Ang Bautismo ni Yahushua at ang Doktrina ng Trinidad: Isang Pag-aaral ng Marcos 1:9-11
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
flickr.com/photos/tony709/6107292778 - Jordan River by Cycling Man
“Dumating noon si Yahushua mula sa Nazareth ng Galilea, at siya’y binautismuhan ni Juan sa ilog Jordan. Pagkaahon ni Yahushua mula sa tubig, bigla niyang nakitang nabuksan ang kalangitan, habang ang Espiritu’y bumababa sa kanya tulad ng isang kalapati. At narinig mula sa kalangitan ang isang tinig, ‘Ikaw ang minamahal kong Anak, ikaw ang lubos kong kinalulugdan’” (Marcos 1:9-11, isinalin mula sa New Jerusalem Bible).
Ang talaan ng bautismo (paglulubog) kay Yahushua ni Juan Bautista sa Ilog Jordan ay naiulat ng lahat ng Sinoptiko [Mateo, Marcos, Lucas] na may ilang pagkakaiba ngunit tinanggal sa ikaapat na ebanghelyo. Sa halip na si Yahushua ay dumating sa bautismo ni Juan para sa kapatawaran ng mga kasalanan, sinabi ni Juan tungkol sa kanya, “Narito ang kordero ni Yahuwah na siyang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!” (Juan 1:29).
Sinabi ng The New Jerome Biblical Commentary, “Si Marcos ay may prangkong talaan (1:9-11), simple sa teolohiya at hindi nahihiya. Ngunit matapos niya itong isulat, ang kwento’y agad naging isang kahihiyan sa maagang simbahan, dahil ito’y naisip na hindi angkop na ang walang kasalanan na si Yahushua ay dapat na bautismuhan para sa mga kasalanan. Si Mateo dahil dito’y tinanggal ang sanggunian sa Marcos 1:4 sa kapatawaran ng mga kasalanan at idinagdag [ang Mateo 3:14-15]” (pahina 637).
Ang pangingibabaw ng pagbautismo sa sanggol sa huli’y tumaas sa kahihiyan ng Kristyanismo sa pangyayaring ito at sa kaparehong talaan ng bautismo (paglulubog) ng eunuko mula Etiopia na nagtrabaho bilang isang tagapamahala ng kayamanan sa ilalim ni Reyna Candace sa Mga Gawa 8:36-39: “Sa kanilang paglalakbay, nakarating sila sa isang lugar na may tubig. Sinabi ng eunuko, ‘Tingnan mo, may tubig! Ano’ng hadlang upang ako’y mabautismuhan?’ [At sinabi ni Felipe, ‘Kung sumasampalataya ka nang buong puso ito’y mangyayari.’ Sumagot ang eunuko, ‘Sumasampalataya ako na si Kristo Yahushua ang Anak ng Diyos.’] Pinahinto ng eunuko ang karwahe at lumusong silang dalawa sa tubig. At binautismuhan siya ni Felipe. Nang umahon sila sa tubig, biglang inagaw ng Espiritu ng Panginoon si Felipe, at hindi na siya nakita ng eunuko. Nagagalak itong nagpatuloy sa kanyang paglalakbay” (New Jerusalem Bible). Ang parehong episodyo ay nailarawan: (1) bautismo para sa matanda/mananampalataya; (2) paglulubog; (3) isang ilog o batis ng buhay na katubigan bilang elemento at lugar ng bautismo.
Hindi pinapansin ang kahalagahan nito bilang isang modelo para sa Kristyanong bautismo, ang mga Trinitaryan mula noong mga konseho ng Nicea (325 AD) at Constantinople (381 AD) ay winasiwas . . . ang mismong pagbubukas ng magandang balita ni Marcos bilang isang kakila-kilabot na patunay at paglalarawan ng doktrina ng Trinidad.
|
Hindi pinapansin ang kahalagahan nito bilang isang modelo para sa Kristyanong bautismo, ang mga Trinitaryan mula noong mga konseho ng Nicea (325 AD) at Constantinople (381 AD) ay winasiwas ang mahalagang insidenteng ito sa mismong pagbubukas ng magandang balita ni Marcos bilang isang kakila-kilabot na patunay at paglalarawan ng doktrina ng Trinidad. Sinabi ng The New Jerome Biblical Commentary, “Sa huling Kristyanong tradisyon, ang bautismo ay itinuring bilang unang rebelasyon ng Bagong Tipan ng Trinidad, matipid, sapagkat ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay narito’t magkakasama (Jerome)” (pahina 638).
Nakita namin ang paglalarawang ito sa mga sulat ni Augustine, isang kapanabay ni Jerome, ang tagapagsalin ng Vulgate. Isa sa pinakadakilang Kristyanong manunulat, isinulat niya sa Sermon II:
“Narito, taglay natin ang Trinidad sa isang tiyak na ayos na marangal. Ang Ama sa Tinig, — ang Anak ng Tao, — ang Espiritu Santo sa Kalapati. Marapat lamang na banggitin ito, sapagkat halata na makita. Para mapansin ang Trinidad rito ay ipinarating sa atin nang malinaw at hindi nang-iiwan ng puwang para sa pagdududa at pag-aalinlangan. Sapagkat ang Panginoong Kristo Yahushua mismo ay dumating sa anyo ng isang alagad kay Juan, ay walang duda na ang Anak: sapagkat hindi maaaring sabihin na ito ang Ama, o ang Espiritu Santo. Sinabing ‘pumunta si Yahushua’ (Mateo 3:13), iyon ay, ang Anak ni Yahuwah. At sino ang may anumang pagdududa tungkol sa Kalapati? O sino ang nagsasabing, ‘Ano ang Kalapati?’ kung kailan ang Ebanghelyo mismo ay pinakamalinaw na nagpatotoo, ‘At nakita niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad ng kalapati’ (Mateo 3:16). At sa kaparehong paraan sa tinig na iyon, walang duda na iyon ay ang Ama, noong sinabi Niya, ‘Ito ang minamahal kong Anak’ (Mateo 3:17; Marcos 1:11). Kaya mayroon tayong natatanging Trinidad.
“2. At kapag itinuring natin ang mga lugar, sinasabi ko nang may tiwala (bagama’t sa takot ay sinasabi ko ito), na ang Trinidad sa isang paraan ay maihihiwalay. Noong dumating si Yahushua sa ilog, dumating Siya mula sa isang lugar tungo sa isa pa; at ang Kalapati ay bumaba mula sa langit tungo sa lupa, mula sa isang lugar tungo sa isa pa; at ang mismong Tinig ng Ama ay tumunog hindi mula sa lupa o sa tubig, kundi sa langit; ang tatlong ito ay mapaghihiwalay sa mga lugar, sa mga opisina, at sa mga gawa. Ngunit ang isa ay maaaring sabihin sa akin, ‘Ipakita ang Trinidad na hindi maihihiwalay sa halip. Tandaan mo na ikaw ay isang Katoliko, at sa mga Katoliko ikaw ay nagsasalita.’ Sapagkat ito ang itinuturo ng ating pananampalataya, iyon ay, ang tunay, ang tamang Katolikong pananampalataya, tinipon hindi ng mga opinyon ng pribadong hatol, kundi ng saksi ng Banal na Kasulatan, hindi ng paksa sa mga pagbabago ng ereheng kapusukan, kundi pinagbatayan sa Apostolikong patotoo: ito ang nalalaman natin, ito ang pinaniniwalaan natin. Ito, bagama’t nakikita natin hindi ng ating mga mata, hindi pa ng ating mga puso, habang tayo’y pinalinis ng pananampalataya, sa pananampalatayang ito tayo’y pinakamagaan at pinakamabigat na nananatili — na ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay isang Trinidad na hindi maihihiwalay; Isang Diyos, hindi tatlong Diyos. Isang Diyos, gayunman, ang Anak ay hindi ang Ama, at ang Ama ay hindi ang Anak, at ang Espiritu Santo ay hindi alinman sa Ama at Anak, kundi ang Espiritu ng Ama at ng Anak. Ang hindi maihayag na Kabanalan, nananatili magpakailanman sa sarili nito, ginagawa ang lahat ng bagay na bago, lumilikha, lumilikha ng bago, nagpapadala, nagpapaalala, naghahatol, naghahatid, itong Trinidad, sinasabi ko, nalalaman natin na minsang hindi maihayag at hindi maihihiwalay.”
Ang umalingawngaw sa mga salita ni Augustine ay ang Kredong Athanasian, isang kredo na nagtuturo ng isang doktrina tungkol kay Yahuwah na tinanggal nang malayo mula sa pagiging simple ng Shema (Deuteronomio 6:4), na ipinahayag ni Yahushua na pinakadakila sa mga kautusan na ibinigay sa Israel (Marcos 12:29). “Dinggin mo, Oh Israel: Si Yahuwah na ating Elohim ay Isang Yahuwah.”
|
Narito’y nakikita natin si Augustine ay napapanood si Yahushua bilang si Yahuwah, bagama’t ang magandang balita ni Marcos ay walang ginawang ganoong pahayag at sa katunayan ay hindi kailanman gumawa ng ganoong pahayag. At nakikita natin ang nakalilitong doktrina ng Trinidad na ipinalagay na inilarawan rito: “ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay isang Trinidad na hindi maihihiwalay; Isang Diyos, hindi tatlong Diyos. Isang Diyos, gayunman, ang Anak ay hindi ang Ama, at ang Ama ay hindi ang Anak, at ang Espiritu Santo ay hindi alinman sa Ama at Anak, kundi ang Espiritu ng Ama at ng Anak.” Ang umalingawngaw sa mga salita ni Augustine ay ang Kredong Athanasian, isang kredo na nagtuturo ng isang doktrina tungkol kay Yahuwah na tinanggal nang malayo mula sa pagiging simple ng Shema (Deuteronomio 6:4), na ipinahayag ni Yahushua na pinakadakila sa mga kautusan na ibinigay sa Israel (Marcos 12:29). “Dinggin mo, Oh Israel: Si Yahuwah na ating Elohim ay Isang Yahuwah.”
Maraming siglo ang lumipas, nahanap namin si Adam Clarke, ang dakilang Protestanteng komentarista, ipinagpatuloy ang eksegetikong tradisyon. Bagama’t ang kanyang mga salita ay natagpuan sa talaan ng bautismo ni Yahushua sa Mateo 3:16-17 sa halip na Marcos 1:9-11, ang kaparehong kaisipan ay naaangkop pa rin sa Marcos 1:9-11:
“Ang siping ito ay nagdulot ng walang ibig sabihin na patotoo ng doktrina ng Trinidad. Ang tatlong magkaibang katauhan ay narito, kinatawan, maaaring walang pagtatalo. 1. Ang katauhan ni Kristo Yahushua, binautismuhan ni Juan sa Jordan. 2. Ang katauhan ng Espiritu Santo sa isang hugis ng katawan (somatiko eidei, Lukas 3:22) gaya sa isang kalapati. 3. Ang katauhan ng Ama; isang tinig ang bumaba mula sa langit, nagsasabing, Ito ang minamahal kong Anak, nagpapatuloy mula sa isang naiibang lugar doon kung saan ang mga katauhan ng Anak at Espiritu Santo ay ipinakita; at basta-basta, naiisip ko, mas sapilitan na tatakan ang Banal na personalidad na ito.”
Ngunit ang siping ito ba sa katunayan ay nagdulot ng “walang ibig sabihin na patotoo ng doktrina ng Trinidad”? Saan sinasabi na si Yahushua ay si Yahuwah? Saan sinasabi na siya ang ikalawang Katauhan ng Ulo ng Diyos? Saan sinasabi na ang Espiritu ni Yahuwah, kilala sa Hudaismo, ay ituturing na isang katauhan na hiwalay mula kay Yahuwah at naiiba mula sa pagkaunawa ng mga Hudyo na nangingibabaw sa panahong iyon at magmula noon? Bakit ang pagkaunawa ng Kristyanong Hentil ay dapat naiiba mula sa pagkaunawa ng mga Hudyo?
Sa tanyag na Barnes’ Notes on the New Testament, nakikita natin si Albert Barnes na bumagsak din sa kaparehong uka:
“Ang bautismo ni Yahushua ay kadalasang itinuturing na isang kapansin-pansing pagpapakita ng doktrina ng Trinidad, o ang doktrina na mayroong Tatlong Katauhan sa Banal na Kalikasan.
“(1.) Mayroong katauhan na si Kristo Yahushua, ang Anak ni Yahuwah, binautismuhan sa Jordan, saanman ay ipinahayag na kapantay ni Yahuwah, Juan 10:30.
“(2.) Ang Espiritu Santo, bumaba sa isang anyong katawan sa Tagapagligtas. Ang Espiritu Santo ay kapantay rin sa Ama, o si Yahuwah, Mga Gawa 5:3, 4.
“(3.) Ang Ama, nagbibigay ng tugon sa Anak, at ipinapahayag na kinalulugdan Niya ang Kanyang Anak. Imposible na ipaliwanag ang transaksyon na ito nang tuluy-tuloy sa anumang ibang paraan maliban sa pagpapalagay na mayroong tatlong magkakapantay na Katauhan sa Banal na Kalikasan o Diwa, at bawat isa sa mga ito’y umaalalay sa mga mahahalagang bahagi sa gawa ng pagtubos sa mga tao.”
Pansinin ang maraming kamalian na ginawa niya!
Saan sinasabi na ang Espiritu ni Yahuwah, kilala sa Hudaismo, ay ituturing na isang katauhan na hiwalay mula kay Yahuwah at naiiba mula sa pagkaunawa ng mga Hudyo na nangingibabaw sa panahong iyon at magmula noon? Bakit ang pagkaunawa ng Kristyanong Hentil ay dapat naiiba mula sa pagkaunawa ng mga Hudyo?
|
(1) Ang Juan 10:30, na binabasa niya sa eksenang ito, ay hindi isang pahayag ni Yahushua na siya ay kapantay ni Yahuwah. Kinilala ni John Calvin ang paraang ito mula noong Repormasyon. Sa kanyang komentaryo sa bersong ito, isinulat niya: “Ang mga sinaunang tao ay karaniwang lubos na binaluktot ang siping ito kung kailan papatunayan nila mula rito na si Kristo ay nasa kaparehong kalikasan (o nasa kaparehong diwa sa Ama), sapagkat hindi sinasabi ni Kristo ang tungkol sa anumang pagkakaisa ng diwa, kundi ng kapwa kasunduan sa pagitan niya at ng Ama, para sa diwa, nagpapatunay na anumang gawin niya ay pinahihintulutan ng Ama.”
(2) Ang Mga Gawa 5:3, 4 ay hindi itinuturo na ang Espiritu ni Yahuwah ay kapantay sa Ama o si Yahuwah rin. Sa mismong kaparehong kabanata sa Mga Gawa 5:32, isang pambalanang panghalip ang ginamit sa Griyegong teksto para sa Espiritu: “Saksi kami sa mga sinasabi naming ito, gayundin ang Banal na Espiritu na (hon) ipinagkaloob ni Yahuwah sa mga sumusunod sa kanya.” Maraming pagsasalin ang nagkamali sa pagsasalin ng hon (na) bilang “para kanino” dito dahil sa kanilang pagkiling sa Trinidad (tingnan, halimbawa, ang New Jerusalem Bible, Revised Standard Version, New American Standard Version, New International Version, at marami pa). Ang New American Bible, isang Katolikong pagsasalin, ay isinalin ito nang tama.
(3) Ang eksenang ito ay maaaring ipaliwanag nang walang pagdulog sa doktrina ng Trinidad na binalangkas ilang siglo ang nakalipas sa Nicea (325 AD) at Constantinople (391 AD). Hindi na kailangang ipalagay, gaya ng ginawa ni Barnes, na “tatlong magkakapantay na Katauhan sa Banal na Kalikasan o Diwa, at bawat isa sa mga ito ay umaalalay sa mga mahahalagang bahagi sa gawa ng pagtubos sa mga tao.”
Isang kilalang katunayan sa mga iskolar ng Bagong Tipan na ang magandang balita ni Marcos ay may pinakasimpleng pananaw kay Yahushua sa lahat ng apat na ebanghelyo. Ang magandang balitang ito ay hindi taglay ang mga ideyang nakapaloob sa simula ng ikaapat na ebanghelyo, at ito’y walang kwento ng kapanganakan ng Mateo 1-2 at Lucas 1-2. Ito pa nga ay walang anumang paglitaw ng muling pagkabuhay! Ang mga berso na nakapaloob rito, Marcos 16:9-20, ay hindi totoo at hindi sulat ng orihinal na may-akda, tulad ng mga talaan sa lahat ng pangunahing Kristyanong Bibliya (tingnan ang New American Bible, New Jerusalem Bible, at marami pa).
Ang magandang balita ni Marcos ay hindi itinuturo na si Yahushua ay si Yahuwah, hindi sa talaan ng bautismo ni Yahushua o saanman. . . . Ang magandang balita ni Juan ay ibinigay ang layunin ng kanyang sulat: “Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Kristo Yahushua, ang Anak ng Diyos” (Juan 20:31).
|
Ang magandang balita ni Marcos ay hindi itinuturo na si Yahushua ay si Yahuwah, hindi sa talaan ng bautismo ni Yahushua o saanman. Ang sinabi ng mga eskriba sa Marcos 2:7 (“Hindi ba’t Diyos lamang ang makapagpapatawad ng kasalanan?”), bagama’t madalas binigkas na isang teksto ng patotoo ng Pagkadiyos ni Yahushua, ay hindi tunay kapag binasa sa liwanag ng kaagapay na talaan sa Mateo 9:1-8. Ang talaan ng pagpapatigil ng unos (Marcos 4:35-41) — “Sino maliban kay Yahuwah ang kikilos?” “Narito si Yahuwah ay ganap na naipakita” (Adam Clarke) — ang dalawang talaan ng pagpaparami ng mga tinapay at mga isda (Marcos 7:30-45; 8:1-10) — “isang ganap na patotoo ng kabanalan ni Kristo” (Adam Clarke) — at ang kwento ng paglalakad sa katubigan (Marcos 6:45-52) — “Ipinakita ni Yahushua ang kanyang pagiging kasapi ng Ulo ng Diyos” (Adam Clarke) — ay wala saanman sa Kasulatan sa mga dokumento ng Bagong Tipan ang sumulong bilang patotoo na si Yahushua ay si Yahuwah. Ang magandang balita ni Juan ay ibinigay ang layunin ng kanyang sulat: “Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Kristo Yahushua, ang Anak ng Diyos” (Juan 20:31).
At si Pedro sa kanyang Pentecostal na sermon sa Mga Gawa ng Apostol ay nagpapahiwatig na ang mga tanda at himala ni Yahushua ay ipinapakita na “Itong si Yahushua na taga-Nazareth ay pinatunayan sa inyo ni Yahuwah sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ni Yahuwah sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo” (Mga Gawa 2:22). Sa tahanan ni Cornelio, ipinahayag niya na ang mga himala ay isang tanda na si Yahuwah ay kasama niya: “Alam ninyo na ipinahayag ang salitang iyon sa buong Judea, simula sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan: kung paanong si Yahushua na taga-Nazareth ay binuhusan ni Yahuwah ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan; kung paanong naglibot siya na gumagawa ng mabuti at nagpapagaling ng lahat ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya si Yahuwah” (Mga Gawa 10:37-38). Ito ang komento ni Pedro sa bautismo ni Yahushua (“si Yahushua…ay binuhusan ni Yahuwah ng Banal na Espiritu…sapagkat kasama niya si Yahuwah”); ito’y hindi itinuturo ang doktrina ng Trinidad o sinasabi na si Yahushua ay ipinakita na si Yahuwah.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Clifford Durousseau.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC