Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang mga naniniwala sa pag-iral bago isinilang ni Panginoong Yahushua ay madalas umaapela sa mga salita ni Apostol Pablo sa 1 Corinto 10:4, kung saan sinasabi niya ang tungkol sa mga Israelita sa ilang na silang ‘lahat ay uminom ng parehong inuming espirituwal. Sapagkat sila’y uminom mula sa batong espirituwal na sumunod sa kanila, at ang Batong iyon ay si Kristo.’
Pinagtalunan mula rito na si Yahushua mismo ay personal na sinamahan ang bayan ng Israel habang sila’y naglalakbay sa ilang patungo sa Lupang Ipinangako. Ang berso ay madalas idinugtong sa ilang teksto ng Lumang Tipan, na inilarawan si Yahuwah bilang isang Bato (Deuteronomio 32:4; Awit 18:2, 31). Buhat noong si Yahuwah ang Bato, at si Kristo rin ay Bato na sinamahan ang Israel, si Kristo dahil dito ay si Yahuwah, ito’y pinaniwalaan.
Depektibong Pagpapaliwanag
Ang pagpapaliwanag na ito, bagama’t ito’y karaniwan, ay nagdurusa mula sa isang bilang ng mga mabibigat na depekto. Ang una sa mga ito ay ang pagkabahala sa kahulugan ng terminong “Kristo.” Masyadong madalas ay ginagamit ito na isang tamang pangalan para kay Yahushua na parang ito na ay kanyang apelyido (huling pangalan). Ang “Christos” ay ang Griyegong anyo ng salitang Hebreo na “Messiah,” na ang ibig sabihin ay “ang pinahiran.” Ito ay isang titulo na ibinigay para sa mga hari ng Israel. Si David ay isang “messiah” at isang uri at hudyat ng isa na maghahatid sa bayan ng Israel at itatatag ang Kaharian ni Yahuwah.
Ang pagdating ng Messiah ay isang karaniwang tema ng propesiya ng Lumang Tipan. Siya ang binhi ng babae (Genesis 3:15), ang binhi ni Abraham (Genesis 22:18; Galacia 3:16, 19), ang binhi ng Juda (Genesis 49:10; 1 Paralipomeno 5:2), at ang binhi ni David (2 Samuel 7:12-14, Isaias 11:1, 10; Roma 1:3; 2 Timoteo 2:8).
Ang “binhi” sa lahat ng mga kasulatang ito ay nangangahulugang “inapo.” Ito’y nagtuturo sa katunayan na ang Messiah ay nahulaan na lilitaw mula sa sangkatauhan. Wala sa Lumang Tipan ang nagpapahiwatig na ang ipinangakong binhi ay umiiral na sa isa pang anyo. Para kay Pablo na magtuturo na ang Messiah sa katunayan at personal na lumantad sa ilang ay magiging isang nakakabiglang kontradiksyon ng mga salita ng propeta.
Isa Pang Pagsalungat
Ang ikalawang pangunahing pagsalungat sa teoryang ito ay ang katunayan na ginamit ni Yahuwah ang mga anghel upang maglingkod sa Israel. Ang Bagong Tipan ay nagdeklara sa tatlong lugar na ang Kautusan ay ibinigay ng mga anghel (Mga Gawa 7:38, 53; Galacia 3:19; Hebreo 2:2). Bawat isa sa mga siping ito, isang anghelikong pagbibigay ng Kautusan ang bumubuo ng isang mahalagang bahagi ng argumento. Ang pag-aaral sa bawat isa sa konteksto nang may pag-iingat at makikita mo na ang karaniwang tema ay ang kataasan ng Ebanghelyo sa Kautusan. Ang Kautusan ay ibinigay lamang ng mga anghel, ngunit ang Ebanghelyo ay hinatid ng Anak ni Yahuwah at dahil dito’y lubos na nakatataas rito. Hindi maaaring magkaroon ng anumang bahagi si Kristo, dahil dito, alinman sa pagbibigay ng Kautusan sa Israel, o sa paglilingkod sa mga Israelita sa ilang.
Sapagkat ang Messiah ay hindi maaaring personal na humarap sa ilang. Ang pahayag ni Pablo ay dapat ipakahulugan na ang bato ay kumatawan o sumagisag kay Kristo sa ilang paraan. Hindi pangkaraniwan para sa Kasulatan na gamitin ang pandiwang “maging” sa isang representasyonal na diwa. Sinabi ni Yahushua, “Ako ang pintuan” (Juan 10:7); “Ako ang tunay na puno ng ubas” (Juan 15:1). Sa institusyon ng Hapunan ng Panginoon, sinabi niya na ang tinapay “ang aking katawan” at ang kopa ang “bagong tipan sa aking dugo” (1 Corinto 11:24-25), malinaw na nangangahulugan na ang mga ito’y kumakatawan sa kanyang hapak na katawan at dinanak na dugo.
Mga Tipolohikal na Pagtutulad
Ang pagpapaliwanag na ito ay pinalakas ng isang matalik na pag-aaral ng buong sipi mula berso 1 hanggang berso 11 ng 1 Corinto 10. Dalawang beses na ipinahayag ni Pablo na ang mga karanasan ng Israel ay mga halimbawa para sa atin (berso 6, 11). Ang salitang Griyego na ginamit rito sa katunayan ay nangangahulugan na mga “uri.”
Ang pagdaan ng mga Israelita sa kaulapan at sa Dagat na Pula ay isang “uri” ng Kristyanong bautismo. Sila’y binautismo “kay Moises” (berso 2) sapagkat tayo’y binautismuhan “kay Kristo Yahushua” (Roma 6:3; 1 Corinto 12:13; Galacia 3:27). Ang berso 3 at 4 ay nagpapatuloy sa tipolohikal na pagtutulad sa pagtukoy sa mga insidente ng pagbibigay ng mana sa Exodo 16, at ang mga insidente sa Rephidim at Cades noong si Yahuwah ay mapaghimalang nagtustos ng tubig palabas ng isang bato (Exodo 17:1-7; Mga Bilang 20:1-13).
Ang “espiritwal na pagkain” na nabanggit sa berso 3 ay malinaw na mana na mapaghimalang araw-araw ibinigay sa Israel sa panahon ng 40 taon. Ang pagbibigay ng mana ay naitala sa Exodo 16 at bumubuo ng karanasan sa Juan 6.
Dalawang Insidente Ng Bato
Mayroong dalawang insidente na sangkot ang isang bato na naitala sa panahon ng paglilibot sa ilang ng mga Israelita, at mahalaga na itala ang pagkakaiba sa pagitan nila.
Ang unang insidente ay naganap matapos lamang ang mapaghimalang pagbibigay ng mana. Dumating ang Israel sa Rephidim (Exodo 17:1) at agad nagsimulang magreklamo tungkol sa kakulangan sa tubig, kung saan si Yahuwah ay inutos kay Moises na paluin ang bato. Bumulwak palabas ang tubig at ang uhaw ng tao ay pinasiyahan. Ang pagpalo sa bato ay naglalarawan sa katunayan na si Kristo Yahushua ang ating Bato ay sinaktan para sa atin. Ang mapaghimalang pagbibigay ng tubig ay kumakatawan sa pagbibigay ng Banal na Espiritu, ang tubig ng buhay (Juan 7:37-39).
Ang ikalawang insidente ay naganap sa pagtatapos ng paglilibot sa ilang. Muli, ang Israel ay nagreklamo dahil sa kakulangan sa tubig at muling nagbigay si Yahuwah para sa kanilang mga pangangailangan. Sa panahong ito, gayunman, malinaw Niyang itinuro kay Moises na magsalita sa bato, ngunit sa kanyang galit ay sumuway si Moises at dalawang beses na pinalo ang bato (Mga Bilang 20:1-12).
Sa pagpalo sa bato sa halip na pagsasalita rito, nagkasala si Moises sa pagwasak sa uri. Ang bato sa Exodo 17 ay kumatawan kay Kristo sa laman, sinaktan upang magbigay sa atin ng tubig ng buhay, habang ang bato sa Mga Bilang 20 ay sumagisag kay Kristo bilang Dakilang Saserdote natin, hindi sasaktang muli (Hebreo 6:6), kundi magsasalita lamang upang ipagkaloob ang tubig ng buhay.
Ang unang insidente ay naganap sa pagsisimula ng paglilibot, ang ikalawa ay sa pagtatapos; ang parehong insidente dahil dito’y bumubuo ng isang talinghaga ng patuloy na presensya ni Kristo Yahushua sa kanyang bayan sa panahon ng ating “paglilibot sa ilang.”
Ang dalawang insidente na nasaksihan natin ay naganap sa ganap na naiibang lokasyon, at mayroong naiibang salitang Hebreo para sa “bato” na ginamit sa bawat lugar. Sa Exodo 17 ang salitang tsur at sa Mga Bilang 20 ay sela. Kaya ano ang ibig sabihin ni Pablo noong ipinahayag niya na “sila’y uminom mula sa batong espirituwal na sumunod sa kanila”? Halata na ang isang literal na bato ay hindi sinamahan ang Israel sa ilang, at marami ang nararamdaman na ito ang patunay na mismong si Kristo ay kasama nila. Ang kasagutan ay gumagamit si Pablo ng wika ng Kristyanong karanasan at binabasa ito pabalik sa uri ng Lumang Tipan. Ito ay malinaw na ipinapakita ng kanyang sanggunian sa bautismo sa mga berso 1 at 2. Ang mga Israelita ay hindi literal na “binautismuhan.” Sa katunayan, sinabi sa atin na ang tubig ay hindi dumating nang malapit sa kanila; sila’y naglakad sa tuyong sapatos sa Dagat na Pula. Ngunit ang kanilang karanasan ay isang sapat na malapit na pagtutulad para kay Pablo na sabihin na sila’y “binautismuhan kay Moises.” Gayundin ang bato na hindi literal na sumunod sa kanila. Ito lamang ay isang uri kay Kristo Yahushua na kasama natin sa buong buhay.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni John Cunningham.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC