Selyo Ni Yahuwah: Natanggap Mo Ba Ito? (Parte 2)
Aming ibinalik sa website ng WLC, sa Banal na Kasulatan ay sinipi ang mga Pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito’y orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. I-click rito upang idownload ang Restored Names Version (RNV) ng Banal na Kasulatan. Ang RNV ay isang hindi-WLC na pinagkukunan. –Pangkat ng WLC |
Isang Selyo Na Nagpapatibay
Ang isang selyo ay gawa mula sa waks. Ang waks ay tinunaw at ang bakal na molde ay idiniin sa malambot na waks. Sa pagtanggap ng waks sa ukit ng selyo, ito’y tumitigas. Ang pinatigas na selyo sa waks ay isang sakdal na sumasalamin sa bakal na selyo na bumuo nito.
Lahat ng tumatanggap ng selyo ni Yahuwah sa kanilang kaisipan, gaya ng waks, ay natatanggap ang banal na ukit. Ito ang anong nahulaan sa Jeremias 31:33:
Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan [pangako] sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ni Yahuwah, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako’y magiging kanilang Elohim, at sila’y magiging aking bayan; At hindi na magtuturo bawat isa sa kanila sa kaniyang kapwa, at bawat tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin si Yahuwah; sapagkat makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ni Yahuwah: sapagkat aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin. (Tingnan ang Jeremias 31:33-34.)
Kapag ang selyo ni Yahuwah ay inilagay sa isip at kaluluwa ng makasalanang nagsisi, isang bagong nilalang ang nabuo. Ang isipan ay pinabago; ito’y nagiging kaisa ng banal na kaisipan. Ang mga kaisipan, damdamin, motibo, at pagnanais ay sumasalamin na ngayon sa napakagandang larawan ng Manlilikha. Dahil ang kautusan ni Yahuwah ay isang sakdal na sipi ng Kanyang katangian, lahat ng tinatakan ni Yahuwah ay pinagkalooban ng kagandahan ng Kanyang katangian. Ang aba, nag-aalinlangan na lalaki ay nagiging malakas sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang tagatubos. Ang galit, nayayamot na babae ay nagiging mapagpakumbaba at mahinhin sa pamamagitan ng pagbabago ng kanyang kaisipan sapagkat inaangkin niya sa pananalig ang pagkamatuwid ni Yahushua.
At ang nagpapatatag sa amin at sa inyo kay Kristo Yahushua ay kay Yahuwah. Hinirang niya kami, tinatakan at ibinigay ang Espiritu sa aming mga puso bilang katibayan. (Tingnan ang 2 Corinto 1:21-22, binigyang-diin.)
Ang kapangyarihan ni Yahuwah ay tinatatakan (iniingatan, pinapanatili, pinagtatanggol) ang lahat ng ipinagkakatiwala ang kanilang sarili tungo sa Kanyang kalinga at pangangalaga.
Ang Tanda Ng Katapatan
Ang Sabbath, na naglalaman ng selyo ni Yahuwah, sa huli’y isang tanda ng katapatan. Ito ang nagpapakilala ng pagkakaiba sa pagitan ng mga naglilingkod kay Yahuwah at iyong mga hindi.
Ang rebelyon at pagsuway sa banal na kautusan ay palaging tanda ng kaharian ni Satanas. Sa kabilang dako, ang katapatan sa banal na kautusan ay isang tanda na nagtatangi sa mga tauhan ng langit. Malinaw na ipinahayag ni Yahushua na ang tunay na patotoo ng pag-ibig para kay Yahuwah ay matatagpuan sa tugon ng puso sa Kanyang kautusan: “Kung minamahal ninyo ako, susundin ninyo ang aking mga utos.” (Juan 14:15)
Ang bayan ni Yahuwah, bilang mga tauhan ng Langit, ay iniibig ang Tagabigay ng Utos. Kaya, tumatalima sila sa dakilang Kautusan ng Pag-ibig. Ang pagsamba sa tunay na Sabbath ay ang kanilang panunumpa ng katapatan sa kanilang Manlilikha. Ang Kasulatan ay ipinapahayag pa nga na ang Sabbath ay ipinagkaloob na isang tanda sa pagitan ni Yahuwah at Kanyang bayan.
“Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga Sabbath; sapagkat isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako si Yahuwah na nagpapabanal sa inyo.” (Exodo 31:13)
Ang dakilang katanungan rito ay – kung hindi mo pinapanatili ang mga Sabbath ni Yahuwah, sino ang nagpapabanal sa iyo?
Lahat ng mga naligtas sa kawakasan, ay tatatakan ng selyo ng nabubuhay na Elohim. Nahulaan ng Pahayag:
Pagkatapos nito, nakakita ako ng apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, at pumipigil sa apat na hangin ng lupa, upang walang hanging makaihip sa lupa, sa dagat, at maging sa anumang puno. Nakita ko ang isa pang anghel na umaakyat mula sa silangan, dala-dala ang tatak ng Elohim na buháy, at sumigaw nang malakas sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang salantain ang lupa at ang dagat. Sinabi niya sa kanila, “Huwag ninyong salantain ang lupa o ang dagat, o ang mga puno, hanggang matatakan na namin sa kanilang noo ang mga alipin ng ating Elohim.” (Pahayag 7:1-3, FSV)
Ito ang isa sa mga huling bagay na makakamtan bago ang mismong katapusan. Ito ay may katapat sa propesiya ng Lumang Tipan ni Ezekiel:
Nang magkagayo’y sumigaw siya sa aking pakinig ng malakas na tinig, na nagsasabi, Magsilapit yaong mga may katungkulan sa bayan, na bawat isa’y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay. At narito, anim na lalake ay nagsipanggaling sa daan ng mataas na pintuang-daan . . . bawat isa’y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay; at isang lalake ay nasa gitna nila na nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran.
. . . At kaniyang tinawag ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran. At sinabi ni Yahuwah sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon.
At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig, Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo: huwag magpatawad ang inyong mata, o kayo man ay mahabag; Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; ngunit huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario.
Nang magkagayo’y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay. (Ezekiel 9:1-6, ADB)
Sapagkat ito’y natupad sa nakaraan, ang banal na selyo ay ipinagtatanggol ang lahat ng nagsisi at bumalik sa pagsamba sa Manlilikha sa Kanyang banal na araw ng Sabbath. Natanggap nila ang Kanyang selyo sa kanilang mga noo sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanyang kautusan. Dahil dito, sila’y pinanatili at iningatan.
Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat . . . Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan; ngunit hindi lalapit sa iyo. Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, at iyong makikita ang ganti sa masama.
Sapagkat kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya’t iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagkat kaniyang naalaman ang pangalan ko. Siya’y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako’y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya. (Awit 91:1, 7-8, 14-15)
At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali’t saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. 13 Kung iyong iurong ang iyong paa sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang Sabbath na kaluguran, at ang banal ni Yahuwah na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita: 14 Kung magkagayo’y malulugod ka nga kay Yahuwah; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagkat sinalita ng bibig ni Yahuwah. (Isaias 58:12-14)
Sumama sa mga matatapat sa langit at sa lupa. Ipakita ang iyong katapatan sa iyong Manlilikha. Sumamba sa tunay na ikapitong araw na Sabbath at tanggapin ang selyo ni Yahuwah.