Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“Noong simula pa lamang ay naroon na ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.”
Ang mga Hebreong tagapakinig ni Juan ay hindi malalaktawan ang koneksyon na ginagawa ni Juan sa unang tatlong salita na iyon — katulad sa mga salita na nagsisimula sa aklat ng Genesis.
Sa Bagong Tipan, kapag nakita mo ang salitang “Diyos,” tinutukoy nito si Yahuwah ang Ama. Mayroon tayong higit sa isang libong pagkakataon nito sa Bagong Tipan. Sa dalawang pangyayari lamang para sa tiyak na “diyos” ay tumutukoy kay Yahushua (Hebreo 1:8; Juan 20:28).
Diyos = ang Ama
Ginagamit ang katunayang ito na ang Diyos ay nangangahulugan na Ama, ang berso ay binabasa na: “Noong simula pa lamang ay naroon na ang Salita, at ang Salita ay kasama ang Ama, at ang Salita ay ang Ama.”
Sino o ano ang Salita? Kung ang Salita = Yahushua, ito’y binabasa na: “Noong simula pa lamang ay naroon na si Yahushua, at si Yahushua ay kasama ng Ama, at si Yahushua ay ang Ama.” Si Yahushua ang Ama?!
Kung ang Salita = ang Anak, ito’y binabasa na: “Noong simula pa lamang ay naroon na ang Anak, at ang Anak ay kasama ng Ama, at ang Anak ay ang Ama.” Ang Anak ay ang Ama?!
Ito ay pagkalito. Kapag ipinalagay mo na ang Salita ay isang tao (si Yahushua, o ang Anak), ang nagreresultang kontradiksyon (ang Anak ay ang Ama) ay ipinapakita na ang ganoong pagpapalagay ay mali. Ang salita na isinulat ni Juan ay ganon lamang: ang sinasabing salita ni Yahuwah ang Ama, na nalalaman sa mga Kasulatang Hebreo sa pangalang YHWH ang Manlilikha. Ang salita sa paunang salita ni Juan ay hindi isang tao, sa halip ang sinasabing salita ng Manlilikha, kung saan ang lahat ay nilikha.
Sa ibang araw ng Linggo, ang kongregasyon ng aking ina ay inabot ang isang mahusay na inilahad at makintab na rebistang nilimbag ng Campus Crusade for Christ. Ito’y tinatawag na, “The Da Vinci Code: A Companion Guide.” Isa sa mga bahagi ay isang pagtanggol sa Pagkadiyos ni Kristo, na syempre ay tinatanggihan ng Kodigo, ginagawa si Yahushua na “isang simpleng tao.” Ang mismong unang talata ng pulyeto sa isyung ito ay kahanga-hanga. Hayaan akong sipiin ito nang ganap:
“Tunay bang inangkin ni Kristo ang maging Diyos? Ito’y tila walang alinlangan, sapagkat halos lahat ng sinabi at ginawa ni Kristo ay nakaturo sa direksyong ito. Halimbawa, isaalang-alang ang himala ni Kristo na naglalakad sa tubig. Bakit hindi lumipad o gawin ang sarili na isang pterodactyl? Narito ang dahilan: ‘Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat’ (Job 9:8). Ang bersong ito mula sa Lumang Tipan ay karaniwang kaalaman na sa mga tagapanood ni Kristo — ang Diyos lamang ang tumutungtong sa dagat. Kaya noong pinili ni Kristo na maglakad sa tubig, ito ay hindi lamang pagpapakita ng kapangyarihan, kundi ng kabanalan; ito ay isang paksa ng aral, hindi isang palabas sa karnabal. Pabaligtad naman, kapag sinubukan mong iwasang mabigyan ng tatak na ‘Diyos,’ ito ang huling bagay na tatangkain mong gawin.”
Ang aking mga mata ay halos lumabas na sa kanilang kinalalagyan nang mabasa ko ang walang saysay na ito! Nagkaroon pa nga ako ng isang “pinabanal” na pag-alik-ik, para sigurado. Sa lohikang ito, pinagtibay ko rin na si Elias ay dapat rin na banal, dahil sa Lumang Tipan sinasabi ni Yahuwah na sumasakay siya sa Kanyang karwahe, at si Elias ay lumilipad rin sa kalangitan?!
Ang patotoo tungkol kay Yahushua ay siya’y isang tao na may pinagmulan, kasama ang lahat ng tao, sa sinapupunan ng kanyang ina. Ang ibang Yahushua na nabuhay bago sila isinilang ay hindi mga tao. Ang taong Yahushua ay inaatake kapag ginalaw natin ang kanyang pag-iral mula sa sinaunang panahon. Kung ang tunay na sarili ay nilikha bago ang kanyang kapanganakan, anong nabuo sa sinapupunan ng isang ina ay tunay na hindi isang tao. Siya ay isang panauhin mula sa ibang mundo. Ang mga tao’y hindi nagsisimula nang ganon. Upang maging inapo ni David sa pamamagitan ni Maria at para isilang (= dalhin sa pag-iral), ang isa’y dapat magsimula sa isang paglihi o pagbuo sa sinapupunan.
Ang mga Hudyo ay hindi inasahan ang Mesias na ibang kasapi ng sangkatauhan. Ito’y malaking lukso mula sa Bagong Tipan tungo sa huling konsepto na si Yahushua ay may dobleng pinagmulan, isa sa walang hanggan o bago ang Genesis, at isa pa sa panahon ni Augustus Caesar. Ang pagkakaroon ng dobleng pinagmulan ay humantong sa ilang siglong alitan sa mga mananampalataya at sa huli’y sa mga aral ng Simbahan na pinalayas ang sinumang hindi naiisip na ang Anak ng Diyos ay kapareho ng Diyos.
Ang Ebanghelyo ni Juan ay ginamit bilang panimbang upang itaguyod ang kataka-takang konseptong ito na higit pa sa isang Katauhan ang Diyos. Kung mayroon isang Diyos sa langit na hindi naging tao at isa pang Diyos na naging tao, ito’y tiyak na hindi monoteismo! Ang UPC (United Pentecostal Church) ay sinusubukang iwasan ang “paghihingalo” ng dalawang Diyos sa pagsasabi na ang Ama at ang Anak ay magkaparehong Katauhan. Ito’y halata na isang imposibleng pagbabasa ng mga patotoo ng Bagong Tipan na paulit-ulit sinabi na ang Ama at Anak ay dalawang magkaibang indibidwal.
Ang mga Trinitaryan ay nangatuwiran mula kay Juan nang halos eksklusibo.. Ito mismo ay nagpapahiwatig na isang bagay ay mali. Ang katuringan ng Diyos at Yahushua ay dapat na matatagpuan saanman sa Bagong Tipan at sa propesiya mula sa Lumang Tipan. Ang Lumang Tipan ay hindi itataguyod ang doktrina ng Trinidad. Ang mga Hudyo ay palagi at mananatiling unitaryan. Ang Mateo, Marcos, Lucas, Mga Gawa at Pedro ay hindi itataguyod ang Trinidad. Ang Juan, na inasahan ng mga Trinitaryan, ay itataguyod ito. Ngunit sa pagbabago lamang ng isinulat ni Juan.
Hindi sinabi ni Juan na “Noong simula pa lamang ay naroon na ang Anak ng Diyos na kasama ng Diyos at siya mismo na Diyos.” Kapag sinulat iyon ni Juan, sasalungat siya sa sinipi niyang linya ni Yahushua bilang isang unitaryan: “Ikaw, Ama,” sinabi ni Yahushua, “ang tanging Diyos na totoo” (Juan 17:3). Iyon ay syempre nangangahulugan na si Yahushua na isinugo ng Diyos ay hindi “ang tanging Diyos na totoo.”
Anong isinulat ni Juan ay hindi patas na muling isinulat ng mga tagapagsalin upang itaguyod ang Trinidad. Si Juan, sapagkat nakita natin mula sa Juan 17:3 at 5:44 ay hindi Trinitaryan. Naniwala siya sa unitaryong monoteismo kasama ang lahat ng Bagong Tipan. Isinulat ni Juan “Noong simula pa lamang ay naroon na ang salita.” Ang malaking titik (Salita) sa iyong pagsasalin ay lubos na nakakalinlang, gagawin ka sa kaisipan na may dalawang tao rito! Ang salita ay ang salita ni Yahuwah, hindi ang Anak ni Yahuwah. Tanging sa berso 14 ang salita o pangakong iyon ay naging isang tao, noong hinatid ni Yahuwah ang henerasyon ng Kanyang natatanging Anak sa pamamagitan ng himala kay Maria. Si Yahushua ang Anak ay anong naging ang salita, hindi ang salita na isa-sa-isa na katumbas. Upang sabihin ang isang walang hanggan Anak ay para ilagay sa iyong isipan ang dalawang hindi nilikhang Diyos. Ito’y ipinagbawal ng kredo ni Yahushua sa Marcos 12:28-34 (sinisipi ang Deuteronomio 6:4) ngunit sa kasamaang-palad ay hinimok ng mga kredo ng mga simbahan, na hindi nagtitipon sa ilalim ng kredo ni Kristo. Ngunit bakit hindi?
Kung tayo’y nanatili sa Lumang Tipan at sa mga malilinaw na talaan ng makasaysayang pinagmulan ng Anak ni Yahuwah, mapapanatili natin ang pananalig sa taong Mesias. Ito ay mayroong dakilang kalamangan hindi lamang sa paghadlang sa atin mula sa pagsalungat sa kredo ng Israel at ni Yahushua, kundi nagkakasaysay rin ang ideya na ang Anak ni Yahuwah ay namatay para sa atin.
Hindi maaaring mamatay si Yahuwah. Siya ay walang kamatayan (1 Timoteo 6:16, atbp.). Kaya ang proposisyon na “Ang Anak ni Yahuwah ay namatay” at “ang Anak ni Yahuwah ay Diyos” ay walang iba kundi dalawang ideyang makasalungat na hawak sa isang nakalilitong paraan ng mga pinilit ng kredo ng Simbahan. Ngunit ang Bibliya ay hindi nakiusap sa atin na ipako sa krus ang ating mga pang-unawa. Marami pa tungkol kay Yahuwah na hindi natin nalalaman ngunit kung ano ang ipinakita sa malinaw na wika ay tayo’y maniniwala. Ang pagsabi na “si Yahushua ay si Yahuwah” at “namatay si Yahushua” ay nagpupumilit sa atin na magsabi ng walang saysay, sapagkat ang imortal ay hindi maaaring mamatay. Ang himno ni Wesley na “Misteryo ang lahat: ang immortal ay namamatay” ay nagpapakita ng nakapanlulumong resulta ng kaisipan na naging alipin sa doktrina matapos ang biblikal na panahon at hindi matanggap na paggamit ng wika.
Wala sa ebanghelyo ni Juan ang nagsasabi na ang Anak ay dumating mula sa buhay na sinaunang panahon. Siya ay nakakataas (protos mou = “aking nakakataas”) mula sa simula hanggang kay Juan Bautista (1:15, 30). Siya ang Anak ng Tao sa pangitain ni Daniel na nakita, 600 taon ang nakalipas (6:62). Dumating siya mula sa langit bilang lahat ng kaloob mula sa ginagawa ni Yahuwah (Santiago 1:17; 3:15). Sa katunayan ang kanyang laman ay nagmula sa langit (Juan 6:51). Ang Anak ay kaloob ni Yahuwah para sa sanlibutan. Mayroong maling pagsasalin ng Griyego ng NIV sa Juan 13:3, 16:28 at 20:17 at ng NASV sa Juan 13:3. Hindi sinabi ni Yahushua na siya ay babalik sa langit, isang ideya na sumisira ng kanyang estado bilang lehitimong tao at ginagawa siyang bisita mula sa kalawakan. Nakiusap si Yahushua para sa kaluwalhatian na “taglay” niya mula kay Yahuwah (17:5) na ibibigay sa kanya bilang isang gantimpala para sa kanyang paglilingkod. Sa kaparehong konteksto (17:22, 24) Sinabi ni Yahushua na ang kaparehong kaluwalhatiang ito na ibinigay na sa iyo na nabubuhay sa ika-21 siglo — ibinigay na, ni Yahuwah (na ipinalangin ni Yahushua) noong AD 30. Ito ay kaluwalhatian sa pag-asa at pangako gaya ng nasa Juan 17:5.
Noong sinabi ni Yahushua na “ako na,” at mayroon siyang estado bago si Abraham (Juan 8:58), tinukoy niya ang kanyang pagka-Mesias, na inasahan ni Abraham. Ang “ako na” na pahayag sa Juan ay batay sa unang kaganapan ng pahayag na iyon sa Juan 4:26 kung saan ang “ako na” ay nangangahulugan na “Ako ang Mesias.” Tiyak na hindi sinabi ni Yahushua na “Ako si Yahuwah” dahil sa huli’y sinabi niya na “Ang Ama ay ang tanging tunay na Diyos.” Maaaring sabihin ni Yahushua na “Bago si Abraham ako’y napako na sa krus” (Pahayag 13:8) at walang sinuman makakaunawa nang lubos na maka-Hudyong paraan ng pagsasalita.
Para sa Juan 20:28, natanto ni Tomas kung ano ang hindi niya maunawaan sa 14:9 na si Yahuwah ay nasa kay Yahushua at upang maunawaan si Yahushua ay para maunawaan si Yahuwah. Sa huli, ang liwanag ay bumuka at nakilala ni Tomas si Yahushua bilang “panginoon ko” ang Mesias at sa kanya ay nakita niya si Yahuwah. Hindi ginawa ni Tomas sa isang pagtagilid ay sinira ang kredo ng Israel at ibinigay sa atin ang dalawa na mga Diyos! Agad ipinaalala sa atin ni Juan na ang bawat salita ng anong isinulat niya ay para ipakita na si Kristo Yahushua ay ang Mesias, ang Anak ni Yahuwah (20:31).
Naririnig ko mula sa ilan na mayroong dalawang Yahuwah sa Bibliya at malamang ay tatlo pa nga. Ito’y sapat nang magpasiklab ng galit sa mga Hudyo at Muslim! Oras na para sa sangkatauhan na ayusin ang paniniwala na mayroong Isang Yahuwah at isang Yahushua na hindi kailanman inangkin na “isang Yahuwah” — sapagkat siya ay maaaring lehitimong patayin.
Kung kailan sinabi ni Pablo ang kredo, siya ay isang unitaryan: “Ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama” (1 Corinto 8:6). Si Yahushua, syempre ay ang isang Panginoong Mesias, ang “panginoon ko” ng Awit 110:1. Sa kasamaang-palad, ang mga patnugot ng ating mga bersyon (sa maraming kaso, maliban sa RSV, NRSV at NAB) ay naging abala sa “pagpapabuti” ng teksto upang paniwalaan ka na si Kristo ay Diyos rin. Ang “panginoon ko” — hindi “Panginoon” — ng Awit 110:1 ay isinalin ang ADONI at ang anyo ng salitang iyon para sa Panginoon ay hindi nangahulugan na DIYOS. Ito ay ang anyo (adoni) na sadyang sinasabi sa iyo na ang isa na itinalaga ay hindi Diyos kundi isang tao (minsa’y angheliko) na nakakataas. Ang Adoni sa lahat ng 195 banggit nito ay isang titulong hindi pang-Diyos. Ang Diyos Ama ay Adonai at mayroong bangin ng pagkakaiba sa pagitan ng adoni at Adonai. Hayaan ang Diyos na Diyos, at hayaan ang Anak na ang kahanga-hangang Tagapagligtas na tao na itinalaga upang turuan tayo at namatay para sa ating lahat. Itinalaga siya ng Diyos sa isang layunin, at siya ay nagtagumpay at magpapatuloy sa tagumpay hanggang ang buong sanlibutan ay magtapat sa Diyos ng Israel at sa Mesias na Kanyang Anak (Zacarias 14:9).
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Jonathan Sjordal (Volume 8 No. 10, Focus on the Kingdom, 2006)
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC