Mga Himala Ni Yahushua Ay Patunay Ba Na Siya Ay Diyos?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Gumawa si Yahushua ng mga himala. Ang mga talaan ng ebanghelyo ay nagtatala ng kabuuan ng 35 tiyak na talulikas na kaganapan na isinagawa ni Yahushua.1 Dagdag pa, marami pang ibang talulikas na gawa na nakatala sa pangunahing takda, nang walang gaanong detalye:2 Halimbawa:
Mateo 14:35-36 Nang makilala siya ng mga tao sa lugar na iyon, ipinamalita nila ito sa buong lupain at dinala sa kanya ang lahat ng mga maysakit. 36 Nakiusap sila sa kanya na mahawakan nila kahit ang laylayan ng kanyang damit. At lahat ng nakahawak nito ay gumaling.
Hindi kapani-paniwala, mayroong hindi mabilang na mga himala ang hindi nakatala:
Juan 21:25 at 20:30 Marami pang ibang ginawa si Yahushua at kung ang lahat ng ito ay isusulat, sa palagay ko’y hindi magkakasya sa mundong ito ang mga aklat na maisusulat… 30 Marami pang ibang himala na ginawa si Yahushua sa harap ng kanyang mga alagad na hindi naisulat sa aklat na ito.
Ano Ang Mga Himala?
Ano ang mga himala? Ang Dictionary of the Bible ay nagbibigay ng pagpapaliwanag na ito:
Ang makabagong teolohiya ay nagbibigay ng kahulugan sa isang himala bilang isang palatandaan na lumalampas sa kapasidad ng mga likas na dahilan sa ganoong antas kaya ito’y dapat na iugnay sa direktang pamamagitan ng Diyos.3
Ang makabagong teolohiya ay nagbibigay ng kahulugan sa isang himala bilang isang palatandaan na lumalampas sa kapasidad ng mga likas na dahilan sa ganoong antas kaya ito’y dapat na iugnay sa direktang pamamagitan ng Diyos.
|
Ilan ay naniniwala na itong direktang pamamagitan ni Yahuwah ay naganap dahil si Yahushua ay mismo, isang Diyos. Isang tanyag na tagapagtanggol ay inaangkin na ang mga himalang isinagawa ni Yahushua ay patunay na siya ay Diyos:
Ang pagkadiyos ni Yahushua ay patunay din ng kanyang mga himala. Ang kanyang mga himala ay madalas tinawag na mga “tanda” sa Bagong Tipan. Ang mga tanda ay palaging nagpapahiwatig ng isang bagay—sa kasong ito, si Yahushua ay ang banal na Mesias.”4
Ang mapanlikhang Kristyanong may-akda na si Herbert Lockyer, sa kanyang malalim na pag-aaral sa mga himala, ay umaalingawngaw ng mga damdamin ng maraming Kristyano noong sinasabi niya:
Ang mga himala ay ang sagisag ng pagkadiyos ni Kristo…5 Ang mga himala ng Bagong Tipan ay nagpatotoo sa pagkadiyos ni Kristo—Diyos na ipinakilala sa laman—at ang banal na kapangyarihan na namuhunan sa mga apostol.6
Bukod pa rito, ang Baptist na teologo at ebangelikong tagapagtanggol na si Bernard Ramm ay ipinalagay na si Yahushua ay Diyos at siya’y nagsagawa ng mga himala ayon sa kanyang dakilang kapangyarihan:
Ang kakayahan na magsagawa ng mga himala mula sa kanyang sariling dakilang kalooban ay isa pang indirektang ebidensya para sa pagkadiyos ni Kristo. Ang mga propeta ng Lumang Tipan at mga Bagong Apostol ay hindi maaaring magsagawa ng mga himala sa sarili lamang nila kundi nakabatay lamang sa Diyos. [Sa kabilang dako,] si Yahushua ay ipinakita sa mga Ebanghelyo na kumikilos nang malaya, personal, at dakila sa pagsasagawa ng mga himala.7
Gaano man ang mga ito na laganap at nakabaon na paniniwala, ang mga ito’y salungat sa sarili mismong patotoo ni Yahushua.
Hindi Ako Gumagawa Nang Ayon Sa Aking Sariling Kapangyarihan
Isa sa mga tema ng paglilingkod ni Yahushua ay hindi siya gumagawa batay sa sarili niyang pagpapasimuno:
Juan 5:30 “Hindi ako gumagawa nang ayon sa aking sariling kapangyarihan.”
Juan 8:28 Kaya sinabi ni Yahushua, “Kapag itinaas ninyo ang Anak ng Tao, mauunawaan ninyo na ako siya, at wala akong ginagawang mula sa sarili ko…
Juan 8:42 Sinabi ni Yahushua sa kanila, “…Hindi ako naparito dahil sa aking sariling kagustuhan, dahil isinugo Niya ako.
Matapos pagalingin ni Yahushua ang isang pilay sa Sabbath, iginiit niya ang kanyang pagtitiwala kay Yahuwah tungkol sa mga gawa ng himala.
|
Mas tiyakan, matapos pagalingin ni Yahushua ang isang pilay sa Sabbath, iginiit niya ang kanyang pagtitiwala kay Yahuwah tungkol sa mga gawa ng himala:
Juan 5:19-20 Sinabi ni Yahushua sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, walang anumang magagawa ang Anak mula sa kanyang sarili kundi ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Sapagkat kung anuman ang ginagawa ng Ama, iyon din ang ginagawa ng Anak. 20 Sapagkat mahal ng Ama ang Anak, at ipinapakita Niya sa kanya ang lahat ng ginagawa Niya; at mas higit pa sa mga bagay na ito ang ipapakita ng Ama, sa kanya, nang sa gayon, kayo ay mamangha.
Maaari lamang gawin ni Yahushua ang mga gawa na ipinakita ni Yahuwah ang Ama sa kanya upang isagawa. Nalalaman ni Yahushua na may mga mas dakilang gawa sa abot-tanaw, wala siyang kamalayan ng mga katiyakan ng mga himala na hindi pa dumarating, sapagkat niya na ang Ama ay ipapakita sa kanya ang mga gawa (iyon ay ang mga hindi pa ipinakita sa kanya). Tunay nga, sa kanyang pag-amin, ganap na nakadepende si Yahushua sa Ama.
Ang Amang Nananahan Sa Akin Ang Gumagawa Ng Kanyang Mga Gawain
Nakalulungkot, ang orthodoxy ay sumasalungat sa malinaw na pag-amin ni Yahushua sa pagbibigay ng kredito sa kanya, hindi ang Ama, bilang pinagkukunan ng mga mahimalang gawa. Ngunit si Yahushua ay patuloy sa pagsasabi na ang Ama ay ang nagsasagawa ng Kanyang mga gawa:
Juan 14:10 “Hindi ba kayo naniniwalang ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi galing sa akin; ang Amang nananahan sa akin ang gumagawa ng Kanyang mga gawain.”
Sa ibang salita, si Yahushua ay ang taong ahente kung saan si Yahuwah ay gumagawa. Ang Oxford Companion to the Bible ay isinasama ang pagka-ahente sa kahulugan nito ng mga himala at kanilang pinagkukunan:
Ang isang himala ay isang talulikas na kaganapan, napagtanto na resulta mula sa direkta, malayon na aksyon ng isang Diyos o ang ahente ng isang Diyos.8
Sa terminong Hebreo, ang ahente o ang “isang isinugo” ay tinawag na shaliah.
|
Ang isang ahente ay inilarawan na isa na “awtorisado na kumilos sa ngalan ng o sa kinalalagyan ng isa pa.”9 Sa terminong Hebreo, ang ahente o ang “isang isinugo” ay tinawag na shaliah.10 Ang salita ay nagmula sa pandiwang shelach, na nangangahulugan na isinugo. Si James McGrath, propesor at iskolar ng Bagong Tipan ay nagpapaliwanag:
Ang ahensya ay isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na buhay sa sinaunang mundo. Ang mga indibidwal gaya ng mga propeta at mga anghel na nabanggit sa mga Kasulatan ng Hudyo ay itinuring na ‘mga ahente’ ng Diyos. Ang pangunahing ideya tungkol sa ahensya sa sinaunang mundo ay lumilitaw na ibinuod sa parirala mula sa rabinikong literatura na madalas na sinipi sa mga kontekstong ito: “Ang isang isinugo ay tulad ng isa na nagsugo sa kanya.”11
Mismo, ang Kasulatan ay paulit-ulit na nagsasalita tungkol kay Yahushua bilang isa na isinugo ni Yahuwah upang gawin ang kalooban ng Ama at makamit ang Kanyang mga gawa. Ang mga himala ay nagbigay ng patotoo nito:
Juan 5:36 “Ngunit ako mismo ay may patotoo na higit kaysa patotoo ni Juan, sapagkat ang mga gawaing ibinigay sa akin ng Ama upang gampanan, na siya namang ginagawa ko, ay nagpapatunay na ako ay sinugo ng Ama.
Ang tuntuning ito ng pagka-ahente ni Kristo ay patunay sa isang paghaharap ni Yahushua at ilang Hudyo na nagpumilit sa kanya na malaman kung siya o hindi ang Kristo. Nabanggit ni Yahushua ang mga gawa bilang patotoo ng kanyang pagiging Mesias:
Juan 10:24-25 Pinaligiran siya ng mga Hudyo at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami paghihintayin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang malinaw.” 25 Sumagot si Yahushua sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo ngunit hindi kayo naniniwala. Ang mga ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatotoo tungkol sa akin.
Upang gawin ang isang bagay sa ngalan ng isa pa ay nangangahulugan na sila’y nagkaloob sa iyo ng kapangyarihan at awtoridad upang isagawa ang takdang gawain.
|
Upang gawin ang isang bagay sa ngalan ng isa pa ay nangangahulugan na sila’y nagkaloob sa iyo ng kapangyarihan at awtoridad upang isagawa ang takdang gawain. Sapagkat sinasabi ng isang klero:
Ang paggawa ng isang bagay sa ngalan ng isa pa ay may isang natatanging legal na kahulugan na katulad sa ilalim ng ating batas ganon din sa kautusang Hebreo, Griyego, at Romano… Kung ikaw ay nagtatalaga ng isa na kumilos sa iyong pangalan, maaari silang kumilos bilang iyong ahente sa loob ng mga limitasyon na ipapatupad.12
Dahil dito, noong sinabi ni Yahushua na isinagawa niya ang mga gawa sa ngalan ng kanyang Ama, siya ay nagbibigay ng kredito kay Yahuwah ang Ama, hindi sa sarili niya, na nag-awtorisa at nagpalakas sa mga ito. Ang mga gawa na isinagawa niya ay pinatunayan ang kanyang angkin na isinugo ni Yahuwah, iyon ay, pagiging ahente ni Yahuwah.
Ang mga unang siglong Hudyo na nakasaksi sa mga himala ni Yahushua mismo ay naunawaan na si Yahushua ay ang ahente ni Yahuwah at itinuring ang mga tanda na isinagawa niya bilang pagpapatunay na si Yahuwah ang nagsugo sa kanya. Kunin si Nicodemo, bilang halimbawa:
Juan 3:1-2 May isang taong nagngangalang Nicodemo, isang Pariseo at pinuno ng mga Hudyo. 2 Kinagabiha’y pumunta kay Yahushua ang taong ito at sinabi sa kanya, “Rabi, alam po naming ikaw ay isang gurong mula kay Yahuwah, sapagkat walang sinumang makagagawa ng mga himalang ginagawa mo malibang sumasakanya si Yahuwah.”
Yahushua, Isang Tao Na Pinatunayan Sa Inyo Ni Yahuwah
Bago natin ipawalang-bisa ang mga pagsisiyasat ni Nicodemo sa pagsasabi na siya ay walang kamalayan na ang rabi (guro) mula sa Nazaret sa katunayan ay si Yahuwah, ating pakinggan mula sa isa na pinahiran na magsalita sa ngalan ni Yahuwah. Sa araw ng Pentecostes, si Pedro, sa ilalim ng pagkapukaw ng Espiritu,13 ay nagsimula sa kanyang sermon sa pagsasabi:
Mga Gawa 2:22 “Pakinggan ninyo ito, mga Israelita. Itong si Yahushua na taga-Nazaret ay pinatunayan sa inyo ni Yahuwah sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ni Yahuwah sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo.
“Pakinggan ninyo ito, mga Israelita. Itong si Yahushua na taga-Nazaret ay pinatunayan sa inyo ni Yahuwah sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ni Yahuwah sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo.” (Mga Gawa 2:22)
|
Kung may pagkakataon na ipakita na si Yahushua ay nagkatawang-tao na Yahuwah, ito na iyon! Ngunit hindi ito ang itinuro ni Pedro, hindi sa araw na iyon o hindi rin sa anumang ibang araw sa bagay na iyon. Sa halip, itinuro ni Pedro na ang mga himala na isinagawa ni Yahuwah ay pinatunayan na itinalaga Niya si Yahushua na taga-Nazaret, na parehong Panginoon at Kristo.14
Si Pedro ay, syempre, patuloy sa kanyang mensahe na ibinigay ni Yahuwah. Noong siya ay nagturo kay Cornelio at sa kanyang sambahayan tungkol kay Kristo, nag-alok siya ng pagpapaliwanag na ito:
Mga Gawa 10:38 “Kung paanong si Yahushua na taga-Nazaret ay binuhusan ni Yahuwah ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan; kung paanong naglibot siya na gumagawa ng mabuti at nagpapagaling ng lahat ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya si Yahuwah.
Maaaring magsagawa si Yahushua ng mga kahanga-hangang gawa, hindi dahil siya ay si Yahuwah, kundi dahil kasama niya si Yahuwah.
Ang dagdag na ebidensya na ang mga himala ay nagsilbi upang patunayan na si Yahushua ay ang Mesias ay matatagpuan sa isang pagpapalitan nina Yahushua at Juan Bautista. Ibinilanggo ni Haring Herod ang propeta at ang kanyang lubhang kalagayan ay nagdulot sa kanya na itanong kung si Yahushua ang Kordero na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan:15
Mateo 11:2-6 Nang mabalitaan ni Juan, na noon ay nasa bilangguan, ang tungkol sa mga gawa ng Kristo, nagsugo siya ng kanyang mga alagad, 3 at ipinatanong, “Ikaw na ba ang darating, o maghihintay pa kami ng iba?” 4 Sumagot si Yahushua sa kanila, “Pagbalik ninyo kay Juan ay sabihin ninyo sa kanya ang inyong mga naririnig at nakikita. 5 Nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga paralitiko, nagiging malinis ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, binubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga dukha ang Magandang Balita. 6 Pinagpala ang sinumang hindi natitisod dahil sa akin.”
Iyong mga sumampalataya kay Yahushua ay nakita ang mga himala na isinagawa bilang pagpapatotoo na siya ang Kristo, hindi si Yahuwah.
|
Bilang tugon sa tanong ni Juan Bautista, inalok ni Yahushua ang mga himala bilang patunay na siya nga ang isa na darating, ang Kristo (Mesias).
Isa pang senaryo na makakatulong sa atin na maunawaan ang layunin sa likod ng mga himala na naganap sa Pista ng mga Tolda noong ang mga Hudyo ay nagtatalo kung si Yahushua ba ang Kristo o hindi:16
Juan 7:31 Gayunman, marami sa mga naroon ang sumampalataya sa kanya. Sinabi nila, “Kapag dumating ang Kristo, gagawa ba siya ng mas maraming himala kaysa ginawa ng taong ito?”
Iyong mga sumampalataya kay Yahushua ay nakita ang mga himala na isinagawa bilang pagpapatotoo na siya ang Kristo, hindi si Yahuwah.
Upang Kayo Ay Sumampalataya Na Si Yahushua Ang Kristo
Ang mga sipi na ating nirepaso ay nasa malinaw na pagsalungat sa matapos ang Nicene na orthodoxy, na itinuturing ang mga himala ni Yahushua bilang patunay na siya ay isang Diyos. Kabalintunaan, ang ebanghelyo ni Juan, na maraming inaangkin nang mali ay isinulat upang patunayan na si Yahushua ay si Yahuwah, ay isinulat upang tayo ay sumampalataya na si Yahushua ay ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah:
Juan 20:30-31 Marami pang ibang himala na ginawa si Yahushua sa harap ng kanyang mga alagad na hindi naisulat sa aklat na ito. 31 Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Yahushua ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah, at sa inyong pagsampalataya, kayo ay magkaroon ng buhay sa pamamagitan ng kanyang pangalan.
Naniniwala ba tayo na si Yahuwah ang Ama ay gumagawa sa pamamagitan ni Yahushua upang makamit ang Kanyang mga mahimalang gawa? O mali ang pagbibigay natin ng kredito sa gumagawa ng himala bilang kapangyarihan sa likod ng talulikas? Sumasampalataya ba tayo na ang mga himala ay patunay na si Yahushua ay si Yahuwah na iginigiit ng orthodoxy? O siya ang Kristo na isinugo ni Yahuwah na ipinapahayag ng Kasulatan? Ano ang naiisip mo?
1 Larry Richards, Every Miracle in the Bible, (Nashville, TN: Thomas Nelson Publishers, 1998), p. 198.
2 Halimbawa, sa talaan ng Mabuting Balita ni Mateo lamang: Mateo 4:23-24; 8:16; 9:35; 12:15; 14:14, 35; 19:2; 21:14.
3 John L. McKenzie, Dictionary of the Bible, (New York: Macmillan Publishing Company, 1965), p. 578.
4 Dr. Ron Rhodes, “Is Jesus God,” Answers In Genesis, Disyembre 5, 2014, nakuha noong 10-30-19. https://answersingenesis.org/Jesus-christ/Jesus-is-God/is-Jesus-God/
5 Herbert Lockyer, All the Miracles of the Bible, (Grand Rapids, MI: Zondervan, 1961) p. 14.
6 Ibid, p. 25.
7 Bernard L. Ramm, An Evangelical Christology, (Vancouver, B.C.: Regent College Publishing, 1999), p. 45.
8 The Oxford Companion to the Bible, Bruce M. Metzger, ed. (New York: Oxford University Press, 1993), 519.
9 “ahente,” Merriam Webster Dictionary, nakuha noong 06-16-19, https://www.merriam-webster.com/dictionary/agent
10 Maraming pagkakaiba sa pagbaybay: shaliach, saliah, salah, atbp.
11 James F. McGrath, The Only True God: Early Christian Monotheism in its Jewish Context, (University of Illinois Press, 2009) p. 14.
12 Ken Collins, “What does it mean to do things in Jesus’ name?” Rev. Ken Collins’ Website, nakuha noong 11-01-19, https://www.kencollins.com/answers/question-34.htm
13 Mga Gawa 2:1ff.
14 Mga Gawa 2:36.
15 Juan 1:29-34.
16 Juan 7:3-4, 11-ff
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/did-Jesus-miracles-prove-he-was-God/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC