Literal na Pag-Iral Bago Isilang at Pagkakatawang-Tao ay mga Paganong Konsepto at Hindi Biblikal na Doktrina
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Wala saanman sa Bibliya ang nagsasabi ng “pagkakatawang-tao,” at pati rin ang isang “literal na pag-iral bago isilang na espiritung katauhan.” Maraming erehya ang gumapang sa pananampalataya na hindi ang “pananampalatayang minsanan at magpakailanman na ipinagkatiwala sa mga banal” (Judas 1:3).
Ang buong ideya ng pag-iral bago isilang at pagkakatawang-tao ay itinayo sa batayan ng isang “imortal na kaluluwa.” Ang pagtuturo ng isang imortal na kaluluwa ay erehya. Ang paganong doktrina ay ang “kaluluwa” ay bahagi ng isang tao, isang entidad, na hindi namamatay. Syempre, si Satanas ang nagpasimuno ng kasinungalingang ito mula pa sa Hardin, noong sinabi niya kay Eba, “Tunay na hindi kayo mamamatay” (Genesis 3:4).
Ang paganong konseptong ito na ang kaluluwa ay hindi namamatay ay nangangahulugan na ang “totoong ikaw” ay hindi maaaring mamatay; ang “katawan” mo lamang ang namamatay! Ginagawa nila ito kay Yahushua; hindi naman talaga siya namatay, ang katawan niya lamang ang namatay, at siya’y nagpapatuloy na mamuhay sa isang may kamalayan na buhay. Sa kaparehong paraan, ang huwad na pagtuturong ito ay inangkop sa atin kaya hindi naman tayo mamamatay. Ang paganismo ay tiyak na may pinanghahawakan sa palsipikadong Kristyanismo bukod sa mundo sa pangkalahatan. Nililito nila ang konsepto ng “kaluluwa” at “espiritu.” Itinuro na ang “kaluluwa” ng tao ay ang kanyang “espiritu” at ang “espiritu” na ito ay nagpapatuloy sa pamumuhay.
Ito ay hindi totoo.
(Walang Buhay na Katawan) + (Hininga Mula kay Yahuwah) = (Kaluluwang May Buhay)
‘At nilalang ng Panginoong Yahuwah ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay NAGING kaluluwang may buhay.’ Genesis 2:7
Sa saligan nito ay isang bangkay. Walang anumang tumatakbo. Hindi ito hanggang si Yahuwah “hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay” (hininga: ruach/espiritu) kaya si Adan ay NAGING isang kaluluwang may buhay. Siya AY isang kaluluwa, hindi na siya ay mayroong kaluluwa. Ang mga hayop ay mga kaluluwang may buhay din.
Kabaligtaran, kapag ang hininga ay nilisan tayo, ang nabubuhay na kaluluwa ay nagwawakas na patay. Walang anuman na ang tao ay nabubuhay sa isang estadong walang katawan matapos siyang mamatay. Kung ang isang kaluluwa o espiritu ay walang hanggan, maaari lamang itong mangahulugan na ito’y umiral bago ito manahan sa katawan at dapat na magpatuloy sa buhay matapos mamatay ang katawan. Gaano man natin hiwain at pira-pirasohin ang konseptong ito, kung ang ating katawan ay pansamantala at ang espiritu ay walang hanggan, na itinuturo natin, ito’y umuusad sa “pag-iral bago isinilang.”
Ang inakalang imortal na espiritu, ang tunay na ikaw, ay bumabalik kay Yahuwah, na nagbigay nito.
Ang espiritu [ruach-hininga] ng tao ay bumabalik kay PANGINOONG Yahuwah, na nagbigay nito, at ang kaparehong kapalaran sa mga hayop. Ito’y walang kinalaman sa isang “imortal na kaluluwa” o “espiritu” na isang hiwalay na entidad sa loob ng katauhan, ano pa man ang sinasabi ng mga komentaryo.
Ngayon ang mga tao ay sasabihin na kapag ang isang tao ay namamatay, ang kanyang espiritu ay bumabalik kay Yahuwah na ang ‘espiritu’ na ito ay isang hiwalay na entidad na nananatiling may kamalayan. Ang aktwal na tao ay nagpapatuloy sa buhay sa labas ng katawan sa walang hanggang kaligayahan kasama si Yahushua sa langit ay batay sa Mangangaral 12:7:
“At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik kay Yahuwah na nagbigay sa kaniya.”
Isang komentaryo (JFB) ay nagsasabi: “espiritu — nakaligtas mula sa katawan; nagpapawatig ng pagiging imortal nito.”
Sinasabi ni Barnes: “Ang Espiritu – Ang doktrina ng buhay matapos ang kamatayan ay ipinahiwatig rito…”
Ang tanging dahilan kung bakit sinasabi nila na ito’y “ipinahiwatig” ay dahil naimpluwensyahan sila ng mga Griyegong Platonikong konsepto na pilosipiya na binalaan ni Pablo laban sa atin (Colosas 2:8). Ito ay si Plato na nabuhay humigit-kumulang 300-400 taon bago si Yahushua na nagbigay ng kanyang pilosopikong huwad na paniniwala na ang tao ay likas na imortal.
Tungkol sa Mangangaral 12:7, naniniwala ako na ang sumusunod na pagsasalin ay isinalin nang tama:
“Kaya ang ating katawan ay bumabalik sa lupa, at ang hininga na nagbibigay ng buhay ay bumabalik kay Yahuwah.”
Pag-isipan rin natin ang tungkol rito sa isang sandali. Kung ang tao ay nais na ituro na ang isang “espiritu” ng tao ay bumalik kay Yahuwah at nagpapatuloy sa pamumuhay sa isang buhay na may kamalayan matapos ang kamatayan, pagkatapos ay kailangan nilang aminin na ang mga krimen ng mga pinakamasamang GUMAGAWA NG KASAMAAN (gaya ni Hitler) ay kasama kay Yahuwah sa mismong sandaling ito. Syempre, ito ay isang kabaliwan.
Ang ibang problema sa huwad na umiral bago isilang na paganong palatuntunan ay umaangkop ito sa paniniwala sa pagkakatawang-tao. Ang paganong pagtuturo ng “pagkakatawang-tao” ay isang espiritu na sumasapi sa isang katawan. Mayroon tayong pagkakatawang-tao at muling pagkakatawang-tao – isang naulit na proseso kung saan ang isang espiritu ay sumasapi sa isang katawan hanggang ang katawang iyon ay mamatay at lumilipat sa isa pang katawan hanggang ito’y mamatay, at nagpapatuloy. Walang sinuman ang nadulas tungo sa isang katawan, kabilang si Yahushua.
Si Yahushua ay hindi nabuhay, nabubuhay ng isang buhay na may kamalayan bilang isang “espiritwal na nilalang” at hindi rin bilang “anak ni Yahuwah,” na imortal, na kailangang iwan ang kanyang pananahan sa kalangitan upang sumapi sa isang katawan sa daigdig. Ito ay pagtuturo ng “isa pang Kristo.” Hindi rin tayo imortal, nananahan ng isang katawan, subalit ang pagtuturong ito ay naggigiit sa maraming simbahan at Hollywood (ang pelikulang “Ghost,” halimbawa, at iba pang pelikula).
Ang Bibliya ay sinasabi na si Yahuwah lamang ang may imortalidad (1 Timoteo 6:16), na nangangahulugan na Siya hindi kailanman magiging paksa ng kamatayan. Hinahangad natin ang buhay na walang hanggan (Roma 2:7). Gaya ni Yahushua, sa isang araw, bibigyan din tayo ng buhay na walang hanggan, hindi na muling magiging paksa ng kamatayan (1 Corinto 15:54).
Kung si Yahushua ay dumating sa mundong ito nang imortal, si Yahushua ay hindi naman talaga namatay! Kung darating tayo sa mundong ito nang imortal, hindi tayo mamamatay, na mali ayon sa Banal na Kasulatan. Ito lamang ay ang kasinungalingan ng diyablo na pinaniwalaan ng marami na totoo ito.
Marami ang naggigiit na ang katawan lamang ni Yahushua – ang kanyang laman—ang namatay sa krus, at ang tunay na Yahushua (ang espiritu) ay patuloy sa pamumuhay. Mga kaibigan, ito ay pagyayakap sa mga pagtuturo ng Gnostisismo. Kung ang isa ay hindi namatay, hindi niya kailangang muling mabuhay; dahil dito, si Yahushua ay tunay na hindi muling nabuhay mula sa patay. Ang mga tao ay ibinaba sa “katawan.” Kung gagawa tayo ng kaunti pang paghuhukay, hindi natin matatagpuan ang isang parirala na nagsasabi ng “muling pagkabuhay ng katawan!” May mga parirala na “ang muling pagkabuhay,” “ang muling pagkabuhay ni Kristo Yahushua,” “ang muling pagkabuhay mula sa patay,” o “muling pagkabuhay ng matuwid,” ngunit hindi kailanman ang “muling pagkabuhay ng katawan.” (Mateo 22:23; 28, 30, 31; Mateo 27:53; Marcos 12:18, 23; Lucas 14:14, 20:27, 33, 35, 36; Juan 5:29, 11:24, 25; Mga Gawa 1:22, 2:31, 4:2, 33, 17:18, 32, 23:6, 8, 24:15, 21; Roma 1:4, 6:5; 1 Corinto 15:12, 13, 21, 42; Filipos 3:10, 11, 2 Timoteo 2:18; Hebreo 6:2, 11:35; 1 Pedro 1:3, 3:21; Pahayag 20:5, 6). Ang muling pagkabuhay ay alalahanin sa buong indibidwal.
Ang espiritu (peneuma/hininga/diwa) ay isang mahalagang tuntunin o nagbibigay-buhay na pwersa sa loob ng nabubuhay na nilalang. Sinabi ni Yahushua,
“Ama, sa iyong mga kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!”
Ibig sabihin nito na si Yahushua ay hininga ang kanyang panghuling hinga ng buhay. Tinawag ni Yahushua sa malakas na tinig,
“Ama, sa iyong mga kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu [pneuma].”
At pagkasabi nito’y nalagutan siya ng hininga. –Lucas 23:46. Noong sinabi ni Yahushua, “Ama, sa iyong mga kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu,” hindi niya sinasalita ang tungkol sa pagsusuko ng isang hiwalay na entidad ng sarili niya upang lisanin ang kanyang katawan na nagpapatuloy sa pag-iral sa labas ng katawan nang may kamalayan. Nalagutan lamang ang kanyang “hininga,” ang kanyang buhay, tungo sa mga kamay ng kanyang Ama. Ito ang hininga na bumabalik kay Yahuwah, hindi isang personal, may kamalayan na entidad. Sinasabi ni Santiago sa 2:26: “…ang katawang walang espiritu (pneuma/hininga) ay patay.”
Ipinapalagay ng mga tao ang isang literal na pag-iral bago isilang at pagkakatawang-tao ni Yahushua. Ito ay isang batayan na walang pundasyon sa Banal na Kasulatan. Nagtayo tayo sa isang lumulubog na buhangin kapag ibinabatay natin ang mga bagay sa isang saligan. Gaano man lohiko ang isang bagay, kung ang batayan ay mali, ganon din ang lahat ng bagay.
Ang ideya na si Yahushua ay buhay at may kamalayan bago ang kanyang kapanganakan sa Bethlehem ay katawa-tawa. Si Yahushua ay palagi na isang lehitimo na nilalang na tao gaya natin, hindi isang “anghel” na naging tao, o isang “espiritwal na nilalang” na naging isang tao, hindi rin ang isang “walang hanggang Anak ni Yahuwah” na naging isang tao. Walang anumang pag-iral bago isilang at pagkakatawang-tao. “Natanggap” ni Maria ang isang espiritu sa pagkakatawang-tao sa halip na “nanganak ng isang sanggol.” Sa halip, ang Mesias ay palaging nasa kaisipan at plano ni Yahuwah. Ipinangako ang isang Mesias. Ang Mesias ay dumating sa pag-iral sa kabatiran sa sinapupunan ni Maria.
Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalugdan ka ng Diyos. Kaya, magdadalang-tao ka at magsisilang ng isang lalaki, at tatawagin mo siya sa pangalang Yahushua.” –Lucas 1:30-31
Ang “literal na pag-iral bago isilang” at “pagkakatawang-tao” ay hindi isang Biblikal na konsepto. Ito lamang ay pagano.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ng divingword.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC