Inasahan Ba Ng Mga Apostol Ang Anumang Sandali Na Pagdating Ni Kristo?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Milyun-milyong mag-aaral ng Bibliya sa iba’t ibang panig ng mundo ay agad sasagot nang, “Oo, syempre” sa katanungang ito, at hindi mag-aalinlangan na magdagdag na ang mga mananampalataya ngayon ay may kaparehong inaasahan. Ang pananaw na ito, ang “anumang sandali” na pagdating ni Kristo, ay isang pangunahing doktrina sa sistema ng interpretasyon na kilala bilang Dispensasyonalismo at idinugtong sa isang katumbas na paniniwala sa tinatawag na “bago ang dakilang pagsubok na rapture” ng simbahan, diumano’y magaganap bago ang Dakilang Pagsubok at ang pagdating ng Antikristo.
Ang puwang ay hindi pinahintulutan ang ganap na pagsisiyasat ng sistemang ito. Ngunit ang nais kong gawin ay tumingin sa ilan sa mga Kasulatan na pinaninindigang nagtataguyod ng anumang sandali na darating at para ipakita na wala sa mga ito ang maaaring gamitin upang sabihin, “Oo, ang mga Apostol ay naniwala na si Kristo ay maaaring dumating sa anumang sandali.” At sa pagwawakas, nais kong ipakita na mayroong isang tiyak na pagkakasunod ng mga pangyayari na dapat maganap bago maaaring bumalik si Kristo, at ang pagkakasunod ng mga kaganapang ito ay maaaring makita nang malinaw sa Kasulatan.
“Tayong mga buhay pa at nananatili…”
Ang unang argumento ay batay sa paggamit ng mga panghalip na panao sa ilang sipi tungkol sa pagdating ni Kristo. Sinabi ni Pablo sa mga taga Tesalonica, “Tayong mga buhay pa at nananatili sa pagdating ng Panginoon…” (1 Tesalonica 4:15). Ito ay isang nangungunang teksto na nagtataguyod sa anumang sandali na pagdating. Lumilitaw na isinama ni Pablo ang sarili niya sa pangkat na mabubuhay sa pagdating ng Panginoon, at sa unang sulyap ito’y lumilitaw na medyo kapani-paniwala.
Ang 1 Juan 3:2 ay gumagamit rin ng kaparehong wika: “Mga minamahal, tayo’y mga anak na ni Yahuwah ngayon. Hindi pa nahahayag kung ano ang magiging katulad natin sa panahong darating. Ito ang alam natin: kapag nahayag na ang Anak, tayo’y magiging katulad niya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang tunay na kalikasan.” Dito’y lumilitaw na sinasabi ni Juan na maaari siyang buhay sa pagdating ni Kristo.
Ang paggamit ng mga panghalip na panao sa paraang ito gayunman ay hindi nagpapatunay ng punto, sapagkat ito ang karaniwan at naaalinsunod na paraan na tinukoy ng mga manunulat ng Bibliya sa kalipunan kung saan sila nabibilang. “Kami na nananatiling buhay hanggang Parousia,” ay maaaring nangahulugan nang mainam, “Iyong mga Kristyanong kalipunan na nananatiling buhay sa Parousia.” Ang patotoo nito ay matatagpuan sa mga sumusunod na sipi.
Sa Mga Bilang 14, ang mga hindi sumasampalatayang Israelita ay hinatulan na maglibot sa ilang sa loob ng 40 taon, at ginawang malinaw na walang makakapasok sa kanila sa lupang pangako. Subalit nabasa natin sa Mga Bilang 15:2, “Pagdating ninyo sa lupaing ibibigay ko sa inyo…” Ang panghalip na “ninyo” ay hindi maaaring mangahulugan na ang bayan ay hinatulan na mamatay sa ilang, bagama’t ang mga salita ay ipinahayag sa kanila. Malinaw ito na tumutukoy sa kanilang mga inapo, ang mga papasok ng lupain. Maaari nating sabihin na ang paggamit ng salita ay “korporasyon,” iyon ay, tinutukoy ang pangkat at hindi kinakailangang isama ang bayan na pinahayagan nito.
Deuteronomio 11:7: “Nguni't nakita ng inyong mga mata ang lahat ng dakilang gawa ni Yahuwah na kaniyang ginawa.” Ito ang sinabi sa pagwawakas ng mga paglilibot, at ang mga naunang berso ay ipinapakita na tinutukoy nito ang mga himala na naganap sa Exodo. Subalit ang malawak na karamihan ng bayan ay hindi personal na nakita ito ano pa man. Muli, tinutukoy nito ang pangkat, sa kasong ito, ang kanilang mga ninuno.
Mga Hukom 2:1: Ang anghel ng Panginoon ay sinabi, “Kayo’y pinaahon ko mula sa Egipto, at dinala ko kayo sa lupain na aking isinumpa sa inyong mga magulang…” Muli, ang panghalip ay tinutukoy ang kanilang mga ninuno at hindi mismo sila.
Ang propetang si Daniel ay iniugnay ang sarili niya sa mga kasalanan ng kanyang bayan sa Daniel 9:5-6, bagama’t namuhay siya ng isang walang dungis na buhay. Gayundin si Apostol Pablo sa Tito 3:3, “Tayo rin noong una ay mga hangal, mga suwail, naliligaw, at naging alipin ng sari-saring pagnanasa at layaw…” Tingnan ang 2 Timoteo 1:3, Mga Gawa 23:1 at Filipos 3:6 para sa talaan ni Pablo ng kanyang aktwal na pamamaraan sa buhay.
Itala na sa 2 Corinto 4:14, sinabi ni Pablo na si Yahuwah “ang bumuhay sa Panginoong Yahushua ay siya ring bubuhay sa amin.” Narito ay malinaw na inaasahan ang kamatayan at muling pagkabuhay sa pagdating ni Kristo. Nagbago ba ang isip niya mula sa 1 Tesalonica? Naniwala ang mga liberal na teologo na ginawa niya, subalit ano ang ginagawa nito para sa ating doktrina ng pagkapukaw? Aling pahayag ang nakapupukaw at alin ang mali? Parehong nakapupukaw. Patuloy na ginagamit ni Pablo ang korporasyong wika ng Kasulatan at nagsasalita sa pangkat kung saan silang lahat ay kabilang.
Ang paggamit na ito ng mga panghalip ay alinsunod sa buong Kasulatan at maaaring ituring bilang “batayang wika,” nangangahulugan na saanman may makikita o may mababasa tayong panghalip na ginamit sa paraang ito, ang paggamit ay pangkatan. Iyong mga nangnanais na gamitin ang wika ng Kasulatan sa isang paraan na naiiba mula rito ay kailangang magdala ng ilang kapani-paniwalang patotoo.
Ang Wika ng Ikalawang Pagdating
Sa mga kapakanan ng kainaman, dapat nating ibuod kung ano ang pinaniniwalaan ng mga Dispensasyonalista tungkol sa ikalawang pagdating. Ang sumusunod na sipi ay mula sa The Approaching Advent of Christ ni Alexander Reese, at itinala mula sa kanyang pag-aaral ng mga kasulatan ng iba’t ibang Dispensasyonalista. Ang siping ito ay binigyang-diin ang ilang termino na mahalaga para sa pagkakaunawa ng paksa, sapagkat ang mga Dispensasyonalista ay nakikita ito:
“Ang Ikalawang Pagdating ni Kristo ay magaganap sa dalawang natatanging yugto; ang una, tungkol sa Simbahan lamang, magaganap sa simula, o bago, ang huli o apokaliptong Sanlinggo ni Daniel; ang ikalawa, tungkol sa Israel at buong mundo, magaganap sa pagwawakas ng Sanlinggong iyon. Sa pagitan ng Pagdating ni Kristo kaugnay sa Simbahan, at Kanyang Pagdating kaugnay sa buong mundo, dito namamagitan ang isang panahon ng pitong taon — ang panahon ng apokaliptong Sanlinggo, kung kailan ang Antikristo ay ipinakita. Sa unang yugto ng Pagdating, ang lahat ng mga namatay kay Kristo kasama ang mga namatay nang matuwid ng Lumang Tipan, ay bubuhaying muli sa larawan at kaluwalhatian ni Kristo; sila, ay makakasama ang mga Kristyano na nabubuhay para makita ang Pagdating ng Panginoon, ay tutungo para makasama ang Panginoon sa himpapawid. Ito ang Pagdating ng Panginoon, at ang tunay na pag-asa ng Simbahan.
“Sa ikalawang yugto, pito o higit pang taon ang lumipas, ang Antikristo ay mapupuksa, ang Israel ay napagbagong loob at papanumbalikin, at ang milenyong kaharian ay itatatag. Ito ang Araw, Paglitaw, o Rebelasyon ni Kristo, at ito’y naiiba mula sa Pagdating, sapagkat ito’y nauugnay sa Simbahan lamang. Ang ikalawang yugto ng Ikalawang Pagdating ay ito, at ito lamang, na nauugnay sa Simbahan, na ito ang magiging panahon para sa paghuhukom at pagbibigay ng gantimpala sa mga makalangit na hinirang para sa kanilang paglilingkod sa lupa. Ang ilan, gayunman, ay tinutukoy ang pagbibigay ng gantimpala sa panahon ng Pagdating, o Rapture, bilang unang yugto na karaniwang tinawag” (pahina 19-20).
Ang siping ito ay binigyang-diin ang ilang termino na mahalaga para sa pagkakaunawa ng ating paksa. Ang Rapture, Pagdating, Paglitaw at Rebelasyon ay mga maalituntuning termino sa panukalang Dispensasyonal, at dapat nating siyasatin ang mga ito nang maikli upang makita kung ang mga ito ba ay kahulugan na inangkin para sa mga ito ng mga Dispensasyonalista.
Ang Rapture ay nagmula sa salitang Latin na rapere, na katumbas ng salitang Griyego na harpazo na ginamit sa 1 Tesalonica 4:17 upang ilarawan ang pagkuha sa mga mananampalataya upang makasama ang Panginoon sa himpapawid. Walang problema sa ganoong paggamit para ilarawan ang pangyayaring iyon. Subalit ang pangyayaring ito ay mali ang pagpapaliwanag ng mga Dispensasyonalista at ginamit sa isang inakalang pagdating bago ang dakilang pagsubok, ang ating paggamit nito ay kailangang angkop sa pagpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin natin. Malamang mas mabuti na lang na hindi gamitin ito para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Ang Parousia ay ang salitang Griyego para sa pagdating. Ang paggamit ni Pablo sa 1 Tesalonica 4 ay sentro ng talakayan. “Ito ang sinasabi namin sa inyo na aral ng Panginoon: tayong mga buhay pa at nananatili sa pagdating (parousia) ng Panginoon ay hindi mauunang makipagtagpo sa Panginoon kaysa mga namayapa. Kasabay ng malakas na utos at ng tinig ng arkanghel at ng tunog ng trumpeta ni Yahuwah, babalik ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Kristo. Pagkatapos nito, tayo na nanatiling buhay ay titipunin sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Pagkatapos noon ay makakapiling na natin ang Panginoon magpakailanman. Kaya nga palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga aral na ito” (1 Tesalonica 4:15-18).
Mahirap na hanapin ang anumang bagay na kubli sa siping ito. Ang parousia ay ang pangyayari na darating si Kristo kasama ang kanyang mga hinirang: “Sa pagdating ng ating Panginoong Yahushua kasama ang kanyang mga banal” (1 Tesalonica 3:13). Ito’y sumasalungat sa pangunahing pagkakaiba na ginawa ng mga Dispensasyonalista. Ang Parousia, sinasabi nila, ay kung kailan darating si Kristo para sa mga banal na hinirang. Dumating lamang siya sa mga hinirang, sinasabi nila, sa rebelasyon, o sa paglitaw.
Gayunman, ang 2 Tesalonica 2:8 ay nagpapakita na sa parousia ay pupuksain ni Kristo ang Suwail: “At kung maalis na ang hadlang, lilitaw na ang suwail. Ngunit lubusan siyang pupuksain ng Panginoong Yahushua sa pamamagitan ng hininga ng kanyang bibig sa panahon ng kanyang maluwalhating parousia.” Ang bersong ito ay salungat sa Dispensasyonalistang panukala ng mga bagay. Ayon sa mga Dispensasyonalista, ang Parousia ay ipinalagay na magaganap bago ang paglitaw ng Suwail (ang Antikristo), subalit natutunan natin na ito’y magaganap sa pagkawasak ng Antikristo.
Ang parousia ay magiging isang maluwalhati, nakikitang pangyayari na masasaksihan ng buong mundo at nagaganap sa katapusan ng propesiya sa Olibo. “Sapagkat kung paano dumarating ang kidlat mula sa silangan at gumuguhit hanggang sa kanluran, sa gayunding paraan ang pagdating ng Anak ng Tao” (Mateo 24:27).
Sa puntong ito, ang mga Dispensasyonalista ay makikipagtalo na ang Parousia ay nangangahulugan na “presensya” at dahil dito’y bumabalot sa buong panahon, kabilang ang alinman sa rapture o rebelasyon sa pagwawakas ng panahon ng pitong taon. Ang Parousia ay maaari nga na mangahulugan na “presensya” at naisalin sa Filipos 2:12, ngunit ang madalas na kahulugan nito ay “pagdating.” Kapag ang parousia ay ginamit kay Yahushua, palagi itong nangangahulugang pagdating niya, Ikalawang Pagdating. Ang mga tuklas ng mga iskolar sa loob ng nakalipas na 150 taon ay nagdagdag ng malinaw na ibig sabihin sa terminong ito na ginamit kay Kristo. Sinabi ni Alexander Reese ang tungkol rito: “Ito ay isa sa mga dakilang kontribusyon ng modernong iskolarsip na nauunawaan na natin ngayon kung ano ang naramdaman ng mga maagang Kristyano noong binasa nila ang sulat ni Pablo ng Parousia ng Panginoong Kristo Yahushua. Ang mga iskolar at mga arkeologo ay naghuhukay sa mga tambak na yagit ng Egipto at natagpuan ang salitang ito sa mga iskor ng dokumento sa pang-araw-araw na buhay para sa pagdating mga hari at mga lider, o pagbisitang sumunod.” Tumungo siya na sipiin ang dakilang iskolar na si Adolph Deismann na nagsabing, “Mula sa panahong Ptolemaic hanggang sa ikalawang siglo AD, nagawa nating bakasin ang salita sa Silangan bilang isang teknikal na pagpapahayag para sa pagdating o pagbisita ng hari o emperador.” Ang paggamit nito sa pagdating ni Kristo ay halata na.
Ang rebelasyon o pahayag ay isang pagsasalin ng salitang Griyego na apokalipto (apokalupsis). Ayon sa mga Dispensasyonalista, ang rebelasyon ay ipinalagay na magaganap matapos ang dakilang pagsubok kapag si Kristo ay dumating na para hatulan ang sanlibutan at itatag ang kanyang Kaharian. Ang simbahan, na kinuha na (raptured), na inaangkin nila, bago ang dakilang pagsubok, ay hindi na maghihintay para sa rebelasyon kundi para sa “rapture.” Subalit hindi ito ang natagpuan natin. Tayo’y “hinihintay na maipahayag ang ating Panginoong Kristo Yahushua” (1 Corinto 1:7). Ang rebelasyon ay ang kaganapan kung kailan ang mga hinirang ay matatanggap ang kanilang kapahingahan at kaginhawaan matapos ang isang panahon ng paghihirap: “Tunay na makatarungan si Yahuwah at parurusahan niya ang mga taong nagpapahirap sa inyo. Siya rin ang magbibigay ng ginhawa sa inyo at sa amin na mga dumaranas ng pagtitiis. Magaganap ito kapag nahayag na ang Panginoong Yahushua mula sa langit kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel. Darating siya sa gitna ng naglalagablab na apoy at magpaparusa sa lahat ng hindi kumikilala kay Yahuwah at hindi sumusunod sa ebanghelyo ng ating Panginoong Yahushua” (2 Tesalonica 1:6-8). Muli, ayon sa mga Dispensasyonalista, ang mga hinirang ay naranasan na ang kapahingahan sa rapture. Tinukoy rin ni Pedro ang isang panahon ng pagtitiis na magwawakas sa rebelasyon. “Sa halip, dapat kayong magalak, sapagkat kayo’y nakikibahagi sa mga pagdurusa ni Kristo upang lubos kayong magalak kapag nahayag na ang kanyang kaluwalhatian” (1 Pedro 4:13).
Ang rebelasyon dahil dito ay ang bagay ng Kristyanong pag-asa kasama ang Parousia, at kapareho rin sa epiphaneia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “pagpapahayag,” ang ikatlong natatanging salita na ginamit sa pagdating ni Kristo. Ang salitang ito ay aktwal na ginamit kasama ang Parousia sa 2 Tesalonica 2:8 na nagsasalita na si Kristo ay pinuksa ang Suwail sa “epiphaneia ng kanyang parousia.” Nagpapayo si Pablo kay Timoteo na “panatilihin ang kautusang ito nang walang dungis hanggang sa maipahayag (epiphaneia) ang ating Panginoong Kristo Yahushua,” muling nagpapakita na ito ay isang bagay ng pag-asa. Inasahan ito ni Pablo: “Ngayon ay nakalaan na sa akin ang koronang inilaan sa mga matuwid, na sa araw na iyon ay igagawad sa akin ng Panginoon, ang makatarungang hukom. Ngunit ito'y hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa kanyang [epiphaneia]” (2 Timoteo 4:8).
Maaari lamang nating tapusin mula sa maka-kasulatang paggamit ng mga salitang ito na ang lahat ng ito’y tinutukoy ang kaparehong iisang kaganapan, ang maluwalhating pagbabalik ni Kristo para puksain ang kampon ng Antikristo at para magbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan sa Kaharian ni Yahuwah. Napakahirap isipin kung paano nag-iba ang kaisipan tungkol rito. Sa kawalan ng kaso, maaaring ang ebidensyang ito ay maipagkasundo sa ideya ng isang bago ang dakilang pagsubok, anumang sandaling pagdating.
Ang Prediksyon na nauugnay kay Pedro
Ngayo’y tingnan natin ang mga prediksyon na ginawa ng Panginoon sa kanyang mga alagad bago umakyat sa langit. Narito’y nakikita natin muli na ang ebidensya ay ganap na laban sa anumang sandaling pagdating ng Panginoon. Isa sa kanyang mga mas kawili-wiling prediksyon ay nauugnay kay Pedro, matatagpuan sa Juan 21:18-19. “’Pakinggan mo ang sinasabi ko sa iyo: noong bata ka pa, binibihisan mo ang iyong sarili at pumupunta ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay, at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo nais pumunta.’ Sinabi niya ito upang ipahiwatig kung paano siya mamamatay sa paraang maluluwalhati niya si Yahuwah.” Maaari nating ipalagay na magkasing-edad sina Pedro at Kristo Yahushua sa puntong ito. Dahil dito’y maaaring asahan ni Pedro ang mga nasa 30 o 40 taon ng buhay bago ang kanyang kamatayan bilang isang martir. Tatlumpung taon ang lumipas, sinulat mismo ni Pedro, “Katunaya’y iniisip kong lagi kayong paalalahanan hangga’t nabubuhay ako. At alam kong hindi na magtatagal at paaalisin na ako sa katawang ito, gaya ng sinabi sa akin ng ating Panginoong Kristo Yahushua. Kaya’t ginagawa ko ang lahat upang matiyak ko na kahit nasa kabilang buhay na ako ay maalala pa ninyo ang mga bagay na ito” (2 Pedro 1:13-15).
Ang pag-uusap na ito ay malinaw na nalalaman sa buong Simbahan, at hindi posible na mag-akala kung paano ang sinuman ay maiisip na ang Panginoon ay maaaring dumating sa anumang sandali na ibinigay ang prediksyong ito. Habang si Pedro ay nabubuhay at hindi nagiging isang martir, ang ganoong pangyayari ay imposible.
Ang Palatuntunan para sa Ebanghelyo
Ang mga tagubilin ng Panginoon tungkol sa pagtuturo ng Ebanghelyo ay inaalis ang isang anumang sandaling pagdating. Mayroong ilang talaan nito, ngunit gagamitin natin ang isa sa Mga Gawa: “Sa halip, tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Banal na Espiritu, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, hanggang sa dulo ng daigdig” (Mga Gawa 1:8). Ito ang palatuntunan para sa Simbahan, at ang bawat isa sa mga yugto nito ay malinaw na minarkahan sa Mga Gawa. Ang pagpapatotoo sa Jerusalem ay sumaklaw ng ilang kabanata hanggang sa katapusan ng kabanata 7 sa pagpatay kay Esteban. Ang kahihinatnan ng kamatayan ni Esteban ay humantong sa pagsisimula ng katuparan ng ikalawa at ikatlong yugto, nagpapatotoo sa Judea at Samaria. Ang Samaritanong misyon ay nagsimula sa kabanata 8 sa pamamagitan ng gawa ni Felipe at malamang ay umabot ng ilang taon matapos ang pag-akyat.
Sa kawalan ng panahon maaaring bumalik ang Panginoon hanggang sa kahit papaano ang mga kaganapang ito ay nangyari na. Ngunit ang komisyon na tumungo “hanggang sa dulo ng daigdig” ay hindi magsisimula hanggang ang Ebanghelyo ay tumungo sa mga Hentil at ito ay naitala sa mga kabanata 10 at 11. Ang mga komentarista ay hindi tiyak kung ano ang kahalagahan ng “hanggang sa dulo ng daigdig”, ngunit ito dapat ay isama ang nalalabi ng aklat ng Mga Gawa. Itala na si Pablo ay sinipi ang Isaias 49:6 sa mga Hentil sa Mga Gawa 13:47. Ang komisyon sa Isaias 49 ay ibinigay sa Lingkod, si Kristo, at tinutukoy nito sa konteksto sa liwanag na darating sa mga Hentil bago ang bayan ng Israel ay tinipon muli. (Tingnan ang mga berso 4, 5 para sa pagkakasunod rito.) Ang bersong ito ay ang balangkas sa komisyon ng Panginoon, at ang Mateo 24:14 ay nakabatay rito. Malinaw muli na inalis nito ang isang anumang sandaling pagdating ng Panginoon.
Pagkakasunod ng mga Kaganapan
Isang pangunahing pagtatalo ng Dispensasyonalismo ay ang simbahan ay hindi tutungo sa poot ni Yahuwah. “Hindi tayo itinakda ni Yahuwah sa parusa, kundi upang tumanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Kristo Yahushua” (1 Tesalonica 5:9). Syempre, ito ay totoo, ngunit sa pagbibigay ng kalituhan sa dakilang pagsubok at Araw ng Panginoon, at nakikita na ang dakilang pagsubok ay isang panahon ng pagdurusa para sa bayan ni Yahuwah, maaaring pagtibayin ng mga Dispensasyonalista na ang simbahan ay tinanggal sa Parousia na bago ang dakilang pagsubok at ang bayan na tutungo sa dakilang pagsubok ay hindi ang simbahan kundi ang mga Hudyo na nagbagong-loob sa panahong ito.
Totoo na si Yahuwah ay hindi pahihintulutan ang Kanyang bayan na maapektuhan ng Kanyang poot, ngunit hindi Niya kailangang dalhin sila sa langit para protektahan sila. Sa Pahayag 7, makikita natin ang pagtatatak sa 144,000 na mga nagbagong-loob. Malinaw mula sa Pahayag 9:4 na sila’y nananatili sa lupa habang ang mga barang ay hindi pinahintulutan na saktan sila sa anumang paraan. Ang Awit 91 ay nagbibigay sa atin ng isang napakagandang larawan ng paraan kung saan si Yahuwah ay ipagtatanggol ang Kanyang bayan sa panahong iyon.
Kailan darating si Kristo? Naglalaman ang Pahayag 16:15 ng sumusunod na babala: “Tandaan ninyo, dumarating ako na tulad ng isang magnanakaw! Pinagpala ang laging nakahanda at nakadamit, upang hindi siya lumakad nang hubad at mapahiya sa madla.” Ito ay sandali bago ang ikapitong salot, ang huling kaganapan ng buong pagkakasunod, at si Kristo ay hindi pa dumarating. Ang mga nalalabi na lamang kaganapan ay ang labanan sa Armageddon, ang dakilang lindol, ang salot na yelo. Ito’y inilarawan nang mas detalyado sa kabanata 19, Ezekiel 38-39 at marami pang ibang sipi. Hindi natin kailangang magpalagay na ang mga kaganapang ito ay mangyayari sa loob ng ilang araw. Ang hukbong sasalakay na tinipon sa Armageddon ay walang duda na nangangailangan ng ilang panahon. Ang mga paglusob ay hindi nagaganap nang kusang-loob sa magdamag kung baka maalala mo mula sa dalawang pagsalakay ng Iraq sa mga kamakailang dekada. Sa ilang punto sa panahon bumalik si Kristo upang muling buhayin ang kanyang bayan (1 Corinto 15:23; Daniel 12:2), at pupuksain ang kampon ng Antikristo. Hindi na tayo magiging mas tiyak sa mga ito kundi maaari lamang umasa sa pag-asa.
Ang pagdating ni Kristo sa panahon ng Araw ng Panginoon ay kapansin-pansing kinumpirma sa dalawang sulat sa mga taga-Tesalonica. Balintuna, ang dalawang sulat na ito ay ginamit para patunayan ang pananaw ng bago ang dakilang pagsubok, ngunit ang dalawang sulat ay saksi laban rito sa isang kapansin-pansing paraan.
1 Tesalonica 5:1-2: “Mga kapatid, hindi na namin kayo kailangang sulatan kung kailan mangyayari ang lahat ng ito. Alam ninyo na tulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi ang pagdating ng Araw ng Panginoon.” Ang pagkakahati ng kabanata ay itinago ang koneksyon sa anong sinabi sa kabanata. Ang nauuna sa “kapanahunan” ay maaari lamang tumukoy pabalik sa Parousia na nabanggit na naunang kabanata. Ang Araw ng Panginoon ay hindi isang bagong paksa kundi isang pagpapatuloy ng kaparehong salita.
Ang ikalawang sulat ay isinama din ang parousia, ang ating pagtitipun-tipon kasama si Kristo, at ang Araw ng Panginoon, at nagbabala sa kanila laban sa paniwala na ang Araw ng Panginoon ay nagsimula na. Ito’y hindi magaganap hanggang “ang paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng suwail” (2 Tesalonica 2:3) ay unang maganap.
Ang 1 Corinto 15:50-58 ay hindi naglalaman ng anumang tala ng pagkakasunod ng panahon, at tiyak na wala rito ang nangangailangan na ang pagdating ni Kristo ay magaganap bago ang dakilang pagsubok. Ang nabanggit, gayunman, ng huling trumpeta (15:52) ay idinugtong ito sa 1 Tesalonica 4:13-18 at sa ikapito at huling trumpeta ng Aklat ng Pahayag (11:15; 20:1-4). Ito’y lumilikha ng sakdal na pagkakatugma.
Ang kahalagahan ng pagkakaunawa ng mga propetikong kaganapan nang tama, pinaka kapansin-pansin ang pagdating ni Kristo, ay ipinakita nang malinaw sa saloobin ni Pablo sa mga taga-Tesalonica. Naglaan lamang siya ng tatlong linggo sa siyudad, subalit malinaw mula sa 2 Tesalonica 2 na ganap na tinuruan sila sa pagdating ng Suwail, ang paghihimagsik, ang Araw ng Panginoon at ang pagdating (Parousia) ni Kristo. Dagdag pa, hindi niya itinuring ang mali, bagong pananaw bilang pinapayagan at hindi mahalaga hindi kagaya ng maraming magkapanabay na mga Kristyano.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni John Cunnigham.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC