Pagpapalit sa Katotohanan ng Modernong Pariseismo
Maraming matapat na mga Kristyano ang naniniwala na mayroong karapat-dapat na halaga sa lahat ng bagay na maka-Hudyo. Ito ay isang panlilinlang ni Satanas na hinahangad na ilihis ang kanilang atensyon mula sa pinakamahalagang mga isyu na nakataya sa mga huling araw ng kasaysayan ng Daigdig.
Napanood mo na ba ang patalastas para sa isang kahanga-hangang bagong gadyet na garantisadong malulutas ang partikular na nakakainis na problema na mayroon ka, gayon din ang sinuman sa buong mundo? Ikaw ay nahikayat at natuwa kung paano ang maningning na bagong bagay na ito ay maaaring baguhin ang iyong buhay! Naniwala ka sa palakaibigan at kaakit-akit na salesperson. Nagmadali kang tawagan ang numero o iclick ang link. Sa kahalagahan ng ilang minuto, ang iyong credit card ay siningilan at ang milagrong bagay ay malapit na sa’yo! Naghintay ka sa sabik na pag-asa! Sa wakas, ang hinahangad mong padala ay dumating na! Narito na! Narito na! Matapos buksan, gayunman, ang hinangaang produkto ay halos hindi na ‘makintab’ gaya ng inaasahan at kulang sa bisa. Naramdaman mong nadaya ka, siguro’y tinawagan mo pa ang customer service (sa walang mapakinabangan), at ngayo’y nangako na hindi na magiging biktima ng kalakal na iskam na ito. Paano pa kaya na mas nakakasakit ng damdamin kapag ang malungkot na drama na ito ay nangyari sa mga Espiritwal na bagay. Hindi mabilang na dami ng mga Kristyano ang nahuhulog sa kaparehong patibong na ito kapag naghahanap ng katotohanan. Ang ilan ay tinanggap ang salita ng kanilang pari o pastor kung ano ang katotohanan, tanggihang pag-aralan ang anumang bagay na walang pagsang-ayon ng kanilang espiritwal na guro. Para sa iba, may nakahanda pang mas mapaglalang na panlilinlang si Satanas: ang pagpapalagay na ang lumalagong liwanag ay maaaring matutunan mula sa mga Hudyo.
Naglalaman ang Kasulatan ng isang taimtim na babala: “Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diyablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya.” (1 Pedro 5:8) Ang dahilan para sa tumitinding galit ng diyablo ay ibinigay sa Pahayag 12:12: “Sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”
Iyong mga naghahanap na may pananabik para sa muling pagbabalik ng Tagapagligtas ay mapagmatyag. Gaya ng mga matalinong dalisay, naunawaan nila ang panawagan na ang lalaking ikakasal ay paparating. Sa kanilang pag-ibig sa Kanya, kanilang ginayakan ang mga ilawan, hinangad na dalhin ang kanilang mga buhay tungo sa pagkakatulad sa Kanya. Ito ay nararapat. Nakakalungkot, maraming matapat at maingat na mga Kristyano ang nalihis mula sa mga tunay na isyu ng mga huling araw na ito sa pagtuturo na mayroong pagliligtas na gantimpala sa lahat ng bagay na maka-Hudyo – sa pagiging (o bilang) Hudyo hangga’t maaari at suportahan ang bansang Israel bilang bayang hinirang ni Yahuwah.
Ang mga sermon ay ipinangaral at milyun-milyong dolyar ang ipinadala upang suportahan ang Israel. Si John Hagee, nakatataas na pastor ng isang kongregasyong may 18,000 kasapi, ay kilalang tagataguyod ng paniniwalang ito.
Noong Pebrero, 2006, si Pastor John Hagee, Nagtatag at Pambansang Tagapangulo ng Christians United for Israel (CUFI), tiniyak ang pagdating ng panahon para lumikha ng isang pambansang katutubong samahang nakatutok sa pagtaguyod sa Israel. Nanawagan siya sa mga Kristyanong lider mula sa Amerika na sumama sa kanya sa paglunsad ng bagong pangungunang ito. Mahigit 400 Kristyanong lider na kumatawan sa bawat sekta, malaking simbahan, media ministry, kumpanya ng paglalathala, o Kristyanong unibersidad ang sumagot sa tawag at ang Christians United for Israel ay isinilang.1
Ang iba naman, sa matapat na kagustuhan na maging banal hangga’t maaari, humiram ng maraming rabinikong pagsasanay sa pananamit at iba pang lugar. Pinaulan nila ang kanilang bokabularyo ng mga salita at pariralang Hebreo – minsa’y nasa punto na ng pagiging mahirap para sa iba na maunawaan ang mga ito. Sila’y naglikom ng salapi para sa muling pagtatayo ng templo sa Jerusalem o pagtatayo ng silungan kontra bomba sa Israel. Ito ay isang pangunahing paglilihis na nagiging isang lubos na mapaglalang na kaligtasan sa gawa.
Ang propetang si Joel ay nagpinta ng matingkad na larawan ng huling henerasyon na kanyang ipinahayag na: “Mga karamihan, mga karamihan sa libis ng pasya! sapagka't ang kaarawan ni Yahuwah ay malapit na sa libis ng pasya.” (Joel 3:14) Karaniwan na sa mga tao ang magkaroon ng espiritwal na “guro,” ito man ay salamangkero, pari, pastor o rabi, upang ipahayag anuman ang dapat paniwalaan. Ngunit walang inatasan si Yahuwah sa papel na ito. Ang lahat ay dapat lumapit nang direkta sa Tagapagligtas upang tanggapin ang tubig ng buhay. Naitala ng Kasulatan na: “Sapagka't ganito ang sabi ni Yahuwah ng mga hukbo . . . ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.” (Zacarias 2:8)
Batay rito, at sa iba pang kaparehong teksto, maraming tao ang naniniwala na kapag naging Hudyo hangga’t maaari sa buhay, pananamit, at pagsasanay, sila’y magiging kalugud-lugod kay Yahuwah. Sa kasamaang-palad, karamihan sa kanilang mga inangkin ay mga tradisyong gawa ng tao ng mga Pariseo.
Sa pagkawasak ng Templo (70 A.D.) naglaho ang lahat ng mga Saduceo, iniwan ang lahat ng mga alituntunin at kapakanan ng mga Hudyo sa kamay ng mga Pariseo. Magmula noon, ang pamumuhay ng mga Hudyo ay pinangasiwaan ng mga Pariseo; ang buong kasaysayan ng Hudaismo ay muling itinayo mula sa Pariseikong pananaw, at ang bagong aspeto ay ibinigay sa Sanhedrin ng lumipas. Isang bagong tanikala ng tradisyon ang pumalit sa sinaunang tradisyon ng kaparian . . . Ang Pariseismo ay hinugis ang katangian ng Hudaismo at ang pamumuhay at pag-iisip ng mga Hudyo para sa lahat ng hinaharap.2
Iyong mga lumipat sa mga tradisyon ng mga Hudyo upang palakasin ang kanilang espiritwal na pamumuhay ay, sa katunayan, lumilipat sa Pariseismo. Ang mga iskolar na Hudyo ay inamin ang katotohanan na ang makabagong Hudaismo ay Pariseismo:
Ang Pariseismo ay naging Talmudismo . . . subalit ang diwa ng sinaunang Pariseo ay nanatili at di nagbago. Kapag ang Hudyo ay pinag-aralan ang Talmud, siya ay sa katunayang inuulit ang mga argumento ginamit sa Palestinong akademya. . . . Ang diwa ng doktrina ng mga Pariseo ay nanatiling mabilis at mahalaga. . . . Mula Palestino hanggang Babilonya; mula Babilonya hanggang Hilagang Aprika, Italya, Espanya, Pransya at Alemanya; mula sa mga ito hanggang sa Poland, Rusya, at Silangang Europa kadalasan, ang sinaunang Pariseismo ay lumibot.3
Ang mga pinakamasasakit na kritisismo ng Tagapagligtas ay direkta sa mga Pariseo. Tinawag Niya na mga “tagaakay na bulag,” “mangmang at bulag,” “mga ahas, mga lahi ng mga ulupong.” Tinawag na “mga mapagpaimbabaw” ang mga Pariseo, itinulad sila ni Yahushua sa “mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal.” (Mateo 23:27)
Maraming mga matapat na Kristyano ngayon ang naniniwala na ang mga Hudyo ay nananatiling espesyal na mga tao ni Yahuwah sapagkat sinasabi ng mga Hudyo na sila nga. Gayunman, ang makabagong Hudaismo ay mas wala nang gantimpalang pagliligtas kaysa sa sinaunang pariseikong kapilas. Iyong mga hinahangad ang mga Hudyo para sa pagpapatibay ng liwanag ay kumukuha ng mga tradisyong gawa ng tao at itinataas sila sa banal na kahusayang estado. Malinaw na binalaanan ni Yahushua ang kahahantungan ng lahat ng lilipat sa pinagkukunang ito para sa katotohanan:
Datapuwa't sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok.
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili. (Mateo 23:13 at 15.)
Ang Pariseismo, walang iba kundi makabagong Hudaismo, ay binubuo ng mga batas at tradisyon na gawa ng tao. Ang mga Hudyo ay mayroong libu-libong batas, ngunit sinabi ni Yah na “napopoot” Siya sa mga tradisyong ito:
Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan.
Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop.
Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; sapagka't hindi ko didinggin ang tinig ng iyong mga biola. (Amos 5:21-23)
Ang mga ito’y “banal na pagtitipon” na itinatag ni Yahuwah mismo! At ang kanilang paraan ng pagtalima ay naging mabigat sa mga patakaran at kautusan na gawa ng tao na sumira sa diwa ng anumang nilalayon ng Tagabigay ng Utos sa kanila! Sa kanilang tangka na “ganap na ganap” na panatilihin ang banal na kautusan, ang mga Pariseo ay nagdagdag ng buong hukbo ng mga karagdagang patakaran at kinakailangan. Itinuro nila na ang mga karagdagang patakaran na ito ay mapapanatili ang sinumang malaya mula sa pagkakasala. Halimbawa, ang takipsilim sa takipsilim na pagtalima sa Sabbath ay hindi Biblikal. Ang paghirang ay nakalaan lamang para sa Araw ng Pagtubos. Sa labis na masigasig na tangka na “bantayan ang mga gilid ng Sabbath,” ang pagtalima sa Araw ng Pagtubos ay pinahaba para takpan ang pagtalima sa sanlingguhang Sabbath din.
Sa mga salita na umaalingawngaw sa araw na ito, tinuligsa ni Yahushua ang mga karagdagang gawa ng mga Pariseo, ipinaliwanag na: “Oo, sila'y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwa't ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri.” (Mateo 23:4)
Ang mga matapat na tao na ito ay walang ideya na ang kanilang mga isinasagawa ay itinatag sa mga patakaran at mga tradisyong gawa ng tao. Naisip nila, tinatalikuran nila ang masama at bumabalik sa pinanggalingan ng Hebreo, ngunit ang pinanggalingan ay hindi umaabot nang lampas sa Babilonya!
- Ang paggamit ng mga salitang Hebreo ay hindi lumilikha ng kabanalan sa iyong kaisipan.
- Ang pagbibigay ng salapi upang itayong muli ang templo ay hindi binibili ang iyong pagpasok sa Langit.
- Ang pagpunta sa Jerusalem (o Israel) ay walang kaligtasang gantimpala.
- Ang mga makabagong Hudyo ay hindi ang sukdulang awtoridad sa anumang kalugud-lugod kay Yahuwah. Karamihan ay sekular o umaasa sa mga gawa para sa kanilang kaligtasan. Ilan pa nga’y kinupkop ang doktrina ng trinidad, ang pangunahing dogma ng Simbahang Katoliko.
Ang paglago ng katangian ay hindi magpapatibay sa mga damit na sinusuot o ang mga salitang Hebreo na isinasama mo sa iyong bokabularyo o ang pangalang Hebreo na tinatawag sa iyo. Ito ay isang kaloob na ibinigay sa sinumang nananalig sa mga mahahalagang pangako.
Maging sa mga unang araw ng Kristyanismo, mayroong pagkahilig sa mga mananampalatayang Hudyo na maglagay ng mataas na pagpapahalaga sa mga paniniwala, kasanayan at tradisyon ng mga konserbatibong uri: ang mga Pariseo. Sa mga taong tumalima sa mga makataong tradisyong ito, isinulat na Pablo na:
Sapagka't may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli, na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, dahil sa mahalay na kapakinabangan.
. . . Dahil dito'y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya, na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Hudyo, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.
Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila si Yahuwah; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti. (Tito 1:10-11, 13-14, 16)
Ito ay babala para sa lahat ng itinuturing ang mga Hudyo na lagakan ng banal na karunungan. Sa pagturing sa mga Hudyo na huling awtoridad sa mga espiritwal na bagay, ang mga mananampalataya ay humahantong na tanggihan ang mga katotohanang tinanggihan ng mga Hudyo. Ang pangunahing halimbawa ay ang tunay na Sabbath. Sa ilalim ng mabigat na Romanong persekusyon kasunod ng Konseho ng Nicæa, ang mga Hudyo ay isinantabi ang Biblikal na Sabbath nung “nireporma” ni Hillel II ang kalendaryo. Ang mga Hudyo ngayon ay sumasamba sa araw ng Sabado ng kalendaryong Gregorian. Dahil dito, milyun-milyong matapat na mga Kristyano ang nagpalagay na ang araw ng Sabado ay ang Biblikal na Sabbath para sa walang ibang kadahilanan na ito ang araw na tinalima ng mga Hudyo at syempre, ang mga Hudyo ay hindi sasamba sa anumang bagay kundi ang tunay na Sabbath. Kaya, ang huling pagsubok ay dumating at tinanggihan para sa walang ibang dahilan kundi ang pagpapalagay na ang mga Hudyo ay mayroong patotoo dahil sila’y mga Hudyo.
Ang Kasulatan, gayunman, ay nagpakita ng kakaibang pananaw. Ang mga Hudyo ng sinaunang panahon, ang mga Hudyo ng panahon ng Mesias at ang mga Hudyo ng kasulukuyan, ay hindi pinanatili ang banal na kautusan sa paraang nilalayon ni Yahuwah:
Gayon ma'y tumutol ang Panginoon sa Israel, at sa Juda, sa pamamagitan ng bawa't propeta, at ng bawa't tagakita, na sinasabi, Iwan ninyo ang inyong masasamang lakad, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, ayon sa buong kautusan na aking iniutos sa inyong mga magulang, at aking ipinadala sa inyo, sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta. Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang pinatigas ang kanilang ulo, na gaya ng ulo ng kanilang mga magulang, na hindi nagsisampalataya kay Yahuwah nilang Elohim. At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila . . . At kanilang iniwan ang lahat na utos ni Yahuwah nilang Elohim . . . (2 Hari 17:13-16)
Ang mga tradisyong gawa ng tao ay hindi nagpapabanal sa kaluluwa. Ang mga ito’y nagsisilbi lamang upang gawin ang sarili na higit na mataas sa sinumang hindi hawak ang kaparehong mga kasanayan.
“Ang kautusan ni Yahuwah ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal.” (Awit 19:7) Ang mga tradisyong gawa ng tao, mga karagdagang patakaran batay sa pagpapaliwanag ng tao, nagpapagulo sa banal na kautusan. Ang kautusan ni Yahuwah ay simple at tapat. Inalis ni Yahushua ang lahat ng mga tradisyon ng mga Pariseo at pinaliwanag ang maganda, komprehensibo, ngunit simpleng kalikasan ng banal na kautusan:
At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin: “Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?”
At sinabi sa kanya ni Yahushua, “‘Iibigin mo Yahuwah mong Eloah ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.’ Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, ‘Iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.’ Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.” (Mateo 22:35-40)
“Kaniyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ni Yahuwah sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Eloah.” (Mikas 6:8) Ipinaliwanag ni Pablo ang takot na ang mga bagong mananampalataya ay tumungo sa mga tradisyon, isantabi ang kababaang-loob ng katotohanan: “Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eba ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Yahushua ay pasamain.” (2 Corinto 11:3)
Iyong mga tumungo sa mga tradisyong itinatag sa Hudaismo ay tumutok sa lahat ng mga pangakong ginawa sa Israel, nakalimutan na ang mga pangako ay laging binibigay sa kondisyon ng pagsunod. Itinakwil ng Israel si Yahuwah nung nangailangan ng isang hari: “At sinabi ni Yahuwah kay Samuel, ‘Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagka't hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila ako, upang huwag akong maghari sa kanila.’ ” (1 Samuel 8:7) Ang katunayan na matagal nang nayamot si Yahuwah sa kanila matapos ang kanilang pagtakwil sa Kanya ay binuo sa malimit na uliting parirala – ‘para sa kapakanan ng aking lingkod, David.’ Subalit ang banal na pag-ibig ay hindi mananatili saanman ito hindi nais. Bagama’t magtatagal ito, ang banal na pag-ibig sa huli’y nakakalungkot, yuyuko sa kahilingan ng matigas na puso. Ilang araw bago ang kamatayan ni Yahushua, tumangis ang Kanyang puso:
Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo! Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak. Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ni Yahuwah! (Mateo 23:37-39)
Ang babala ni Pablo sa mga “Judaizers” at mga matapat na Kristyano ay ganap na umangkop sa paglalarawan! Sa paghulog sa paniniwala na sa paanuman ay may gantimpala ang mas maging Hudyo, sa pagpapadala ng salapi sa Israel, sa pagtayo ng ukol sa katapusan ng mundo na umiikot sa pagpapalagay na si Yahushua ay hindi babalik hangga’t hindi nagiging Hudyo, ang mga matapat na Kristyanong ito ay inilalagay ang sarili na dalihin sa pagkagulat sa Muling Pagdating. Nagbabala si Yahushua na: “Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw.” (Pahayag 16:15) Sa Kanyang pagbabalik, maraming Kristyano ang magugulat dahil wala pa silang nakikitang malawakang pagbabalik-loob ng mga Hudyo. Ipinagpaliban nila ang Muling Pagdating na tiniyak ng masamang alipin nang sinabi na, “Magtatagal ang aking Panginoon ang kanyang pagdating.”
Ang mga pangako para sa sinaunang Isreal ay makakamit din ng espiritwal na Israel.
Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Eloah, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Kristo Yahushua. Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Yahushua ay ibinihis si Yahushua. Walang magiging Hudyo o Griyego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay iisa kay Kristo Yahushua. At kung kayo'y kay Yahushua, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako. (Galacia 3:26-29)
Ang kaligtasan ay mayroon pa rin sa indibidwal na Hudyo, ngunit ang mga espiritwal na pagpapala ay mayroon na sa lahat ng tatanggap at ito’y mananatiling totoo sa mga pagwawakas ng kasaysayan ng daigdig “hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Hentil” (Lucas 21:24)
Ang kaligtasan ay isang biyaya ng banal na pagpapala. Iyong nagmamahal sa kanilang Tagapagligtas ay magnanais na dakilain Siya sa kagandahan ng kabanalan, hindi hahadlangan ng mga patakaran at mga tradisyong gawa ng tao. Iniimbitahan ni Yahuwah ang mga napapagod sa mabigat na pariseikong pasan na bumalik sa Kanya at bibigyan Niya ng kapahingahan.
“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.” (Mateo 11:28)
1 http://www.cufi.org/site/PageServer?pagename=about_pastor_john_hagee
2 “Pharisees,” The Jewish Encyclopedia, Vol. IX, (1901-1906 ed.), p. 666.
3 Louis Finkelstein, The Pharisees: The Sociological Background of their Faith, Vol. 1, Foreward to first edition, p. XXI, binigyang-diin.