Mga Pelikula: Makademonyong Pagkontrol sa Isipan
Isa sa pinakamabisang instrumento ni Satanas sa pagpapasama ng kaluluwa ay makikita sa mga pelikula at telebisyon. Kapag ang tao ay nanood ng isang pelikula, ang kanyang emosyon ay naging sangkot. Kapag ang bayani ay tinamaan o pinatay ang kalaban, ang damdamin ng mga manonood ay sumang-ayon sa bayani at magsasaya sa kanya sa anumang gagawin niya, iyon man ay pagsisinungaling, pagnanakaw, pisikal na salakay, pagpatay, pakikiapid o isang buong hukbo ng ibang pagkakasala. Ang mga pelikula at mga teleserye sa telebisyon ay isa sa pinaka-epektibong kasangkapan ni Satanas na akitin sa kasalanan ang sinuman sapagkat hindi lamang ang mga artista ang may sala sa anuman ang kanilang itinataguyod sa pag-arte nila, kundi ang lahat ng nakilahok sa panonood nito ay may sala rin.
Isang halimbawa ng nito ay ipinakita sa paunang reaksyon sa pelikulang Top Gun, inilabas noong 1986. Pinahintulutan ang mga tao na ipa-rebista ang pelikula bago ang petsa ng pangkalahatang pagpapalabas nito na inireklamo na hindi sapat ang pagtatalik sa pelikula. Bilang tugon, isang eksena ng pagtatalik ang idinagdag sa pelikula upang masiyahan ang mga manonood sa pagpapalabas ng pangangalunya.
Sa mga pelikula, ang kasalanan ay pinarurumi ang kaluluwa kahit pa ang aksyon na isinama ay napanood lang na ginagawa. Ang epekto ng panonood ng pelikula ay hindi titigil kapag gumulong ang pangwakas na kredito. Madalas, ang mga nakapanood ng pelikula ay patuloy na naiisip ang takbo ng kwento, ipinapalagay ang kanilang sarili sa papel ng isang bida o bayani. Sa isang teleserye, ang manonood ay maaaring sobrang kilalanin ang mga tauhang gumanap na siya’y nagiging gumon sa sanlingguhang programa. Pinag-uusap niya ang mga artista sa mga kaibigan; sila’y nananahan sa takbo ng kwento hanggang malamon ang kanilang kaisipan at damdamin. At sa lahat ng oras, hinuhulma sila ni Satanas sa kanyang sariling larawan.
Ang drama sa pelikula ay pinakamapanganib na anyo ng kasamaan. Gaya ng lahat ng kasalanan, anumang unang lumalabas ay kasamaan, matapos ang patuloy na pagkakalantad, sumapit sa paningin bilang normal at ordinaryo. Ang kaisipan ay nagiging matigas sa pagkakasala at kasamaan kapag patuloy na nalalantad rito. Kapag sa pagkakataong ikagulat ang mga pagkaunawa ay ngayo’y nagiging karaniwang lugar. Ang kilabot na kompromiso na ito ay paghahanda sa landas para sa isipan na tanggapin ang mas masama upang makuha ang kaparehong antas ng nakalulugod na pagpukaw ng damdamin.
Ang nakasasamang mga epekto ng panonood ng mga pelikula (at maging sa telebisyon) ay nadama sa marami pang ibang lugar. Noon pang 1993, ang mga pag-aaral sa Estados Unidos ay nagpakita na isa sa tatlong estudyanteng sinyor ng sekundarya, isa sa bawat apat sa ika-sampung baitang, at isa sa pito sa ikawalong baitang ang nalalasing, isang beses sa bawat dalawang linggo. Ang dahilan para sa tumataas na antas ng mga batang umiinom ay nakita sa dami ng alkohol ng karaniwang kabataan na napapanood na iniinom sa telebisyon.
Ang ulat ng taong 1982 ng Surgeon General [ng Estados Unidos] ay nagpakita na ang alkohol ay ang pinakamadalas inumin sa mga palabas sa primetime. . . . Noong 1990, mayroong 8.1 sanggunian sa pag-inom o pagsasalarawan bawat oras sa primetime. Sa malalim na pagkabahala sa Surgeon General, “Ang mga manginginom ay hindi mga kontrabida o iilang artista; silang mabubuti, matatag, kalugud-lugod na mga tauhan,” at inilarawan na ganap na walang walang “indikasyon ng posibleng peligro.” . . .
Ang mga mananaliksik sa New Zealand . . . ay nadiskubre ang isang direktang ugnayan sa pagitan ng madalas na panonood ng telebisyon sa mga edad 13 hanggang 15 taong gulang at ang dami ng bilang ng naiinom na alkohol sa edad 18. Mas maraming napapanood sa telebisyon ng mga kabataan, mas maraming alkohol ang maiinom nila makalipas ang tatlo hanggang limang taon. (Lawrence Kelemen, The Dangers of TV.)
Ang pangmatagalang pag-aaral ay nagpakita ng isang dramatikong pagtaas ng pagpatay (isang paghakbang sa 92-93% sa ilang bansa) sa pagdating ng telebisyon sa mga bansang iyon. At saka, ang panonood ng telebisyon at pelikula sa katunayan ay nakakababa ng IQ – maging sa mga nakakapanood nang minsan.
Isang pagsisiyasat sa California ang nagpahiwatig na kapag mas maraming oras ang ginugugol ng isang mag-aaral sa panonood ng telebisyon, magiging mas salat siya sa pag-aaral sa paaralan. Si Wilson Riles, tagapangasiwa sa mga paaralan sa California, sinabi na . . . gaano man ang ginawang takdang aralin ng mag-aaral, gaano man sila katalino, o gaano man ang kinikita ng kanilang mga magulang, ang relasyon sa pagitan ng telebisyon at iskor ng pagsusulit ay halos magkamukha. Batay sa pagsisiyasat, napagpasyahan ni Ginoong Riles na, para sa hangaring pang-edukasyon, ang telebisyon “ay hindi isang bagay na may halaga at ito ay kailangang patayin na lamang.” (Lawrence Kelemen, The Dangers of TV.)
Ang drama ay mayroon nang matagal na kasaysayan ng kahalayan at imoralidad. Ang mga teatro ng Kanluran ay nagmula sa Athens, Gresya, kung saan ito ay lumaki mula sa mga ritwal ng paganong relihiyon noon pang 1200 BC. Sa Gitnang Panahon at maging sa buong ikalabing-siyam na siglo, ang mga artista ay malawakan na itinuturing na mga taong immoral at walang disenteng tao ang makikisama sa kanila.
Sa pagdating ng mga pelikula at sinehan, ang panonood ng drama ay naging mas malawak na umiiral sa karaniwang tao, ngunit ang mga pinagmulan nito ay nag-ugat sa immoralidad. Ang mga unang pelikula ay ipinapalabas sa mga salon at sa mga pugad ng prostitusyon. Bagama’t ang mga sinehan ay ginawa para sa layunin ng pagpapalabas ng pinakabagong blockbuster sa Hollywood o Bollywood, ang pelikula ay nananatili, habang ang drama ay laging nandyan, isang epektibong kasangkapan ng diyablo para ipasok sa imahinasyon at dalhin ang kaisipan sa pagkakasala. Ang mga tao ay hindi na dadalo sa isang teatro na magdadala ng kaparehong pelikula sa video at telebisyon patungo sa kanilang sariling tahanan.
Ipinapakita ng Kasulatan ang mga matuwid ni Yahuwah bilang mga “bituin”:
Muling mabubuhay ang maraming mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig; ang iba'y sa buhay na walang hanggan, at ang iba nama'y sa kaparusahang walang hanggan. Ang marurunong na pinuno ay magniningning na gaya ng liwanag sa langit at ang mga umaakay sa marami sa pagiging matuwid ay sisikat na parang bituin magpakailanman. (Daniel 12:2-3, MBB)
Ang mga “bituin” ng Hollywood at Bollywood ay huwad na bersyon ni Satanas ng mga bituin ni Yahuwah. Ang kawan ng tao ay hinahatid sa kasalanan sa pag-iidolo sa kanilang paboritong “bituin” at ginagaya ang kanilang masamang istilo ng pamumuhay. Ang mga pelikula at mga bituin ng pelikula, gaya ng anumang lumalamon sa kaisipan at kinukuha ang pagmamahal nang palayo mula kay Yahuwah, ay isang uri ng idolatrya na dapat iwasan ng lahat ng naghahangad na mamuhay ng banal na pamumuhay kay Yahushua.
Ang mga pelikula at mga bituin ng pelikula, gaya ng anumang lumalamon sa kaisipan at kinukuha ang pagmamahal nang palayo mula kay Yahuwah, ay isang uri ng idolatrya na dapat iwasan ng lahat ng naghahangad na mamuhay ng banal na pamumuhay kay Yahushua. |
Ang mga pelikula at mga video, sa loob at sa kanila mismo, ay hindi likas na makasalanan. Gaya ng mga aklat o anumang ibang anyo ng media, ang mga pelikula ay maaaring magamit upang imulat at ipabatid ang mga impormasyon para sa kaluwalhatian ni Yahuwah. Ang kahirapan ay lumalabas kapag ang isang pelikula, bagama’t “inosente” kung ipalabas, pinapakain ang gana para tumakas. Ang pagnanais na tumakas mula sa katunayan ay isang tukso na hinaharap ng bawat tao sa lupa, sa bawat takbo ng buhay. Habang ang ilan ay nakatakas sa pamamagitan ng droga, pag-iinom o labag sa batas na pakikiapid, ang karamihan ay mas naghahanap pa ng pagtakas sa pamamagitan ng paglalagay ng kaisipan sa alternatibong katunayan. Maaari itong magawa sa mga aklat at mga computer games, ngunit ang pinakatanyag at pinaka-epektibong paraan ay sa mga pelikula.
Mahirap ang buhay. Ito ay magiging mas mahirap at magpapatuloy pa na mas matindi hanggang sa huli. Gayunman, si Yahuwah lamang ang sagot na magdadala ng ginhawa para sa kaluluwang pinukol ng sigwa.
[Si Yahuwah] naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan; at silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw, [Yahuwah], ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo. (Awit 9:9, 10, ADB)
Ang pagtakas sa pamamagitan ng mga pelikula ay magtatagal habang nagtatagal ang pelikula. Ang lundo ng buhay ay lumusong kapag ang pelikula ay tapos na at ang katunayan ay pinasok. Ang pagtago mula sa katunayan sa mga pelikula o anumang uri ng pagtakas ay hindi binabago ang katunayan. Sa paglipat lamang kay Yahuwah lamang maaaring magbago ang katunayan ng tao sa pagtungo sa Tagapagligtas para sa kalakasan at tulong.
Ang Kanyang pangako sa iyo ay:
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong [Elohim]; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran. (Isaias 41:10, ADB)
Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't tapat ang [Eloah], na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis. Kaya, mga minamahal ko, magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan. (1 Corinto 10:13, 14, ADB)
Iyong mga inilagay ang kanilang pananalig kay Yahuwah, namamahinga sa Kanyang pag-ibig at pagtitiwala sa Kanya na naggagabay sa kanila, ay mahahanap na hindi na nila kailangan ng panandaliang “kaluwagan” mula sa lundo na inaalok ni Satanas sa pamamagitan ng eskapismo.
Ang walang hanggang [Elohim], [Yahuwah], ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, . . . nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan. Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod, at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal: Nguni't silang nangaghihintay [kay Yahuwah] ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina. (Isaias 40:28-31, ADB)
Ang mga pagpapalang ito para sa mga isinuko ang kanilang kalooban, kagustuhan at pagnanais kay Yahuwah at naghangad na dalhin ang kanilang mga buhay, ang kanilang kaisipan at damdamin sa pagsang-ayon sa Kanyang ipinakitang kalooban. Pinayuhan ng Kasulatan na “Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.” (Mateo 5:48, ADB) Ang kabayarang inalok ay higit pa sa anumang bagay na inalok ng mundo: “Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila [si Yahuwah].” (Mateo 5:8, ADB)
Ang mga magpapalipas nang walang hanggan sa isang dalisay na kapaligiran, sa pangkat ng mga banal na anghel at ang banal na Elohim, ay gagawin ang anumang bagay sa kanilang kapangyarihan na dalhin ang kanilang mga kaisipan sa pagkakasundo kay Yahuwah. Inilabas ng Kasulatan ang mataas na batayan sa lahat ng dapat maghangad:
Katapus-tapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibig-ibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito. (Filipos 4:8, ADB)
Ito ang pagsubok kung saan ang lahat ng mga pelikula ay dapat pasakop. Totoo na may mga pelikulang mabuting panoorin. Ngunit kung ang kwento ay pumupuri ng karahasan, ito ba ay dapat pa bang panoorin?
Hinihimok ng Filipos 2:5 ang lahat na “Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Kristo Yahushua.” Sa sagot sa masugid na panalangin, ang Tagapagligtas ay magbibigay ng tagumpay sa lahat nang pinili si Yahuwah sa halip na pagtakas at mga pang-akit na inalok ng mundo.
Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama.
Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.
Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng [Elohim] ay mabubuhay magpakailanman. (1 Juan 2:15-17, MBB)