Papuri! Isang Kasangkapan sa Hindi Patas na Labanan!
Noong 1999, ang dalawang estratehistang pang-militar, sinyor na mga koronel sa People’s Liberation Army ng Tsina, ay naglathala ng isang aklat na pinamagatang Unrestricted Warfare: China's Master Plan to Destroy America. Ang aklat ay nagpalagay ng katanungan kung paano ang isang bansa na may mababang kapangyarihang militar ay maaaring manalo sa isang digmaan laban sa isang bansa na may malawak at nakatataas na pwersa ng militar; tiyakan, laban sa Estados Unidos. Ang mga konklusyon ng mga may-akda ay nagpadala ng agos ng pagyanig sa buong mundo dahil ang Amerika, kasama ang mga kaalyado at mga kaaway nito, ay nakita kung paano ang balanse ng kapangyarihan ay maaaring hindi inaasahang magbago sa pamamagitan ng paggamit ng mga hindi patas na taktika sa pakikidigma. Sa ibang salita, sa halip na ang digmaan ay nilalabanan ng mga hukbo sa mga larangan nito, ang mga digmaan sa hinaharap ay isinagawa (at ipinanalo) sa pamamagitan ng ibang pamamaraan, gaya ng pagsalanta sa mga linya ng kuryente, pag-hack sa mga websites, pagtugis sa mga institusyon ng pananalapi, at paggamit ng medya.
Ang mga Kristyano ay nasa digmaan, din. Ang magandang balita ay ang digmaan ay napanalunan na. Gayunman, mayroon pang mga labanan na sisiklab at ang mga ito’y titindi sa pagitan ng kasalukuyan at pagbabalik ni Yahushua. Napakaraming armas ang ginamit sa labanang ito. Panalangin, pagsasaulo ng Kasulatan, inaangkin ang mga pangako, at sinasanay ang pananalig ay ilan lamang sa mga sandata sa ating pamana. Ngunit mayroon pang sandata, isa na lubos ang kapangyarihan at sinubukan ni Satanas na panatilihing ikubli mula sa atin dahil ito ay hindi patas na pakikipaglaban: Ito’y gumagana at gumagawa nang napakalakas, ngunit hindi ito ang iyong tipikal na armas. At iyon ay … papuri.
Umaawit tungo sa Tagumpay!
Ang papuri ay isang napakalakas na kasangkapan sa digmaan laban sa kasamaan. Ito ay inilarawan ng isang nakaranas na sinaunang Juda noong pinamunuan ni Haring Josaphat. Isang napakalawak na hukbo mula sa ilang naiibang bansa ay dumating laban sa Juda. Walang pag-asa na ang mga Israelita ay maaaring magwagi sa karaniwang labanan. Kaya naghangad si Josaphat ng tulong mula kay Yahuwah at ang isang batang Levita, sa pagkapukaw, ay naghatid ng isang mensahe ng pag-asa at katapangan. Sinabi niya, “Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; sapagka’t ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Elohim” (2 Paralipomeno 20:15).
Sa mga salitang ito ng pananalig at katapangan, gumawa si Josaphat ng lubos na kakaiba. Nagpasya siya na ang koro ng templo ay pangungunahan ang hukbo sa labanan, umaawit ng papuri kay Yahuwah.
At nang siya’y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit kay Yahuwah at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila’y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi,
“Mangagpasalamat kayo kay Yahuwah;
Sapagka’t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.”
At nang sila’y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, si Yahuwah ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila’y nangasugatan. (2 Paralipomeno 20:21-22)
Ang papuri ay isang hindi inaasahan ngunit lubos na makapangyarihang kasangkapan laban sa kaaway.
Ang mga Benepisyo ng Papuri
Ang papuri ay kinikilala si Yahuwah bilang ating Tagapagligtas. “Sapagka’t ako si Yahuwah mong Elohim, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas sa iyo” (Isaias 43:3). Ito ay nagpapaalala sa atin ng ano ang nagawa Niya sa atin sa nakalipas, pinapalakas ang ating pananalig sa Kanyang pagkukusa na tulungan tayong muli. Sa mga salita ni Stuart Hamblen, “Hindi lihim kung ano ang maaaring gawin ni Yah. Anumang ginawa Niya sa iba, gagawin Niya para sa iyo.”
Ang papuri ay pinaparangalan din si Yahuwah. Ito ay mahalaga dahil kapag pinaparangalan natin si Yahuwah, tayo’y pinaaalahanan ng Kanyang napakadakilang kapangyarihan. Inilalagay nito ang ating mga pagpupunyagi tungo sa pananaw kapag kinumpara natin sa Kanyang banal na kapangyarihan.
Mangagbigay kayo kay Yahuwah, Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo kay Yahuwah ng kaluwalhatian at kalakasan.
Ibigay ninyo kay Yahuwah ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin si Yahuwah sa kagandahan ng kabanalan. (Awit 29:1-2)
Ang papuri ay mayroong lubos na totoong salpok sa ating kaisipan. Kapag tayo’y abala sa pagbibigay ng papuri kay Yahuwah, wala na tayong oras upang sumuko sa mga takot na idinidiin ni Satanas sa atin. Ang papuri ay itinutuon ang ating atensyon at ating pananalig kay Yahuwah. Higit pa doon, gayunman, kapag pinupuri natin si Yahuwah, ang Espiritu ni Yahuwah ay naririyan upang linawin at dalhin ang tahanan sa ating mga kaisipan at mga puso ang mismong mga kalidad ng katangian na naghihikayat sa atin na sumampalataya kay Yahuwah. Sa pamamagitan ng papuri, tayo’y pinagana na lumapit kay Yahuwah at makilala Siya sa isang indibidwal na batayan.
Sinabi ni Pablo sa mga taga-Tesalonica, “Magalak kayong lagi. Lagi kayong manalangin. Ipagpasalamat ninyo kay Yahuwah ang lahat ng pangyayari, sapagkat ito ang kalooban ni Yahuwah para sa inyo kay Kristo Yahushua” (1 Tesalonica 5:16-18). Ito ay mahalaga dahil kapag pinupuri natin si Yahuwah, ang sumasalungat na kapangyarihan ni Satanas sa atin ay nawasak. Ito ay makapangyarihang ipinakita noong sina Pablo at Silas ay umawit ng papuri matapos arestuhin at ikinulong. Noong hating-gabi, isang malakas na lindol ang nagbukas ng tangan na nagbilanggo sa kanila! Ang kanilang halimbawa ng pagbibigay ng papuri kay Yahuwah maging sa loob ng piitan ay humantong sa kaligtasan ng tagapiit at kanyang buong pamilya.
Ang gawa ng papuri sa panahon ng pagsubok, ay nililito ang kaaway. Hindi ito ang inaasahan natin! “Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti” (Awit 8:2).
Mahalaga kay Yahuwah
Pinahahalagahan ni Yahuwah ang iyong mga salita ng papuri. “Nang magkagayo'y silang nangatatakot kay Yahuwah ay nagsangusapan: at pinakinggan ni Yahuwah, at dininig, at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya, para sa kanila na nangatakot kay Yahuwah, at gumunita ng kaniyang pangalan” (Malakias 3:16).
Hindi ba kahanga-hanga? Ang iyong mga salita ng pananalig at pagpaparangal ay napakahalaga kay Yahuwah kaya Siya ay mayroong isang espesyal na aklat na nagtatala ng mga ito! Nilalapit tayo ng ating papuri kay Yahuwah. Hinahayaan tayo nito na maunawaan kung sino Siya sa isang malalim at matalik na antas. Pinapalakas nito ang ating pananalig at winawasak ang kapangyarihan ng kaaway.
Kaya simulan na ang pagbibigay ng papuri! Ikaw ba ay nasa isang kalagayan kung saan hindi mo alam ang iyong gagawin? Purihin si Yahuwah na kasama mo Siya saanman ka man! Ang iyong pagpupunyagi sa mga isyu ng kalusugan ay tila walang pag-asa? Purihin si Yahuwah na, bilang iyong Manlilikha, Siya ay mayroong ganap na kaalaman ng iyong katawan at anong kailangan mo. Ikaw ba ay nasa panganib? Purihin si Yahuwah na Siya ay nagsusugo ng Kanyang mga anghel na mamamahala upang gabayan ka sa iyong mga landas.
Ang pagpuri ay lubos na napakahalagang sandata ng espiritwal na labanan na hindi malawak na nakilala sa mga tao ni Yah ngayon. Kapag pinupuri mo si Yahuwah sa bawat kalagayan, ikaw ay nagpapahayag sa harap ng nakatingin na sanlibutan ang iyong pananalig sa Kanyang pag-ibig at kapangyarihan na magligtas. Ang pananalig na iyon, isinagawa sa pagpuri, ay magkakaroon ng salpok sa sarili nito, naghahatid sa iyo mula sa mga bitag ng kaaway.
“Oh magsiawit kayo kay Yahuwah ng bagong awit; sapagka’t Siya’y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay: ang Kaniyang kanan at ang Kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya” (Awit 98:1).