Ang #1 Pinakamahusay na Likas na Lunas! Isinaaktibong Uling!
“Purihin mo si Yahuwah, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat Niyang mabubuting gawa. Na Siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; na Siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit.” (Awit 103:2-3, ADB) |
Parehong mapanuya at isang tanda ng katapusan na mas maraming sumusulong na medikong agham, mas higit na nagiging palaban sa mga antibyotiko ang iba’t ibang katangian ng mga sakit. Ang pangangalaga ng kalusugan sa hinaharap ay magiging mas mahirap na makamit, lalo na sa mga tao na pinagbawalang bumili o magbenta maliban na lang kung sila’y sasang-ayon na tanggapin ang tanda ng halimaw.
Lubos na mahalaga na kunin ang panahon ngayon para makakuha ng kaalaman sa simple, epektibong likas na panlunas. Nagbigay si Yahuwah ng isang lunas sa kalikasan para sa bawat sakit. Isa sa pinakamahusay, pinaka-epektibong likas na gamot ay agad makukuha sa lahat ng buong mundo. Iyon ay, ang isinaaktibong uling.
Ang paggamit ng uling bilang isang nakapagpapagaling na lunas ay dokumentado mula pa noong 1500 BCE sa Ehipto. Kapag naririnig mo ang mga salitang “likas na panlunas” at agad naiisip na “albularyong nagbebenta ng langis ng ahas,” dapat mong malaman na ang uling ay patuloy na ginagamit ng mga doktor para sa iba’t ibang kondisyon ngayon sa ika-21 siglo!
Ang Poison Control Center of America ay itinatagubilin ang isinaaktibong uling na pinulbos. Ang United States’ Food and Drug Administration ay inihanay ang isinaaktibong uling sa Kategorya 1, o “Ligtas at Epektibo.”
At ang pinakamahusay na parte nito? Maaari mo itong bilhin o gumawa nito para sa iyong sarili!
Ang Maraming Paggamit ng Uling
Sa lahat ng lunas na makukuha, ang isinaaktibong uling ay ang may pinakamalawak na saklaw ng pagiging kapaki-pakinabang at dapat na malaman ng sinuman na interesado sa pagpapagaling ng mga sakit sa likas na paraan. Ang uling ay hinahawakan ang lason. Ito ay ginamit para sa paggagamot ng anuman mula sa simpleng diarrhea, hanggang sa tourista (madalas na dulot ng E. coli bacterium), sa disinterya, at sa kolera. Sa kaparehong panahon, ang isinaaktibong uling ay sapat nang maamo kaya ito ay maaaring gamitin nang ligtas para gamutin ang pagdudumi ng mga bata. Sa katunayan, ito’y gumagana nang napakabuti, kaya ang uling ay maaaring nakakapagtibi. Sapagkat ginamit para sa ibang layunin, siguraduhing uminom ng maraming tubig kapag uminom nito!
Ang uling ay maaaring gamitin para gamutin ang pamamaga ng tiyan at usog. Dahil sa kakayahan nito na ibigkis ang mga lason, ito ay madalas na pinipiling gamot kapag ang sinuman ay nakainom nang may lason. Araw-araw, ang mga ospital ay gumagamit ng isinaaktibong uling para sa pag-aalis ng lason sa mga pasyente na nagdusa sa labis na dosis mula sa nakakagumon na mga droga, aspirin, barbiturate, o morpina.
Ang uling ay uliran para sa paggamot ng mga labis na dosis o mga lason dahil ito ay hindi sinisipsip sa katawan. Sa halip, ito’y nananatili sa lagay ng panunaw, binubuklod ang anumang kemikal, at ipinapasa mula sa katawan kasama ang lason na hinahawakan nito.
Sa katunayan, ang kakayahan nito na humawak ay lubos na epektibo, ang uling ay hindi dapat inumin sa loob ng dalawang oras ng pag-inom ng niresetang gamot. Noong 1831, isang Propesor Touery ay ipinakita kung gaano ka-epektibo ang isinaaktibong uling sa French Academy of Medicine. Uminom siya ng isang nakamamatay na dosis ng strychnine … at nabuhay! Ang daya? Pinagsama niya ang lason sa isinaaktibong uling!
Ang isinaaktibong uling ay lubos ding epektibo kapag ginamit sa panlabas. Binabawasan nito ang mga impeksyon, ginagamot ang mga kagat ng insekto, hinahawakan ang kamandag ng ahas, tinatanggal ang pagka-epektibo ng kagat ng alakdan, at maaaring gamitin para gamutin ang makamandag na kagat mula sa pinaka nakamamatay na mga gagamba sa buong mundo! Ito ay tunay na epektibong gamot at ang dapat mong gawin ay simulang matutunan kung paano ito gamitin.
Paano Gamitin ang Isinaaktibong Uling
Ang isinaaktibong uling ay sukdulan na madaling gamitin! Ito ay madalas binebenta sa mga tableta o kapsula, ngunit ang pinaka-epektibong paraan para uminom nang marami ay ihalo ito sa tubig o katas at inumin ito. Ang uling ay walang lasa. Haluin ito sa tubig ay maaaring bahagyang magaspang, ngunit wala itong lasa ano pa man.
Para sa panlabas na paggamit, kumuha ng isang punong kutsaritang pinulbos na uling; magdagdag ng sapat na tubig para gawin itong mamasa-masa. Kapag ninais, ang buto ng linasa ay maaaring ihalo para sa mas buklod na kayarian. Kapag masyadong lusaw, magdagdag lamang ng pinulbos na uling. Ikalat sa apektadong bahagi. Sunod, maglatag ng isang mamasa-masang tisyu o sapin na gasa sa uling. Panghuli, balutin ng plastik. Nais mo na panatilihing mamasa-masa ang uling. Kapag ang panapal ay natuyo na, hindi na ito makakahawak pa. Nanaisin mo na selyuhan ang dulo ng plastik nang medikong teyp para walang pagtatagas.
Ang masa ng uling ay maaaring ikalat sa piraso ng malinis na tela, ilagay, at itabi para gamitin muli.
Paano Gumawa ng Sarili Mong Isinaaktibong Uling
Ang isinaaktibong uling ay maaaring bilhin sa mga parmasya, online, o maaari kang gumawa ng sarili mo. Gayunman, huwag gamitin ang uling na ginamit bilang panggatong. Ang mga ito’y hindi uri ng pagkain at ginawa sa pamamagitan ng mga kemikal para simulan ang apoy.
Para gumawa ng sarili mong uling, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
- Magtayo ng apoy sa labas. Lagyan ang metal na palayok ng maliliit na piraso ng tuyong kahoy. Ang matigas na kahoy ay mahusay, ngunit anumang makapal na materyal ng halaman, gaya ng bao, ay gagana rin. Balutin ang palayok ng isang takip na may butas na pasingawan.
- Iluto ang palayok sa isang bukas na apoy sa loob ng tatlo hanggang limang oras. Ang usok at gas ay tatakas sa butas na pasingawan. Kapag wala nang usok o gas na lumilitaw sa butas, tapos na ang iyong kahoy.
- Kapag ang uling sa palayok ay ganap nang lumamig, na maaari sa susunod na araw, ilipat ito sa isang malinis na lalagyan. Ibanlaw sa malinis na tubig para mawala ang anumang kalat o abo. Hindi mo nais ng abo.
- Gamit ang almeres, o isang malyeteng pampalambot, durugin ang iyong uling sa isang pinong pulbos.
- Tulutan ang pinulbos na uling na ganap na matuyo sa hangin. Ito’y maaaring tumagal ng 24 oras. Huwag simulan ang proseso ng pag-aaktibo hanggang ang uling ay ganap na matuyo.
Ang hindi isinaaktibong uling ay maaaring gamitin nang panlabas, para sa paglilinis ng tubig, o sa anumang bilang ng paggamit. Upang isaaktibo ito para sa panloob na paggamit, nangangailangan ng ilang dagdag na hakbang.
- Gamit ang 1:3 panumbasan, pagsamahin ang calcium chloride sa tubig. Mag-ingat. Ang solusyon ay magiging napakainit. Kailangan mo ng sapat na solusyon para ganap na balutin ang uling. (Ang calcium chloride ay maaaring bilhin sa maraming pamilihan ng kagamitang metal. Kung wala kang makuha nito, maaari mong panghalili ang 310 mili-litrong katas ng lemon sa halip na calcium chloride.)
- Gamit ang isang baso o aserong mangkok, haluin ang solusyon ng calcium chloride sa pinulbos na uling nang paunti-unti. Kapag ang timpla ay umaabot na sa kabuuan ng isang masa, huwag nang magdadagdag ng lunaw.
- Balutin ang mangkok at hayaan ito, panatag, sa loob ng 24 oras. Matapos nito, alisin ang anumang natitirang lunaw mula sa mangkok. Ang uling ay dapat na basa pa rin, subalit hindi ganap na puspos.
- Ilagay ang basang uling sa isang metal na palayok. Kailangan mo itong iluto sa loob ng tatlong oras sa temperaturang sapat na para pakuluan ang tubig. Matapos ang tatlong oras, ang uling ay aktibo na at pwede nang gamitin.
Ang isinaaktibong uling ay isa sa pinakamahalaga at pinaka kapaki-pakinabang na lunas na makukuha. Ang pinakamahirap na pobre sa daigdig ay maaaring gumawa ng sarili niya, habang maaari nitong iligtas ang buhay ng pinakamayaman na bilyonaryo.
Gumawa ng iyong sariling pananaliksik! Simulan nang matututo sa maraming paraan para gamitin itong kahanga-hangang pinagkukunan. Sa hinaharap, ang iyong buhay o ang buhay ng iyong mahal sa buhay ay maaaring maging depende rito.