Transhumanismo: Sangkatauhan sa Ilalim ng Pagkubkob
Ang Transhumanismo ay ang sukdulang layunin ni Satanas: likhain ang mga tao sa kanyang sariling larawan. |
Ang Isaias 14 ay naglalaman ng isang kawili-wili—at, medyo lantaran, kakila-kilabot—na sulyap sa kaisipan ni Satanas at mga pag-uudyok.
Ano’t nahulog ka mula sa langit,
Oh tala sa umaga [Lucifer], anak ng umaga!
… At sinabi mo sa iyong sarili,
“Ako’y sasampa sa langit,
Aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Elohim;
At ako’y uupo sa bundok ng kapisanan,
Sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap;
Ako’y magiging gaya ng Kataas-taasan.”
Ang dakilang kayabangan ng ganoong pagmamataas ay makapigil-hininga. Ngunit naisip mo ba kung paano pinaplano ni Satanas na “magiging gaya ng Kataas-taasan”? Ito’y hindi lamang isang walang kapararakang pagsasalita. Upang maunawaan kung paano pinaplano ni Satanas maging kagaya ni Yahuwah, kinakailangan na siyasatin kung anong nagtatakda kay Yahuwah na natatangi mula sa ibang entidad sa sanlibutan.
Ang Dahilan Upang Sumamba
Maraming emosyonal na dahilan ang mga mananampalataya na maaaring ibigay kung bakit si Yahuwah ay karapat-dapat na sambahin: iniibig Niya tayo; inalay Niya ang Kanyang anak upang iligtas tayo; pinatatawad Niya tayo, at marami pang iba. Ngunit sa isang kosmikong legal na diwa, mayroon lamang isa: nilikha tayo ni Yahuwah. Iyon lamang.
Sa pangitain, nakita ni Juan ang 24 na matatanda na sumasamba sa harap ng trono ni Yahuwah. Narinig niyang sinasabi:
Karapat-dapat ka, Yahuwah naming Elohim,
Na tumanggap ng kaluwalhatian, karangalan, at kapangyarihan,
Sapagkat nilikha mo ang lahat ng bagay,
At sa pamamagitan ng iyong kalooban, sila’y nalikha at pinaiiral.
Si Yahuwah ay karapat-dapat na sambahin dahil nilikha Niya ang lahat ng bagay. Upang maging kagaya ni Yahuwah, dahil dito, si Satanas ay dapat rin lumikha. Ito ang nakatagong adyenda sa kanyang layunin para sa transhumanismo.
Nilikha sa Larawan ng Manlilikha
Ipinapakita ng Kasulatan na “nilalang ng Elohim ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Elohim siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.” (Genesis 1:27) Ito ay kaukulang karapatan ni Yahuwah, bilang Manlilikha, upang pagkalooban ang mga pinipili niya ng pagiging imortal. Nais ni Lucifer sina Adan at Eba na magkasala at pagkatapos ay kumain mula sa puno ng buhay, kaya lumilikha ng mga makasalanang imortal. Naiwasan ni Yahuwah ito sa pamamagitan ng pagpapalayas sa kanila mula sa Hardin ng Eden at nagpwesto ng kerubin “upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.” (Genesis 3:24)
Ngayon, ang diyablo ay nagtatangka na maging kagaya ng Kataas-taasan sa pamamagitan ng pag-agaw sa banal na karapatan na sambahin sa pagtatangka na likhain ang tao sa kanyang sariling larawan. Ang kanyang pamamaraan? Transhumanismo.
Ang Susunod na Yugto ng “Ebolusyon”
transhumanismo trăns-hyoo͞′mə-nĭz″əm, trănz- pangngalan
(The American Heritage Dictionary of the English Language.) |
Ang paghahalo ng teknolohiya sa byolohiya ay maaari at lubos na nakabuti sa sangkatauhan. Ang mga peysmeyker at mga prostetik ay dalawang halimbawa kung paano ang teknolohiya ay tumutulong sa byolohiya. Ang problema ay, ang transhumanismo ay hindi mahihiwalay na dugtong sa posthumanismo, ang ideya na ang sangkatauhan mismo ay patuloy na magdadala ng isang mas maunlad, mas modernong bersyon ng sarili nito. Hindi na tayo magiging tao kundi isang post-na tao. Isang ganap na bago at naiibang uri.
At, makatuwiran, ito’y nagkakaroon ng saysay. Kung ikaw ay naniniwala na ang sangkatauhan ay umunlad mula sa isang mababang anyo ng buhay, pagkatapos sa paggamit ng teknolohiya upang “isulong” sa isang mas mataas na buhay ay naaayon sa mga ganoong paniniwala. Gayunman, ang isyu ay mas kumplikado kaysa sa mga personal na paniniwala tungkol sa pinagmulan ng ating uri. Mayroong mga dakilang panganib na lehitimo sa adyendang transhumanismo.
Batay sa isang neo-Darwinyang makamundong pananaw, pinanindigan na ang mga tao ay dapat kunin ang ebolusyon sa kanilang sariling kamay at isagawa ang mga malawakang tangka na gamitin ang mga teknolohiya sa sarili nilang buhay. Ang mga proyektong ito ay layon ang isang radikal na pagtaas ng mga pangkatawang punsyon (tagal ng kalusugan, mahabang buhay), nagbibigay-malay at mga emosyonal na kapasidad (katalinuhan, memorya), mga pisikal na katangian (kalakasan, kagandahan), at pag-uugali (moralidad).1
Habang ang lahat ng ito’y tila mabuti, itanong mo sa iyong sarili: “Sino ang magbibigay ng kahulugan sa moralidad?” Para sa mga mananampalataya, ang Bibliya ay nagbibigay ng kahulugan sa moralidad. Ang panganib ay tumataas nang maramihan sa kakayahan ng teknolohiya na hindi lamang mag-impluwensya kundi magkontrol ng kaisipan, paniniwala, at kilos ng indibidwal.
Ang Adyenda ng Ahas
Noong 2021, ang Ministry of Defense ng United Kingdom ay lumikha ng isang proyektong ulat sa pakikipagsosyo sa Bundeswehr Office for Defense Planning ng Alemanya. Ang ulat ay tinawag na, “Human Augmentation — The Dawn of a New Paradigm, a Strategic Implications Project.” Ipinahayag nito: “Ang pagpapaunlad ng tao ay magiging mas angkop, sa isang bahagi dahil ito’y maaaring direktang magpalakas sa kapabilidad at kilos ng tao at sa isang bahagi dahil ito’y nagbibigkis na ahente sa pagitan ng tao at makina.”
Ang panganib ay higit pa sa ispekulasyong sci-fi. Sa pagtatapos ng 2022, isang kumpanya na tinawag na Synchron ay taglay ang mahigit 100 patente sa kanilang hangarin na pagsamahin ang teknolohiya sa byolohika. Sila’y lumikha ng tinatawag nila na isang “endovascular brain computer interface.” Inilagay sa isang daluyan ng dugo sa ibaba ng leeg, ang Stentrode sensor na ito ay lumilipat sa utak kung saan ito nag-iimpluwensya sa takbo ng cortex. Mula nang Hulyo, 2022, ang kumpanya ay naglagay na ng aparato sa apat na pasyente sa Australya at isa sa Estados Unidos. Ang teknolohiyang ito, at iba pang katulad nito, ay nagbubukas ng pintuan sa mga panlabas na pwersa na kumokontrol sa kaisipan at gawain ng iba. Ang layunin ay upang tuparin ang pangako ni Satanas kay Eba, “At kayo’y magiging parang Diyos.” (Genesis 3:5)
Si Yuval Harari ay isang propesor at pinakamabentang may-akda. Ang paglalarawan ng Amazon sa kanyang aklat, Homo Deus: A Brief History of Tomorrow, ay nagpahahayag:
Si Yuval Noah Harari … ay itinuon ang kanyang tampulan tungo sa hinaharap ng sangkatauhan, at ang ating pithaya upang itaas ang mga tao tungo sa pagiging mga diyos.
… Bilang mga nilikha sa sarili na diyos sa daigdig, anu-anong mga kapalaran ang itatakda natin sa ating sarili, at aling pithaya ang isasagawa natin? Sisiyasatin ng Homo Deus ang mga proyekto, mga panaginip at mga bangungot na huhugis sa ika-21 siglo—mula sa pagtatagumpay sa kamatayan hanggang sa paglilikha ng artipisyal na buhay. Tinatanong nito ang mga batayang katanungan: Saan tayo tutungo mula rito? At paano nating ipagtatanggol ang marupok na mundong ito mula sa sarili nating mapangwasak na kapangyarihan? Ito ang susunod na yugto ng ebolusyon. Ito ay ang Homo Deus.
Ito, naririto, ang sukdulang layunin ni Satanas. Ang transhumanismo ay kanyang tangka na gawin ang kanyang sarili na “magiging gaya ng Kataas-taasan.” Sa pamamagitan ng teknolohiya upang likhain ang sangkatauhan sa kanyang sariling larawan, siya ay nagtatangka na agawin ang karapatan na sambahin.
Lahat ng lalaban ay mapipilitan sa ilalim ng banta ng kamatayan. Kabaligtaran nito, tanging si Yahuwah lamang ang nagtitiyak ang ating kalayaang pumili. Siya lamang ang karapat-dapat ng ating pagsamba. Ang huling henerasyon ay inutusan: “Matakot kayo kay Yahuwah at luwalhatiin ninyo Siya, sapagkat ang oras ng Kanyang paghuhukom ay dumating na. Sambahin ninyo Siya—siyang lumikha ng langit at ng lupa, ng dagat at ng mga bukal ng tubig.” (Pahayag 14:7)
1 Post- and Transhumanism: An Introduction. Mga Patnugot, Stefan Sorgner at Robert Ranisch.