Ang Tao Na Nagbigay Sa Akin Ng Pinaka Gulo Sa Lahat
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Mararanasan ko ang mula sa labas at mula sa loob hanggang dumating si Yahushua sa kaulapan ng kaluwalhatian o ibabangon ako mula sa libingan. Ito ay sa muling pagdating, kung tayo ay nabubuhay pa, at sa muling pagkabuhay kung tayo ay namatay na, ang pagluluwalhati ay magaganap.
Ang pagluluwalhati ay ang pagtatanggal ng makasalanang kalikasan; hanggang noon tayo ay natigil dito. Ito’y nananatili sa mananampalataya ngunit ito’y hindi dapat na maghari. “Hindi na kayo dapat pang pagharian ng kasalanan, yamang wala na kayo sa ilalim ng Kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob.”
Natuto si Luther, salungat sa kanyang pagtuturo, na ang landas tungo sa kaligtasan ay hindi sa pamamagitan ng mga patakaran, pamamalakad, kautusan at mga batas. Ang banal, sagradong kautusan ay hindi ibinigay sa mga makasalanan, ito’y ibinigay sa mga sakdal na nilalang sa paglikha; sila’y maaaring panatilihin ito. Ikaw at ako ay hindi katulad ng mga iyon.
Tayo’y hindi sakdal. Hindi tayo nag-iisip nang malinaw. Ang ating damdamin ay nagkagulo dahil sa mga bagay na naganap sa ating sa pagkabata, pagmamana at sarili nating mga hindi magagandang pasya. Tayo’y naglalakad sa digmaang-sibil.
At kaya, ang pagpapabanal ay isang panghabangbuhay na proseso, ngunit ito ay ating pribilehiyo, tumatanaw kay Yahushua, na maging higit na dakila sa mga mananakop sa kanya na umiibig sa atin sa kabila ng katunayan na tayo’y nagsisisi at kinikilala ang ating pagkamakasalanan.
Kaya dahil dito, noong ginamit ni Luther ang pahayag, “Sa kaparehong panahon ay matuwid ngunit isang makasalanan,” nakuha niya ito mula sa Aklat ng Roma. Ngunit ang pagluluwalhati ay kung kailan ang makasalanang kalikasan ay kinuha mula sa akin, at kaya hindi na ako matutukso mula sa loob.
Sinabi ni Moody na mas marami siyang kaguluhan sa sarili niya kaysa sa ibang tao na nakasama niya. Iyon ang aking kwento. Mas marami akong kaguluhan kay Des Ford kaysa sa sinuman na nakasama niya. Hindi ako nahihiya na sabhin ito dahil iyon ay kaguluhan mo rin. At ang pinakamalala nito ay nagiging hangal tayo at nililinlang ang ating sarili.
Kakila-kilabot na malinlang ng ibang tao ngunit higit na mas malubha kapag nililinlang mo ang iyong sarili. Sina Ananias at Safira ay naisip na sila’y nililinlang si Yahuwah, ngunit una nilang nilinlang ang kanilang sarili.
Sinabi ni Kristo, “Pinagpala ang mga mapagpakumbabang-loob.” Mula sa kaluluwa na nararamdaman ang kawalang-halaga nito, walang bagay na ipinagkait.
Kailanman ay walang naging isang marahas na pantig mula sa ating Tagapagligtas para sa sinuman na may isang diwa ng pangangailangan. Subalit paano ang mga tinanggalan niya ng pagmamatuwid sa sarili! (Mateo 23). Ito lamang ang tanging paraan upang gisingin sila.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Dr. Desmond Ford.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC