“Ang panalangin ay ang pagbubukas ng puso kay YAH gaya sa isang kaibigan. Hindi yung kailangan upang gawing kilala si YAH kung ano tayo, kundi upang magpagana sa atin na tanggapin Siya. Ang panalangin ay hindi dinadala si YAH nang pababa sa atin, kundi nagpapadala sa atin nang pataas tungo sa Kanya.”
(Ellen G. White, Steps to Christ, p. 94, Ang Pangalan ni YAH ay ibinigay)
Isang sariwang pag-aaral, nalathala ng Fox News noong 2012, ay isinalaysay na ang pangunahing dahilan ng diborsyo ay ang pagkasira ng komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa. Ang mga konsehal ng pag-aasawa ay nauunawaan na kapag walang komunikasyon, walang pagkakaunawa. Kung walang pagkakaunawa, walang simpatya at, sa huli, walang pag-ibig. Ito ay kapareho rin sa ating relasyon sa Makalangit na Ama. Ang isang malapit, matalik na relasyon sa Kanya ay nangangailangan rin ng komunikasyon. Sapagkat isinulat ng isang makapukaw na manunulat: “Ang panalangin ay ang hininga ng kaluluwa. Ito ay ang lihim ng espiritwal na kapangyarihan. Walang ibang paraan ng kagandahang-loob ang maaaring ipalit at ang kalusugan ng kaluluwa ay mapapanatili. Ang panalangin ay nagdadala sa puso tungo sa pinakamalapit na pakikipag-ugnay sa Bukal ng Buhay, at pinapalakas ang litid at kalamnan ng karanasang pangrelihiyon.”1
Si Yahuwah* ay nalalaman ang lahat at matalino sa lahat. Siya ay walang kailangan para sa Kanyang makalupang mga anak na manalangin para sa Kanya. Ang Nag-Iisa na nangako, “At mangyayari, na bago sila magsitawag, sasagot Ako; at samantalang sila'y nangagsasalita, Aking didinggin.” (Isaias 65:24) ay wala nang kailangang pagsabihan na anumang bagay! Siya ay marunong sa lahat. Nalalaman Niya ang lahat! Wala ka nang maaaring sabihin kay Yahuwah na hindi Niya nalalaman. Iyon ay hindi ang layunin ng panalangin.
Ang kahalagahan ng panalangin ay hindi makikita sa paglipat ng impormasyon mula sa iyong puso hanggang sa tainga ni Yahuwah. Ang panalangin ay mahalaga dahil ito ay ating kailangan. Si Yahuwah ay iniibig na tayo. Ngunit ang ating diwa ng pagkalapit kay Yahuwah, ang ating tiwala sa Kanyang mga pangako, ang ating pananampalataya sa Kanyang pag-ibig, ay nakadugtong lahat sa pagpapanatili ng ating bahagi ng isang malapit na relasyon sa Kanya.
Ang isang normal, emosyonal na malusog na magulang ay iniibig na ang kanyang anak. Ang musmos, nagkukulang ng mas ganap na pagkakaunawa, ay hindi awtomatikong nararamdaman para sa kanyang magulang ang kaparehong lalim ng damdamin na nararamdaman ng magulang para sa anak. Ang damdaming ito sa puso ng bata ay nalilinang sa higit na panahon. Habang ang pangangailangan ng bata para sa pagkain, isang malinis na lampin, pagtulog at kaginhawaan ay natugunan sa tugon ng kanyang mga pag-iyak, ang tiwala ay nabubuo na sina Mommy at Daddy ay palaging nandyan para tutugon sa kanyang mga pangangailangan. Habang siya’y lumalaki, ang tiwala sa kanyang mga magulang ay lumalalim tungo sa pasasalamat kasabay ang magiliw na mga atensyon ng magulang ay nakilala. Ang pasasalamat, dahil dito, ay nagpapagising ng pag-ibig.
Bilang isang mapagmahal, banal na magulang, nauunawaan ni Yahuwah ang prosesong ito sa paglago ng relasyon ng magulang at anak. Sa kanilang paglalakbay tungo sa Lupang Pangako, ang Anak ni Israel ay paulit-ulit na dinala tungo sa mahirap, maging mga mapanganib na mga kalagayan. Ang Walang Hanggang Karunungan, makapangyarihan Pag-Ibig, ay pinapahintulot ang iba’t ibang pangyayaring ito upang ilipat ang mga puso ng mga tao sa Kanya. Ito ay plano ni Yahuwah kaya, habang sila’y dinala sa mga kahirapan kung saan hindi sila makakatakas, sila’y hihingi sa Kanya para sa tulong at nais Niya na magbigay ng pagpapalaya. Ito’y paulit-ulit Niyang ginawa, mula sa paghahati ng tubig sa dagat, gawing mabuting tubigan ang masama, ang pagbibigay ng 40 taon ng mana at tubig sa isang tuyo at mapanglaw na lupain. Habang ang bayan ay paulit-ulit na nararanasan ang pagpapalaya sa sagot sa kanilang mga panalangin, ang kanilang pananampalataya, pasasalamat at pag-ibig ay uunlad.
Ito ay kapareho sa kasalukuyan. Si Yahuwah ay malapit na pamilyar sa mga detalye ng iyong buhay. Nalalaman Niya ang iyong mga nakatagong pagpupunyagi at naghanda Siya ng mismong mga paraan na kailangan upang ibigay sa iyo nang may lakas, katapangan, karunungan – ano man ang kailangan mo. Ngunit kinakailangan na ilagay mo ito sa mga salita sa panalangin.
Hindi ba ginawa ang mga himala ni Kristo at Kanyang mga apostol? Ang kaparehong mahabaging Tagapagligtas na nabubuhay ngayon, at Siya ay kusang nakikinig sa panalangin ng pananampalataya habang Siya ay naglalakad na nakikita ng mga tao. Ang likas ay nakikipagtulungan sa talulikas. Ito ay bahagi ng plano ni Yahuwah para ibigay sa atin, kasagutan sa panalangin ng pananampalataya, na kung saan ay hindi Niya maaaring ibigay kung hindi natin hiniling.2
Dahil dito, sa paglatag ng ating mga pag-aalala sa harap ng banal na trono, tayo ay mayroong patuloy na kasiguraduhan ng Kanyang dakilang pag-ibig sa atin habang tayo ay mga saksi sa nasagot na panalangin.
Sa pamamagitan ng kalikasan at rebelasyon, sa pamamagitan ng Kanyang kalinga, at sa impluwensya ng Kanyang Espiritu, nagsasalita si Yahuwah sa atin. Ngunit ang mga ito ay hindi sapat; kailangan natin na ibuhos ang ating mga puso sa Kanya. Upang magkaroon ng espiritwal na buhay at enerhiya, mayroon dapat tayong aktwal [interaktibong komunikasyon] sa ating Makalangit na Ama. Ang ating mga kaisipan ay maaaring lumapit sa Kanya; maaari nating pagnilay-nilayin sa Kanyang mga gawa, Kanyang mga awa, Kanyang mga pagpapala; subalit ito ay hindi, sa ganap na diwa, manalangin nang taimtim sa Kanya. Upang manalangin nang taimtim kay Yahuwah, mayroon dapat tayong isang bagay na sasabihin sa Kanya tungkol sa ating aktwal na buhay.
Ang panalangin ay ang pagbubukas ng puso kay Yahuwah gaya sa isang kaibigan. Hindi yung kailangan upang gawing kilala si Yahuwah kung ano tayo, kundi upang magpagana sa atin na tanggapin Siya. Ang panalangin ay hindi dinadala si Yahuwah nang pababa sa atin, kundi nagpapadala sa atin nang pataas tungo sa Kanya.3
Ang Langit ay naghihintay nang may paghahangad na ibuhos ang mga mayayamang kaloob sa mga anak ng tao. Ngunit kung kailan papalapit sa trono ng banal na kagandahang-loob, mahalaga na makiusap sa pananampalataya.
At kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya kay Yahuwah at siya’y bibigyan, sapagkat si Yahuwah ay nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat. Ngunit ang humihingi ay dapat magtiwala at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na hinihipan ng hangin at itinataboy kahit saan. Huwag isipin ng taong iyon na tatanggap siya ng anuman galing kay Yahuwah. (Santiago 1:5-7)
Ang panalangin ay isang kailangang elemento sa isang mahalaga, malusog na espiritwal na buhay na sa katunayan ay isa ng mga paksang itinuturo sa mga paaralan ng mga propeta. Isang kapaki-pakinabang na paraan para sa epektibong panalangin ay para sundin ang acronym na ACTS.
ACKNOWLEDGE (KILALANIN)
Ang unang mahalagang elemento ng anumang panalangin ay para kilalanin ang kamahalan, kapangyarihan, kabanalan at pag-ibig ni Yahuwah para sa ating lahat. Habang nilalagay natin sa mga salita ang ating pasasalamat at pagkilala ng Kanyang lakas at mga awa, tayo ay pinangunahan na SAMBAHIN Siya, kaya sinusundan ng Biblikal na utos: “Purihin ang Elohim!” (Awit 68:35) Ang gawa ng pagkilala at adorasyon ay pinapataas ang ating tiwala sa Kanyang walang hanggang kapangyarihan gayon din sa Kanyang walang hanggang pag-ibig.
CONFESS (PAGTAPAT)
Ang pagtatapat ay inilalagay ka, ang suplikante, sa tamang relasyon sa Makapangyarihan. Walang lugar para sa pagmamataas kapag lumalapit sa Makapangyarihan. Lahat ng ating mga gawa, ang mga katuparan na ikinagagalak ng pagmamataas ng tao, ay nakikita na wala, sa pagsisisi, tayo’y lumuluhod sa harap ng walang hanggang trono, ipinagtatapat ang ating mga kasalanan.
Mayroong tiyak na mga kondisyon kung saan inaasahan natin na si Yahuwah ay makikinig at sasagot sa ating mga panalangin. Isang una sa mga ito ay nararamdaman natin ang ating pangangailangan ng tulong mula sa Kanya. . . .Ang puso ay dapat na bukas sa impluwensya ng Espiritu, o ang pagpapala ni YAH ay hindi maaaring matanggap.
Ang ating dakilang pangangailangan ay mismo isang argumento at ang mga pakiusap ay karamihan na malinaw sa ating ngalan. Ngunit si Yahuwah ay dapat hanapin para gawin ang mga bagay na ito para sa atin, “Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan.” At “Siya, na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?” (Mateo 7:7; Roma 8:32)
Kapag isinaalang-alang natin ang kasalanan sa ating mga puso, kapag kumapit tayo sa anumang nalalamang kasalanan, hindi makikinig si Yahuwah sa atin; kundi ang panalangin ng nagsisisi, nagsisising kaluluwa ay palaging tinatanggap. Kapag nalaman ng lahat ang mga kamalian ay itinama, maaaring maniwala na si Yahuwah ay sinasagot ang ating mga hiling. Ang ating pansariling merito ay hindi kailanman maghahabilin sa atin sa pagpabor ni YAH; ito ay ang pagiging karapat-dapat kay Yahuwah na magliligtas sa atin, ang Kanyang dugo na maglilinis sa atin; subalit dapat nating gawin ang gawa sa pagsunod sa mga kondisyon ng pagtanggap.4
THANKSGIVING (PASASALAMAT)
Habang ang kayamanan ng Langit ay ibinubuhos para iligtas ang mga makasalanan, pinapadali ang kanilang paraan sa kapatagan ng mga luhang ito, ang lahat ay dapat magkaisa sa puso at tinig sa pagbabalik ng papuri at pasasalamat kay Yahuwah. Ang pagkilala ng mga pagpapalang natanggap ay pumupukaw sa atin nang may pasasalamat, pag-ibig at mas maraming pananampalataya sa ating mapagmahal na Makalangit na Ama para matugunan ang ating mga pangangailangan sapagkat ipinangako Niya.
Ang lahat ba ng ating debosyonal na pagsasanay ay binubuo lamang ng pakikiusap at pagtanggap? Palagi ba nating iniisip ang ating mga nais at hindi ang mga pakinabang na natatanggap natin? Tayo ba ay tagatanggap ng Kanyang mga awa at hindi ipinapahayag ang ating pasasalamat kay YAH, hindi Siya pinupuri sa anong nagawa Niya para sa atin? Hindi tayo nananalangin nang madalas, kundi tinitipid natin nang madalas ang pagbibigay ng pasasalamat. Kapag ang mapagmahal na kabutihan ni Yahuwah ay nananawagan ng mas maraming pasasalamat at papuri, tayo ay mayroong mas malakas na kapangyarihan sa panalangin. Tayo ay managana nang marami at mas marami pa sa pag-ibig ni Yahuwah at mas marami pang pagbuhos para purihin Siya tungkol dito. Ikaw ay dumadaing na si Yahuwah ay hindi pinakikinggan ang iyong mga panalangin, binabago ang kasalukuyang kaayusan at ihalo ang papuri sa iyong mga kahilingan. Kapag itinuring mo ang Kanyang kabutihan at mga awa, mahahanap mo na isasaalang-alang Niya ang iyong mga nais.
Manalangin, manalangin nang masigasig at walang katapusan, ngunit huwag kalilimutan na magpuri. Ito’y nagiging bawat anak ni Yahuwah para panindigan ang Kanyang katangian. Maaari mong palakihin si Yahuwah; maaari mong ipakita ang kapangyarihan ng nagtutukod na kagandahang-loob.5
SUPPLICATION (PAGSAMO)
Ito lamang matapos ang pagkilala ng kabutihan ng iyong Manlilikha, itinatapat ang iyong pagiging hindi karapat-dapat at ibinabalik ang pasasalamat para sa Kanyang walang hanggang kabutihan at mga awa, kaya nararapat na gumawa ng pagsamo. Ang naunang pagkilala, pagtapat at pagpapahayag ng pasasalamat ay nagsisilbi para pumukaw ng mas dakilang pananampalataya na kinakailangan kapag nakiusap sa mas dakilang mga kaloob.
Ang Aklat ng Hebreo ay ipinaliwanag: “At kung walang pananampalataya, hindi maaaring malugod si Yahuwah sapagkat ang sinumang lumalapit sa Kanya ay dapat sumampalatayang may Elohim at Siya ang nagbibigay-gantimpala sa mga nagnanais maglingkod sa Kanya.” (Hebreo 11:6) O, sapagkat sinabi ni Yahushua: “Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, paniwalaan ninyong tinanggap na ninyo at mangyayari nga iyon sa inyo.” (Marcos 11:24)
Panatilihin ang iyong mga nais, kasiyahan, kalungkutan, kaingatan, at takot sa harap ni Yahuwah. Hindi mo Siya maaaring pasanin; hindi mo Siya kayang pagurin. Siya na nabibilang ang mga buhok ng iyong ulo ay hindi walang bahala sa mga nais ng Kanyang mga anak. “Talagang napakabuti at tunay na mahabagin si Yahuwah.” (Santiago 5:11) Ang Kanyang puso ng pag-ibig ay nahawakan ang ating mga kalungkutan at maging ang mga pagbigkas ng mga ito. Dalhin sa Kanya ang lahat ng bagay na nagpapagulo ng isipan. Walang bagay na napakadakila sa Kanya na dalhin, sapagkat hawak Niya ang sanlibutan, Siya na namumuno sa lahat ng mga kapakanan ng sanlibutan. Walang bagay sa anumang landas ng ating kapayapaan ay napakaliit para sa Kanya na mapansin. Walang kabanata sa ating karanasan na napakadilim para sa Kanya na basahin: walang kaguluhan na napakahirap para sa Kanya na ilantad. Walang kalamidad na babagsak sa kakaunti ng Kanyang mga anak, walang pagkabalisa na manggugulo ng kaluluwa, walang galak na papalakpakan, walang matapat na panalanging tatakas sa labi, kung saan ang ating Makalangit na Ama ay hindi matatagpuan, o kung saan Siya ay walang kinukuhang agarang interes. “Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.” (Awit 147:3) Ang mga relasyon sa pagitan ni Yahuwah at bawat kaluluwa ay naiiba at ganap sapagkat wala nang iba pang kaluluwa sa lupa para kanino ibinigay Niya ang Kanyang minamahal na Anak.6
Ang pagtuturo ni Pablo sa mga taga-Tesalonica ay napakahalaga ngayon gaya ng kung kailan ito unang ibinigay. Sinabi niya: “Lagi kayong magalak. Manalangin kayong walang patid. Magpasalamat kayo patungkol sa lahat ng bagay sapagkat ito ang kalooban ni Yahuwah kay Kristo Yahushua para sa inyo.” (1 Tesalonica 5:16-18) Ito ay isang positibong utos mula kay Yahuwah. Kapag nasunod, patataasin nito ang pananampalataya at hahantong mas epektibong mga panalangin kung saan si Yahuwah ay nagagalak na sumagot.
Hinikayat ni Yahushua ang Kanyang mga tagasunod na manalangin, sapagkat ang kanilang mga panalangin ay maririnig sa Langit:
Sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo at iyon ay ibibigay sa inyo. Maghanap kayo at makakasumpong kayo. Kumatok kayo at kayo ay pagbubuksan. Sapagkat ang bawat isang humihingi ay tumatanggap, ang naghahanap ay nakakasumpong, at ang kumakatok ay pagbubuksan. Sinong ama sa inyo ang magbibigay ng bato sa anak na humihingi ng tinapay? Kung humingi ng isda, ang ibibigay ba niya sa kaniya ay ahas sa halip na isda? Kapag siya ay humingi ng itlog, bibigyan ba niya siya ng isang alakdan? Kayo na masasama ay marunong magbigay ng mga mabuting kaloob sa inyong mga anak. Kung ginagawa ninyo ito, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na kaniyang ibibigay ang Banal na Espiritu sa kanila na humihingi sa kaniya? (Lucas 11:9-13)
Tayo ay hindi lamang dapat manalangin sa ngalan ni Kristo, kundi sa pagpukaw ng Banal na Espiritu. Ito’y ipinapaliwanag kung ano ang ibig sabihin nito noong sinabi na ang Espiritu ay “mismo ang siyang namamagitan para sa atin na may pagdaing na hindi kayang ipahayag ng salita.” (Roma 8:26) Ang ganitong panalangin ay ikinagagalak ni Yahuwah na sagutin. Kapag sa pagiging masigasig at kasidhian tayo’y huminga ng isang panalangin sa ngalan ni Kristo, mayroong mas matindi rito na isang panunumpa mula kay Yahuwah na Siya ay sasagot sa ating panalangin na “pinakahigit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin.” (Efeso 3:20)7
Ang panalangin ay mahalaga sa isang personal na relasyon kasama ang Tagapagligtas. Ang pinakamalungkot na mga salita na maririnig sa tainga ng tao sa Muling Pagdating ay: “Kailanma’y hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa Akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan!” (Mateo 7:23) Ngayon na ang panahon na makilala ang Tagapagligtas. Ang mapagpalang imbitasyon ay patuloy na umaabot, naghihintay para sa iyong pagtanggap: “Lumapit kayo kay Yahuwah, at lalapit Siya sa inyo.” (Santiago 4:8)
Paunlarin ang isang mahalaga, mapagmahal, mapagtiwalang relasyon sa Ama at Anak ngayon. Sa Langit, ang mga relasyong nagsimula ay magpapatuloy, narito para makita ang kanilang pinakamalalim, pinakatotoong pagpapahayag. Simulan ngayon, na maglakad kasama si YAH gaya ng ginawa ni Enoc.
Nauugnay na Nilalaman:
* Lahat ng mga sipi ay ginamit ang tamang Pangalan ng Ama at Anak.
1 E. G. White, In Heavenly Places, p. 83.
2 E. G. White, The Great Controversy, p. 525.
3 E. G. White, Steps to Christ, p. 93.
4 Ibid., p. 95.
5 E. G. White, Testimonies for the Church, Vol. 5, p. 317.
6 White, Steps to Christ, p. 101.
7 E. G. White, Christ’s Object Lessons, p. 147.