Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Lampas sa ibinigay ni Yahuwah na katuwiran at biblikal na rebelasyon, ipinagkaloob para sa atin sa lohikal na wika, na ilagak ang katapatan at kaalaman ng isang tao sa isang panukala na hindi maaaring ilarawan sa normal na balarila at lumalabag sa lohika. Upang sumuko sa isang walang saysay na lohika ay ang palatandaan ng panlilinlang na naranasan ni Eba. Tinutukoy ko ang paksa na si Yahuwah ay isa at tatlo sa kaparehong panahon. Kung ang Ama ay si Yahuwah at si Yahushua ay si Yahuwah rin, ito’y gumagawa ng dalawang Yahuwah. Ngunit ang Bibliya ay ipinahayag na mayroon lamang isang Yahuwah.
Kapag tinanggap natin ang isang panukala na lumalaban sa mga batas ng wika, pakusang pinapahinto natin ang kritikal na punsyon sa kaisipan, dahil dito’y pinapaso ang ating kapasidad na ibinigay ni Yahuwah na maisip sa lohikal na paraan. Ito pa’y nagpapahintulot sa atin na basahin at talakayin o isipin na maaari nating maresolba ang mga nagtatalong ideya habang sa katunayan ay naniniwala sa ganap na walang saysay. Matalinong siniyasat ni Peter Berger: “Ang kapasidad ng mga tao na tanggapin ang maliwanag na walang saysay ay tumataas, sa halip na bumababa, sa sumulong na edukasyon.” Ang kakaibang ugaling ito, naniniwala ako, ay dumarating sa paggawa ng anong inabiso ni Yahushua na salungat — inaalok sa ibang tao ang isang saloobin ng hindi karapat-dapat na pangkaisipang sindak. Ang ma-“star-struck” ay nagpapakita lamang ng ating sariling mental na katamaran o takot ng pagiging kakaiba. Madalas ang takot sa pagganti o pagtanggi ay pinapawalang-sala ang ating intelektwal na integridad. Sinabi ni Voltaire (1751), “Mapanganib na maging tama sa mga bagay kung saan ang mga itinatag na mga awtoridad ay mali.”
Minsan, ito ay sa diwa ng misteryo ang humihikayat at lumalamon sa atin. Sa doktrina ng Trinidad, si Tertullian, isang maagang Kristyanong teologo at moralista (150-225), ay sinabi: “Naniniwala ako dahil ito ay balintuna.” Mas kamakailan, ang napakatalinong kaisipan ni Isaac Newton ay ibinigay sa atin ang komentong ito sa Trinidad: “Ang sangkatauhan ay makiling sa mga misteryo, at walang pinanghahawakang bagay na napakabanal at sakdal na hindi maaaring maunawaan.” Tumungo siya sa pagsabi na siya’y sumali para sa mga biblikal na pagpapaliwanag, nang “walang pagpipilit ay binabawasan ang mga bagay sa pinakadakilang kapayakan…Ang katotohanan ay matatagpuan lamang sa kapayakan, at hindi sa pagkarami-rami at kalituhan ng mga bagay.”
Ang matalinong komentaristang Briton na si Henry Alford, nagsasalita sa ulat ni Lucas na si Maria ay hindi tinupad ang kanyang pag-aasawa hanggang matapos ang kapanganakan ng kanyang panganay na anak, nabanggit kung paano ang pagkiling at pagpapalagay ay maaaring hadlangan ang pagkakaunawa ng mambabasa nang halata na: “Ang prima facie [unang engkwentrong] impresyon sa mambabasa (Mateo 1:25) ay tiyak na ‘si Jose ay hindi nalalaman ang tungkol sa kanya [Maria] hanggang…’ sa isinara sa panahong nabanggit rito…Wala sa Kasulatan ang dumadako na tanggalin ang impresyon na iyon…Sa kabuuan tila para sa akin ay walang sinuman ang makakapag-isip ng pagpapaliwanag ng berso ano pa man kung hindi sa prima facie na kahulugan, maliban kung pilitin ito alinsunod sa isang napaunang palagay ng pamalagiang pagkabirhen ni Maria.” Isang bilyong Katoliko ay hinikayat na baluktutin ang halatang katunayang ito at paniwalaan ang pamalagiang pagkabirhen at maging ang kawalan ng kasalanan ni Maria.
Maaari nating tingnan na walang sinuman ang maaaring hindi maunawaan ang Juan 17:3, “Ikaw, Ama, ang makilala nila na iisang tunay na Yahuwah” hanggang ang konsepto ng Trinidad ay pumagitan upang wasakin ang napakaliwanag, na lohika at wika.
Ang kasigasigan ay ipinakita ng ilan sa ngalan ng isang doktrina na inamin na hindi nila maipaliwanag ay kahanga-hanga. Ang tagapagtanggol ng Trinidad na si Millard Erickson ay sinipi: “Subukan mong maunawaan ito [ang Trinidad] at ika’y mababaliw.” Kabaligtaran nito, ang Apostol Pablo ay tiniyak kay Timoteo na “hindi tayo binigyan ni Yahuwah ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili” (2 Timoteo 1:7). At, sinabi ni Pedro, ibinigay sa atin ni Yahuwah ang “lahat ng kailangan natin para mamuhay nang may kabanalan. Itoʼy sa pamamagitan ng pagkakakilala natin sa kanya na tumawag sa atin. Tinawag niya tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan niya at kabutihan” (2 Pedro 1:3). Tiniyak sa atin ni Moises na “May mga lihim na bagay na si Yahuwah na ating Diyos lang ang nakakaalam, pero ipinahayag niya sa atin ang kanyang kasunduan, at dapat natin itong sundin maging ng ating lahi magpakailanman” (Deuteronomio 29:29). Dapat tayong magpasya kung ang ating doktrina ay tunay ngang “ipinahayag” o ito’y isang magusot na konstruksyon batay sa tradisyon matapos ang biblikal na panahon.
Malamang, gaya ng ginawa ni Pablo sa Mars Hill, maaari tayong gumamit ng ilang sekular na pilosopiya upang tumulong sa atin na gawin ang punto. Sinabi ni Arthur Schopenhauer, “Walang opinyon, gayunman na balintuna, ang hindi agad-agad yayakapin ng mga tao sa panahon na maaari nilang mahatid sa paniniwala na ito’y pinagtibay sa pangkalahatan.” Siniyasat ni Winston Churchill na “Karamihan sa mga tao, minsan sa kanilang mga buhay, ay nadadapa sa kabila ng katotohanan. Karamihan ay lumulundag, iwawaksi sa kanilang mga sarili, at nagmamadali ukol sa kanilang trabaho na parang walang nangyari.” Sinabi ni George Orwell, “Ngayon tayo’y nalubog na sa isang kailaliman kung saan ang muling hayagan ng maliwanag ay ang unang tungkulin ng mga matatalinong tao.” Sinabi ni Orwell na “maliwanag” at hindi “mapagmataas.”
Layunin ng maiksing sulat na ito na ipaalala sa atin na kailangan nating suriin kung ano ang pinanghahawakan natin bilang patotoo, at sapagkat sinabi ni Isaac Newton sa pagbabasa ng Kasulatan, “walang pagpipilit ay binabawasan ang mga bagay sa pinakadakilang kapayakan…Ang katotohanan ay matatagpuan lamang sa kapayakan, at hindi sa pagkarami-rami at kalituhan ng mga bagay.” Kung ang mga propeta, si Yahushua o ang mga Apostol ay hindi nabanggit ang Trinidad, paano naging lubos ang kahalagahan nito? Maaari ba ang mga manunulat ng Bibliya, binabasa ang mga salita para kay Yahuwah nang 11,000 beses, ay naniwala sa tatluhang Yahuwah nang wala kahit isa sa 11,000 beses na nabanggit si “Yahuwah” ay nangahulugan ng tatluhang Yahuwah?
Sa kasalukuyan, ang karamihan ay maiging humahawak sa mga doktrina ng may kaduda-dudang pinagmulan dahil sila’y patuloy at minsang nagbabantang kinakatigan ng pulpito, niyakap ng pang-akademikong hinirang, o nabalaan ng kasaysayan at mga tanyag na pangalan. Kakaunti lamang ang gumagawa gaya ng mga marangal na taga-Berea. Naglaan sila ng panahon na pag-isipan at “araw-araw nilang sinasaliksik ang Kasulatan para tingnan kung totoo nga ang mga sinasabi nina Pablo” (Mga Gawa 17:11). “Dahil dito,” dagdag ni Lucas, “marami sa kanila ang sumampalataya” (17:12). Pinuri at inirekomenda niya ang kanilang marangal na paglapit sa patotoo.
Marami sa ngayon ang inuusisa ng awtoridad sa mga umaangkin ng “espesyal na kaalaman.” Ang mga bantog at konserbatibong teologo ay ipinupunto ang mga doktrinal na kamalian na naging pangunahing linya ng paniniwala sa loob ng 1,600 taon. Ang mga tao na “kilala ang kanilang Diyos” ay kailangang maglaan ng pansin at panahon na madasaling siyasatin kung ano ang naisip nilang pinaniniwalaan nila. Kung sa proseso ay mayroong isang pagkasira ng maagang “paniniwala,” gayong tiyak na posible, isang dakilang pangangailangan para sa disiplinadong pagtuturo na biblikal upang muling itayo ang lehitimong paniniwala na pinalitan ng huwad kung saan tayo’y nagdurusa.
Kapag nadiskubre natin na ang ating maagang paghatol ay hindi biblikal at hindi totoo, maaari itong dumating bilang isang nagwawasak na sindak. Iyong mga tao sa kagandahang-loob ni Yahuwah na may mas nalalaman ay dapat ihanda ang kanilang mga puso na maging lingkod sa mga nawasak ang puso. Iyong mga inibig ang teologo, pensyon at tradisyon ng Simbahan nang higit sa rebelasyon ni Yahuwah sa Kasulatan at mga hindi mailarawan ang posibilidad na maaari silang nasa kamalian, ay sasalang sa isang drastikong muling pagsasaayos ng kanilang pananampalataya. Mabuting sinabi na ang isang tao na matapat na nagkamali ay naririnig ang patotoo, siya malamang ay titigil sa pagkakamali o titigil sa pagiging matapat. Ito ang magiging pasya ng mga matapat na sinisiyasat ang kredo ni Yahushua at ng Trinidad. “Purihin si Yahuwah at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua! Dahil sa laki ng kanyang dakilang kahabagan ay muli tayong ipinanganak sa isang buháy na pag-asa sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo Yahushua mula sa kamatayan, upang magkamit ng isang manang hindi nasisira, walang dungis, at hindi kumukupas na inihanda sa langit para sa inyo” (1 Pedro 1:3-4). Isang Diyos, ang Ama. Isang tao na ating Mesias at isang Ebanghelyo ng Kaharian.
Ang napakahalagang pamana ng Kaharian ni Yahuwah ay mapapasa-atin kapag si Yahushua ay bumalik upang ibigay sa atin ang pagiging imortal at ilagay tayo sa kanyang Kaharian sa isang binagong daigdig. Sa lubos na maka-Hudyong kaisipan ni Yahushua, lahat ng mga dakilang bagay ng hinaharap ay planado na sa langit ni Yahuwah. Ipapakita ang mga ito sa hinaharap dito sa lupa, sa pagbabalik ng Mesias para umupo sa binagong trono ng Israel. Ang dakilang pangakong ito ay maningning na simple at malinaw sa Mateo 19:28. Ang mga apostol na sinanay ni Yahushua at lubusang nauunawaan ang Kaharian (Mateo 13:51; Mga Gawa 1:3; Mateo 5:5; Roma 4:13; Pahayag 5:10) ay tinanong ang nararapat na “huling katanungan” sa Mga Gawa 1:6: “Panginoon, ito na ba ang panahong itatayo mong muli ang kaharian sa Israel?” Sila’y sabik na naghihintay sa kanilang Kristyanong kapalaran sa Kaharian na paparating.
Lahat ng ito’y darating bilang isang sindak sa mga pinalaki sa isang dyeta ng “langit” bilang isang walang katiyakang lokasyon para sa mga kaluluwang nahiwalay sa katawan sa kamatayan. Bakit hindi na lang palitan ang lahat ng wikang “langit” para sa paparating na Kaharian ni Yahuwah? At bakit hindi yayakapin ang kredo ni Yahushua na si Yahuwah ay Isang Yahuwah (Marcos 12:29), at tiyak na hindi dalawa o tatlo.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Keith Relf.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC