Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Tanungin ang sinumang Kristyano, at sasabihin nila sa iyo kung sino si Kristo Yahushua. Tanungin sila kung ano ang ibig sabihin ng “Kristo," at malamang ika’y makakakuha ng isang maling kasagutan. Ilan ay ipinalagay na Kristo ay ang huling pangalan o apelyido ni Yahushua. Gayunman, ang Kasulatan ay sinasabi sa atin ang kanyang apelyido, kung nais mo, ay “anak ni Jose.”1 Ang iba ay naniniwala na ang “Kristo” ay isang pagtatalaga para sa pagiging diyos, ngunit sa sandali na makikita natin, iyon din ay hindi tama. Ano, pagkatapos, ang ibig sabihin ng “Kristo”?
Ang salitang “Kristo” ay isang pagsasatitik ng Griyegong Christos, at ito’y nangangahulugan na ang pinahiran.
|
Ang salitang “Kristo” ay isang pagsasatitik ng Griyegong Christos,2 at ito’y nangangahulugan na ang pinahiran. Ito’y nagmumula sa salitang-ugat na nangangahulugan na pahiran o haplasan ng langis at nagdadala ng konotasyon ng isang sagrado o pangrelihiyon na gawa.3 Ang katapat nito sa Hebreo ay Mashiach,4 o ang mas pamilyar na Anglikong mesias. Nakikita natin ang dalawang termino na ginamit nang salitan noong nililinaw niya ang pahayag ni Andres para sa kanyang mga mambabasa:
Juan 1:41: “Una niyang [Andres] hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi niya sa kanya, ‘Natagpuan na namin ang Mesias’ (na ang katumbas ay Kristo).”5
Sa Griyego man o sa Hebreo, ang termino ay ginamit para sa mga itinakda para sa iba’t ibang papel sa paglilingkod kay Yahuwah, pangunahin sa mga pari, mga hari, at mga propeta6–mga opisina na mismong si Yahushua ang nagpuspos.7 Sa Kasulatan, ang gawa ng pagpapahid sa isa ng langis ay paminsan-minsan nagkataon sa isang “pagpapahid” ng Banal na Espiritu, na nagbigay ng kapangyarihan sa tumatanggap para gawin ang gawa ng Panginoong [Yahuwah].
1 Samuel 16:13: “Kaya kinuha ni Samuel ang langis at pinahiran niya sa ulo si David sa harap ng kanyang mga kapatid. Simula nang araw na iyon, napuspos siya ng Espiritu ni Yahuwah. At umuwi naman si Samuel sa Rama.”
Ang terminong “pinahiran” ay maaari ding tumukoy sa isa na napuspos ng Espiritu ni Yahuwah ngunit hindi pinahiran ng langis. Halimbawa, nakikita natin ito sa buhay ni Yahushua. Walang talaan niya na sumasailalim sa isang “konsagrasyong paglilingkod” kung saan siya ay pinahiran ng langis para sa paglilingkod. Gayunman, sa kanyang bautismo, ang Banal na Espiritu ay dumating sa kanya.8 Dagdag pa, sinasabi sa atin ni Pedro na si Yahuwah ang nagpahid kay Yahushua ng Banal na Espiritu at kapangyarihan.9
Mga Gawa 10:38: Kung paanong si Yahushua na taga-Nazareth ay binuhusan ni Yahuwah ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan; kung paanong naglibot siya na gumagawa ng mabuti at nagpapagaling ng lahat ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya si Yahuwah.
Maaaring magulat ang mga Kristyano na ang salitang “mesias” ay hindi ginamit nang eksklusibo para kay Yahushua.
|
Maaaring magulat ang mga Kristyano na ang salitang “mesias” ay hindi ginamit nang eksklusibo para kay Yahushua. Sa Lumang Tipan, ang Mashiach ay halos palaging isinalin bilang “pinahiran” o “ang pinahiran.” Ang unang hari ay tinawag na Mashiach o mesias ay si Saul. Noong hinabol ni Saul si David, mayroon siyang pagkakataon na patayin ang mapaghimagsik na hari, subalit matalino niyang hindi piniling gawin. Sinabi ni David:
1 Samuel 26:11: “Pero huwag sanang ipahintulot ni Yahuwah na ako ang pumatay sa kanyang piniling [mashiach, mesias] hari...”
Noong hinatid ni Haring David ang arko ng tipan upang manahan sa tolda ng pagpupulong sa Jerusalem, nag-alok siya ng awit ng pasasalamat kung saan pinuri niya si Yahuwah para sa proteksyon ng Kanyang “mga mesias”:
1 Paralipomeno 16:21-22: Ngunit hindi pinahintulutan ni Yahuwah na apihin sila. Para maproteksyunan sila, sinaway niya ang mga hari na kumakalaban sa kanila. 22 Sinabi niya, “Huwag ninyong galawin ang hinirang [mga mashiach o mesias] kong mga lingkod, huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.”10
Si Haring Solomon ay tinawag din na Mashiach:
Awit 132:10: Alang-alang kay David na inyong lingkod, huwag nʼyong itatakwil ang haring inyong hinirang [mashiach o mesias].
Si Yahuwah ay tinawag maging si Cyrus (Ciro),11 ang paganong hari ng mga Medo at mga Persyano, ang Kanyang “mesias” dahil gagamitin siya upang ibalik ang mga Israelita sa Ipinangakong Lupain matapos ang 70 taon sa pagkakabilanggo.
Sa panahon, ang mashiach o mesias ay natagpuan ang sukdulang katuparan nito bilang pagtatalaga para sa hari na ang paghahari ay walang katapusan.
|
Sa panahon, ang mashiach o mesias ay natagpuan ang sukdulang katuparan nito bilang pagtatalaga para sa hari na ang paghahari ay walang katapusan. Nagpapahayag ang Oxford Companion to the Bible:
Sa pangunahing biblikal na paggamit nito, pagkatapos, ang ‘pinahiran’ sa katunayan ay isang kahulugan para sa ‘hari,’ sa partikular si David at kanyang mga inapo…sa huli ang maharlikang wika at larawan ay dumating upang pangunahing iangkop sa isang inaasahang hari sa hinaharap, na ang paghahari ay ilalarawan ng walang hanggang katarungan, kaligtasan, at kapayapaan.12
Isa sa mga mas tanyag na sipi tungkol sa panghinaharap na Mesias ay nagsasalita ng matinding oposisyong haharapin niya bilang hinirang na hari ni Yahuwah. Sa huli, gayunman, si Yahuwah at ang Kanyang Mashiach ay magtatagumpay. Pansinin kung paano ang mang-aawit ay ginagamit ang “pinahiran” at “hari” nang magkasingkahulugan:
Awit 2:2, 4-6, 9 at 12: Ang mga hari at mga pinuno sa mundo ay nagsama-sama, at nagsipaghanda sa pakikipaglaban kay Yahuwah, at sa hari na kanyang hinirang [mashiach o mesias]...4 Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langit ay natatawa lang, at kumukutya sa kanila. 5 Sa galit ni Yahuwah, silaʼy binigyang babala, at sa tindi ng kanyang poot silaʼy natatakot. 6 Sinabi niya, “Iniluklok ko na ang hinirang kong hari sa kanyang trono sa Zion, sa banal kong bundok.”… 9 ‘Pamumunuan mo sila, at walang sasalungat sa iyong pamamahala. Silaʼy magiging parang palayok na iyong dudurugin.’”… 12 Magpasakop kayo sa hari na kanyang hinirang, kung hindi ay baka magalit siya at kayoʼy ipahamak niya. Mapalad ang mga nanganganlong kay Yahuwah.
Sa Bagong Tipan, ang salitang “Christos” o “Kristo” ay lumilitaw nang mahigit 516 na beses.13 Sa pagkakataon, ginamit ito sa isang hindi tiyak na paraan upang tumukoy sa paparating na Mesias. Halimbawa, noong ang mga Pariseo ay narinig na si Juan Bautista ay nagbabautismo sa ilang, nagsugo sila ng mga tagapagbalita upang tanungin kung sino siya. Tumugon siya sa pagsabi, “Hindi ako ang Kristo.”14 Mahigit 500 beses, ang “Kristo” ay iniugnay kay Yahushua, kaya tinutukoy siya bilang matagal na hinihintay na Mesias. Ang mga may-akda ng Bagong Tipan ay ginagamit ang salitang “messias,” na anyong Griyego ng mesias, dalawang beses lamang, at sa parehong pagkakataon, ito ay tungkol kay Yahushua bilang inaasahan na hari:16
Juan 4:25-26 Sinabi ng babae sa kanya, “Alam kong darating ang Mesias [messias], siya na tinatawag na Kristo; sa pagdating niya, ipaliliwanag niya sa amin ang lahat ng bagay.” 26 Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Ako mismong nagsasalita sa iyo ang tinutukoy mo.”
Tunay nga, si Yahushua ay ang Kristo, ngunit maraming Kristyano ang walang kamalayan na ang papel na Kristo o haring pinahiran o hinirang ay hindi likas sa kanya.
|
Tunay nga, si Yahushua ay ang Kristo, ngunit maraming Kristyano ang walang kamalayan na ang papel na Kristo o haring pinahiran o hinirang ay hindi likas sa kanya. Sa Araw ng Pentecostes, tumayo si Pedro sa harap ng madla at matapang na ipinahayag na si Yahuwah ay ginawang Kristo si Yahushua:
Mga Gawa 2:36: “Kaya’t dapat malaman ng buong sambahayan ng Israel, na itong si Yahushua na inyong ipinako sa krus ay itinalaga ni Yahuwah na Panginoon at Kristo.”
Nagbibigay sa atin si Pablo ng dahilan kung bakit ginawa ni Yahuwah si Yahushua na parehong Panginoon at Kristo sa kanyang sulat sa iglesya sa mga taga-Filipos:
Filipos 2:9-11: Kaya naman siya’y lubusang itinaas ni Yahuwah, at ginawaran ng pangalang higit na mataas kaysa lahat ng pangalan; 10 upang sa pangalan ni Yahushua ANG BAWAT TUHOD AY LUMUHOD, ang mga nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa, 11 at ipahayag ng bawat bibig na si Kristo Yahushua ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ni Yahuwah Ama.
Ano ang dahilan kung bakit itinaas ni Yahuwah si Yahushua? Ang nauunang berso ay sinasabi sa atin na sapagkat si Yahushua ay tumalima kay Yahuwah, maging sa kamatayan sa krus. Sa kadahilanang ito, itinaas ni Yahuwah si Yahushua sa Kanyang kanang kamay at ibinigay sa kanya ang pangalan (o kapangyarihan) para sa bawat pangalan. Ginawang Mesias na Hari ni Yahuwah si Yahushua. Pagdating niya sa kanyang kaharian, ang bawat bibig ay ipapahayag na siya ang Panginoon, sa ikaluluwalhati ni Yahuwah, ang Ama.
Bilang pagtatapos, ang terminong Kristo o Mesias ay nangangahulugan na “ang pinahiran.” Ito ay hindi isang pagtatalaga ng pagkadiyos kundi tinutukoy ang mga hinirang at binigyan ng kapangyarihan upang gawin ang kalooban ni Yahuwah. Bagama’t ang termino ay hindi ginamit nang eksklusibo para kay Yahushua, matatagpuan nito ang sukdulang ibig sabihin at katuparan sa tao na taga-Nazareth na itinaas ni Yahuwah bilang hari.
Juan 18:37: Tinanong siya ni Pilato, “Isa kang hari kung gayon?” Sumagot si Yahushua, “Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ito nga ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at pumarito sa sanlibutan, upang magpatotoo sa katotohanan. Ang sinumang nasa panig ng katotohanan ay nakikinig sa tinig ko.”
1 Yahushua na taga-Nazareth, anak ni Jose – Juan 1:45
2 Christos, #5547, New American Standard Exhaustive Concordance of the Bible.
3 Chriô ay hindi dapat malito sa aleiphô (na nangangahulugan na pahiran o haplasan ng langis ngunit ginamit sa isang makalupa o hindi sagradong konteksto). Tingnan ang “chriô, #5548″, The Complete Word Study Dictionary, Spiros Zodhiates, (Chattanooga, TN: AMG Publishers, 1993) p. 1486
4 Mashiach, #4899 New American Standard Exhaustive Concordance of the Bible.
5 Tingnan rin ang Juan 4:25-26
6 Halimbawa: mga pari sa Levitico 4:3; mga propeta sa 1 Mga Hari 19:16
7 Hebreo 3:1; Juan 19:21; Lucas 24:19
8 Mateo 3:16-17
9 Tingnan rin: Isaias 61:1-2 ay natupad sa Lucas 4:18-21; Mga Gawa 4:27
10 Ang kaparehong pahayag ay nagagap sa Awit 105:15
11 Isaias 45:1 – ang salitang “pinahiran” ay mashiach sa Hebreo, o isinatitik bilang mesias sa Tagalog.
12 “Mesias,” The Oxford Companion to the Bible, Bruce M. Metzger, ed. (New York: Oxford University Press, 1993), p. 514.
13 New American Standard Bible, 1995
14 Juan 1:19-28, berso 20 sa partikular; Tingnan rin ang Lucas 3:15
15 Kristo (Kristo Yahushua, Kristo ang Panginoon, atbp.) ay ginamit kay Yahushua nang 503 beses sa Bagong Tipan. Dalawang beses ginamit ang mesias (messias sa Griyego). Herbert Lockyer, All the Divine Names and Titles in the Bible, (Grand Rapids, MI: Zondervan Publishing House), 1975, p. 101-102; 104-105, at 206.
16 Juan 1:41 at 4:25
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://onegodworship.com/what-does-christ-and-messiah-mean/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC