Ang Kanyang Templo sa mga tao: Ang Lihim na Paghahangad ng Puso ng Ama!
Si Satanas ay itinaguyod ang pagpapalagay na walang templo sa lupa ang ginawang bago. Kaya dahil dito, ang pinakamalalim na paghahangad ng puso ng Manlilikha ay hindi nakikilala at hindi napapasalamatan.
|
Ang pinaka nakatutunaw ng puso na patotoo sa Kasulatan ay ang paghahangad ng Manlilikha na manahan sa Kanyang mga anak. Bago nagkasala, ang Hardin ng Eden, sa isang diwa, isang templo ni Yah dahil narito ang Manlilikha na darating sa paglalaan ng oras sa Kanyang mga anak “sa kulimlim ng araw.” (Tingnan ang Genesis 3:8.) Itong matalik, komunyon sa kaluluwa ay tuluyang nawala sa Ama noong, matapos ang pagbagsak ni Adan, ay hindi na Siya makipagniig nang harap-harapan sa sangkatauhan.
Ang komunyon na ito ay bahagyang naibalik sa panahon ni Moises. Sinabi ni Yahuwah ni Moises: “At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako'y makatahan sa gitna nila.” (Exodo 25:8, ADB)
Ginawa ni Yahuwah na Kanyang tahanan ang tolda. Ang Kanyang nakikitang presensya ay maaaring makita sa kaluwalhatiang Shekinah na umaaligid sa ibabaw ng upuan ng awa ng arko ng tipan.
Ang parehong tolda sa ilang, at ang mga templong itinayo kinamamayaan, ay mga tahanan para kay Yahuwah kung saan maaari Siyang makipagniig sa sangkatauhan. Hindi tulad ng mga templo ng pagano sa kanilang maringal na hagdanan at mga nakataas na entablado, ang templo ni Yahuwah ay hindi naglalaman ng mga hagdanan. Hindi Niya kinailangan sa Kanyang mga anak na gumawa ng kanilang landas patungo sa Kanya. Sa halip, Siya ang bababa sa kanilang antas at makakatagpo nila.
Ang Templo sa Bagong Jerusalem
Noong nakita ni Juan ang Bagong Jerusalem na bumaba mula sa Langit, napansin niya ang isang maliwanag, at natatangi, na pagkakasama. Matapos ilarawan ang anyo ng banal na lungsod, sinabi niya, “At wala akong nakitang templo sa lungsod.” (Pahayag 21:22, FSV) Ang isang pangungusap na ito ay humantong sa isang laganap na pagpapalagay na nagtatago ng isang lubos na mahalagang patotoo: walang gusali ng templo sa Bagong Jerusalem dahil ang mismong Bagong Jerusalem ay ang templo ni Yah! Kinumpirma ni Juan ito, sinabing: “Sapagkat ang templo nito'y si Yahuwah, Elohim na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero.”
Ang mga templo ay palagi ang mga tahanan ng mga diyos. Kaya saanman ang presensya ni Yah, nandoon ang Kanyang templo. Tinanong ni Pablo sa mga taga-Corinto: “Hindi ba ninyo nalalaman na kayo ay templo ni Yah, at ang Espiritu ni Yah ay naninirahan sa inyo?” (Tingnan ang 1 Corinto 3:16.)
Ito ang matagal na hinahangad ng Ama at pinagsisikapan mula pa noong umatras sa pagbagsak ni Adan. Naghahangad Siya para sa isang malapit, matalik, at mapagmahal na relasyon sa bawat isa sa Kanyang mga anak. At kapag ang Bagong Jerusalem ay inilipat sa lupa na ginawang bago, Siya ay tuluyang makakamit ang ninanais ng Kanyang puso.
Kabanalan na nananahan sa sangkatauhan
Ang plano ng kaligtasan ay sukdulang ibabalik muli ang malapit, matalik na komunyon sa pagitan ng Manlilikha at nilalang na naglaho sa pagbagsak ni Adan. Ito ay gantimpalang ipinangako sa mga nagtagumpay at kung bakit walang tiyak na istruktura ng templo ang nasiyasat sa Bagong Jerusalem dahil, gaya ng Hardin ng Eden bago nito, ang Bagong Jerusalem mismo ay ang templo. Lahat ng tumatanggap ng kaloob ng kaligtasan sa pananalig ay pararangalan na maging bahagi ng templong iyon, isang nabubuhay na templo, na nagbibigay ng tahanan sa mismong presensya ng Makapangyarihan.
Sa paglapit ninyo sa Kanya, ang batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ni Yah at mahalaga sa Kanyang paningin, kayo mismo, tulad ng mga batong buháy, ay itinatayo bilang bahagi ng isang templong espiritwal upang maging mga paring itinalaga para kay Yah. Kaya't mag-alay kayo ng mga espirituwal na handog na kalugud-lugod kay Yah sa pamamagitan ni Kristo Yahushua. Sapagkat ito ang isinasaad ng kasulatan:
“Masdan ninyo, naglalagay ako sa Zion
ng isang batong panulok, pinili at mahalaga;
hindi mapapahiya ang sinumang sumasampalataya sa Kanya.”
(Tingnan ang 1 Pedro 2:4-6.)
Ito ang gantimpalang inalok sa nagtagumpay!
Ang gantimpala para sa katapatan
Siniyasat ni Pablo: “Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na inihanda ni Yahuwah para sa kanila na nagmamahal sa kanya.” (Tingnan ang 1 Corinto 2:9.) Ang gantimpala na napakalawak para maisip ng tao ay ang pamumuhay sa mismong presensya ni Yahuwah.
Nangako si Yahushua: “Ang nagtatagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos; at hindi na siya lalabas mula roon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit ng aking Diyos, at ang bago kong pangalan.” (Pahayag 3:12, FSV)
Si Yahushua ay isinilang para pagkaisahin ang mga bumagsak na sangkatauhan kay Yahuwah. Bago siya pagtaksilan sa Getsemani, nanalangin siya para sa mga mananampalataya sa lahat ng panahon:
Nakikiusap ako hindi lamang para sa mga taong ito, kundi para rin sa mga sumasampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita, upang silang lahat ay maging isa, tulad mo, Ama, na nasa akin at ako'y nasa iyo, na sila rin ay mapasaatin, upang ang sanlibutan ay maniwala na ako'y isinugo mo. Ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila, upang sila ay maging isa, kung paanong tayo ay iisa. Ako ay nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa, at malaman ng sanlibutan na isinugo mo ako at minahal mo sila kung paanong minahal mo ako. (Tingnan ang Juan 17:20-23.)
Sa pamamagitan ni Kristo, ang mga mananampalataya ay napagkasundo kay Yahuwah. Nahulaan ni Isaias: “Kaya't si Yahuwah nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.” (Tingnan ang Isaias 7:14.) Ang Emmanuel ay nangangahulugang “Kasama natin ang El.” Ang pangakong ito, bahagyang natupad sa kapanganakan ni Yahushua, umaabot ang sukdulang katuparan kapag ang Bagong Jerusalem ay naihatid sa lupa na magiging walang hanggang tirahan ng Ama kasama ang Kanyang mga hinirang.
Pagkatapos, nakakita ako ng bagong langit at ng bagong lupa; sapagkat lumipas na ang unang langit at ang unang lupa, at wala na ang dagat. Nakita ko ring bumababa mula sa langit, galing kay Yahuwah, ang banal na lungsod, ang Bagong Jerusalem, inihandang tulad ng isang babaing ikakasal na inayusan para sa kanyang asawa. At mula sa trono, isang malakas na tinig ang aking narinig, “Masdan ninyo, ang tahanan ni Yahuwah ay kasama na ng mga tao. Maninirahan Siya sa kanila bilang Diyos nila; sila'y magiging bayan Niya, at si Yahuwah mismo ay makakasama nila at magiging Diyos nila; papahirin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Hindi na magkakaroon ng kamatayan; ni magkakaroon ng pagluluksa at pagtangis, at kahit kirot ay di na rin mararanasan, sapagkat lumipas na ang mga unang bagay.” (Tingnan ang Pahayag 21:1-4.)
Piliing tanggapin ang kaligtasan ngayon at ikaw rin, ay maaaring maglaan ng walang hanggang kagalakan sa walang katapusang kasiyahan ng pag-iisa sa Ama.
Tingnan rin ang Serye ng Walang Hanggang Pag-ibig: