Ang Pagiging Hari Ng Mga Hari Ay Ibig Sabihin Si Yahushua Ay Si Yahuwah?
|
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |

Ang Aklat ng Pahayag ay dalawang beses tinatawag si Yahushua na hari ng mga hari at panginoon ng mga panginoon. Sa mga siping ito, siya ay inilarawan bilang Kordero na nakidigma laban sa halimaw at mga hari sa lupa, ngunit, sa huli, ay nagwawagi sa kanyang mga kaaway.1
Pahayag 17:14 “Makikipagdigma ang mga ito laban sa Kordero at sila’y dadaigin ng Kordero, sapagkat siya’y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari, at ang mga kasama niya ay mga tinawag, mga hinirang at tapat.”
Pahayag 19:16 At siya’y mayroong isang pangalang nakasulat sa kanyang damit at sa kanyang hita, “HARI NG MGA HARI at PANGINOON NG MGA PANGINOON.”
At siya’y mayroong isang pangalang nakasulat sa kanyang damit at sa kanyang hita, “HARI NG MGA HARI at PANGINOON NG MGA PANGINOON.” (Pahayag 19:16)
|
Marami ang nagpapaliwanag ng maharlikang pagtatalaga na ito bilang patunay na si Yahushua ay diyos. Nagdadahilan sila na tanging si Yahuwah lamang ang maaaring humawak ng ranggong ito; dahil dito, si Yahushua ay dapat na Diyos. Madalas, ang komento ni Pablo kay Timoteo ay ginamit bilang tektwal na suporta:
1 Timoteo 6:13-16 Sa harapan ni Yahuwah na nagbibigay ng buhay sa lahat ng mga bagay, at ni Kristo Yahushua na nagpatotoo ng mabuting pagpapahayag sa harapan ni Poncio Pilato, inaatasan kita, 14 na ingatan mong walang dungis at walang kapintasan ang utos hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Kristo Yahushua; 15 na kanyang ipahahayag sa takdang panahon—Siya na mapalad at tanging Makapangyarihan, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon. 16 Siya lamang ang walang kamatayan at naninirahan sa liwanag na di-malapitan; na hindi nakita ng sinumang tao, o makikita man. Sumakanya nawa ang karangalan at paghaharing walang hanggan. Amen.
Ilan ay inaangkin na ang panghalip na “Siya” sa berso 15 ay tumutukoy kay Yahushua, kaya ginagawa siya na “tanging Makapangyarihan, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon.” Tinatapos nila na si Yahushua ay, dahil dito, si Yahuwah. Gayunman, tinutukoy ni Pablo si Yahuwah na ang Ama rito, hindi si Yahushua. Nalalaman natin ito dahil inilalarawan ni Pablo ang “Siya” na ito “na hindi nakita ng sinumang tao, o makikita man.” Sinasabi sa atin ng Kasulatan na si Yahuwah ay hindi maaaring makita.2 Sa kabilang dako, nakita si Yahushua ng maraming tao sa panahon ng kanyang paglilingkod sa lupa. Sa halip na pagiging hindi nakikitang Diyos, si Yahushua ay ang larawan ng hindi nakikitang Diyos [Yahuwah].
Ang Pagiging Hari Ng Mga Hari Ay Nangangahulugan Na Ikaw Si Yahuwah?
Ang ilan ay maaari pa ring tapusin, gayunman, na dahil si Yahuwah ang Ama at si Yahushua ay parehong dinadala ang kaparehong titulo, ito’y dapat na mangahulugan na sila ay parehong Diyos. Ito ay isang karaniwang pagpapalagay ngunit isang kamalian na hindi isinasaalang-alang ang kabuuang patotoo ng Kasulatan. Ang Bibliya ay nagtatala ng ibang tao na binigyan din ng titulong ito. Tunay nga, hindi natin tatapusin na sila rin, ay mga Yahuwah. Halimbawa, si Haring Artaxerxes, isang paganong hari, ay tinukoy sa sarili bilang hari ng mga hari:
Ezra 7:11-13 Ito ang sipi ng sulat na ibinigay ng Haring Artaxerxes kay Ezra na pari, ang eskriba, isang marunong sa mga bagay ng mga utos ng PANGINOON at ng kanyang mga alituntunin sa Israel: 12 “Si Artaxerxes, hari ng mga hari, kay Ezra na pari, na kalihim ng kautusan ni Yahuwah ng langit. At ngayon, 13 ako’y gumagawa ng utos na sinumang kabilang sa bayan ng Israel o ang kanilang mga pari o mga Levita sa aking kaharian na nagnanais pumunta sa Jerusalem, ay maaaring sumama sa iyo.
“HARI NG MGA HARI” – Ang Bibliya ay nagtatala ng ibang tao na binigyan din ng titulong ito.
|
Habang ang titulo ay maaari na isang pagtatalaga sa sarili sa kaso ni Artaxerxes, si Yahuwah ang isa na nagkaloob nito sa isang paganong hari na si Nabucodonosor:
Ezekiel 26:7 Sapagkat ganito ang sinasabi ng Panginoong YAHUWAH: Narito, aking dadalhin sa Tiro, mula sa hilaga, si Nabucodonosor na hari ng Babilonya, na hari ng mga hari, na may mga kabayo at mga karwahe, may mga mangangabayo, at isang hukbo ng maraming kawal.
Kung ang hari ng mga hari ay isang apelasyon na nireserba para sa mga diyos, paano naman kaya ang tamang katawagan ni Yahuwah sa isang paganong hari sa pangalang ito? Ito ay dahil ang titulo ay hindi eksklusibong ginamit kay Yahuwah.
Ang mga Semetikong wika ay madalas gumagamit ng isang pangngalan upang palitan ang isa pang pangngalan sa halip na paglalarawan ng isang bagay o isang tao sa panukdulan gaya ng ginagawa natin. Narito ang ilan sa mga halimbawa mula sa Kasulatan kung saan ang isang pangngalan ay ginamit upang palitan ang isa pang pangngalan at paano natin ito maaaring sabihin nang naiiba ngayon:
- Si Nabucodonosor ay tinawag si Yahuwah na “diyos ng mga diyos” dahil ang Diyos ni Daniel ay maaaring ipaliwanag ang mga panaginip.3 Sa ating pangkaraniwang salita, sinasabi natin na ang Diyos ni Daniel ay ang pinakadakila o Siya ang pinakadakila sa mga diyos.
- Sinabi ni Noe na ang Canaan ay magiging “alipin ng mga alipin.”4 Ang konteksto ay tumutulong sa atin na maunawaan na ang pinaka bunsong anak ni Noe ay itinuring na pinakamababa sa mga lingkod dahil sa kanyang kasalanan.
- Ang pinakalooban na santuwaryo ng tolda, at sa huli ang Templo, kung saan ang presensya ni Yahuwah ay ipinahayag, ay tinawag na “dakong kabanal-banalan,” o, maaari nating sabihin, ang pinakabanal na lugar o banal sa mga banal na dako.5
- Sinabi na si Haring Solomon ay nagsulat ng 1,005 awit. Ang Awit ni Solomon ay tinukoy bilang “Ang awit ng mga awit” o, maaari nating sabihin, ang pinakamahusay sa mga awitin.6
- Ang aklat ng Mga Mangangaral ay ipinapahayag ang buhay kung wala si Yahuwah ay ang “walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan” o ang lahat ay walang kabuluhan, gayong ilalagay natin.7
- Sa orihinal na Hebreo, sinabi ni Moises na si Yahuwah ang “langit ng mga langit.” Upang makatulong sa atin na mas maunawaan ang kahulugan, ang mga tagapagsalin ay binagong-loob ang parirala upang sabihin ang “pinakamataas na langit.”8
“HARI NG MGA HARI” ay isang Semetikong paraan ng pagsasabi ng isang tao ay ang pinakadakilang hari.
|
Habang marami pang halimbawa ang maaaring ibigay, ang mga ito’y makakatulong sa atin na makita na ang pariralang hari ng mga hari ay isang Semetikong paraan ng pagsasabi ng isang tao ay ang pinakadakilang hari. Kung ang anghel sa apokaliptong pangitain ni Juan ay nais si Juan at tayo para malaman na si Yahushua ay Diyos, maaari niyang sabihin na si Yahushua ay ang diyos ng mga diyos at ang panginoon ng mga panginoon, sapagkat ito ay kung paano inilarawan si Yahuwah:
Deuteronomio 10:17 “Sapagkat si Yahuwah ninyong Diyos ay siyang Diyos ng mga diyos, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Diyos, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol.”
Ngunit hindi ito ang anong nais ng anghel na iparating. Sa halip, ang anghel ay tinukoy ang Kordero bilang pinakamataas sa lahat ng mga hari, at ang pinakadakila sa lahat ng mga panginoon. Si Artaxerxes ay ang pinakadakilang hari sa kanyang panahon, ganon din si Nabucodonosor sa panahon niya. Ang konteksto ng Pahayag, gayunman, ay ipinapaliwanag na si Yahushua ay ang pinakadakilang hari at panginoon, hindi lamang sa isang ibinigay na panahon, kundi para sa lahat ng panahon.
Bakit Si Yahushua Ay Tinawag Na Hari Ng Mga Hari?
Bakit si Yahushua ang nagdadala ng itinaas na titulong ito? Hindi nagpapaliwanag o nagpapahiwatig na ang karangalang ito ay nabibilang sa ito dahil siya ay Diyos. Hindi rin siya tinawag na Diyos ng mga diyos gaya ni Yahuwah na nasa berso sa ibabaw. Kabaligtaran, sinabi sa atin na ang itinaas na posisyon na ito ay ibinigay kay Yahushua ni Yahuwah:
Efeso 1:17, 20-23 upang ang Diyos ng ating Panginoong Kristo Yahushua, ang Ama ng Kaluwalhatian…Kanyang [Yahuwah] isinagawa ito kay Kristo, nang kanyang muling buhayin siya mula sa mga patay, at pinaupo sa kanyang kanan sa sangkalangitan, 21 higit na mataas kaysa lahat ng pamunuan, kapamahalaan, kapangyarihan, at paghahari, at sa bawat pangalan na pinangalanan, hindi lamang sa panahong ito, kundi maging sa darating na panahon. 22 At kanyang inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa, at ginawa siyang ulo ng lahat ng mga bagay sa iglesya, 23 na siyang katawan niya, ang kapuspusan niya na pumupuspos ng lahat sa lahat.
Ibinangon ni Yahuwah si Yahushua mula sa mga patay at itinaas siya sa pinakamataas na posisyon ng kapangyarihan sa paparating na walang hanggang kaharian, hindi dahil siya si Yahuwah, kundi dahil sa kanyang pagtalima sa kanyang Diyos [Yahuwah], sapagkat ipinapaliwanag ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos.9
Nagtatalaga Si Yahuwah Ng Mga Hari Upang Mamuno Sa Ilalim Ng Kanyang Awtoridad
Nagtatala ang Kasulatan na si Yahuwah ay nagtalaga ng mga tao upang mamuno bilang mga hari sa ilalim ng Kanyang maharlikang awtoridad. Halimbawa, noong ang mga Israelita ay naghangad ng isang hari katulad ng ibang bansa, nagdalamhati sila na ang propeta na si Samuel. Ngunit sinabi ni Yahuwah sa kanya na gawin ang pakiusap ng bayan, at hindi nila tinanggihan si Samuel kundi si Yahuwah bilang kanilang hari.
Si Yahuwah ay ang sukdulang lider ng Israel, at iyong mga namuno sa Kanyang ngalan ay binigyan ng kaparehong maharlikang titulo.
|
1 Samuel 8:6-7 Ngunit hindi minabuti ni Samuel nang kanilang sabihin, “Bigyan mo kami ng isang hari upang mamahala sa amin.” At si Samuel ay nanalangin kay Yahuwah. 7 Sinabi ni Yahuwah kay Samuel, “Pakinggan mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila ako bilang hari nila.
Pagkatapos ay sinabi ni Yahuwah kay Samuel na pahiran si Saul na maging unang (taong) hari ng Israel. Si Yahuwah ay ang sukdulang lider ng Israel,10 at iyong mga namuno sa Kanyang ngalan ay binigyan ng kaparehong maharlikang titulo.
Sa huli, nahulaan na si Yahuwah ay magtataas ng isang tao na magiging tao, hindi lamang sa Israel, kundi sa buong daigdig. Ang mang-aawit ay sinabi na si Yahuwah ay magtatalaga ng Kanyang hari sa Sion at ibibigay sa kanya ang kapangyarihan sa lahat ng mga bansa:
Awit 2:6-12 “Gayunma’y inilagay ko ang aking hari sa Sion, sa aking banal na burol.” 7 Aking sasabihin ang tungkol sa utos ni Yahuwah: Sinabi niya sa akin, “Ikaw ay aking anak, sa araw na ito kita ay ipinanganak. 8 Humingi ka sa akin at ang mga bansa ay gagawin kong mana mo, at ang mga dulo ng lupa ay magiging iyo. 9 Sila’y iyong babaliin ng pamalong bakal, at dudurugin mo sila gaya ng banga.” 10 Kaya’t ngayon, O mga hari, kayo’y magpakapantas; O mga pinuno ng lupa, kayo’y magsihanda. 11 Kayo’y maglingkod kay Yahuwah na may takot, at magalak na may panginginig, 12 ang anak ay inyong hagkan, baka magalit siya at kayo’y mapahamak sa daan; sapagkat ang kanyang poot ay madaling mag-alab. Mapapalad ang lahat na nanganganlong sa kanya.
Ang propesiya ni Daniel ay umaalingawngaw sa mang-aawit:
Daniel 7:13-14 Patuloy akong nakakita sa pangitain sa gabi, at narito, ang isang gaya ng Anak ng tao na dumarating kasama ng mga ulap. At siya'y lumapit sa Matanda sa mga Araw, at iniharap sa kanya. 14 Binigyan siya ng kapangyarihan, kaluwalhatian, at kaharian, upang ang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay maglingkod sa kanya. Ang kanyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan na hindi lilipas, at ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak.
Kung si Yahushua ay Diyos, lahat ng mga nilikha at lahat ng awtoridad ay likas na nabibilang sa kanya. Ngunit matapos ibangon ni Yahuwah si Yahushua mula sa mga patay, siya’y itinaas at ibinigay sa kanya ang kapangyarihan, kaluwalhatian, at isang walang hanggang kaharian. Sa kadahilanang ito, si Yahushua ay ang hari ng mga hari sa lupa:
Pahayag 1:5 At mula kay Kristo Yahushua na siyang saksing tapat, ang panganay mula sa mga patay, at ang pinuno ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo.
Si Yahushua Ay Nasa Ilalim Ni Yahuwah
Sa kabila ng itinaas na posisyon ni Yahushua, siya ay hindi katumbas kay Yahuwah sa diwa o kalikasan. Siya ay, gayunman, katumbas sa tungkulin o layunin.
|
Sa kabila ng itinaas na posisyon ni Yahushua, siya ay hindi katumbas kay Yahuwah sa diwa o kalikasan. Siya ay, gayunman, katumbas sa tungkulin o layunin. Ang pagtataas kay Jose bilang kinatawan ng Paraon ay nagpapakita ng pagiging katumbas na ito, ipinaliwanag ng mga tuntunin o kautusan ng pagkaahente. Ang halimbawa ni Jose ay nagbibigay sa atin ng isang pagbabadya ng paparating na Mesias:
Genesis 41:39-41 Sinabi ng Paraon kay Jose, “Yamang itinuro sa iyo ni Yahuwah ang lahat ng ito, ay walang matalino o pantas na gaya mo. 40 Ikaw ang magiging pinuno sa aking bahay, at ayon sa iyong salita ay susunod ang aking buong bayan; tanging tungkol lamang sa pagkahari magiging mataas ako kaysa iyo.” 41 Sinabi ng Paraon kay Jose, “Ikaw ay inatasan ko upang mamahala sa buong lupain ng Egipto.”
Ang kapareho ay maaaring sabihin kay Yahushua at kanyang relasyon kay Yahuwah. Bagama’t si Yahuwah ay ibinigay kay Yahushua ang kapangyarihan at ipinasakop ang lahat ng mga bagay sa kanya, gayunman, bilang ahente ni Yahuwah, si Yahushua ay nasa ilalim ni Yahuwah.
1 Corinto 15:24-28 Pagkatapos ay darating ang wakas, kapag kanyang [Yahushua] ibinigay ang kaharian kay Yahuwah Ama, pagkatapos na lipulin niya ang lahat ng paghahari at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan. 25 Sapagkat siya’y kailangang maghari hanggang mailagay niya ang lahat ng kanyang mga kaaway sa ilalim ng kanyang paa. 26 Ang huling kaaway na lilipulin ay ang kamatayan. 27 SAPAGKAT IPINASAKOP NI DIYOS [Yahuwah] ANG LAHAT NG MGA BAGAY SA ILALIM NG KANYANG [Yahushua] PAA. Subalit kung sinasabi, “Lahat ng mga bagay ay ipinasakop,” maliwanag na hindi siya kabilang na nagpasakop sa lahat ng bagay sa kanya. 28 Subalit kapag ang lahat ng mga bagay ay ipinasakop na sa kanya, ang Anak ay pasasakop din sa kanya na nagpapasakop ng lahat ng mga bagay sa kanya, upang si Yahuwah ay maging lahat sa lahat.
Si Yahuwah ay marapat na tawaging Diyos ng mga diyos, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon, sapagkat Siya ang pinakamataas ang kapangyarihan. Ngunit bilang ahente ni Yahuwah at Kanyang nasasakupan, si Yahushua din ay maaaring tawagin na hari ng mga hari at panginoon ng mga panginoon.
|
Ito’y makakatulong sa atin na maunawaan kung bakit sinabi ni Yahushua na ang Ama ay higit na dakila:
Juan 14:28 “Narinig ninyong sinabi ko sa inyo, ‘Ako ay aalis, at babalik ako sa inyo. Kung ako’y inyong minamahal, kayo’y magagalak sapagkat ako’y pupunta sa Ama; sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin.’”
Si Yahuwah ay marapat na tawaging Diyos ng mga diyos, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon, sapagkat Siya ang pinakamataas ang kapangyarihan. Ngunit bilang ahente ni Yahuwah at Kanyang nasasakupan, si Yahushua din ay maaaring tawagin na hari ng mga hari at panginoon ng mga panginoon. Sapagkat si Yahuwah ang nagtaas kay Yahushua sa posisyon ng parehong Panginoon at Kristo (iyon ay ang pinahirang hari).
Mga Gawa 2:36 “Kaya’t dapat malaman nang may katiyakan ng buong sambahayan ng Israel na ginawa siya ni Yahuwah na Panginoon at Kristo, itong si Yahushua na inyong ipinako sa krus.”
Para kay Yahushua na tawagin na hari ng mga hari at panginoon ng mga panginoon ay tunay nga na isang karangalan, ngunit hindi ibig sabihin nito na siya ay si Yahuwah.
1 Pahayag 19:19; 20:1.
2 Exodo 33:20; Colosas 1:15; 1 Juan 4:12.
3 Daniel 2:27-28, 46-47.
4 Genesis 9:25.
5 Exodo 26:33.
6 1 Mga Hari 4:32; Awit ni Solomon 1:1.
7 Mangangaral 1:2; 12:8.
8 Deuteronomy 10:17.
9 Filipos 2:5-11.
10 Si Yahuwah ay tinukoy bilang Hari ng Israel. Isaias 43:15; 44:6, atbp.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/does-being-king-of-kings-mean-Jesus-is-God/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC






