Maaari ba na ang mga Isinulat ni Ellen White ay Kathain ang Banal na Kasulatan?
“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta! Lumalapit sila sa inyo nang nakadamit-tupa, ngunit sa loob ay mga mababangis na asong-gubat.” Mateo 7:15, FSV |
Ang pamagat ng artikulong ito ay hindi arbitraryo. Ibig naming sabihin ito kapag sinasabi namin na ang mga may-akda ng Bibliya ay maling-mali kapag iginiit nila ang sumusunod:
- ‘Sapagkat sino sa langit ang maitutulad kay Yahuwah? Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ni Yahuwah.’ ‘Oh Panginoong Yahuwah ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh Yahuwah? At ang pagtatapat mo’y nasa palibot mo.’ (Awit 89: 6, 8) Si Ethan, ang Ezrahita na nagsulat ng awit na ito, ay nasa isang kawalan upang hanapin ang isa pa na katumbas kay Yahuwah Ama.
- ‘Sino ang gaya ni Yahuwah nating Diyos, na may kaniyang upuan sa itaas.’ (Awit 113:5) Ang awit na ito ay isinulat ni Moises o David. Alinman sa kanila ay hindi maaaring mahanap ang isa pa gaya ni Yahuwah Ama.
- ‘Walang gaya mo, Oh Yahuwah; ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kapangyarihan.’ (Jeremias 10:6) Si Jeremias ay nasa kawalan rin upang hanapin ang isa pa na katumbas ni Yahuwah Ama.
- ‘Walang gaya mo sa gitna ng mga diyos, Oh Yahuwah; wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.’ (Awit 86:8) Ang awit na ito ay isinulat ni David. Siya rin, ay nasa kawalan upang hanapin ang isa pa na katumbas ni Yahuwah Ama.
- ‘Ang iyo ring katuwiran, Oh Diyos, ay totoong mataas; ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay, Oh Diyos, sino ang gaya mo.’ (Awit 71:19)
- ‘Sinong gaya mo, Oh Yahuwah, sa mga diyos? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?’ (Exodo 15:11) Muli, si Moises ay nasa kawalan upang hanapin ang isa pa na katumbas kay Yahuwah Ama.
- ‘Oh Panginoong Yahuwah ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh Yahuwah? At ang pagtatapat mo’y nasa palibot mo.’ (Awit 89:6)
Nakalulungkot, sina Moises, David, Ethan ang Ezrahita, at Jeremias ay hindi namuhay upang basahin ang mga isinulat ni Ellen White. Kung sila’y magkapanahon kay Ellen White, hindi na sila mangangailangan na magtaka kung sino ang katumbas kay Yahuwah. Si Ellen White sa ‘ilalim ng pagkapukaw’ ay mariin na ipinahayag na may isa pa na katumbas kay Yahuwah. ‘Sapagkat si Kristo ay katumbas sa Diyos, walang hanggan at makapangyarihan sa lahat.’ The Youth’s Instructor, Hunyo 21, 1900.
Milyun-milyong tagasunod sa iba’t ibang panig ng mundo ay itinaas ang mga isinulat ni Ellen White sa antas kung saan nararamdaman nila mas komportable na tinatanggap ang kanyang mga pahayag kaysa sa mga isinulat nila Moises, David, Ethan ang Ezrahita, at Jeremias. Ipalagay ang mga tagasunod ni Ellen White ay hindi nag-alala sa pinakamababa na pabayaan ang mga napukaw na kasulatan ng Bibliya at sa halip ay tanggapin ang kanyang mga pahayag bilang kanoniko, lumalampas sa anumang naunang pahayag ng mga propeta ng Bibliya. Nagulantang ba tayo na ang mga kaparehong tagasunod ay tinanggihan ang lahat ng mga sinag ng liwanag na binuksan ni Yahuwah sa Kanyang bayan buhat nang pumanaw siya? Ito ang likas na kaakibat para sa pagtataas ng pantaong tradisyon sa Bibliya.
Isa Pang Kakaibang Pahayag
‘Sa Kanya ay buhay, orihinal, hindi hiniram, hindi tinamo.’ (1SM 296) Hindi mo maaaring basahin ang pahayag na ito at ang pahayag sa ibabaw nang hindi tinatapos na mayroon tayong dalawang magkatumbas na diyos sa pandaigdigang entablado. Ang isa ay ginagampanan ang papel ng ama, at ang ikalawa ay ginagampanan ang papel ng anak. Ito ba ay hindi idolatrya? Ang pagpapakilala ng isa pang banal na katumbas kay Yahuwah Ama ay ganap na idolatrya at paganismo. Ngunit ito ang itinanim ni Ellen White sa kaisipan at puso ng kanyang mga tagasunod sa pamamagitan ng kanyang masaklaw na mga aklat at mga artikulo. Ang kanyang mga tagasunod ay handa sa pag-inom ng kanyang mga salita habang isinasantabi ang paulit-ulit na babala ni Yahuwah Ama tungkol sa idolatrya at pagsamba sa ibang diyos. Paano natin pababayaan ang mga ganoong taimtim na babala ni Yahuwah Ama?
‘Siya’y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga diyos, Sa pamamagitan ng mga karumaldumal, minungkahi nila Siya sa kagalitan.’ (Deuteronomio 32:16)
‘Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagkat ako si Yahuwah mong Diyos ay mapanibughuing Diyos, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin.’ (Deuteronomio 5:9)
Si Ellen White, sa madalas na kaso, ay sumasalungat sa mga mismong salita ni Yahushua noong pinagtibay niya sa Juan 5:26. ‘Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay sa kanyang sarili, ipinagkaloob din niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili.’ Kinukumpirma ni Yahushua na anumang mayroon sa Kanya, ang Kanyang Ama ay ipinagkaloob sa Kanya. Ngunit si Ellen White ay nilalabanan ang angkin na ito noong iginiit niya na ‘sa Kanya ay buhay, orihinal, hindi hiniram, hindi tinamo.’
‘Marami pa tayong mga aral na dapat matutunan, at marami, marami pang hindi pa nalalaman. Ang Diyos at ang Langit lamang ang hindi nagkakamali. Iyong mga naiisip na sila’y hindi isusuko ang isang niyakap na pananaw, hindi kailanman magkakaroon ng sandali na baguhin ang isang kuru-kuro, ay mabibigo lamang. Hangga’t pinanghahawakan natin ang sariling ideya at kuru-kuro nang may tiyakang pagpupursige, hindi tayo magkakaroon ng pagkakaisa na ipinanalangin ni Kristo.’ (CET 203) Ito ay isang mahusay na payo na ibinigay niya sa kanyang mga tagasunod. Gayunman, ang makasaysayang talaan ay nagpapatotoo na siya ay hindi tumalima sa pagtuturong ito. Kapag ang liwanag ng patag na daigdig ay ipinakita sa kanya, siya ay siniraan ito. At buhat nang pumanaw siya noong 1915, ang kanyang mga tagasunod ay hindi natutunan o nakalimutan ang anumang aral.
|
Siya ay walang pagkabalisa tungkol sa hindi pagsang-ayon kay Yahushua, David, Jeremias, Daniel, at marami pang ibang propeta sa Bibliya. At ang mapangwasak na disposisyon na ito ay ipinasa sa kanyang mga tagasunod. Kaya kapag ipinunto mo ang isang biblikal na patotoo na sumasalungat sa kanilang pagkakaunawa, katulad ng diumano na kabanalan ni Kristo, sa halip na makiusap sa marami pang biblikal na berso, agad silang pumupunta sa mga pahayag ni Ellen White. Kung masumpungan nila na siya ay may salungat na pananaw sa anong pinaninindigan ng berso ng Bibliya, sila’y tumanggi na lakbayin ang Bibliya buhat nang winakasan na ni Ellen White ang bagay para sa kanila at kaya tapos na ang pangangailangan sa anumang talakayan.
Isinulat ni Ellen White, ‘Marami pa tayong mga aral na dapat matutunan, at marami, marami pang hindi pa nalalaman. Ang Diyos at ang Langit lamang ang hindi nagkakamali. Iyong mga naiisip na sila’y hindi isusuko ang isang niyakap na pananaw, hindi kailanman magkakaroon ng sandali na baguhin ang isang kuru-kuro, ay mabibigo lamang. Hangga’t pinanghahawakan natin ang sariling ideya at kuru-kuro nang may tiyakang pagpupursige, hindi tayo magkakaroon ng pagkakaisa na ipinanalangin ni Kristo.’ (CET 203) Ito ay isang mahusay na payo na ibinigay niya sa kanyang mga tagasunod. Gayunman, ang makasaysayang talaan ay nagpapatotoo na siya ay hindi tumalima sa pagtuturong ito. Kapag ang liwanag ng patag na daigdig ay ipinakita sa kanya, siya ay siniraan ito. At buhat nang pumanaw siya noong 1915, ang kanyang mga tagasunod ay hindi natutunan o nakalimutan ang anumang aral. Ang kanyang mga tagasunod ay matapat na kumapit sa kanyang mga pagtuturo at tinatanggihan ang anumang bagong sinag ng liwanag kung saan hindi sila makakakita ng suporta o pagtataguyod sa kanyang mga isinulat.
Ang Panghuling Salita
Marami pa sa mga isinulat ni Ellen White na wala sa pagkakatugma sa mga Banal na Kasulatan. Ipinunto lamang namin ang isang bahagyang halimbawa ng mga hindi pagkakapareho sa hiwa-hiwalay na mga maiiksing artikulo. Ngunit ang pinakakritikal na katunayan na humantong sa amin na tanggihan na ang kanyang mga angkin bilang isang hinirang na tagapagbalita ni Yahuwah para sa Kanyang bayan sa mga huling araw na ito ay ang kanyang paggigiit sa paglalarawan kay Yahushua bilang isang umiiral sa sarili, makapangyarihan sa lahat na banal na katumbas kay Yahuwah Ama. Ang kanyang paggigiit sa kabanalan ni Yahushua at sa Kanyang pagkapantay sa Ama ay pinagtaksilan ang pinagkukunan ng kanyang ‘pagkapukaw.’ Ang ating naninibughong Yahuwah Ama ay hindi maaaring pinagkukunan ng pagkapukaw at pukawin siya upang ipakilala ang isa pang banal na katumbas Niya sa kapangyarihan at walang hanggan. Hindi natin nais na maging bahagi ng ganoong maidolatrya na pagtuturo o samahan. Tayo’y may walang hanggan na utang na loob kay Yahuwah Ama para sa pagbubukas ng ating mga mata upang makita ang kapansin-pansin na panlilinlang na tumangay sa milyun-milyong SDAs sa buong mundo. Ilan sa amin sa WLC ay ikatlong henerasyon ng Seventh-Day Adventists. Hindi lamang ito, ngunit kami [hanggang 2017] ay pinakaaktibo sa pagtataguyod at pamamahagi ng kanyang mga aklat sa buong mundo dahil minsan naming pinaniwalaan ang kanyang mga banal na katibayan.
Mula sa ating hindi mailarawang pagpapahalaga para sa pagtitiis ni Yahuwah Ama sa paghihiwalay sa amin mula sa pagkakasakal sa kanyang mga aklat at ibinabalik kami sa ‘Bibliya at Bibliya lamang’ na awtoridad, obligado kaming ibahagi ang patotoo na ito sa lahat ng ibig na makinig.
Ipinalagay na ikaw ay nananatili na hindi pa nagulantang sa katunayan na si Ellen White at kanyang mga tagasunod ay sinasamba ang dalawang banal na katauhan na magkatumbas at parehong walang hanggang at makapangyarihan sa lahat. At ipalagay na hindi mo isinaalang-alang ito bilang isang pinaka kasuklam-suklam na idolatrya sa mga mata ni Yahuwah Ama. Sa kasong ito, ikaw marahil ay handa nang maniwala sa amin kung inaangkin namin na mayroon tayong kakaunting tulay na ibebenta sa katangi-tanging halaga.