay Templo Ni Solomon? Noong nakita ni Ezekiel ang pangitain (573 BC), walang templo ang nakatayo sa Jerusalem. Ang templo ni Solomon, na unang nakatayo rito, ay winasak 13 taon ang nakalipas ni Nabucodonosor noong sinakop niya ang Jerusalem at ipinatapon ang mga mamamayan sa Babilonya. Ibig sabihin nito’y hindi nakita ni Ezekiel ang templo ni Solomon o anumang nakatayong sa panahong iyon. Anong templo, ang ipinakita sa kanya?
Ito Ba Ay Templo Ni Zorobabel? Marahil ang kasagutan na unang dumarating sa kaisipan ay ito ang templo na dumating na itinayo sa ilalim ng pamumuno ni Zorobabel sa pagbabalik ng mga Hudyo mula sa Babilonya patungong Jerusalem. Gayunman, ang solusyong ito ay tila pinalabas dahil ang templo ni Zorobabel ay nagwakas na mas maliit at hindi gaanong detalyado sa isa na inilalarawan ni Ezekiel. Kung humula si Ezekiel na ang templo na itinayo ng mga nagbabalik na ipinatapon ay iaangkop sa paglalarawang ito, ang propesiya ay nabigo. Ang opsyon na ito ay hindi ipinagkatiwala ang sarili sa mga tinatanggap ang pagkapukaw ng Kasulatan. Ang ibang pagpapaliwanag, gayunman, ay inalok ng mga ebanghelikong iskolar.
Ito Ba Ay Ang Simbahan? Ilan sa mga Kristyanong komentarista ay naunawaan ang nilalaman ng mga kabanatang ito bilang apokaliptong pangitain, na mahusay na ipinaliwanag nang espiritwal. Ipinupunto nila na ang simbahan ng Bagong Tipan ay madalas na tinukoy bilang “templo” o tahanan ni Yahuwah. Ang bawat Kristyano ay isang “batong buhay” (1 Pedro 2:5), itinayo, kasama ang iba, “ang saligan ay ang mga apostol at ang mga propeta” (Efeso 2:20) tungo sa isang “templo ng Diyos” (1 Corinto 3:16). Sa pananaw na ito, ang mga tampok ng pagsamba sa templo—kaparian, mga altar, pag-aalay, ritwal ng dugo—ay itinuturing na espiritwal, sa halip na literal, realidad, at angkop sa ating pagsamba sa Diyos sa kasalukuyang panahon. Sa partikular, ang paglalarawan ng batis, sa kabanata 47, ay tila itinataguyod ang isang hindi literal na interpretasyon. Kung ito ang tamang pananaw, kailangan natin makita ang marami sa mga nakakainip na detalye na alinman na kalabisan o katuwang sa mga espiritwal na ideya na magiging lubos na mahirap na tukuyin nang may tiwala.
Ito Ba Ay Ang Milenyong Templo? Isa pang pananaw ng pangitain na ito, karaniwang pinahahawakan ng mga dispensasyonalista, ay ang templo ni Ezekiel ay itatatag matapos ang muling pagdating ni Kristo Yahushua at magsisilbi bilang isang sentro ng pagsamba para sa lahat ng mga tao sa panahon ng “isang libong taon.” Sa pananaw na ito, ang isang inilarawan bilang “ang prinsipe” ay madalas tinukoy bilang si Kristo Yahushua mismo, namumuno sa milenyong kaharian.
Pagpili Ng Isang Hermenutikong Istratehiya. Sa pagpili ng mga opsyong ito, tayo’y naatasan na magpasya sa pagitan ng pag-iiba ng mga hermenutikong prayoridad. Isa sa mga pangunahing hermenutikong tuntunin na inirerekomenda ng mga dispensasyonalistang iskolar ay ang pagpapanatili ng patuloy na literal na pagpapaliwanag. Ibig sabihin nito na ang “pagsasa-espiritwal” ng teksto ay dapat makita na isang pag-alis mula sa pinakamatapat na paghawak ng Kasulatan. Dahil dito, ang mga dispensasyonalista ay nakikipagtalo para sa isang literal, pisikal na pagtatayo upang itatag sa katuparan ng pangitain ni Ezekiel. Sapagkat ang templo ay itinayo matapos ang panahon ni Ezekiel ay hindi umaangkop sa paglalarawan ni Ezekiel, naniniwala sila na dapat ay may isa pang templo sa hinaharap na gagawin nang mas kahanga-hanga.
Magiging mas madali na tanggapin ang teoryang ito kung wala tayong Bagong Tipan upang gabayan ang ating pag-iisip. Ang pinakahalatang problema na ipinakita rito ay ang aklat ng mga Hebreo (halimbawa: 10:1-18) ay nagsasalita ng kamatayan ni Kristo sa krus bilang isang pagpapawalang-bisa ng pag-aalay ng dugo ng hayop, gaya ng mga inalay ng Israel sa templo. Kung ang pangitain ni Ezekiel ay inaangkop sa isang panghinaharap na panahon, bakit natin muling masusumpungan ang pag-aalay ng hayop?
Ang dispensasyonalistang kasagutan ay ang mga milenyong pag-aalay ay hindi nilayon upang bayaran ang mga kasalanan. Ang dugo ni Kristo ay pinagsarhan na ang anumang pangangailangan para doon. Tulad ng mga pag-aalay sa Lumang Tipan ay inaabangan ang kamatayan ni Kristo bilang isang panghinaharap na kaganapan, ipinahiwatig nito na ang mga panghinaharap na milenyong pag-aalay ay magpapaalala ng kamatayan ni Kristo bilang isang nakaraang kaganapan.
Ang teksto ni Ezekiel, gayunman, ay tila humahadlang rito, dahil ang iba’t ibang pag-aalay sa templo ay sinabi “upang ipangtubos sa sangbahayan ni Israel” (Ezekiel 45:17).1 Kaya, ang pag-aalay ay ipinakita bilang isang pagbabayad-sisi o pangtubos para sa kasalanan, hindi bilang isang pag-alala. Si Kristo Yahushua mismo ay inirekomenda ang paggamit ng alak at tinapay upang magpaalala sa kanyang kamatayan. (1 Corinto 11:24-26). Bakit ito papalitan ng Diyos ng pag-aalay ng hayop kung saan ang Diyos ay walang nasumpungang anumang partikular na kagalakan (Awit 40:6; 51:16; Hebreo 10:6)?
Dagdag pa, sinasabi ni Ezekiel na “ang prinsipe” ay mag-aalok ng isang kasalanang inaalok “para sa kanya at sa buong bayan” (Ezekiel 45:22). Kung ang prinsipe ay kinailangan na mag-alok ng mga alay para sa kanyang sariling kasalanan, ito’y sasalungat laban sa anumang teorya na tumutukoy sa kanya kay Kristo, na hindi nagkakasala.
Ang ibang pagsalungat sa ideya na ang pangitain ni Ezekiel ay naglalarawan ng isang pangkabuhayang pagsamba na itatatag sa hinaharap ay isasama ang sumusunod:
- Ang pangitain ay nagpapakita ng sentralisadong pagsamba sa isang tiyak na heograpikong lugar. Sa Lumang Tipan, ang bayan ay inasahan na lalapit sa Tolda o (huli) ang templo para sa layuning ito (Deuteronomio 12:5, 11). Si Yahushua, gayunman, ay inanunsyo sa babaeng Samaritano na ang panahon ng sentralisadong pagsamba ay malapit nang magwakas at papalitan ng espiritwal na pagsamba, na hindi nakabatay sa anumang partikular na lugar (Juan 4:21-24; ikumpara sa Mga Gawa 7:48-50).
- Sa pangitain ni Ezekiel, ang mga Levita at Aaronikong kaparian ay nakita sa kani-kanilang mga dating lugar ng paglilingkod. Ayon sa Bagong Tipan, mayroong isang pagbabago sa kaparian (Hebreo 7:12). Ang kapariang Hudyo ay pinalitan ng isang naiibang kaparian (1 Pedro 2:5) at isang hindi-Aaronikong dakilang saserdote (si Yahushua). Ang pagbabagong ito ay hindi mababaligtad, sapagkat si Kristo ay sinabi na isang “saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec” (Awit 110:4; Hebreo 7:17, 21).
Ang Literal Na Pagpapaliwanag Ay Hindi Palaging Pinakamahusay. Habang ang mga kahirapan ng dispensasyonal na pagpapaliwanag ay tila hindi malulutas, ang tanging kalakasan nito ay nananahan sa hermenutiko nito ng literal na interpretasyon. Mayroong isa pang hermenutikong tuntunin, gayunman, na sumasalangsang sa literalismo—pinangalanan, ang nakatataas na rebelasyon na ibinigay kay Kristo.
Ang Bagong Tipan ay hindi lamang isang apendise na idinagdag sa mga kasulatan ng mga propeta ng Lumang Tipan. Ito ay isang rebelasyon ng bagong tuntunin kay Kristo Yahushua, sa pamamagitan niya ang lahat ng mga naunang rebelasyon ay nasumpungan ang katuparan nito at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga rebelasyon ay dapat na maunawaan.
|
Pinagtitibay ng Hebreo 1:1-3 na, habang ang Diyos ay nagsalita sa Israel sa pamamagitan ng iba’t ibang propeta sa nakalipas, ang rebelasyon na dumating sa pamamagitan ni Kristo ay mas komprehensibo dahil siya ay hindi lamang propeta, kundi “maningning na sinag ng kaluwalhatian ni Yahuwah at tunay na larawan ng Kanyang kalikasan.” Ang Bagong Tipan ay hindi lamang isang apendise na idinagdag sa mga kasulatan ng mga propeta ng Lumang Tipan. Ito ay isang rebelasyon ng bagong tuntunin kay Kristo Yahushua, sa pamamagitan niya ang lahat ng mga naunang rebelasyon ay nasumpungan ang katuparan nito at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga rebelasyon ay dapat na maunawaan.
Binuksan ni Kristo ang pagkakaunawa ng kanyang mga alagad “upang maunawaan nila ang mga kasulatan [ng Lumang Tipan] (Lucas 24:45). Ito ang kaso, magiging kamangmangan sa atin na hangarin ang kahulugan ng mga propeta na salungat sa itinuro ni Kristo at ng mga apostol. Ang kanilang saksi ay nagbibigay ng mga pinakamalalakas na pagsalungat sa anumang literalistikong pagpapaliwanag ng Ezekiel 40-48. Sa bagong tuntunin ni Kristo (na, hindi katulad ng lumang tuntunin, ay permanente), ang templo, kaparian, at ang mga pag-aalay ay ganon din na espiritwal (1 Pedro 2:5).
Gawing Makabuluhan Ang Pangitain. Paano, dahil dito, mauunawaan ang pangitain ng templo? Una, ang isa ay maaaring makatuwirang tukuyin sa pangitain na kung saan “maaaring naging” ang mga ipinatapon sa Babilonya ay nagpakita ng mas ganap na pagsisisi kaysa sa ginawa nila. Mayroong isang pahiwatig na ang pagsasakatuparan ng pangitaing ito sa hinaharap ng Israel ay nakasalalay sa bayan na sapat na napahiya, o nagsisisi, ng kanilang mga nakaraang kasalanan: “Ikaw, anak ng tao, ituro mo ang bahay sa sangbahayan ni Israel, upang sila'y mangapahiya sa kanilang mga kasamaan; at sukatin nila ang anyo. At kung sila'y mangapahiya sa lahat nilang ginawa, ipakilala mo sa kanila ang anyo ng bahay” (Ezekiel 43:10-11).
Ang tugon ng mga Hudyo sa kanilang pagkakataon na bumalik at para muling itayo ang kanilang templo ay kilalang-kilala na maligamgam. Tanging isang munting nalalabi ang piniling bumalik sa Jerusalem, habang ang iba ay kuntentong manatili sa Babilonya. Dahil dito, ang templo na itinayo nila ay napatunayang mababa sa isa na inilarawan ni Ezekiel.
Bagama’t ang mga Hudyo ay hindi natugunan ang mga kondisyon ng ganoong templo kay Ezekiel, ang padron ay napanatili sa mga kabanatang ito na tumatayong paglalarawan ng isang nilayong tuntunin, na, kung nagkatotoo, ay magpapatotoo, gaya ng Tolda, bilang isang uri at anino ng “mga makalangit na bagay” (Hebreo 8:5)—ang bagong tuntunin kay Kristo Yahushua. Ito, maaari nating ipalagay, ay ang pangmatagalang layunin na nagsilbi sa pamamagitan ng pangitain.
Bagama’t ilan sa mga tampok ng pangitain ay marahil nilayon nang simboliko mula sa simula (halimbawa: ang tila milagroso, lumalalim na batis), malamang na ang templo at ang mga ritwal nito ay literal na itinatag, tulad ng inilarawan rito, kung natugunan ng Israel ang mga kondisyon ni Yahuwah.
Kung muli man na maitatayo ang templo o hindi, ang bagong rebelasyon kay Kristo ay naghihikayat sa atin na makita ang padron nito na natupad kay Kristo Yahushua mismo, ang panghuling pagbabayad-sisi na alay at ang walang hanggang dakilang saserdote ng bayan ni Yahuwah.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Steve Gregg.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC