Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Pahayag 20:5-6 “Ang ibang mga patay ay hindi nabuhay hanggang sa matapos ang sanlibong taon. Ito ang unang muling pagkabuhay. 6 Pinagpala at banal ang mga nakasama sa unang muling pagkabuhay. Walang kapangyarihan sa kanila ang ikalawang kamatayan, kundi sila’y magiging mga pari ni Yahuwah at ni Kristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong taon.”
Ang una, at madalas lamang, na bagay sa kaisipan ng relihiyon kapag papalapit sa kabanatang ito ay ang konsepto ng isang libong taon. Ang pariralang ito ay lumilitaw nang anim na beses sa berso 2 hanggang 7. Gayunman, ang pagtatangka na mabatid ang totoo mula sa pananaw na iyon ay gumagawa sa atin ng isang nakakalitong gusot! Ang susing elemento sa siping ito ay hindi ang isang libong taon kundi sa halip ay ang unang muling pagkabuhay!
Ang susing elemento sa siping ito (Pahayag 20:5-6) ay hindi ang isang libong taon kundi sa halip ay ang unang muling pagkabuhay!
|
Ang Muling Pagkabuhay ng Kaluluwa
Juan 5:24-25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig sa salita ko at sumasampalataya sa kanya na nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan; hindi na siya daranas ng paghatol, sapagkat nailipat na siya mula sa kamatayan patungo sa buhay. 25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, darating ang oras, at ngayon na nga, kung saan maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ni Yahuwah, at ang mga makaririnig ay mabubuhay.
Ang mga salitang ito ay ang mismong Salita ni Yahuwah, ang Panginoong Kristo Yahushua! Siya, bilang ang Alpha at ang simula, ay nagtatatag ng doktrinal na patotoo na ang makasalanan ay patay na! Iginigiit niya na ang pangangailangan ng patay na makasalanan ay isang makapangyarihan na pinagtibay na muling pagkabuhay! Ang muling pagkabuhay na ito ay isinagawa ng kaparehong espiritwal na pamamaraan na ginamit upang pisikal na ibangon si Lazaro. Ito ang makapangyarihan at dahil dito’y mabisa na salita ni Kristo.
Sapagkat naipahayag sa berso 24 sa ibabaw, kung ang isa na parehong nakikinig at sumasampalataya ng salitang iyon, siya ay nailipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay! Siya ay espiritwal nang muling nabuhay! Ang apostol na si Pablo ay nagsusulat para sa mga taga-Efeso tungkol sa kaparehong doktrinang ito. Sa kabanata 2, berso 1, inilalarawan niya ang makasalanan bilang patay dahil sa pagsuway at mga pagkakasala. Pagkatapos sa berso 4 hanggang 6, mababasa natin: “Ngunit si Yahuwah, na mayaman sa awa, dahil sa kanyang dakilang pag-ibig sa atin, 5 kahit noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating mga pagsuway, ay binuhay niyang kasama ni Kristo. Dahil sa biyaya tayo’y iniligtas. 6 At dahil kay Kristo Yahushua, tayo’y muling binuhay na kasama niya, at iniluklok na kasama niya sa kalangitan.”
Dahil dito, natutunan natin na ang pagbabagong-buhay ay ang unang muling pagkabuhay! Sapagkat ito’y nangangailangan ng mabisang panawagan ni Yahuwah tungo sa patay na puso ng makasalanan upang magbigay sa kanya ng buhay, upang lumikha ng isang espiritwal na muling pagkabuhay!
Ang Muling Pagkabuhay Ng Katawan
Tiyakan, mayroong isang pisikal na muling pagkabuhay. Ang ating Panginoon ay tinukoy ito sa sipi bilang patunay na maaari niyang muling buhayin ang mga patay na makasalanan tungo sa espiritwal na buhay. Sa berso 28 at 29 ng kaparehong sipi mula kay Juan, mababasa natin, “Huwag kayong magtaka, sapagkat darating ang oras na ang lahat ng nasa libingan ay makaririnig sa kanyang tinig, at ang mga gumawa ng mabubuting bagay ay babangon tungo sa buhay, at ang mga gumawa ng masasamang bagay ay babangon tungo sa paghatol.”
Mapapansin mo na kapag tinutukoy ang espiritwal na muling pagkabuhay (pagbabagong-buhay), ipinapahayag niya na ito ay nagsisimulang maganap “ngayon!” Iyon ay, magsisimula sa panahon ng kanyang paglilingkod sa puntong iyon sa lupa! Dagdag pa, makikita mo na ang salitang “ngayon” ay hindi ginamit sa mga berso na naglalarawan ng pisikal na muling pagkabuhay, na magaganap na katapusan ng panahon. Isa pa, ang mga libingan ay nabanggit lamang na nauugnay sa pisikal na muling pagkabuhay sa berso 28 at 29. Ang mga espiritwal na patay ay nakagapos sa kasalanan, hindi sa lupa!
Maaari rin nating masiyasat na ang doktrina ng Pangkalahatang Muling Pagkabuhay, na naipahayag ng mga ama sa 1689 London Baptist Confession of Faith, ay itinaguyod ng mga berso na ito. Ang Confession na ito ay sinisipi rin ang Mga Gawa 24:15, nagpapahayag ng pag-asa kay Yahuwah, na sila mismo ay kinikilala, na magkakaroon ng isang muling pagkabuhay ng patay, ng parehong mabuti at masama. Likas, lumikha tayo ng maraming maling pagpapaliwanag nito mula noon, lalo na kasunod ng paglalathala ng nakaliligaw na Scofield na ‘Bibliya’!
Gayunman, dapat nating tanggapin at maunawaan na ang ating Panginoon ay nagsasalita lamang ng isang muling pagkabuhay mula sa libingan, ngunit malinaw niyang tinutukoy ang dalawang aspeto ng muling pagkabuhay na iyon! Nagpapahayag siya na ang ilan ay babangon tungo sa buhay, habang kasabay nito ang iba ay babangon tungo sa paghatol.
Ang Ibang Mga Patay
Ang mga sumasampalataya, katulad ng mga nananatili sa kawalan ng pananampalataya, ay minsang nasa ilalim ng kontrol ng mga impluwensya ni Satanas bago ang kanilang espiritwal na muling pagkabuhay. Pagkatapos, sila’y naligtas mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tungo sa kaharian ng Kanyang minamahal na Anak (Colosas 1:13).
|
“Ang ibang mga patay ay hindi nabuhay hanggang sa matapos ang sanlibong taon. Ito ang unang muling pagkabuhay.” Pahayag 20:5
Paano natin nauunawaan ang pariralang ito? Nauunawaan natin ito na ibig sabihin na ang lahat ng mga hindi nagbabagong-buhay na naturuan ng ebanghelyo ngunit nanatili sa kawalan ng pananampalataya. Iyon ay, ang nalalabi ng mga nananatiling patay sa pagsuway at pagkakasala! Ang apostol na si Pablo ay nagsasalita nito sa ikalawang berso ng Efeso 2. Namuhay (lumakad) kayo noon ayon sa takbo ng sanlibutang ito at sumunod sa pinuno ng kapangyarihan ng himpapawid, ang espiritung kumikilos ngayon sa mga anak ng pagsuway.
Ang mga sumasampalataya, katulad ng mga nananatili sa kawalan ng pananampalataya, ay minsang nasa ilalim ng kontrol ng mga impluwensya ni Satanas bago ang kanilang espiritwal na muling pagkabuhay. Pagkatapos, sila’y naligtas mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tungo sa kaharian ng Kanyang minamahal na Anak (Colosas 1:13). Gayunman, ang mga hindi sumasampalataya, walang pagbabagong-buhay o espiritwal na muling pagkabuhay, ay sinabi na mayroon pang espiritu ni Satanas na gumagawa ng kamatayan sa kaibuturan nila. Dahil dito, ang mga naturuan ng ebanghelyo ngunit nananatili sa kawalan ng pananampalataya ay ang ibang mga patay.
Pinagpala At Banal
Pinagpala at banal ay ang bahagi ng unang muling pagkabuhay: ang ikalawang kamatayan ay wala nang kapangyarihan sa kanila, ngunit sila’y mga pari ni Yahuwah at ni Kristo, at kasama Niyang maghahari sa loob ng isang libong taon. Ang tanging bagay na gumagawa sa isa na pinagpala at banal ay ang makapangyarihan na pagbabagong-buhay. Sa pamamagitan lamang nito, ang mga dating bagay ay lumipas na at lahat ay magiging bago. Tiyakan, ang pagdadala ng isang patay na katawan nang wala sa kagandahang-loob ay walang kakayahan na makamit iyon!
1 Corinto 15:50-51 “Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang laman at dugo ay hindi magmamana ng kaharian ni Yahuwah; ni ang may pagkabulok ay magmamana ng walang pagkabulok. Pakinggan ninyo ang sasabihin kong isang hiwaga. Hindi tayong lahat ay mahihimlay, ngunit tayong lahat ay babaguhin.”
Ngunit si Yahuwah, … kahit noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating mga pagsuway, ay binuhay niyang kasama ni Kristo. Dahil sa biyaya tayo’y iniligtas.
Tanging sa pagbabagong-buhay, o espiritwal na muling pagkabuhay, ay tinitiyak na ang ikalawang kamatayan ay walang kapangyarihan sa mga nagtataglay nito. Ang ikalawang kamatayan (Pahayag 2:11, 20:14, 15, 21:7, 8) ay tinutukoy ang walang hanggang kapahamakan. Tanging ang pagbabagong-buhay ang pumipigil sa kaluluwa mula sa paghaharap sa walang hanggang kapahamakan sa lawa ng apoy! Malinaw na ipinahayag na sinuman na sumasampalataya sa Kanya ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Mga Naghaharing Pari
Iyong naligtas, binagong-buhay sa unang muling pagkabuhay, ay sinabi na muling binuhay kasama niya at iniluklok kasama niya sa kalangitan dahil kay Kristo Yahushua: (Efeso 2:6). Sila ang mga naghaharing pari! Sila’y ay daanan sa banal ng mga banal at komunyon kasama mismo si Yahuwah! Hebreo 10:19 Kaya, mga kapatid, mayroon na tayong lakas ng loob na pumasok sa Dakong Kabanal-banalan sa pamamagitan ng dugo ni Yahushua. 20 Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daan sa gitna ng tabing; samakatuwid ay sa pamamagitan ng kanyang katawan. 21 At dahil tayo ay may isang Kataas-taasang Pari sa bahay ni Yahuwah, 22 lumapit tayo kay Yahuwah na may tapat na puso at lubos na pananampalataya. Lumapit tayo na may pusong winisikan upang maging malinis mula sa maruming budhi at may katawang hinugasan ng dalisay na tubig.
Sila’y hindi nangangailangan ng isang ‘santo,’ sila’y hindi nangangailangan ng isang Maria o maging isang pastor upang kunin sila tungo sa maluwalhating presensya ng Ama. Sila’y may Kristo at kanyang buhay mula sa kaibuturan! Dahil dito’y sinabi na sila ay kasama na iniluklok sa kanyang makalangit na lugar, naghahari sa espiritwal na kasiglahan sa buong panahon ng simbahan.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Pastor Gene Breed (Hulyo 13, 2006).
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC