Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“Saanmang panahon at mga panahon mula rito:
Dalawang landas sa isang kakahuyan, at ako –
Ako’y tumahak sa isang bihirang lakbayin,
At iyo’y nagawa ang lahat ng pagkakaiba.”
(Mula sa tulang “The Road Not Taken” ni Robert Frost)
Maraming hindi malilimutang kaganapan sa takbo ng [nasa isip], All-Stars Reunion. Patuloy, walang naiwan na mas kapansin-pansing sapantaha kaysa sa hindi nakatalakdaan na mga pagmamasid ng isang walang pangalang mananampalataya na tanging si Yahuwah lamang ang nakakaalam kung saan. Ang nalalaman lang natin ay lumitaw siya nang hindi inutusan at walang imbitasyon at siya’y walang eklesiastikong ranggo o teolohikal na edukasyon. Wala pang nakakarinig sa kanya, at siya’y hindi nabanggit sa programa o kabilang sa listahan ng mga panauhin. Iginiit niya na si Yahuwah ang nag-imbita sa kanya sa muling pagtitipon, at siya’y hindi dapat tanggihan.
Ang tagpuan ay isang planadong debate sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ng magkasalungat na teolohikal na mga panghihikayat [Trinidad vs. Unitaryong Monoteismo] ngunit anong nangyari ay lubos na kakaiba. Tunay ngang lubos na kakaiba! Sapagkat ang programa ay isinasagawa, isang tinig ang narinig na tumutugtog mula sa likod ng auditoryum. “Mene! Mene! Tekel! Upharsin!” Nasaktan nito ang lahat at nagdulot ng walang munting bigat ng galit. Paano maaaring sabihin ng sinuman ang isang bagay nang napakabastos? (Mene. Mene. Tekel. Upharsin ay nangangahulugang, “Ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang! Ang iyong kaharian ay kinuha mula sa iyo!”) Ang apo ni Nabucodonosor na si Belsasar ay hindi karapat-dapat na tagapagmana ng trono, at ang daliri ni Yahuwah ay mahimalang isinulat ang mga salitang iyon sa isang pader upang malaman niya na ang kanyang panahon ay papatapos na (Daniel 5:25-28). Ang mga opisyal sa muling pagtitipon ay nalalaman nang mabuti kung ano ang ibig sabihin ng pariralang ito, at mayroon silang mabuting kutob na ito’y nakadirekta sa kanila! Sila’y nagalit sa matapang na nanghihimasok na ito at nais na siya’y arestuhin, ngunit ang mga “Romanong Guwardya” na nagtatrabaho sa hotel ay nagsasaya sa palabas nang lubos kaya hindi sila makipagtulungan.
Isa pang pagkabigla ang dumaan sa bulwagan ng pagtitipon noong ang nanghimasok na ito ay naglakad at tumayo sa plataporma nang hindi humingi ng pahintulot! Ito’y lubos na hindi inaasahan na walang sinuman ang may oras para pigilan siya. Isang katahimikan ang bumagsak sa puwang noong nagsimula na siyang magsalita, at bagama’t hindi siya nagtagal, ang kanyang mga salita ay umaligid nang matagal. Narito kung ano ang kanyang sinabi:
Pakinggan ninyo ako! Ngayo’y haharap kayo sa isang pagpapasya tungkol sa landas na dadaanan ninyo. Dumating ako rito sa isang sinaunang lansangang-bayan na inihanda para sa mga kaluluwa na hangad na makita ang mukha ni Yahuwah. Si Yahuwah mismo ang nag-imbita sa akin dito, nang sinabi Niya sa akin kung ano ang sasabihin ko. Ilan sa inyo ay inaangkin na nauunawaan ang mga malalalim na hiwaga ni Yahuwah, subalit kayo lamang ay nagtayo ng mga tore ng dogma na nagpapadilim ng payo sa mga salita nang walang kaalaman. Kinuha ninyo ang susi sa kaalaman! Hindi na nga kayo pumapasok sa Kaharian, hinahadlangan pa ninyo ang mga hangad na makapasok.
Narito ang susi na inyong ikinukubli. Narito ang susing ibinigay kay Apostol Pedro dahil matuwid niyang nakita na si Yahushua ang Kristo, ang Mesias, ang Anak ng Nabubuhay na Yahuwah! Ito ang susi! Ito lamang ang susi! Ang patotoo na bumubukas sa kaharian ni Yahuwah ay ang kaalaman na si Kristo Yahushua ay ang Mesias at ang bugtong na Anak ni Yahuwah. Siya ay hindi higit pa sa pagiging Anak ni Yahuwah, at siya ay hindi kinulangan. Hindi kayo malaya na magdagdag ng anumang bagay rito o kunin ang anumang bagay. Kung kayo’y magdadagdag rito, magdadagdag rin si Yahuwah ng mga kagimbal-gimbal na salot sa inyo, at kung kayo’y magtatanggal rito, tatanggalin din ni Yahuwah ang inyong pangalan sa Aklat ng Buhay (Pahayag 22). Huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa (Josue 1:7). Dapat kayong hindi magkulang o lumagpas sa mga salitang ito. Huwag kayong magpanggap na si Yahuwah ay hindi nalalaman kung paano ipapahayag ang Kanyang sarili nang tiyakan sa Kanyang pinipili!
Sinabi ni Yahushua, “At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Yahuwah at si Kristo Yahushua na iyong isinugo” (Juan 17:3). Sapat nang malaman na si Kristo Yahushua ang Mesias at ang Kanyang Ama ay ang Elohim ng Israel! Iisa ang Elohim at iisa ang tagapamagitan sa Elohim at sa mga tao, ang taong si Kristo Yahushua. Ipinahayag niya, “Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama. Walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak at sa sinumang piliin ng Anak na pagpahayagan niya” (Mateo 11:27). Walang sinabi si Yahushua tungkol sa pagiging tatluhan ni Yahuwah, wala kahit isang salita! Kailanman.
Sinuri ninyo ang inyong mga salita at lumikha ng mga bago na naaangkop sa inyo! Nagtayo kayo ng mga kredo subalit tinatanggihan ang simple at matatag na kredo ni Yahushua mismo. Narito ang kredo ni Yahushua at ang kredo ng kanyang ekklesia! “Makinig ka, Israel! Si Yahuwah na ating Elohim ay iisang Yahuwah” (Marcos 12:29). Ito ang una at pinakadakilang kautusan! Ito ang pagtuturo ni Yahushua! Ang Ama ay si Yahuwah, at si Yahushua ay ang Kanyang bugtong na Anak. Si Yahuwah ay hindi tatluhan – Siya ay Iisa ang Katauhan! Si Yahushua ay hindi ang Ikalawang Katauhan ng isang Trinitaryang Ulo ng Diyos; Siya lamang ang bugtong na Anak ng Isang Tunay na Elohim. Iginigiit ninyo na si Yahuwah ay tatlo, at si Yahushua ay iginigiit na Iisa si Yahuwah. Dahil dito, sino ang paniniwalaan natin?
Maraming mananampalataya ay tinanggap ang inyong mga pagpapahayag, ngunit si Yahushua ay hindi. Itinayo ninyo ang inyong maringal na templo ng pangrelihiyong dogma at tradisyon, ngunit si Yahuwah ay tiyak na gigibain iyon! Ang inyong mga teolohikong paglikha ay sapat ang kalakasan upang dalhin ang bigat ng Kanyang kaluwalhatian! Oras na para abandonahin ang inyong sariling pananalita bilang pagpabor naman sa Kanya! Hindi ninyo matatagpuan ang katanggap-tanggap sa mga tao, kundi matatagpuan ninyo ang pabor kay Yahuwah. Hindi ito magiging madali, ngunit matatagpuan ninyo ang mga makakasama sa landas, at sa mga salita ng isang makabagong makata, balang araw, matutuklasan mo na “nagawa ang lahat ng pagkakaiba.”
Walang bansa ang nakipagsapalaran sa pagtawid sa isang tigang na disyerto hanggang tinawag ni Yahuwah ang Kanyang mga hinirang na gawin iyon! Walang bayan ang nakapaglakad sa pamamagitan ng dagat hanggang si Yahuwah ay tinawagan ang Israel tungo sa isang malayong dalampasigan. Walang alagad ang nagtangkang maglakad sa mga alon hanggang sumenyas si Yahushua kay Pedro na sumama sa kanya SA katubigan! Ito ay isang makipot na landas na ipinanawagan ni Kristo Yahushua sa iyo na tahakin. Ikaw ay hindi itinalaga na maglakbay sa malapad na mga lansangang-bayan ng mga tradisyong pangrelihiyon. May isa pang paraan na nagpapahayag ng Isang Elohim at Kanyang tanging Anak, ang Mesias! Marami na ang lumisan sa harapan ninyo. Sila’y hindi halos kilala sa mga tao ngunit mabuting nakikilala ni Yahuwah. Ngayon ay tumatawag Siya sa inyo na itakda ang inyong mga paa sa isang landas na bihirang lakbayin kaysa sa isa na natutunan ninyo.
At pagkatapos… sa lahat ng kaguluhan na susunod, tahimik siyang nagsuklob ng isang pintuan sa gilid at hindi na makikita pang muli. Ganito ang mga isinilang sa Espiritu. Gaya sila ng hangin na umiihip kung saan niloloob nito. Naririnig namin ang tunog nito ngunit hindi nalalaman kung saan ito nagmula o saan ito patungo. Ilan ay makikinig at susunod. Ang iba’y ipagwawalang-bahala ang anumang narinig nila. Ngunit kahit papaano ay inyong narinig.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Bob Shutes.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC