Ang Paggamit Ba Ni Yahushua Ng “Ako Nga” Ay Ibig Sabihin Siya Si Yahuwah?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Sa Juan 9:9, sinabi ng taong himalang pinagaling na dating bulag, “Ako nga,” eksakto ang dalawang Griyegong salita na ginagamit ni Yahushua kapag gumagawa ng kanyang mga “Ako nga” na pahayag (na naitala sa buong aklat ni Juan). Una, kawili-wili na tandaan na noong sinabi ng bulag na tao sa Griyego na “ego eimi,” ito ay kadalasan at isinalin nang tama bilang “ako siya,” tinutukoy, syempre, sa kanyang tangka na linawin sa lahat na, “Oo! Ako siya; Ako ang dating bulag na tao, ngunit ngayo’y pinagaling na.” Subalit kapag sinasabi ni Yahushua ang kaparehong bagay upang kilalanin ang sarili bilang Mesias (Juan 4:26), ito’y madalas inilarawan bilang “AKO NGA.” Dahil dito’y naging tanyag, ngunit medyo hindi wasto, ginamit upang itaguyod ang kamalian na si Yahushua kahit papaano ay inaangkin na si Yahuwah, sapagkat sa Lumang Tipan ay sinabi ni Yahuwah kay Moises na “Ako Yaong Ako Nga” (Exodo 3:14, literal, “Magiging Ako kung ano ang magiging Ako”).
Noong nagsalita si Yahushua sa Samaritanong babae, siya ay gumagawa ng kahanga-hangang angkin na isang Mesias, ang Kristo sa deklarasyon ng babae sa berso na agad nauna (4:25). Saanman sa Juan, naitala si Yahushua na nagpahayag na siya ang “tinapay ng buhay” (6:35) at “ang muling pagkabuhay at ang buhay” (11:25). Ngunit ang pagsasabi na “ego eimi ang tinapay ng buhay” ay wala talaga gaya ng pagpapahayag ng “Ako ay kung ano ako” o “Magiging Ako kung ano ang magiging Ako” gaya ng sinabi ni Yahuwah kay Moises (Exodo 3:14).
Tandaan na hindi ang “ego eimi” ng pagpapahayag ng sarili ni Yahuwah ang tampulan para sa mga nagsasabing si Yahushua ay si Yahuwah. Ang tunay na tampulan ng deklarasyon ay ang kasunod na dalawang salita — “o ohn” 1 — ang Banal na mga pagtukoy sa sarili, maaari nating sabihin. Sa bersyong NIV, sinabi ni Yahuwah kay Moises: “Ako [ego eimi] kung sino Ako [o ohn].” “Ako ang Umiiral sa Sariling Ako.” “Ito ang sasalitain mo sa mga Israelita: ‘Ako [o ohn] ang nagsugo sa iyo.’” Ngunit ang mga pagsasalin ay nilinaw ang dalawang maling salita, iyon ay, sa halip na ego eimi, ito dapat ay o ohn: “o ohn [akong umiiral sa sarili] ang nagsugo sa iyo.” (sinipi mula sa Philo, Life of Moses, vol. 1.75: “He who is”).
Ang mga manunulat ng Bagong Tipan ay hindi kailanman naitala na si Yahushua ay gumagamit ng “o ohn” bilang sanggunian sa kanyang sarili, “ego eimi o ohn” pa kaya. Dagdag pa, ano pang salita sa tingin mo ang ginagamit ni Yahushua upang kilalanin ang kanyang sarili? Halimbawa, kapag sinabi mo na “Ako ay isang guro” o “Ako si Bob” o “Ako lamang ang may susi sa pintuang iyon,” kung isusulat mo ang mga ito sa Griyego, ang kaparehong mga salita na gagamitin bilang pagtukoy sa sarili ay “ego eimi.” Wala nang mas simple at mas malinaw pa sa pagpapakilala sa sarili mo! Hindi kailanman sinabi ni Yahushua na “AKO NGA” o “Ako Yaong Ako Nga” o “Magiging Ako kung ano ang magiging Ako.” Ipinakilala lamang ni Yahushua ang kanyang sarili para sa mga nakikiusap o naghahanap sa kanya (ikumpara sa Juan 18:4-8).
Si Yahushua mula sa simula ay inangkin na ipinangakong Mesias. Hindi niya kailanman inangkin na siya si Yahuwah, ang Diyos ng Israel (Diyos ni Yahushua din!). Hindi niya kailanman inangkin na maging “Ang Dakilang AKO NGA” ng Lumang Tipan. Gayunman, paulit-ulit niyang inangkin na siya ang natatanging Anak ni Yahuwah, ang panginoong Mesias (Lucas 2:11, kristos kurios) at ito ay hindi ang Panginoong Yahuwah. Si Yahushua ay iniugnay sa Isang Panginoong Yahuwah sa Lucas 2:26 kung saan siya ang Pinahiran ng Panginoon (ang Mesias). Si Lucas ay napakatalino at tiyakan na ipinakilala ang bayani at pangunahing “manlalaro” ng kanyang salaysay sa dalawang tomo (Lucas at Mga Gawa) ng gawa na ibinigay niya sa atin. Si Lucas ang nagsulat ng halos ikatlo ng Bagong Tipan.
Anong mapagpalang tagumpay! Sina Lucas at Yahushua ay hindi kailanman sa sandali naniwala na mayroong dalawa na parehong Diyos. Iyon ay sisira sa dakilang kautusan, na nagbabawal ng anumang pagpaparami kay Yahuwah (Marcos 12:29; Juan 17:3; 5:44; Malakias 2:10). Tinanggihan ni Yahushua ang kalapastanganan ng pag-aangkin na maging YAHUWAH! (Juan 10:33-36).
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Alane Rozalle.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC