Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Hindi kailanman
|
Ang layunin ng diskursong ito ay dalawahan. Una, para sa mga naniniwala sa “pagiging isa” ng DIYOS, umaasa, ito’y muling magpapatibay sa kanilang pananampalataya. Ikalawa, para sa mga naniniwala sa Trinidad, ilang mga katanungan ng lohika. Ilan sa mga katanungan ay susubukan kong sagutin, ang iba ay iiwan ko sa iyo na pag-isipan. Marami pang sapat na ebidensyang makukuha tungkol sa pinagmulan ng maraming tinatawag na mga “Kristyanong” doktrina sa mga makasaysayang gawa gaya ng “Two Babylons” ni Alexander Hislop at “The Story of Civilization” ni Will Durant upang pag-isipan ng isa kung paano nila nababatid si Yahuwah at ang Kanyang banal na salita, ang Bibliya. “Sapagkat si Yahuwah ay hindi Diyos ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga kapulungan ng mga banal” (1 Corinto 14:33). Hindi kailanman makikiusap si Yahuwah sa tao na sumampalataya sa anumang bagay na hindi maunawaang pagkabulag. At ang dogma ng Trinidad ay hindi maunawaan.
Pansinin na ginamit ko ang salitang dogma na iniugnay sa trinidad sa halip na salitang doktrina. Ang doktrina ay dapat na isang bagay na itinuturo ng simbahan na maaaring patunayan sa mga pahina ng kasulatan. Ang dogma ay kapag ang isang tao ay bumuo ng isang pangkat ng mga paniniwala bilang doktrina, kung maaari nilang patunayan. Kung may isang bagay na hindi maaaring matagpuan sa Bibliya, ito’y hindi dapat panghawakan bilang isang doktrina. Upang lumagpas doon at pilitin ang mga tao na maniwala sa isang bagay bilang isang dogma nang walang pagpapatibay ay ganap na salungat sa kalooban ng DIYOS. Subalit ito ang tiyakan na naganap tungkol sa Trinidad.
Wala ang salitang trinidad o ang konsepto nito ay nasa Bibliya. Ang “pagiging isa” ng DIYOS ay anong binigyang-diin sa buong kasulatan. “Dinggin mo, Oh Israel: ang PANGINOON nating Diyos ay isang PANGINOON” (Deuteronomio 6:4). “Iisa ang Diyos at iisa ang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Kristo Yahushua” (1 Timoteo 2:5). “Sumasampalataya kang iisa ang Diyos? Mabuti! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya at nanginginig pa” (Santiago 2:19). Sino ang namumuno sa mga diyablo at mga demonyo? Si Satanas. Ano ang sinasabi ni Yahushua tungkol sa mga katangian ni Satanas? “Kayo ay mula sa inyong amang diyablo, at ang hangarin ninyo ay gawin ang mga gusto ng ama ninyo. Siya ay mamamatay-tao mula pa sa simula, at hindi naninindigan sa katotohanan sapagkat walang katotohanan sa kanya. Kapag siya ay nagsisinungaling, nangungusap siya ayon sa kanyang kalikasan, dahil siya ay sinungaling at ama ng kasinungalingan” (Juan 8:44). Ano ang pinakaunang kasinungalingan ni Satanas? “Tunay na hindi kayo mamamatay” (Genesis 3:4). At para lagyan ng tamis ito, idinagdag niya sa berso 5, “Kayo’y magiging parang Diyos.” Ipinakilala ni Satanas ang ideya ng isang maramihan o pagkarami-rami ng mga diyos, kung saan ang Trinidad ay ang pinaka karaniwan. Ibinigay ni Satanas sa tao ang ideya na maaari niyang itaas ang sarili niya tungo sa pagiging isang alternatibo sa isa, tunay, nabubuhay na DIYOS na si YAHUWAH. Kapag naiisip ng lahat ang katulad nito, maaari kang humantong kasama ng maraming diyos (maramihan). “Sapagkat kahit na kilala nila ang Diyos, siya ay hindi nila niluwalhati o pinasalamatan man lang bilang Diyos. Sa halip, naging walang kabuluhan ang kanilang mga pag-iisip at naging madilim ang hangal nilang mga puso” (Roma 1:21).
“Ika’y magiging katulad ng diyos” (KN) o “Ikaw ay magiging parang Diyos” (ESV). Katulad = parang. Isang panghalili o pamalit para sa tunay na bagay. “Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataas-taasan” (Isaias 14:14). Nilinlang ni Satanas ang tao, at ang tao ay naging isang alipin sa kanyang banidosong imahinasyon. “Pinalitan nila ng kasinungalingan ang katotohanan tungkol sa Diyos at sila’y sumamba at naglingkod sa mga bagay na nilalang sa halip na sa Lumalang, na siyang dapat papurihan magpakailanman” (Roma 1:25). Anumang pagkakaiba ng ninuno, hayop, o likas na pagsamba ay isang halimbawa ng ano ang sinasalita ni Pablo. Hindi nakapagtataka na ang imahinasyon ng tao ay lumikha ng maraming diyos sa kanyang paghihimagsik laban kay Yahuwah na ating DIYOS. “Ang aming mga magulang ay walang minana kundi mga kabulaanan walang kabuluhan at mga bagay na hindi mapapakinabangan. Gagawa baga ang tao sa kaniyang sarili ng mga diyos na hindi mga diyos?” (Jeremias 16:19b-20).
Sa pamamagitan ng impluwensya ni Satanas, ang tao ay nagsimulang gumawa ng mga huwad na diyos at nagtakda ng mga sistemang pangrelihiyon upang itaguyod sila. Ang unang sistema ay sa sinaunang Babel! Ang Babilonya. Sa Strong's Concordance, dalawang parirala ang ginamit upang ilarawan ang Babilonya: pagkalito [Heb.894] at isang uri ng paniniil [Gr.897]. Itinatag ni Nimrod ang Babilonya. “Siya’y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya’t karaniwang sabihin: Gaya ni Nimrod, na makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon. At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang Babel” (Genesis 10:9-10a). Muli sa Strong's Concordance: makapangyarihan [Heb.1368] = maniniil at sa harap [Heb.6440] = salungat. Si Nimrod, ang maniniil na mangangaso laban sa PANGINOON. Pansinin ang paniniil! Ang paniniil ay naglalarawan sa parehong Babilonya at si Nimrod. Ang maniniil ay nangangahulugan na isang mapang-api na pinuno. Madalas nilang nakakamit ang kapangyarihan nang hindi makatuwiran at ilegal. Sila’y mang-aagaw at napapanatili ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pamimilit. “Sa kanyang noo ay nakasulat ang isang mahiwagang pangalan: “HIWAGA, TANYAG NA BABILONYA, INA NG MAHAHALAY NA BABAE AT NG MGA KALASWAAN NG DAIGDIG” (Pahayag 17:5). Hiwaga = hindi maipaliwanag. Babilonya = pagkalito. Ina = ang pinagmulan, simula, pinagkunan. Mahahalay at mga Kalaswaan = lahat ng mga tinanggihan ang DIYOS at ang huwad na mga paganong relihiyon na ipinalit nila.
Ang Babilonya ay ang simula ng organisadong paganong sistemang pangrelihiyon. Sa maraming taong nakalipas, ang mga sistemang ito ay laganap na maraming diyos. Sila’y may mga pangunahin at minor na mga diyos. At ang mga pangunahing diyos ay pinakitid sa isang trinidad sa tuktok. Ang isang trinidad ay sangkot sa isang pambansang relihiyon (Babilonya, Egipto, Gresya, Roma) o sa isang kultural na relihiyon (Hindu, Norse, Platonikong Kristyanismo). Kung ito ay sinalita bilang tatlong katauhan = isang katauhan, o tatlong katauhan na magkakatumbas, ito’y nananatili na isang trinidad. Trinidad ba ang tunog na maririnig sa mga salita ni Isaias? “Ganito ang sabi ng PANGINOON, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na PANGINOON ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Diyos” (Isaias 44:6). “Kayo’y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? At kayo ang aking mga saksi. May Diyos baga liban sa akin? Oo, walang malaking Bato; ako’y walang nakikilalang iba” (Isaias 44:8). Si Isaias, gaya ng maraming ibang manunulat ng Bibliya, ay binigyang-diin ang “pagiging isa” ni Yahuwah.
Kung si Yahuwah ay tatluhan, bakit walang banggit nito sa kasulatan? Bakit sa halip ay isang patuloy na pag-uulit ng “pagiging isa” ni Yahuwah? Dahil hindi mahalaga kung anong uri ng magulong matematika ang ginagamit mo; hindi ka maaaring gumawa ng tatlo = isa o isa = tatlo! Tandaan, sinabi namin sa una na si Yahuwah ay hindi isang may-akda ng pagkalito. Hindi Niya nais o asahan tayo na maniwala sa isang bagay na sumasalungat sa Kanyang “pagiging isa.” Hindi Niya nais o asahan tayo na maniwala sa isang bagay na hindi maunawaan. Nais at inaasahan tayo ni Yahuwah na sumampalataya at tumalima sa Kanya bilang isang Manlilikha at Tagapagtaguyod ng sanlibutan. Isang mahalagang punto ng pagbibigay-diin sa Bibliya ay ang isa, tunay, nabubuhay na Yahuwah na iba mula sa lahat ng mga huwad na diyos na likha ng tao sa sanlibutan. Kaya gumagawa ba ng diwa ng pagkakaunawa para kay Yahuwah na ilarawan sa katulad na paraan gaya ng dose-dosenang paganong diyos? Iyon ang nakakamit ng Trinidad. Ito ay ang tao na binabago si Yahuwah tungo sa anong ninanais ng tao sa pagbabago ng kanyang sarili tungo sa anong ninanais ni Yahuwah.
Maging ang mga nagtataguyod ng Trinity ay kinikilala na ito’y hindi Biblikal.
The Illustrated Bible Dictionary:
“Ang salitang Trinidad ay hindi matatagpuan sa Bibliya… Ito’y hindi natagpuan ang isang pormal na lugar sa teolohiya ng simbahan hanggang ikaapat na siglo.”
The Encyclopedia of Religion:
“Ang mga teologo ngayon ay nasa pagkakasundo na ang Hebreong Bibliya ay hindi naglalaman ng isang doktrina ng Trinidad.”
The New Catholic Encyclopedia:
“Ang doktrina ng Banal na Trinidad ay hindi itinuro sa Lumang Tipan.”
The Triune God ni Jesuit Edmund Fortman:
“Walang ebidensya na ang anumang sagradong manunulat ay pinaghihinalaan ang pag-iral ng isang Trinidad sa loob ng Ulo ng Diyos … Kahit na makita sa mga pagpapahiwatig o pagbabadya ng Lumang Tipan o ‘ikinubling tanda’ ng trinidad ng mga katauhan, ay para lumagpas sa mga salita at layon ng mga sagradong manunulat.”
The New Encyclopedia Britannica:
“Walang salitang Trinidad at wala rin ang malinaw na doktrina na lumitaw sa Bagong Tipan.”
The Paganism in Our Christianity ni Arthur Weigall:
“Hindi nabanggit si Kristo Yahushua sa gaanong kaganapan, at wala saanman sa Bagong Tipan lumitaw ang salitang ‘Trinidad’. Ang ideya ay inampon lamang ng Simbahan, tatlong daang taon matapos ang kamatayan ng ating Panginoon.”
The Encyclopedia Americana:
“Ang ikaapat na siglo na Trinitaryanismo ay hindi sumalamin nang tumpakan sa maagang Kristyanong pagtuturo tungkol sa kalikasan ng Diyos; ito ay, kabaligtaran, isang paglilihis mula sa pagtuturong ito.”
The New Catholic Encyclopedia:
“Mula sa kalagitnaan ng ikaapat na siglo at nagpapatuloy, gayunman, ang Kristyanong kaisipan ay malakas na naimpluwensyahan ng Neo-Platonikong pilosopiya at mistisismo.”
History of Christianity ni Edward Gibbons:
“Kung ang Paganismo ay sinakop ng Kristyanismo, totoo rin na ang Kristyanismo ay pinasama ng Paganismo. Ang dalisay na Deismo ng mga unang Kristyano … ay binago, ng Simbahan ng Roma, tungo sa hindi maunawaang dogma ng Trinidad. Marami sa mga paganong paniniwala, naimbento ng mga taga-Egipto at uliranin ni Plato, ay napanatili bilang karapat-dapat na paniwalaan.”
Ikumpara ang mga pahayag sa ibabaw sa babala ni Apostol Pablo: “Mag-ingat kayo upang huwag kayong maging bihag ng sinuman sa pamamagitan ng pilosopiya at walang kabuluhang pandaraya, batay sa tradisyon ng mga tao, batay sa mga mapamahiing aral ng sanlibutan, at hindi batay kay Kristo” (Colosas 2:8). Ang trinidad ay ang pinakadiwa ng pilosopiya, tradisyon, at panlilinlang.
Isa pang piraso ng kasaysayan. Marahil ay narinig mo ang Kodigo ni Justinian. Ito ay isang pagbabago sa maagang Romanong kautusan na nag-impluwensya ng internasyonal na kautusan hanggang sa kasalukuyang panahon. Si Justinian ay katulad nila Constantine at Nimrod: nagpwersa ng isang partikular na takda ng mga paniniwalang pangrelihiyon sa mga tao sa dakilang dami.
Isang sipi mula sa Kodigo ni Justinian: Aklat 1—Pamagat 1.
PATUNGKOL SA PINAKA MATAAS NA TRINIDAD AT ANG KATOLIKONG PANANAMPALATAYA AT NAGBIBIGAY NA WALANG SINUMAN ANG MAGLALAKAS-LOOB NA SALUNGATIN ANG MGA ITO NANG HAYAGAN.
“… tayo’y dapat sumampalataya na ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ang bumubuo sa isang Diyos, pinagkalooban sa katumbas na kamahalan, at nagkaisa sa Banal na Trinidad.”
(1) Ipinag-uutos namin sa lahat ng sumusunod sa kautusang ito na gampanan ang pangalan ng mga Katolikong Kristyano at ituring ang iba bilang mga baliw, ipinag-uutos namin na kanilang papasanin ang kahihiyan ng erehya …”
Ang Imperyong Romano © History Skills1
Ito ang bahagi ng mismong unang kautusan sa Kodigo; na nagpapakita na ang trinidad ay ang batong panulok ng Romanong sistemang pangrelihiyon. Pwersahang sumampalataya sa Trinidad, o ikaw ay isang kriminal sa mga mata ng Imperyong Romano! Ito ba ay pagsamba kay Yahuwah nang kusang-loob, mapagmahal, at tama?
Hindi! Ito ay isang pamimilit at kontrol sa tradisyon ng Babilonya, tahanan ng orihinal na relihiyong Trinitaryan. Ang bahaging ito ng Kodigo ay natapos noong 529 AD. Pagkakataon ba o hindi na sa loob ng isang dosenang taon ng mapilit na kautusang ito ay nagkabisa ang unang pangunahing siklab ng bubonik na salot ay sumalanta sa Europa at ang Panahon ng Kadiliman ay nagsimula? Kawili-wili, ang salot ay hinatid sa Europa sa mga sasakyang-dagat ng butil mula sa Egipto; tahanan ng isa sa mga kilalang sinaunang sistemang pangrelihiyong Trinitaryan. Ngayon, napakaraming aklat ang isinulat na sinusubukan na ipaliwanag ang Trinidad. Subalit, para sa lahat ng kaguluhan, pilosopiko, at tila legalistikong pagpapaliwanag na inalok, ang tanging sinasang-ayunan ng karamihan sa mga Trinitaryan ay ito’y isang “hiwaga ng pananampalataya.” Hiwaga = hindi kilala, hindi maipaliwanag. “Upang maalaman ng lahat na bayan sa lupa, na si Yahuwah ay siyang Diyos: walang iba” (1 Mga Hari 8:60). Paano mo lehitimong makikilala si Yahuwah kung hindi mo maipapaliwanag Siya? Patuloy, karamihan sa mga “Kristyano” ay itinuturing ang Trinidad bilang “sentrong dogma ng pananampalataya.” Sa lahat ng bagay na hinatid sa katanungan sa panahon ng Repormasyong Protestante, ang Trinidad ay hindi sa mga ito. Ang mga Protestante ay kasing-alab ng mga Katoliko sa kanilang kapootan kay Michael Servetus. Bakit? Dahil hindi siya naniniwala sa Trinity at hayagang sumalungat laban rito. Sinunog sa istaka si Servetus dahil sa dalawang singil laban sa kanya; hindi siya naniniwala sa Trinidad at salungat sa pagbibinyag sa sanggol. Tanging si Yahuwah ang nakakaalam ng bilang ng mga tao na pinatay dahil sa pagtanggi sa paniniwala sa Trinidad. At katulad ni Michael Servetus, marami ang pinatay hindi ng mga pagano kundi ng mga “itinuturing” na mga Kristyano.
Ang Trinidad ay wala
|
Kaya dahil dito, kung ang Trinidad ay ang “sentrong dogma ng pananampalataya” para sa Kristyanismo, bakit HINDI ito nabanggit sa Bibliya? Kung ito’y mahalaga, hindi ba mababanggit ito; madalas at detalyado? Hindi, HINDI ang Trinidad ang nabanggit sa Bibliya; ito ay ang “pagiging isa” ni Yahuwah! Madalas at detalyado. Sa Lumang Tipan, ang “pagiging isa” ay ginagawang iba ang aktwal, nabubuhay na si Yahuwah mula sa lahat ng mga huwad na diyos ng imahinasyon ng sangkatauhan. Ang kaparehong temang ito ay pinanghawakan sa Bagong Tipan noong ang ebanghelyo ay pinalaganap sa mga Hentil. Pag-isipan ang mga tagpo ni Pablo sa Atenas at Efeso. Mayroong palaging malinaw na pagkakaiba sa pagitan ni Yahuwah at lahat ng mga impostor na gawa ng tao ng sanlibutan.
“Sapagkat ang gayong mga tao ay mga huwad na apostol, mga mandarayang manggagawa, nagpapanggap na mga apostol ni Kristo. At hindi kataka-taka! Sapagkat si Satanas man ay nagpapanggap na isang anghel ng liwanag. Kaya’t hindi malayong mangyari na ang kanyang mga lingkod ay magpanggap na mga lingkod ng katwiran. Ang kanilang wakas ay magiging ayon sa kanilang mga gawa” (2 Corinto 11:13-15). “Ngunit noo’y may lumitaw ring mga huwad na propeta sa gitna ng sambayanan, kung paanong sa gitna ninyo’y lilitaw din ang mga bulaang guro. Palihim silang magpapasok ng mga maling aral na makapipinsala sa inyong pananampalataya. Itatakwil nila pati na ang Panginoong tumubos sa kanila, kaya’t ito ang magdadala sa kanila ng mabilis na pagkapuksa” (2 Pedro 2:1). “Sila ay humiwalay sa atin, bagama’t hindi naman talaga sila naging bahagi natin. Sapagkat kung sila’y naging bahagi natin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ang kanilang pag-alis ay naghahayag lamang na walang sinuman sa kanila ang kabilang sa atin” (1 Juan 2:19). “Sino ang sinungaling? Hindi ba't ang tumatangging si Yahushua ang Kristo? Ito ang anti-Kristo, ang nagtatakwil sa Ama at sa Anak” (1 Juan 2:22) Inatake ni Satanas ang Kristyanismo batay sa Bibliya mula sa looban, dahan-dahang isinasama ang mga paganong ideyang pangrelihiyong mula sa Babilonya (gaya ng trinidad) tungo sa isang Kristyanismo batay sa pilosopiya. Ito ang pangrelihiyong “mainit na patatas” na inaksyunan ni Constantine sa Nicaea noong 325 AD. Ngunit si Constantine ay mas prayoridad ang tungkol sa pulitikal na pagkakaisa sa Imperyong Romano kaysa sa pagpapanatili ng kadalisayan ng mga doktrina ng Kristyanismo. Ang nagreresultang Kredong Nicene ay katulad ng isang dokumentong inilabas ng mga legal na kumpanya ng Wee, Cheatim, at Howe. At magmula noon, hindi mabilang mga nagtuturing na Kristyano ang dinaya ng Kredong Nicene at ang mga denominasyonal na pagkakaiba nito. Sinundan nila ang mga tradisyon ng mga tao sa halip na ang Bibliya. Nagkataon, ang totoong San Nicholas (Santa Claus) ay naririto, at siya ay isang Trinitaryan. Ang Nicaea ay pormal na binuo ang Katolisismo na “opisyal na simbahan” ng Kristyanismo. Anong sinimulan ni Constantine sa Nicaea, tinapos ni Justinian sa kanyang Kodigo ng kautusang sibil. Maniwala sa Trinidad, o ituring na isang erehe at isang kriminal, ay paksa sa anumang kaparusahan kabilang ang kamatayan.
Kapag ang isa ay sinasabi na si Yahushua ay Diyos, tinatanggihan nila si Yahushua bilang isang hiwalay at natatanging indibidwal na may kakayahang gumawa ng sarili nitong pasya. Tinatanggihan nila si Yahushua bilang tagapamagitan kay Yahuwah at sa mga tao.
|
Muli, ang Trinidad ay wala sa Bibliya; kundi ang “pagiging isa” ni Yahuwah ang nasa Bibliya. Hindi kailanman magsasalita si Yahuwah ng isang tatluhang katauhan, ngunit maraming babala tungkol sa mga huwad na propeta at kanilang mga mapanlinlang na mensahe. “Maglilitawan ang maraming huwad na propeta at lilinlangin nila ang marami” (Mateo 24:11). “Sapagkat may magsisilitaw na mga huwad na Kristo at mga huwad na propeta, at magpapakita ng mga kahanga-hangang himala at mga kababalaghan, na dahil dito’y maililihis, kung maaari, pati ang mga pinili” (Mateo 24:24). “Sapagkat maraming mandaraya ang kumalat sa sanlibutan. Hindi nila kinikilala na dumating si Kristo Yahushua bilang tao. Ang mga ito ang mandaraya at ang anti-Kristo!” (2 Juan 1:7). Kapag ang isa ay sinasabi na si Yahushua ay Diyos, tinatanggihan nila si Yahushua bilang isang hiwalay at natatanging indibidwal na may kakayahang gumawa ng sarili nitong pasya. Tinatanggihan nila si Yahushua bilang tagapamagitan kay Yahuwah at sa mga tao. Ito ay nakamit sa pamamagitan ng pagbabagsak ng dalisay na Kristyanismo ng Platonikong pilosopiya na ipinasa mula sa Babilonya at Egipto. At ang nakakarangal na tampok ng pagiging pagano ng Kristyanismo ay ang trinidad: ang sukdulang panlilinlang ni Satanas! Nagsimula siya sa Hardin ng Eden sa pagsabi sa tao, “Kayo’y magiging parang Diyos”; pagkatapos ang kanyang mga tagasunod ay ginawang DIYOS si Yahushua. Si Satanas ay isang manlilinlang, isang sinungaling, at isang mamamatay-tao dahil nililigaw niya ang tao sa pagsuway sa mga kautusan ng DIYOS. “Ang sinumang nagsasabing, ‘Kilala ko ang Diyos,’ subalit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay isang sinungaling; wala sa taong iyon ang katotohanan” (1 Juan 2:4). Ang panghuling paalala sa Bibliya ay nagbabala laban sa pagdagdag (halimbawa: ang Trinidad) at pagbawas (halimbawa: “pagiging isa” ni Yahuwah). “Binabalaan ko ang sinumang nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito: sinumang magdagdag sa mga ito, idadagdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat sa aklat na ito; at sinumang magbawas mula sa mga salita ng aklat ng propesiyang ito, babawasin ng Diyos ang kanyang bahagi sa puno ng buhay at sa banal na lungsod, na nakasulat sa aklat na ito” (Pahayag 22:18-19).
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni John Fyfe.
1 – Larawan mula sa https://www.historyskills.com/classroom/ancient-history/roman-empire-size/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC