Si Yahuwah ang Pinakamabuting Kaibigan na Magkakaroon Ka. Narito kung bakit . . .
Ang mga pahayag ng Kasulatan ay inilalarawan ang mga katangian ni Yahuwah na dumating nang buhay kapag nakilala natin kung ano ang mga kahulugan nito. Matutunan kung paano ang mga salitang ito ay binigyang-kahulugan at matutuklasan mo ang mga pangako kung saan hindi mo pa nakita noon! |
Kunin ang isang sandali na isipin ang tungkol sa iyong matalik na kaibigan. Ano ang dahilan kung bakit kayo matalik na kaibigan? Dahil ba kayong dalawa ay nagbabahagi ng mga pare-parehong interes? Mabait ba siya? Matapat ba siya? Masaya ba kayong magkasama?
Si Yahuwah ay minsang tinukoy bilang “Ang pinakamabuting kaibigan na magkakaroon ka,” ngunit napakahirap para sa sinuman na maglaan ng oras upang suriin nang tiyak kung ano ang mga sariling katangian ng Makalangit na Ama na maging isang mabuting kaibigan.
Ang Kasulatan ay nagbalangkas ng isang bilang ng mga magagandang sariling katangian. Ang pagkakaunawa sa mga kahulugan ng bawat isa sa mga katangiang ito ay nagbibigay ng isang kapansin-pansing sulyap tungo sa kagandahan na nasa mismong puso ng banal na kalikasan.
Narito si Moises na naghihintay na makita Siya noong sinabi niya, “Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.” (Exodo 33:18, ADB)
At si Yahuwah ay dumaan sa harapan niya at nagpahayag, “Yahuwah, Yahuwah Adonai na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan; Na gumagamit ng kaawaan sa libolibo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan...” (Exodo 34:6-7, ADB)
Si Yahuwah ay may kagandahang-loob
“Nguni't ang kagandahang-loob ng Yahuwah ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan.” |
Ang awa ay “ang kabaitan, kahinahunan o kalambingan ng puso na nag-aayos ng isang tao para palagpasin ang mga sugat, o para ituring ang nagkasala na mas mabuti kaysa sa nararapat sa kanya; ang disposisyon na nagpapahinahon ng katarungan, at nagbubuod ng isang sugatan na patawarin ang mga kasalanan at sugat at para pagtiisan ang kaparusahan, o bawasan ang kahirapan na ipinataw ng batas o katarungan; kagandahang-loob.”1
Ito ay kung paano ituring ng Ama ang iba. Mayroon Siyang malambing na disposisyon. Kapag sinaktan o tinukso, ang Kanyang unang reaksyon ay palagpasin ang sala at ituring ang isa na nanakit sa Kanya nang mas mabuti kaysa sa nararapat sa kanya.
“Nguni't ang kagandahang-loob ng Yahuwah ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan.” (Awit 103:17, ADB)
Si Yahuwah ay mapagmahal
Para maging mapagmahal ay para maging mabuti, palakaibigan. Si Yahuwah ay palakaibigan! Siya ay masigla, interesado sa iba, at madaling pakisamahan. Ang mapagmahal ay maaari ring bigyang-kahulugan bilang “mabuti.” Ang sinuman na mabuti ay mayroong lehitimong nais na gumawa ng kabutihan sa iba. Ang kabutihan ay isang mahalagang bahagi ng mapagmahal na sariling katangian ni Yahuwah. “Yamang naranasan na ninyo ang kabutihan ni Yahuwah.” (1 Pedro 2:3)
Si Yahuwah ay matiisin
Ito ay siguradong mabuting balita para sa mga makasalanan! Ang pagiging matiisin ay nangangahulugang “para dalhin ang mga sugat o kagalit-galit sa loob ng mahabang panahon … hindi madaling magalit.” Ito’y pagiging matiisin! Lahat tayo’y gumagawa ng pagkakamali. Gayunman, ang tunay na magkaibigan ay mabilis na magpatawad, at si Yahuwah ang pinakatotoo sa lahat ng mga kaibigan. “Hindi nagpapabaya si Yahuwah tungkol sa Kanyang pangako gaya ng inaakala ng iba. Pinagtitiisan lamang kayo ni Yahuwah kaya hindi muna Niya ginagawa ang ayon sa Kanyang pangako. Binibigyan pa Niya ng pagkakataon ang lahat na magsisi sapagkat ayaw Niyang mapahamak ang sinuman.” (2 Pedro 3:9, FSV)
Si Yahuwah ay mabuti
Tinanong ni Yahushua ang isang mayaman, batang pinuno: “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lamang ang mabuti. Si Yah.” (Mateo 19:17, FSV) Sa buong Kasulatan, tayo ay sinabihan na si Yahuwah ay “mabuti,” ngunit ang aktwal na kahulugan ng “mabuti” ay mas malalim at mas mayaman kaysa sa natanto ng karamihan sa mga tao.
Ang kabutihan ay binigyang-kahulugan bilang “Alinman na nag-aambag na bawasan o tanggalin ang sakit o kalungkutan, o para palakasin ang kaligayahan o kasaganaan … [ito ay] pagsalungat sa kasamaan o paghihirap.” Matiyagang gumagawa si Yahuwah upang bawasan o tanggalin ang sakit. Siya ay aktibong naghahangad na pataasin ang kaligayahan at kasaganaan ng lahat. Oh anong napakagandang katangiang taglay ng isang tunay na kaibigan!
Si Yahuwah ay nakakaramdam ng awa
Ipinahayag ng Awit 103:13: “Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa si Yahuwah sa kanilang nangatatakot sa kaniya.”
Ang kalidad ng awa ay nakakakuha ng isang masamang katok. Ang mga taong nagpupunyagi sa mga pagsubok ay minsang pagalit na magpapahayag, “Huwag kayong maawa sa akin!” Ngunit ang awa ay sumusulong nang kamay-sa-kamay sa pakikiramay. Ang awa ay binigyang-kahulugan bilang: “Simpatya at kalumbayan na lumitaw sa mga kahinaan o paghihirap ng iba.”2
Ang mga mananampalataya ay pamilyar sa Hebreo 4:15 na nagpahayag: “Sapagkat mayroon tayong Kataas-taasang Pari na marunong makiramay sa ating mga kahinaan. Tulad natin ay tinukso rin siya sa lahat ng mga paraan, gayunma'y hindi siya nagkasala.” Sa ibang mga salita, nararamdaman ni Yahuwah kung ano ang nararamdaman natin. Literal. Iyon ang awa! Ang awa ay “ang damdamin o paghihirap ng isang tao sa mga pagdurusa ng iba.” Kaya sa bawat oras na binabasa mo ang isang teksto na nagsasalita ng awa ng Ama, unawain na ito’y nagsasabi na nararamdaman Niya ang nararamdaman natin, at kapag ika’y nagdurusa, Siya rin ay nagdurusa.
Si Yahuwah ay mahabagin
Sinasabi ng Awit 145:8 sa atin: “Si Yahuwah ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan; banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.” Ngunit ang kagandahan ng sariling katangiang ito ay naglaho dahil ang kahabagan ay hindi isang salita na madalas gamitin. Karamihan sa mga tao ay hindi nalalaman nang tiyakan kung ano ang ibig sabihin nito.
Ang kahabagan ay binigyang-kahulugan bilang: “Pagtitiis kasama ang iba; isang mabigat na simpatya; isang pandama ng kalungkutan sa mga kahinaan o paghihirap ng iba; awa; pagkaawa. Ang kahabagan ay isang pinaghalong pagkahilig na binuo ng pag-ibig at kalungkutan; iilang bahagi ng pag-ibig na pumapasok sa pighati o pagsisisi at nasasabik rito.” Ito ang ginagawa ng mga matalik na magkakaibigan: nararamdaman nila ang isa’t-isa. Ito ang bahagi ng ano ang bumubuo kay Yahuwah bilang isang dakilang kaibigan. Iniibig ka Niya nang lubos kaya anumang nakasakit sa iyo, Siya rin ay nasaktan.
Si Yahuwah ay mabait
“Kayo'y magsipanumbalik sa Yahuwah ninyong Eloah; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob…” (Joel 2:13, ADB) |
“Kayo'y magsipanumbalik sa Yahuwah ninyong Eloah; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob…” (Joel 2:13, ADB) Ang kabaitan ay isa sa pinakamagandang katangian na sinuman ay maaaring magkaroon.
Ang isang tao na mabait ay “nakalaan na gumawa ng mabuti sa iba, at pasayahin sila sa pagbibigay ng kanilang mga pakiusap, ibinibigay ang kanilang mga nais o tumutulong sa kanila sa kahirapan; ang pagkakaroon ng kalambingan o kabutihan ng kalikasan; kabutihan; mabait.”
Nanalangin si Yahushua: “At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Eloah at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.” (Juan 17:3, FSV) Upang makilala si Yahuwah ay para mahulog nang malalim sa pag-ibig sa Kanya kaya ang kasalanan ay mawawalan ng kapangyarihan.
Nalalaman ito ni Satanas. Ginawa niya ito na kanyang tampulan upang magtanim ng takot kay Yahuwah sa mga kaisipan ng mga mananampalataya at mga hindi nananampalataya. Binigyang-diin niya ang katarungan ni Yahuwah, na parang si Yah ay marahas at hindi nagpapatawad. Ngunit ang katarungan ay katuwiran lamang. Isang tao na matuwid ay “Marangal at mainam sa mga pakikitungo at gawa ng iba.”3 Bilang isang mapagmahal na Ama, si Yahuwah ay matuwid. Tandaan, ang kawalan ng katarungan ay hindi pag-ibig. Bilang iyong pinakamabuting kaibigan, Siya’y matuwid! Sa katunayan, bilang isang maawaing Manlilikha, Siya ay palaging maingat na “ituring ang nagkasala nang mas mabuti kaysa sa nararapat sa kanya.”
Kung kailan natin tunay na nakikilala si Yahuwah sapagkat ating pribilehiyo na makilala Siya, ang kasalanan ay mawawalan ng kapangyarihan sa atin. Malaman nang personal ang iyong Ama para sa iyong sarili. Kunin ang isang sulyap ng puso na nakatago sa likod ng mga akusasyon ni Satanas, at matutuklasan mo ang pinakamabuting kaibigan na maaari kang magkaroon.
1 Lahat ng mga pagbibigay ng kahulugan ay sinipi mula sa Noah Webster’s American Dictionary of the English Language, 1828 ed., maliban kung itinala.
2 The American Heritage Dictionary, 4th ed.
3 Ibid.