Ano ang inaangkin ng Bibliya tungkol sa sarili nito?
(1) “Ang lahat ng mga kasulatan ay ihininga ni Yahuwah at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at pagsasanay sa katuwiran, upang ang lingkod ni Yahuwah ay maging karapat-dapat at lubusang maihanda sa lahat ng mabubuting gawa.” (2 Timoteo 3:16-17)
(2) “. . . walang propesiya ng Kasulatan na nahayag dahil sa pansariling pagpapakahulugan ng sinuman. Sapagkat walang propesiyang dumating kailanman na nagbuhat sa kalooban ng tao; sa halip, nagsalita ang mga tao ng mga bagay na galing kay Yahuwah nang sila'y magpahayag sa ilalim ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.” (2 Pedro 1:20-21)
(3) “Sapagkat ang salita ni Yahuwah ay buháy, mabisa, at higit na matalas kaysa alin mang tabak na may dalawang talim. Tumatagos ito hanggang sa pagitan ng kaluluwa at ng espiritu, hanggang sa mga kasukasuan at utak sa buto; at may kakayahang kumilala ng mga pag-iisip at mga hangarin ng puso.” (Hebreo 4:12)
(4) “. . . ang kasulatan ay hindi mapapawalang bisa.” (Juan 10:35)
Ano ang ebidensya na ibinigay ng Bibliya upang itaguyod ang mga kahanga-hangang angkin na ito?
Agham
Narito ang ilang halimbawa ng mga angking pang-agham ng Bibliya na nauna pa sa modernong agham. Marami pa ang maaaring isipi.
- Ang Paglikha ay gawa sa mga tipik, hindi nakikita ng ating mga mata. (Hebreo 11:3)
- Ang hangin ay may bigat. (Job 28:25)
- Ang Bibliya, mahigit 4,000 taon ang nakalipas, ay tiniyak ang sakdal na sukat para sa matatag na sasakyang-pandagat. (Genesis 6:15)
- Kapag may sakit, ang ating mga damit ay lalabhan at maliligo sa umaagos na batis. (Levitico 15:13)
- Kapag walang palikuran, ang dumi ng tao’y magdudulot ng sakit. (Deuteronomio 23:12-13)
- Ang mga karagatan ay naglalaman ng mga bukal. (Job 38:16)
- Ang dugo ay ang pinagmulan ng buhay at kalusugan. (Levitico 17:11, 14)
- Ang ating katawan ay gawa mula sa alabok ng lupa (Genesis 2:7; 3:19). Ang mga dalub-agham ay natuklasan na ang katawan ng tao ay binubuo ng mga nasa 28 lubigan at badhang sangkap, lahat ay makikita sa lupa.
- Ang pagbubukod (pagkuwarentenas) sa mga maysakit ay maiiwasan ang pagkalat ng sakit. (Levitico 13:45-46; Mga Bilang 5:1-4)
- Ang presenya na tinatawag na ngayong “sagitsit” ay naitala ni Solomon, 3,000 taon na ang nakakalipas. (Mangangaral 1:6)
- May mga bundok sa kailaliman ng karagatan. (Jonas 2:5-6)
- Ang daigdig ay patag, isang katunayan na itinatago ng mga Heswita sa loob ng ilang daang taon. Ang katunayan na ang daigdig ay hindi isang globo ay darating bilang isang sindak sa marami dahil sa panghabambuhay na pagkokondisyon at walang humpay na pagkakalantad sa mga kamalian at propaganda ng mga Heswita, ngunit ang pang-obserbasyon at tunay na pang-agham na ebidensya ay dala-dala ang ginawang malinaw ng Banal na Kasulatan, ang mundo ay patag.
Panloob na Kabuuan
Ang 66 na mga aklat ng Bibliya ay isinulat:
- Sa tatlong kontinente: Aprika, Asya, at Timog Europa
- Sa tatlong wika: Hebreo, Arameik, at Griyego
- Ng humigit-kumulang 40 iba’t-ibang tao na may iba’t-ibang karanasan at edukasyon: mga hari, mga pastol, mga musikero, mga magsasaka, mga mangingisda, mga pari, mga manggagamot, atbp.
- Sa panahon ng halos 1,500 taon
Hindi kapani-paniwala, ang lahat ng 66 na mga aklat ng Bibliya ay napanatili ang isang kahanga-hangang pagkakatugma sa isa’t-isa! Ang panloob na kabuuan ng Bibliya ay isang kapansin-pansing patunay sa banal na pinagmulan nito.
Propesiya
“Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning Ako lamang ang Elohim, at maliban sa Akin ay wala nang iba. Sa simula pa'y itinakda Ko na, at Aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi Kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak Ko, at gagawin Ko ang lahat ng gusto Kong gawin.” (Isaias 46:9-10)
Si Yahuwah, upang maipakita ang pagiging tunay ng Bibliya bilang Kanyang makapukaw na salita, ay nagbigay sa atin ng daan-daang (literal) banal na hula. Halos 30% ng Bibliya ay propesiya. Ibig sabihin ay isa sa bawat tatlong berso sa Bibliya ay propetiko! Upang itala, mga nasa 85% ng mga hula ng Bibliya ay eksaktong lumipas gayong nahulaan! Bakit pa aasahan ang mga hula sa hinaharap na magiging anumang iba?
Narito ang ilan sa mga propesiya na, sa bawat detalye, ay natupad na:
- Ang pagbagsak ng Imperyong Babilonya at ang kasunod na paglitaw ng Imperyong Medo-Persiya (Daniel 2)
- Si Ciro (Cyrus) ang magiging mandirigma na sasakop sa Babilonya (Isaias 45:1-3)... Hindi pa isinilang si Ciro!
- Hindi na tatahanang muli ang Babilonya (Isaias 13, Jeremias 51)
- Ang pagbagsak ng Imperyong Medo-Persiya at ang kasunod na paglitaw ng Gresya (Daniel 2, 7, 8)
- Ang mga pananakop ni Alexander ang Dakila (Daniel 7, 8)
- Ang pagkakahati ng Gresya sa mga apat na heneral kasunod ng kamatayan ni Alexander (Daniel 8)
- Ang paglitaw at pagbagsak ng paganong Roma kasunod ng pagbagsak ng Imperyong Gresya (Daniel 8)
- Ang pagkakahati ng Kanlurang Europa sa 10 monarka (Daniel 2, 7)
- Ang nahating Europa ay hindi na muling magkakaisa (Daniel 2)
- Ang paglitaw, pagbagsak, at pagbabalik ng Romanong Kapapahan ...tiniyak din ang eksaktong taon kung gaano katagal maghahari ang kapapahan! (Daniel 7, Pahayag 13)
- Ang Ehipto ay hindi na magkakaroon pa ng namumunong posisyon sa mga bansa (Ezekiel 29, 30)
- Ang pagkawasak ng Templo sa Jerusalem (Mateo 24, Marcos 13, Lucas 19)
- Ang pag-uusig at pagpatay sa mga naniniwala sa Bibliya na Kristyano ng Romanong Kapapahan ...tinukoy rin ang mga tiyak na paraan ng kalupitan at pagpatay na ginagawa! (Daniel 7, 8, 11; Pahayag 13, 17)
- Ang pagsilang, paglitaw, at katangian ng Estados Unidos (Pahayag 13:11-16)
- Ang eksaktong taon ng unang Kristyanong martir, at ang pagbibigay ng Magandang Balita sa mga Hentil – Ang “70 Sanlinggong” Propesiya (Daniel 9)
Ang aklat ni Daniel, lamang, ay eksaktong nahulaan ang mahigit 2,500 taon ng anumang tinatawag ngayon na kasaysayan!
Tinupad ni Yahushua ang mahigit 350 mesyanikong propesiya sa bawat detalye, kabilang ang eksaktong panahon, lugar, at kaganapan ng Kanyang kapanganakan, Kanyang paglilingkod, pagtanggi sa Kanya, pagtaksil sa Kanya, at Kanyang pansamantalang kamatayan. |
Ngayon, tingnan natin ang tungkol kay Yahushua ng Nazareth...
Tinupad ni Yahushua ang mahigit 350 mesyanikong propesiya sa bawat detalye, kabilang ang eksaktong panahon, lugar, at kaganapan ng Kanyang kapanganakan, Kanyang paglilingkod, pagtanggi sa Kanya, pagtaksil sa Kanya, at Kanyang pansamantalang kamatayan. 61 sa mga propesiyang ito ay itinuturing ng mga iskolar na “mga pangunahing propesiya,” na nangangahulugan na ang katiyakan ng mga nahulaang pangyayari ay nagpapahintulot sa mga mananalaysay na tunay na siyasatin ang katumpakan ng mga katuparang pinanindigan ng mga propesiya. Bawat propesiya, nang walang pagbubukod, ay hindi mapapabulaanang tinupad ni Yahushua.
Narito ang ilan sa mga propesiya na, sa bawat detalye, ay tinupad ni Yahushua:
Ilang daang taon bago ang ipinakilala ng Roma ang pagpapako sa krus bilang anyo ng pagbibitay, naitala ng Kasulatan na si Yahushua ay tutusukin ang Kanyang mga kamay at paa. (Tingnan ang Awit 22:16-17 at Zacarias 12:10) |
- Naging inapo ni Abraham (Genesis 12:3)
- Naging inapo ni Isaac (Genesis 17:19; 21:12)
- Naging inapo ni Jacob (Genesis 28:14; Mga Bilang 24:17, 19)
- Naging inapo ni Juda (Genesis 49:10)
- Isinilang sa Bethlehem (Mikas 5:1-2)
- *Isinilang sa Tiyak na Panahon (Daniel 9:25) – Ang propesiyang ito ay ipinunto ang eksaktong taon ng bautismo kay Yahushua at pagpako sa krus!
- Pagpatay sa mga anak sa pagsisikap na patayin si Yahushua habang Siya ay bata pa (Jeremias 31:15)
- Tinawag mula sa Ehipto (Hosea 11:1)
- Inatasan ang tagapanguna (Malakias 3:1)
- Isinugo si Elias (Malakias 4:5-6)
- Ipinahayag na Anak ni Yahuwah (Awit 2:7, Kawikaan 30:4)
- Naglilingkod sa pagpapagaling (Isaias 35:5-6; 42:18)
- Paglilingkod sa Galilea (Isaias 8:22-9:1; 9:1-2)
- Pagsasalita ng mga talinghaga (Awit 78:2-4)
- Isang propeta (Deuteronomio 18:15)
- Ginamit ang mismong pangalan ni Yahuwah sa Kanya (Isaias 9:5-7; Jeremias 23:5-6)
- Pinagbuklod ang mga nagluluksa (Isaias 61:1-2)
- Tinanggihan ng Kanyang sariling bayan (Isaias 53:3; 63:3; Awit 69:8-9)
- Pinarangalan ng mga dakilang tao (Awit 72:10-11)
- Pari ayon sa kautusan ni Melquisedec (Awit 110:4)
- Mapagtagumpay na pagdating sa Jerusalem sakay ng batang asno (Zacarias 9:9)
- Pinupuri ng mga bata’t bagong silang (Awit 8:2)
- Hindi pinaniwalaan (Isaias 53:1)
- Pinagtaksilan ng isang matalik na kaibigan (Awit 41:9; 55:12-15)
- Pinagtaksilan para sa tatlumpung piraso ng pilak (Zacarias 11:12)
- Pinaratangan ng maling saksi (Awit 35:11)
- Pinatahimik sa mga akusasyon (Isaias 53:7)
- Binugbog at niluraan (Isaias 50:6)
- Itinakwil at kinamuhian nang walang dahilan (Isaias 49:7, Awit 35:19; 69:4-5)
- Ipinako kasama ang mga kriminal (Isaias 53:12)
- *Tutusukin ang Kanyang mga kamay at paa (Awit 22:16-17; Zacarias 12:10)
- Pinatawanan at kinutya (Awit 22:7-8)
- Nagsisi (Awit 69:9)
- Nanalangin para sa Kanyang mga kaaway (Awit 109:4)
- Pinagsugala’t pinaghati-hatian ang Kanyang mga damit (Awit 22:17-18)
- Walang nabaling buto (Exodo 12:46; Awit 34:20)
- Tinusok ang Kanyang tagiliran (Zacarias 12:10)
- Inilibing ng isang mayaman (Isaias 53:9)
- Muling nabuhay! (Awit 16:10; 49:15)
*Inimungkahing Basahin: Awit 22 at Isaias 53. Kahanga-hanga! Tandaan na kapag binabasa ang mga sipi ito, ang Awit 22 ay isinulat sa humigit-kumulang 1000 BC; ang aklat ni Isaias ay isinulat noong 700 BC.
Ayon sa mga matematiko...
Ang mga logro ng isang tao na tumutupad ng 8 sa mga propesiyang ito ay...1 sa 1017
1 sa 10:17 = 1 sa 100,000,000,000,000,000
Ang mga logro ng isang tao na tumutupad ng 16 sa mga propesiyang ito ay...1 sa 1045
1 sa 10:45 = 1 sa 1,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000
Ang mga logro ng isang tao na tumutupad ng 48 sa mga propesiyang ito ay...1 sa 10157
1 sa 10:157 = 1 sa 10,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000
“At ngayon, sinabi ko na ito sa inyo, bago pa ito mangyari,
upang kapag nangyari na ito, ay maniwala kayo.”
(Juan 14:29)
Anong panlabas na ebidensya ang mayroon upang itaguyod ang mga angkin ng Bibliya?
Pang-eksperimentong Kabuuan
Ang natatanging nilalaman ng Bibliya ay, sa loob ng 2,000 taon, pinagyaman ang mga buhay ng milyun-milyong tao: lalaki at babae, bata at matanda, mayaman at mahirap, malaya o alipin, mula sa lahat ng karanasan, at mula sa bawat etnikong pangkat sa mundo. Ang pagkagumon ay nasakop. Ang mga nagdadalamhati ay pinagaling. Ang takot, pagkalito, pagkabalisa, depresyon, galit, pagkakasala, sakit, at lahat ng bagay ng kasamaan ay napagtagumpayan ng nabubuhay na liwanag ng katotohanan ng Bibliya.
Pagpapanatili
Ang mga sinaunang Kasulatan ng Bibliya ay kapansin-pansing pinanatili at eksaktong isinalin sa loob ng libu-libong taon sa kabila ng hindi mabilang na tangka na ikubli ang mga nilalaman nito at napakaraming pagsisikap sa buong naitalang kasaysayan na wasakin ang lahat ng ito. Sa kasalukuyan, halos 25,000 mga sinaunang manuskrito ng Bibliya ang patuloy na umiiral. Walang ibang aklat noong unang panahon sa pag-iral na maaaring itaguyod maging ang 1,000 bahagyang manuskrito!
Ang pagtuklas sa mga “Pergamino ng Dagat na Patay” noong 1947 ay nagpatotoo sa kahanga-hangang pagpapanatili ng Lumang Tipan, gayon din sa kahanga-hangang katiyakan ng modernong pagsasalin nito.
Mga Patotoo ng Buhay
Hindi mabilang na milyun-milyong tao ang kusang-loob na ibinuwis ang kanilang mga buhay sa panahon ng Romanong kapapahang “Ingkisisyon.” Sila’y sinunog sa istaka, pinalo, binato, pinugutan, binigti, nilapa ng mga mababangis na hayop, at walang humpay na pinahirapan gamit ang mga pinaka hindi maarok at pinakamalupit na paraan na hindi pa nasasaksihan ng sangkatauhan. Ang panahong ito ay madalas tukuyin bilang “Panahon ng Kadiliman” dahil ang Liwanag ng Bibliya ay sadyang itinago at ikinubli ng estado ng Romanong simbahan. Naging “erehya” na basahin ang Bibliya o maging ang pag-aari ng Bibliya. Ito ay para sa Pag-ibig sa Katotohanan na nakapaloob sa pagitan ng mga balot ng Bibliya na ang hindi mabilang na kalalakihan at kababaihan ay kusang-loob na itinaya ang kanilang mga buhay.
Nalalaman nila ang KATOTOHANAN...na ang Bibliya ay hindi isang aklat ng pagtuligsa at imahinasyon; ito ay isang Aklat ng Pag-asa, Pangako, Kaliwanagan, at Kalayaan, ang Nabubuhay na mga salita ng isang Mapagmahal na Manlilikha, ang rebelasyon ng walang pasubaling Pag-ibig at Awa na nananahan sa natatanging haligi ng Katotohanan – si Yahushua, Anak ng Nabubuhay na Eloah!
Ang Bibliya – Mabilisang mga Katunayan:
- Mayroong halos 25,000 mga manuskrito ng Bagong Tipan ng Bibliya na patuloy pa ring umiiral ngayon. (Walang ibang sinaunang aklat sa pag-iral ang maaaring itaguyod ng 1,000 nananatiling mga manuskrito!)
- Ang buong Bibliya ay naisalin sa mahigit 400 wika, ilang bahagi nito ay naisalin sa mahigit 2,500 wika.
- Ang Bibliya ay ang pinakalaganap na aklat sa buong mundo. (Noong 2001, ang Gideons International ay tinantya na mga nasa 107 kopya kada minuto ang umiikot sa mundo!)
- Mas maraming aklat ang naisulat tungkol sa Bibliya kaysa sa anumang ibang paksa.
- Mas maraming manunulat ang nagsipi mula sa Bibliya kaysa sa mula sa anumang ibang pinagkunan.
- Ang Bibliya ay ang pinakatinutukang obra ng literatura sa kasaysayan.
- Nasa 30% ng Bibliya ay propesiya.
- Tinantya ng mga mananalaysay na umabot sa 100 milyong tao ang pinatay noong Ingkisisyon ng Romanong kapapahan para lamang sa pagnanais na basahin ang Bibliya at umayon sa mga banal na pagtuturo nito. (Babala! Hindi Nagbabago ang Roma!)
“Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay,
sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.”
(Awit 119:105)