Ang ipinarangalang pagkamatuwid ay hindi kapareho ng ipinabatid na pagkamatuwid. Basahin para matutunan ang kahanga-hangang patotoo tungkol sa agham ng kaligtasan. |
Nakakuha kami ng pinakamabuting balita sa lahat upang ibahagi sa iyo!
Upang magkaroon ng walang hanggang buhay, dapat ikaw ay ganap, gaya ni Yahushua na ganap. Ibig sabihin nito ay pananatilihin mo ang kautusan ni Yahuwah gaya ng ginawa Niya: nang ganap. Hindi madudulas. Walang kamalian. Ganap.
Syempre. Hindi iyon ang mabuting bahagi. Dahil, diretsahan, hindi mo makakayang magawa ito.
Pareho nating hindi magagawa ito. Walang sinuman.
Ngunit narito ang mabuting balita: nalalaman ni Yahuwah na hindi mo makakaya, kaya hindi na Niya inaasahan sa iyo! Nakuha naman Niya sa ilalim ng Kanyang kontrol.
Ang kabalintunaan ng pagkamatuwid
Ang mabuting balita ng kaligtasan ay maaari ka pa ring maligtas, kahit na hindi mo natugunan ang mga pangangailangan ng kaligtasan. Hindi mo makakaya, sa iyong sarili, na lumikha ng pagkamatuwid na kinailangan ng kautusan ni Yahuwah. Kaya ipinagkaloob ni Yahuwah si Yahushua. Siya ay, literal na “Ang kordero ni Yah na siyang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!” (Tingnan ang Juan 1:29, FSV)
“Sapagkat ganoon inibig ni Yah ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat isinugo ni Yah ang Anak sa sanlibutan, hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang sa pamamagitan Niya ay maligtas ang sanlibutan.” (Tingnan ang Juan 3:16-17, FSV)
Ang banal na kautusan ay ipinapahayag ang kahihinatnan para sa kasalanan: “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang walang-bayad na kaloob ni Yah ay buhay na walang hanggan kay Kristo Yahushua na ating Panginoon.” Dahil “ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ni Yah.” (Tingnan ang Roma 3:23), isang Tagapagligtas ang kailangan. Kaya si Yahushua ay isinilang: isang ganap na tao na, hindi tulad kay Adan, pinili na panatilihin nang ganap ang banal na kautusan.
Ang agham ng kaligtasan
Si Yahushua lamang ang tanging tao na nagpanatili ng banal na kautusan nang ganap. Noong siya ay namatay sa krus, namatay siyang isang mananakop. Sapagkat hindi siya kailanman nagkasala, ganap na binigyang-katuwiran si Yahushua sa pagbangon sa kanya mula sa mga patay.
Kapag ang isang makasalanan ang nagsisi at tinatanggap sa pananampalataya ang kamatayan ni Yahushua sa kanyang ngalan, kinukuha ni Yahuwah ang ganap na pagtalima ni Yahushua sa kautusan [kanyang pagkamatuwid] at ipinaparangal ito sa nagsisising mananampalataya.
Ipinaliwanag ni Pablo kung paano ang pagpapalitang ito ay nagaganap, sinasabing: “Namatay na akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Kristo Yahushua na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayo'y sa pamamagitan na ng pananampalataya sa Anak ni Yah na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.” (Tingnan ang Galacia 2:20, FSV)
Kapag tinanggap mo si Yahushua bilang iyong Tagapagligtas, siya ang iyong nagiging panghalili. Ang kanyang kamatayan ay binabayaran ang buong katubusan para sa mga kasalanan na nagawa mo. Pagkatapos, sa isang napakagandang transaksyon ng banal na kagandahang-loob, ang kanyang pagkamatuwid ay ipaparangal sa iyong talaan sa isang legal na proseso na tinatawag na porensikong pagkamakatuwiran. Ito ay ipinarangal na pagkamatuwid. Ang ating mga kasalanan ay ipinaratang kay Yahushua, kaya ang kanyang pagkamatuwid ay maaaring iparatang sa atin. “Itinuring niyang nagkasala siya na hindi nakaranas ng kasalanan, upang sa pamamagitan niya, tayo'y ituring na matuwid sa harapan ni Yahuwah.” (Tingnan ang 2 Corinto 5:21, FSV)
Ang “pagkamakatuwiran sa pananampalataya” ay ang eksaktong kaparehong bagay sa pagkamatuwid sa pananampalataya. Sa katunayan, sa Griyego, ang salita para sa pagkamakatuwiran, at ang salita para sa pagkamatuwid, ay iisa lamang.
Habang ika’y nananatili kay Yahuwah, nagtitiwala sa mga merito ni Yahushua, ikaw ay babalutin ng kanyang pagkamatuwid. Tatayo ka sa harap ni Yahuwah na parang hindi nagkasala. Ito ay isang patuloy, walang katapusang donasyon.
Ito ang mabuting balita ng kaligtasan! Gaya ni Abraham na pinagkalooban ng isang Isaac, “Diyos [Elohim] ang maghahanda ng korderong pinakahandog na susunugin, anak ko: ano pa't sila'y kapuwa yumaong magkasama.” (Genesis 22:8, ADB) Mayroon Siya, at ang korderong iyon ay si Yahushua, Kanyang bugtong na anak.
Ang pagbabago ng kagandahang-loob
Lahat ng tatanggap ng kaloob ng ipinarangal na pagkamatuwid ni Yahushua ay, syempre, nais mamuhay sa kanilang buhay na may pagkakatugma sa banal na kalooban ni Yah. Sa kasamaang-palad, maraming tao ang gumagawa ng pagkakamali rito. Ipinalagay nila na ang ipinarangal na pagkamatuwid ni Yahushua ay mahiwagang nagpapabago sa kanila patungo sa banal at walang dungis na nilalang sa buhay na ito.
Ito ay isang pagkakamali. Ang apostol, si Santiago, ay nagbabala: “Sapagkat tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan.” (Santiago 3:2, FSV) Ang binigyang-katuwirang mananampalataya na tinatanggap ang espiritu ni Yahuwah na nananahan sa loob ay karaniwang titigil sa pagtangka sa mga nalamang kasalanan. Subalit, sapagkat kinikilala ni Santiago, may patuloy pa ring pagkakabigo dahil sa kamangmangan, o kahinaan. Ang mga kasalanan ng kamangmangan o kahinaan ay hindi kaparehong bagay sa mga kasalanan ng pagpapalagay. Walang sinuman ang tunay na nagsisi ang magpapalagay na magpatuloy sa pagtatangka sa anumang nalalaman na kasalanan.
Kapag ang diwa ni Yahuwah ay namumuno sa puso, ang mananampalataya ay darating sa pagtanaw gaya ng pagtanaw ni Yah rito. Habang lumilipas ang panahon, magkakaroon ng pagtaas ng pagkapoot sa kasalanan, na naghihiwalay sa kaluluwa mula kay Yah. Ipinaliwanag ni Pablo ang paglagong ito, ipinahayag: “Hindi na kayo dapat pang pagharian ng kasalanan, yamang wala na kayo sa ilalim ng Kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob ni Yah.” (Roma 6:14, FSV) (Ang kautusan, na narito, ay ang “kautusan ng kasalanan at kamatayan” na sinasabi sa Roma 8.)
Sa ibang salita, kailangan natin ang bumabalot na mga merito ng pagkamatuwid ni Yahushua, dahil tayong lahat ay mga makasalanan. Ngunit, habang tayo’y gumagawa ng pasya araw-araw para magtiwala sa kaloob ng kagandahang-loob ni Yah, isang kahanga-hangang pagbabago ang magsisimulang maganap. Habang tayo’y aktibong naghahangad na makilala at gawin ang kaloob ni Yah, isusulat Niya ang Kanyang kautusan sa iyong puso. Pansinin sa sumusunod na mga berso nang tiyakan kung sino ang nagdudulot ng pagbabago ito para maganap.
“Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at Aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at Aking bibigyan kayo ng pusong laman. At Aking ilalagay ang Aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa Aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang Aking mga kahatulan, at isasagawa.” (Ezekiel 36:26-27, ADB) Mula sa pagkamakatuwiran patungo sa pagpapakabanal, ang kaligtasan ay palaging kaloob ni Yah, at Kanyang gawa.
Habang nagaganap ang pagbabagong ito, ang kalooban ng mananampalataya ay nagiging malapit na pumulupot sa kalooban ni Yahuwah, kaya habang inilalabas ang mga pagdikta ng kanyang sariling puso, gagawin niya ang kalooban ni Yah.
Ang Pagpapakabanal ay Ipinabatid na Pagkamatuwid
Kung ang pagkamatuwid ay isang kaloob, ganon din ang pagpapakabanal.
Ang pagpapakabanal ay isang panghabangbuhay na operasyon na lumilikha ng pagkamatuwid sa puso ng indibidwal. Ito’y nagsimula sa sandaling ang makasalanan ay binigyang-katuwiran. Ang prosesong ito ay binabago ang indibidwal patungo sa banal na larawan at ito’y nagpapatuloy hanggang ang mananampalataya ay ipinagkalooban ng isang mas mataas na kalikasan kapag si Yahushua ay bumalik at luluwalhatian ang mga hinirang.
Ang pagkamatuwid ay anong nakamit ni Yahushua para sa atin sa pamamagitan ng kanyang tumutubos na sakripisyo. Ang pagpapakabanal ay anong ginagawa ni Yahushua sa loob natin, kapag tayo’y binigyang-matuwid na.
Noong ang Tagapagligtas ay nasa lupa, siya ay tiyak sa puwang at panahon gaya natin. Ngunit sa kanyang muling pagkabuhay, siya ay pinagkalooban ng isang espesyal na katangian ng espiritu ni Yah na ibibigay sa kanyang mga tagasunod. Ang espiritung ito ay para gawin ang pagbabago sa puso at ibubuhos sa mga mananampalataya sa araw ng Pentecostes.
Ipinaliwanag ni Yahushua ito sa mga alagad, ipinahayag: “Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, para sa inyong kapakanan na ako’y aalis. Sapagkat kung hindi ako aalis, hindi darating sa inyo ang Kaagapay. At kung ako’y aalis, isusugo ko siya sa inyo.” (Juan 16:7, FSV)
Ang espesyal na katangiang ito ng espiritu ni Yah ay patuloy na makukuha ng mga mananampalataya ngayon! Ito’y ipinagkaloob para sa tiyak na layunin ng pagbabago at paglilinis ng puso at isipan ng tao, dinadala sila patungo sa pagkakahanay sa banal na puso at isipan.
Sa tunay na diwa, ang kabanalan ay pagkikipagkasundo kay Yah. Habang tayo’y pinapabanal, ang ating mga kaisipan, mga nais, at mga motibo ay may pagkakahanay sa Ama at tayo’y may pagkakasundo sa Kanya. “Kaya't yamang tayo'y itinuring nang matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon na tayong pakikipagkasundo kay Yah sa pamamagitan ng ating Panginoong Kristo Yahushua. Sa pamamagitan din niya ay nabuksan ang daan upang tamasahin natin ang kagandahang-loob ni Yah sa pamamagitan ng pananampalataya. Dahil dito ay nagagalak tayo, dahil na rin sa pag-asang makikibahagi tayo sa kaluwalhatian ni Yah.” (Tingnan ang Roma 5:1-2, FSV)
Ang pagkamakatuwiran ay ipinapahayag ang makasalanan na isang matuwid. Ang pagpapakabanal ay ang proseso na nagpapabago sa kanya patungo sa banal na larawan.
Sa ibang salita, ang pagpapakabanal ay ang bunga ng pagkamatuwid. Narito mismo, ay ang puso ng plano ni Yahuwah para sa ating katubusan. Kapag ang makasalanan ay tinatanggap ang kaligtasan at nagtitiwala sa mga merito ng pagkatuwid ni Yahushua, siya ay tinanggap bilang ganap sa Tagapagligtas. Sa bawat panahong ang Ama ay tumitingin sa mapagpakumbabang mananampalataya, nakikita Niya ang pagkamatuwid kahit na ang proseso ng pagpapakabanal ay hindi pa nagbunga sa isang moral na ganap na nilalang!
Magagalak sa tuwa nang hindi mailarawan at puno ng kaluwalhatian
Ito ang lubos na kagandahan, ang hindi mailarawang kadakilaan ng mabuting balita! Habang ang nagsisising mananampalataya ay nananatili kay Kristo, siya ay binalutan ng ganap na pagkamatuwid ni Kristo kahit na ang mga kasalanan ng kamangmangan, pagkukulang, o kahinaan ay maaaring magpatuloy na tangkain.
Ang proseso ng pagpapakabanal ay humahantong sa pagkaluwalhati kapag ang ating makasalanang katawan ay papalitan ng isang espiritwal na katawan, gaya ng ibinigay kay Yahushua, ang “pangunahin sa mga binuhay mula sa kamatayan,” sa kanyang muling pagkabuhay.
Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang laman at dugo ay hindi magmamana ng kaharian ni Yah; ni ang may pagkabulok ay magmamana ng walang pagkabulok. Pakinggan ninyo ang sasabihin kong isang hiwaga. Hindi tayong lahat ay mahihimlay, ngunit tayong lahat ay babaguhin—sa isang saglit, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta. Sapagkat tutunog ang trumpeta at ang mga patay ay bubuhaying muli na walang pagkasira at tayo'y babaguhin. Sapagkat ang may pagkabulok ay kailangang magbihis ng walang pagkabulok, at itong may kamatayan ay magbihis ng kawalang kamatayan. (Tingnan ang 1 Corinto 15:50-53, FSV)
Tanggapin ang kaloob ng kaligtasan ngayon din! Kasiyahan at tagumpay ang naghihintay sa lahat ng tatanggap sa kaloob ng pagkamatuwid sa pananampalataya.