Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Naitanong mo ba sa mga magulang mo kung bakit may ginagawa sila at tutugon sila na, “Tradisyon ito”? Kunin ang kwentong ito bilang halimbawa: Isang batang babae ang nanonood sa kanyang ina na naghahanda ng inihaw para sa hapunan, at napansin niya na ang kanyang ina ay pinutol ang magkabilang dulo. Naguluhan ang batang babae. Ang kawali ay sapat ang laki para dalhin ito, kaya bakit ang magkabilang-dulo ay kailangang putulin? Tanong niya sa kanyang ina, “Bakit po kailangang putulin ang dulo ng inihaw?” Ang tugon na nakuha niya ay hindi nagbigay ng kasiyahan sa kanya; sabi ng kanyang ina, “Hindi ko alam; ganito kung paano ito iluto ng lola mo at natutunan ko ito sa kanya.” Kaya tumungo ang batang babae sa kanyang lola at tinanong ang kaparehong katanungan para lamang makuha ang kaparehong tugon. Nang may kabiguan ay tumungo naman siya sa kanyang lola sa tuhod at tinanong siya, “Bakit po kailangang putulin ang dulo ng inihaw?” Ang sagot ng kanyang lola sa tuhod, “Bueno, minamahal ko, kailangan kong putulin ang inihaw dahil hindi malaki ang kawaling ginamit ko.”
Paano ito nauugnay sa Bibliya? Simple lang. Ngayon, ang mga Kristyano ay gagawin ang kaparehong bagay, tanging hindi sa inihaw. Ang mga Kristyano ay bumagsak sa maaari naming tawagin na “tradisyonal na Kristyanismo,” pananalig sa dakilang pangalan, isang kalagayan kung saan ang mga tao’y tinatanggap kung ano ang sasabihin ng iba nang hindi sinusuri ang mga ito gamit ang Kasulatan. Ito ay mapanganib. Paano mo naiisip sina Plato, Luther, at Augustine na gumawa ng salpok sa relihiyon? Ang mga tao’y hindi pinatotohanan kung ano ang kanilang narinig laban sa Bibliya. Sila’y nagiging balintiyak at mapaniwalain at, maaari namin sabihin, tamad!
Kung hindi natin pag-aaralan ang Bibliya, tayo’y mahuhulog sa mga panlilinlang na inilagay ni Satanas sa harapan natin. Si Satanas, ang diyos sa panahong ito, ay taglay ang kanyang mga paraan sa panlilinlang at ang kanyang pinakadakilang kasangkapan tungkol sa mga Kristyano ay ang tradisyon. Sa talinghaga ng maghahasik (Mateo 13, Lucas 8) sinabi sa atin na si Satanas ay darating at aatakihin ang mga bumagsak at kukunin ang mahalagang binhi ng kaligtasan mula sa kanila, kaya hindi nila mauunawaan at paniniwalaan ang magandang balita ng Ebanghelyo na itinuro ni Yahushua (tingnan ang Lucas 8:12). Tunay ngang prayoridad ni Satanas ang ihiwalay si Yahushua mula sa kanyang pagtuturo. Kailangan natin maging alerto sa lahat ng oras, ikumpara ang anumang itinuturo sa Kasulatan!
Sa Mga Gawa 17:11, tayo’y binigyan ng isang talaan ng isang pangkat ng mga tao, ang mga taga-Berea, na nag-aaral ng Bibliya araw-araw upang makita kung anumang itinuro ni Pablo sa kanila ay totoo. Bagama’t ang mga taga-Berea ay nag-aral nang may intensyon na pabulaanan si Pablo, ang kanilang matapat na pagtitiyaga at ang patotoo ni Pablo ay nagresulta sa kanila na maging mga lehitimong mananampalataya.
Ano ang ilan sa mga panlilinlang na nagawa na ang kanilang landas sa loob ng simbahan? Ang langit bilang lugar para sa mga kaluluwang walang katawan. Wala saanman sa Bibliya ang nagsasabi na, kapag tayo’y namatay, tutungo tayo sa langit. Sina Abraham, Isaac, Jacob, at David ay hindi pinangakuan ng isang ulap o upuan o bahaghari sa langit kundi lupain at kaharian at inapo at pamamahala dito sa lupa (Pahayag 5:10; Mateo 5:5). Gumawa si Yahuwah ng tipan sa kanilang apat na ang kanilang kaharian ay itatatag magpakailanman at sila’y magmamay-ari ng lupain sa isang binagong daigdig. Gayunman, ang tipikal na mensaheng “masarap sa pakiramdam” ay hindi na nakaakit sa paksang ito, dahil mas madaling sabihin sa iba na kapag sila’y namatay, tutungo sila sa langit sa halip na matutulog sa libingan (sheol) hanggang sa pagbabalik ni Kristo Yahushua. Mas madali na ipikit ang mga mata ng sinuman nang mahigpit sa malinaw na pahayag na “hindi nalalaman ng patay ang anumang bagay” (Mangangaral 9:5) at piliin na paniwalaan ang kabaligtaran, na ang patay ay may ganap na kamalayan sa langit o impyerno. Mas madali, dahil ito ay tradisyonal.
Isa pa, para sabihin na si Yahuwah ay tatlo o tatluhan ay isang kahibangan! Saan sa Bibliya mababasa na si Yahuwah ay tatlong Katauhan? Wala saanman, ngunit maraming berso ang nagsasabi na si Yahushua ay ang Anak ng Diyos. Sa Juan 3:16, tinuruan tayo na inibig ni Yahuwah ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob niya ang kanyang kaisa-isang Anak. Ang dakilang kredo ni Yahushua at ng Bibliya, ang Shema (Deuteronomio 6:4), ay sinasabi na si Yahuwah ay isang Panginoon. Kaya si Yahuwah ay hindi maaaring maging tatlo. Si Yahuwah ay isang Yahuwah at Siya ay gumagawa sa pamamagitan ni Kristo na gumagawa naman para sa ating lahat.
Ang 1 Corinto 15:3-4 ay mahahalagang berso para sa pagbibigay ng kahulugan ng Ebanghelyo. Gayunman, ang mga ito’y hindi dapat ihiwalay mula sa kawan ng ibang berso na nagbibigay din ng kahulugan sa Ebanghelyo. Si Pablo ay naglista ng tatlong bagay “ng unang kahalagahan.” Tiyak na hindi ibinukod ni Pablo ang Kaharian mula sa Ebanghelyo. Sa Lucas 4:43, sinabi sa atin ni Yahushua kung bakit siya isinugo: upang ituro ang Ebanghelyo ng Kaharian sa lahat (Mateo 28:19, 20). Iyon ang kahulugan ng kanyang buong komisyon sa ilalim ni Yahuwah. Ang Kristyanismo ngayon ay pumikit sa anong sinabi sa atin ni Yahushua sa Lucas 4:43. Ang paksa ng Kaharian ay inilagay sa “hulihang mitsero” sa simbahan. Sa halip na nakatuon sa pagpapahayag ng magandang balita ng Kaharian ng Diyos, ang mga Kristyano ay nakatuon sa pagsasabi sa ibang tao na namatay at muling nabuhay lamang si Yahushua.
Halata na si Yahushua ay hindi isinugo para lamang mamatay sa krus, na maaari nating pinulot nang mali mula sa simbahan o Sunday school. Sa halip, siya ay isinugo upang ipahayag sa iba ang magandang balita ng plano ng Kaharian ni Yahuwah (Marcos 1:14, 15), kaya tayo’y maaaring maging handa sa pagsisisi, pagkaunawa at pananalig. Mahabang panahon ang ginugol ni Yahushua sa pagtuturo bago sa huli naisama sa kanyang Ebanghelyo ng Kaharian ang karagdagang impormasyon tungkol sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay (Mateo 16:21).
Kung tayo’y magiging tagasunod ni Kristo, hindi ba natin ituturo ang mensahe na walang pagbabagong tinatrabaho niya sa pagtuturo bilang Ebanghelyo?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Miranda Baldwin.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC