Ang kahalagahan ng maagang pagkabatang edukasyon ay hindi maaaring pagbulay-bulayan nang sobra. Ito ay isang seryosong responsibilidad para dalhin ang bata tungo sa mundo. Lahat ng gagawa nito ay mayroong taimtim na tungkulin para kay Yahuwah upang sanayin ang bata, upang hulmahin ang kanyang pagkatao, upang maging naaangkop na mamamayan para sa kaharian ng Langit.
Ito ay nasa maagang pagkabata na ang pundasyon ay inilatag para sa nalalabi ng buhay para sundan. |
Madalas nakakaligtaan ng mga magulang ang mga maagang taon, ipinapalagay na ang bata ay napakabata pa para sa anumang mga pangmatagalang impresyon na bubuo sa pagkatao niya. Gayunman, ito ay nasa maagang pagkabata na ang pundasyon ay inilatag para sa nalalabi ng buhay para sundan. “Ang panahon mula sa pagsilang hanggang walong taon ay ang tradisyonal, pandaigdigang kahulugan ng maagang pagkabata. . . . Ito ang mga taon kung saan ang mga paniniwala at mga saloobin sa hinaharap ng tao ay nahugis sa karanasan.” (Tricia David, “What is early childhood for?” http://www.mcgraw-hill.co.uk.)
Ang mga Katoliko ay nauunawaan nang mabuti ang kahalagahan ng paghuhulma ng kaisipan at pagkatao ng bata. Si Francis Xavier, isa sa mga nagtatag ng Order ng Heswita, ay madalas nasisipi gayong sinabi niya: “Bigyan mo ako ng isang bata hanggang siya ay magpito at ipapakita ko sa iyo ang tunay na lalaki.” Ang mga gawi ng pag-uugali, mga saloobin at mga paniniwala na nabuo sa maagang pagkabata ay nayari sa pagtanda. Maraming mga kriminal ay binakas ang mga ugat ng kanilang marahas, laban sa lipunang kaugalian pabalik sa abuso at kapabayaang natanggap nila sa maagang pagkabata. Ito ay sa matinding kahirapan, pagpupunyagi at kagandahang-loob mula kay Yahuwah na ang hindi tamang pagsasanay ay maaaring mapagtagumpayan.
Ang sukdulang kahalagahan ng maagang pagkabatang pagsasanay ay dapat ring magdulot sa kung ilang anak ang nais ng magpares na magkaroon. Maraming pamilya ang mayroong malaking bilang ng mga anak subalit walang kakayahan na sanayin sila nang mabuti. Ang ama ay masyadong abala sa pagtatrabaho para itaguyod ang pamilya; ang ina ay napapagod na sa kanyang maraming responsibilidad na makita kung ang bawat anak ay nakakatanggap ba ng pang-indibidwal na atensyon at pagsasanay na kailangan ng bawat isa. Ang mga kapus-palad na batang ito, madalas naiiwan sa kanilang mga pansariling kasangkapan para itaguyod ang kanilang mga sarili, karaniwan lang na lumalaki ang bilang ng mga kasapi ng kaharian ni Satanas.
Habang maraming mga magulang ang nananatiling hindi alintana ang kahalagahan ng pagsasanay at edukasyon na natanggap sa pagkabata, ang mga makamundong pamahalaan ay lubos na may kamalayan sa impluwensya ng ganoong pagsasanay. Sapagkat si Yahushua mismo ay malungkot na kinilala, “Sapagka’t ang mga anak ng sanglibutang ito, sa kanilang sariling lahi, ay matatalino kay sa mga anak ng ilaw.” (Lucas 16:8, ADB) Ang mga pamahalaan ay madalas tinuturuan ang mga bata upang isulong ang kanilang sariling pulitikal na mga adyenda. Ang mga kabataan na sinanay sa tahanan para manindigan sa katotohanan, para maging matapang sa pagiging kakaiba, para maging malaya sa kaisipan ay isang banta sa mga masamang pamahalaan.
Ang mga paaralan ay isang pangunahing kasangkapan ng pamahalaan para sa ideolohikang pagsasanay ng susunod na henerasyon at pagliligpit sa kalayaan at hindi pagsang-ayon. |
Sa kasalukuyan, ang pantahanang paaralan ay iligal sa Alemanya. Ito ay unang ipinagbawal sa ilalim ni Adolf Hitler na ninais ang buong bansa ng kabataan na ipropaganda sa paaralan para tanggapin ang kanyang pulitikal na adyenda. Ang mga magulang na magtatangka na pag-aralin ang kanilang mga anak sa pantahanang paaralan, ay kukunin ang kanilang mga anak at dadalhin sa mga mental na ospital para sa pagsusuri.
Noong 2003, sina Fritz at Marianna Konrad ay umapela sa European Human Rights Court para sa karapatan na pag-aralin sa tahanan ang kanilang mga anak dahil ang tahasang sekswal na edukasyon sa mga sistemang paaralan ng pamahalaan ay hindi nagkakasundo sa kanilang Kristyanong kahalagahan. Ang mga Konrad ay umapela sa ilalim ng pahayag:
Walang tao ang dapat pagkaitan ng karapatan sa edukasyon. Sa pagsasanay ng anumang tungkulin na ipinapalagay nito sa relasyon sa edukasyon at sa pagtuturo, ang Estado ay dapat respetuhin ang karapatan ng mga magulang para masiguro ang ganoong edukasyon at pagtuturo sa pagkakatugma nito sa kanilang mga pansariling paghatol sa pangrelihiyon at pilosopiko.
Tatlong taon ang lumipas, ang korte ay umayon sa pamahalaan ng Alemanya.
Isang bagong pamamahala mula sa European Human Rights Court ay pinatotohanan ang pagbabawal (tulad noong panahon ng Nazi) ng bansang Alemanya sa pantahanang paaralan, pinagtibay na ang kalipunan ay mayroong isang mahalagang interes sa pag-iwas sa pag-unlad ng hindi pagsang-ayon sa pamamagitan ng “hiwalay na mga pilosopikong paghatol.” . . .
Ang Alemanyang korte ay pinasiyahan na ang pang-magulang na “kahilingan” na palakihin ang kanilang mga anak sa isang tahanan nang walang ganoong mga impluwensya ay “hindi maaaring kumuha ng prayoridad sa sapilitang pagpasok sa paaralan.” Ang desisyon ay sinabi na ang mga magulang ay walang isang “eksklusibong” karapatan na manguna sa edukasyon ng kanilang mga anak. (World Net Daily, http://www.wnd.com/2006/09/38145/.)
Dahil sa desisyon na mataas na hukuman, ang bansang Sweden ay nagpasa rin ng batas na ginawang imposible ang pantahanang paaralan. Ang resulta ay maraming Suweko ang umalis at tumungo sa ibang bansa kung saan ang pantahanang pag-aaral ay ligal pa.
Tungkulin ng magulang na turuan ang bata na manindigan para sa katotohanan kahit pa ang buong mundo ay nagkaisa laban rito. |
Ang mga paaralan ay isang pangunahing kasangkapan ng pamahalaan para sa ideolohikang pagsasanay ng susunod na henerasyon at pagliligpit sa kalayaan at hindi pagsang-ayon. Ito ay awtomatiko na isang problema para sa isang Kristyano dahil ang tunay na Kristyano ay palaging nasa minorya. Tulad nito, tungkulin ng magulang na ituro ang bata na manindigan para sa katotohanan kahit pa ang buong mundo ay nagkaisa laban rito. Kapag ang bata ay tinuruan ng katapangan na manatili para sa katotohanan, siya ay sasanayin mula sa maagang pagkabata para magkaroon ng malayang kaisipan, walang takot sa pagiging kakaiba, walang pakialam sa naiisip ng iba habang siya ay nasa tama at kay Yahuwah.
Ito ang eksatktong kabaligtaran ng ano ang itinuturo sa paaralan. Sa paaralan, ang isang madaling kapitang bata ay tinuruan na:
- Ang katotohanan ay nagmumula sa awtoridad.
- Ang katalinuhan ay ang kakayahan na umalala at umulit.
- Ang tumpak na memorya at pag-uulit ay gagantimpalaan.
- Ang hindi pagsunod ay parurusahan.
- Sumunod: pangkatalinuhan at pang-lipunan.
Ang ganitong pagsasanay ay naghahanda sa kabataan na tanggapin ang “mga nasa awtoridad” para sa katotohanan, sa halip na tumungo sa Kasulatan para sa kanilang mga sarili. Itinuturo nito ang kabataan na sumunod sa mga makamundong batayan at tumalima sa panlabas na presyon sa halip na pag-isipan para sa kanilang mga sarili at maging matatag para sa katotohanan.
Ang modernong sistema ng pag-aaral ay batay sa Griyegong sistema ng edukasyon. Ito’y lumilikha ng isang hindi malusog na kapaligiran sa isang bilang ng mga paraan. Nilayon ni Yahuwah para sa mga bata na maturuan sa panig ng kanilang mga magulang na maaaring gumawa sa mga espiritwal na aral sa anumang natutunan, ngunit ang modernong sistema ng paaralan ay tinanggal ang mga magulang (gayon din ang anumang edukasyong pangrelihiyon) mula sa kapaligiran ng pag-aaral. Ang impluwensya at awtoridad ng guro ay naging mas dakila.
Kapag ang bata ay tinuruan ng katapangan na manatili para sa katotohanan, siya ay sasanayin mula sa maagang pagkabata para magkaroon ng malayang kaisipan, walang takot sa pagiging kakaiba, walang pakialam sa naiisip ng iba habang siya ay nasa tama at kay Yahuwah. |
Madalas sa mga magulang, pagod na pagod na mula sa isang mahabang araw ng paggawa, iniiwan ang lahat ng pagsasanay ng kabataan sa guro ng paaralan. Gayunman, ang guro ay ginagamit lamang para magturo ng pinahintulutang kurikulum ng pamahalaan – at iyon ay madalas ihilig para itaguyod ang ideolohiya ng pamahalaan. Ang guro ng paaralan ay hindi ginamit para sanayin ang pagkatao para sa Langit. Iyon ay hindi niya trabaho at, sa isang silid na puno ng kabataan, siya ay walang panahon at pagkakataon na gawin iyon. Anumang paghuhugis ng pagkatao na nagaganap ay nasa pagkakatugma sa makamundong hulma.
Mas problemado pa ang maaaring maimpluwensya ng ibang mag-aaral. Gaano man kabuti ang guro, ang pang-akit na sumunod sa samahan o barkada ng sinuman ay maaaring halos napakalaki. Sa isang pantahanang kapaligiran, ang isang bata ay napaliligiran ng mga matatanda at kapwa bata, parehong mas matanda at mas bata pa sa kanya mismo. Sa paaralan, ang isang bata ay napaliligiran ng mas bata pa sa edad na 20-40 at ibang mga bata ng kaparehong edad niya. Ito ay lumilikha ng hindi malusog na kapaligiran kung saan ang opinyon ng ibang kabataan ay nagdadala ng sobrang bigat.
Maraming mga magulang na naging maingat sa pagsasanay ng kanilang anak na maging magalang at maalalahanin sa iba ay nakikita, sa kanilang dakilang panghihinayang, na ang impluwensya ng mga kaklase ng kanilang anak ay halos nawalan ng saysay ang lahat ng kanilang maingat na pagsasanay. Kapag ipinadala mo ang iyong mga anak sa paaralan, sila ay napaliligiran ng ibang mga bata mula sa lahat ng uri ng mga karanasan. Napakadali para sa mga masasamang salita at mga masasamang halimbawa na maimpluwensya ang bata sa loob lamang ng kaunting minutong pahinga kung saan maraming mga oras ng maingat na paggawa sa parte ng magulang na hindi maaaring gawin.
Ang bayan ni Yahuwah ay tinawagan na maging matatag mag-isa at humiwalay. Ang edukasyon na natanggap para ihanda ang mga bayani ng katuwiran na ito para sa kanilang gawa ay hindi makikita sa mga sistema ng pag-aaral na pinapatakbo o pinaniwalaan ng pamahalaan. Si Moises, bilang inampon na anak ng anak ng Paraon, ay pinag-aral sa lahat ng karunungan ng mga taga-Egipto. Karamihan sa mga ito ay kapaki-pakinabang noong siya ay tinawagan na pangunahan ang bayan ni Yahuwah palabas ng Egipto. Marami din sa mga ito, gayunman, ay isang kalikasan para tanggalin si Moises para sa mismong gawa na nilayon ni Yahuwah na gawin niya. Sa kadahilanang ito, tinanggal ni Yahuwah si Moises mula sa mga makamundong hukuman tungo sa mapagpakumbabang buhay ng isang pastol. Narito, sa malawak na pag-iisa, mag-isa kasama ang mga tupa, natanggap ni Moises ang kanyang mataas na edukasyon sa paaralan ng Langit.
Ang buhay ni Moises ay nagtuturo na mahalaga na ang lahat ay dapat na pag-aralin ng mabuti hangga’t posible para sa kanila na maging mas mabuti. Ang pagdadalisay at kultura ay hindi naman iiwasan maliban kung makamundo, bagama’t sa katunayan, habang ang mga ito ay nasa panig ng mga batayan ng Langit.
Ang ilan ay ipinalagay na si Yahushua ay walang pinag-aralan dahil sa isang pahayag na ginawa noong Siya ay nagturo sa Templo: “Nagsipanggilalas nga ang mga Hudyo, na nangagsasabi, Paanong nakaaalam ang taong ito ng mga karunungan, gayong hindi naman nagaral kailan man?” (Juan 7:15, ADB)
Ang pahayag na ito ay hindi nangangahulugan na ang Tagapagligtas ay walang pinag-aralan dahil sa mismong susunod na kabanata, naitala ni Juan na si Yahushua ay “yumuko at sumulat sa lupa.” (Tingnan ang Juan 8:6 at 8.) Sa halip, ang katanungan, “Paanong nakaaalam ang taong ito ng mga karunungan, gayong hindi naman nagaral kailan man?” ay tumutukoy sa katunayan na si Yahushua ay hindi pumapasok sa mga paaralan ng Kanyang panahon. Natanggap Niya ang Kanyang edukasyon sa tahanan, sa tuhod ng Kanyang ina. Ang mga paaralan ng mga rabi, sa kanilang pagbibigay-diin sa tradisyon sa halip na sa kautusan ni Yahuwah, ay hindi wasto sa Kanya para sa Kanyang dakilang paglilingkod.
Totoo din ito para sa mga mananatili para sa katotohanan ngayon. Ang edukasyon na nakamit mula sa mga makamundong institusyon ay nagtuturo ng ebolusyon, madalas na sekswal na imoralidad at maging mga pulitikal na adyenda ng mga indibidwal na pamahalaan. Higit pa, gayunman, ang mga paaralan ay nagtataguyod ng pagsang-ayon, na nag-aalis ng kalayaan at indibidwalidad ng kaisipan. Ito ay binabaluktot ang pagkatao kaya ang pagtanggap ng iba ay mas mahalaga kaysa sa katanggap-tanggap kay Yahuwah. Kung ang bata ay pinalaking sumunod, paano ba siya aasahan na manatili nang malaya para sa katotohanan kapag ang mga kalagayan ay nangangailangan nito?
Iyong mga tinanggap ang obligasyon at pribilehiyo ng pagsamba sa tunay na ikapitong araw ng Sabbath ng Paglikha ay mahahanap ito na napakahirap para sa kanilang anak na pumasok sa mga regular na paaralan dahil ang sanlingguhang pag-ikot ng modernong sibil na kalendaryo ay hindi humahanay sa kalendaryong luni-solar. Iyong mga nasa kalagayan kung saan hindi makapag-aral sa tahanan ay dapat na isuko ang kanilang kaso sa harap ng Trono ni Yah, ang Bukal ng Karunungan. Isang landas na ligtas na sundan ay bubuksan sa harapan mo.
Noong ang mga maliliit na bata ay hinatid kay Yahushua para sa Kanyang pagpapala, ang mga alagad ay sinaway ang mga magulang sa “pag-abala” sa Tagapagligtas. Dahil dito, sinaway din ni Yahushua ang mga alagad, nagsasabi na, “Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit.” (Mateo 19:14, ADB)
Ang salitang “pabayaan” ay nagmula sa aphiēmi at nangangahulugan na pahintulutan at hindi pigilan o hadlangan. Ang mga bata at kabataan ay mga modelo. Sila’y nangangailangan ng mataas na pagpapahalaga. Sila ay lalapit kay Yahuwah kapag sila’y hindi hinadlangan.
Ang edukasyon at pagsasanay ng bata ay isang mataas na panawagan at isang mabigat na responsibilidad. Ilagak ang pagsasanay ng mga bata para kay Yahuwah. Ang lahat ng mga pinagkukunan ng makapangyarihan ay ilalagay sa panig mo. Ang mga anghel ay kasamang tutulong sa iyo sa pagsasanay sa mga mahahalagang kaluluwa na ito.