Ayon kay Gerald Hensley, isang mataas na komisyonado ng New Zealand: “Nagdulot ito ng lubos na masamang amoy. Sinabi ng ambasador na teritoryo iyon ng Burma at hindi sila maaaring pumasok.”1
Sa kabila ng kalubhaan ng krimen, ang pamahalaan ng Sri Lanka ay hindi maituloy ang laban sa legado na sa huli, ngunit hindi kaagad, pabalikin sa kanyang bansa.2
Isang mamamatay-tao na malayang naglalakad . . . dahil mayroon siyang diplomatikong kalayaan.
Ang abuso ng diplomatikong kalayaan ay nagdulot sa marami na batikusin ang kainaman nito. Hindi makatarungan o makatuwiran na bigyan ang sinuman ng kalayaan para hamakin ang mga batas dahil lamang sa kanilang diplomatikong estado.
Gayunman...
Milyun-milyong Kristyano ay itinuturo ang isang doktrina na, sa katunayan, ay isang hindi makatarungan at hindi makatuwiran gaya ng isang mamamatay-tao na malayang nakakalakad dahil lamang siya ay isang diplomata. Ito ay tinatawag na “minsang ligtas, laging ligtas.” Sa ibang mga salita, kapag ikaw ay naligtas, ikaw ay palagi nang ligtas. Ang doktrinang ito, kilalang tinukoy bilang “walang hanggang seguridad,” ay tunog mabuti ngunit isang maingat na pag-aaral ng paniniwalang ito ay ipinapakita na ito ay malalim na hindi Biblikal.
Ang mga tagapagtaguyod ng walang hanggang seguridad ay ibinatay ang paniniwalang ito sa ilang mga teksto na nagsasabi ng seguridad ng isang mananampalataya sa Tagapagligtas:
“Nakikinig sa tinig ko ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan at kailanma’y hindi sila mamamatay. Walang makaaagaw sa kanila mula sa aking kamay. Ang aking Ama ay higit na dakila; siya ang nagbigay sa akin ng lahat at walang makaaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama.” (Juan 10:27-29, FSV)
(Tingnan ang 1 Pedro 1:5; Juan 6:39; at Judas 24.)
Sa siping ito, ang mga mananampalataya ay tinukoy na “mga tupa” na nakaririnig ng tinig ng Pastol at sumusunod sa Kanya. Sa halip na pagtuturo ng “minsang ligtas, laging ligtas,” ang mga sipi ay pangako lamang na walang espiritwal na kasamaan ang darating sa sinuman, na sumuko kay Yahuwah, ay nabubuhay sa pagsuko sa banal na kalooban.
Ang tupa, gayunman, ay kilalang halaghag sa pagkaligaw. “Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad.” (Isaias 53:6) Kapag ang sinuman ay tumigil sa pagsuko ng kalooban kay Yah at nagsimula sa sadyang kasalanan, siya ay mapapahamak – kahit na noong una ay tinanggap niya ang kaloob ng kaligtasan.
Hindi pipilitin ni Yahuwah ang kalooban ng tao. Sa kadahilanang ito kaya ang Kasulatan ay sagana sa mga babala ng anong mangyayari sa mga, minsang tinanggap ang kaligtasan, at naligaw. Ang talinghaga ng naligaw na tupa ay ipinapakita ang maawaing pag-ibig ng Ama at ang Tagapagligtas para sa mga naligaw at mga halaghag na kaluluwa. Gayunman, ang kaluluwa ay hindi pipilitin na bumalik. Ang ganap na kalayaang pangrelihiyon ay sigurado para sa lahat. Kapag ang puso ay patuloy na kumapit sa mga itinatanging kasalanan, sa huli, ang mga alon ng awa ay papaluin pabalik, hindi na babalik.
Gamit ang analohiya ng baging at mga sanga, ipinaliwanag ni Yahushua ang kapalaran ng lahat ng hindi magpapatuloy sa pagsunod sa Kanya: “Ang sinumang hindi nananatili sa akin ay itinatapon tulad ng sanga. Ito'y natutuyo, at ang gayong mga sanga ay tinitipon at inihahagis sa apoy, at sinusunog.” (Juan 15:6, FSV)
Ang mga sanga ay hindi mga damo na hindi konektado sa baging. Ang sanga ay maaari lamang lumago at umiral kapag ito’y konektado. Ang mga sanga na tinutukoy sa talinghaga ng Tagapagligtas ay, sa isang panahon, mga malapit na konektado sa Kanya, tumatanggap ng espiritwal na pagkain para lumago! Ngunit, sa pagsasanay ng kanilang kalayaang pumili na ipinagkaloob nang banal, sila’y tumalikod mula sa pinagmulan ng buhay. Sila’y wala nang bunga at sa huli’y itatapon.
Malayo mula sa pagtuturo ng “walang hanggang seguridad,” itinuturo ng Kasulatan ang eksaktong kabaligtaran: na posibleng tanggapin ang kaligtasan at, sa paghuling panahon, sinasanay ang malayang kalooban ng sinuman, bumabalik sa isang buhay ng paghihimagsik laban kay Yahuwah. Gamit ang paglalarawan ng isang karera, ang apostol na si Pablo ay itinangi ang mga sakripisyo at maingat na mga paghahanda na nilalayon ng mga atleta na gawin para manalo ng gantimpala. Tinatapos niya ang kanyang paglalarawan sa pagkilala na kahit siya ay maaari pa ring mapahamak:
“Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, nguni't iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala? Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo. At ang bawa't tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; nguni't tayo'y niyaong walang pagkasira. Ako nga'y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako'y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin: Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.” (1 Corinto 9:24-27, ADB)
Nalaman ni Pablo na, bagama’t siya ay nasa isang nagliligtas na relasyon sa kanyang Tagapagligtas, ito ay hindi ninanakaw ang kanyang personal na kalayaang pumili. Siya ay maaari pa rin, sa pamamagitan ng mga pasyang ginawa niya, mawalan ng walang hanggang buhay. Ang kamatayan ng Tagapagligtas sa krus ay nagbibigay ng “diplomatikong kalayaan” para sa mga nakaraang kasalanan. Hindi nito tinatanggal ang pananagutan para sa mga kasalukuyang kasalanan, na kusang tinangka. Kaya natanto ni Pablo na, kahit na matapos ang lahat sa pangunguna ng iba tungo sa kaligtasan, ang kanyang mga personal na pasya ay maaaring magdulot sa kanya na siya ay “itakuwil.” Ang salitang ito, isinalin bilang “Itinakwil” sa Bersyong Haring James, ay nagmula sa Adokimos (#96), na nangangahulugan: “hindi nakapasa, iyon ay hindi karapat-dapat; sa implikasyon na walang saysay . . . itinanggi, tinutulan, sukab.”
Ang salitang “sukab” ay isang kawili-wiling salita na pinili. Ito ay hindi na masyadong ginagamit, ngunit ito’y naglalaman ng isang kayamanan ng kahulugan. Ang salita, kapag ginamit na isang pangngalan, tinutukoy ang “Isang tao na inabandona sa kasalanan; sinuman na naligaw sa kabutihan at relihiyon.”3 Mayroong bilang ng mga berso sa Kasulatan na gumamit ng salitang ito. Ang mga siping ito ay nagbigay ng malinaw na kontekstuwal na mga halimbawa ng ano ang ibig sabihin ng isang sukab o mayroong sukab na puso. (Tingnan ang Tito 1:10-16; 2 Timoteo 3:8; 1 Corinto 13:5-7; atbp.)
Malamang ang pinakamalinaw na paggamit ng salita, at ang sipi na pinakadirektang pasinungalingan ng “minsang ligtas, laging ligtas,” ay makikita sa Roma 1:18-32. Narito, tiyak na ipinahayag ni Pablo na bagama’t ang mga sukab na ito ay “nalalaman” si Yahuwah (berso 21), sila, gayunman ay patuloy na kumakapit sa kasalanan. Hindi nito maaaring sabihin na ang mga paganong ito ay walang kaalaman ng Manlilikha. Subalit nalalaman Siya, ipinahayag ng berso 28 na hindi nila nais na maalala Siya: “At palibhasa'y nagpasya na silang hindi kilalanin ang Eloah, hinayaan na ng Eloah na pagharian sila ng mahalay na pag-iisip at ng mga gawang kasuklam-suklam.”
Itala na si Yahuwah ay hinayaan na “pagharian sila ng mahalay na pag-iisip.” Narito ay ipinakita ang patotoo ng kaligtasan na ibinigay ni Yahuwah. Siya ay “mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.” (2 Pedro 3:9, ADB) Subalit, habang Siya ay naghahangad na dalhin ang lahat sa pagsisisi para ang lahat ay maaaring maligtas, hindi Niya tatanggalin ang karapatan ng indibidwal na pumili para sa kanyang sarili. Hahayaan Niya lang ang mga hindi nais na panatilihin ang isang relasyon sa Kanya, nag-iiwan sa kanila na sundan ang kanilang sariling kaluguran.
Ang apostol na si Pedro ay itinuturo rin ang kaparehong bagay:
Kung ang mga nakatakas na sa karumihan ng sanlibutan dahil sa kanilang pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Kristo Yahushua ay muling maakit at nagpadaig sa kasamaan, mas masahol pa sa dati ang magiging kalagayan nila.
Mas mabuti pang hindi nila nalaman ang daan ng katuwiran, kaysa matapos nila itong makilala ay talikdan nila ang banal na utos na ibinigay sa kanila.
Angkop na angkop sa kanila ang kawikaang, “Bumabalik ang aso sa kanyang sariling suka,” at, “Mas nais ng baboy ang maglublob sa putik kahit nahugasan na.” (2 Pedro 2:20-22, FSV)
Isang Biblikal na alituntunin na “Ang bawat paratang ay dapat pagtibayin batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi.” (2 Corinto 13:1, FSV) Kaya si Pablo, ang apostol para sa mga Hentil, at si Pedro, ang apostol para sa mga Hudyo, ay nagkaisa na matapos ang isang tao ay tanggapin ang kaloob ng kaligtasan, sa pamamagitan ng malayang pagsasanay ng kanyang kalooban, siya ay maaari pa ring mapahamak.
Ang panganib ng pagkapit sa kamalian ng “walang hanggang seguridad” ay, gaya ng diplomatikong kalayaan, ito ay maaaring magamit na pangatuwiranan o kung hindi man ay pagdahilanan ang mga itinatanging kasalanan na ang matigas na puso ay hindi hinihiling na isuko. Ang kaligtasan ay isang libreng kaloob, ngunit hindi nito tinatanggal ang personal na responsibilidad na piliin na sumuko kay Yahuwah sa isang pang-araw-araw na batayan. Ang “minsang ligtas, laging ligtas” ay isang tanyag na kamalian dahil ito, sa katunayan, ay pinapalusot ang sinuman mula sa mga kahihinatnan ng lahat ng mga panghinaharap na mga gawa at pasya, gaano man kasakit, o kadalas, ang banal na kautusan ay sinisira. Ito ay isang uri ng banal na “diplomatikong kalayaan” na, ipinapalagay nila, ay nagtatago ng anumang bagay na ginagawa nila dahil sila ngayon ay ligtas na.
Ito ay sukdulang mapanganib na gawin na pagpapalagay. Ang gawa ng Banal na Espiritu ay “susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol.” (Juan 16:8, ADB) Ang Banal na Espiritu ay maaaring maghatol ng isang puso na isantabi ang isang partikular na kasalanan, ngunit kapag ang isang tao ay naniwala sa “minsang ligtas, laging ligtas,” ang ganitong mga paghahatol ay isinasantabi bilang “pagdududa.” Ito ay sukdulang mapanganib sapagkat ang pagtanggi sa Banal na Espiritu ay isang kasalanan na hindi mapapatawad. Kapag ang paglapit ng Banal na Espiritu ay patuloy at patuloy na tanggihan, wala nang magagawa pa ang Langit.
Malinaw ang Kasulatan tungkol sa kapalaran ng lahat ng tatalikod mula sa pagsunod sa Tagapagligtas:
Sapagkat ang mga taong dati nang naliwanagan, mga nakalasap ng makalangit na kaloob, at mga naging kabahagi sa Banal na Espiritu, silang nakalasap ng kabutihan ng salita ni Yah at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, kapag tumalikod ay imposible nang panumbalikin sa pagsisisi, sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalagay sa kahihiyan ang Anak ni Yah. (Hebreo 6:4-6, FSV)
Ang ilan ay maaaring magtaltal na, kapag ang isang tao ay naligaw, sila’y hindi na ligtas sa simula pa lang, ngunit ito ay hindi naaayon sa sipi ng Kasulatan na ibinigay. Malinaw na ipinahayag ni Pablo na sila’y “dati nang naliwanagan.” Kapag ang tao ay tumalikod sa banal na kagandahang-loob, ang banal na pag-ibig ay hindi siya pipilitin na manatili laban sa kanyang kalooban. “Sapagkat kung sinasadya nating magkasala matapos na lubos nating malaman ang katotohanan, wala nang maaari pang ialay para sa mga kasalanan.” (Hebreo 10:26, FSV)
Siguro ang pinakamasamang bagay tungkol sa doktrina ng “minsang ligtas, laging ligtas,” ay kung ano ang itinuturo nito tungkol sa katangian ni Yahuwah. “Sapagkat ganoon inibig ni Yah ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat isinugo ni Yah ang Anak sa sanlibutan, hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang sa pamamagitan Niya ay maligtas ang sanlibutan.” (Juan 3:16-17, FSV) Ang pagkamana ng isang makasalanang kalikasan, kinuha mula sa bawat anak ni Adan, ang kakayahan na pumili para sa sarili nila kung sino ang paglilingkuran nila: si Yahuwah o si Satanas. Ang sakripisyo ni Yahushua ay hindi sinigurado na ang lahat ay maliligtas. Ibinalik lamang nito ang kanilang karapatan na pumili para sa kanilang sarili, sa halip na mawalan ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pasya ni Adan.
Si Yahuwah, na isinakrispisyo ang lubos para masiguro ang kalayaan ng pagpili, ay hindi tatanggalin ang karapatan na iyon na pumili kapag ang indibidwal ay nasa isang nagliligtas na relasyon sa Tagapagligtas. Ang kasalanan ay umaalipin sa kalooban; ang katubusan ay ibinalik ito sa pagkakatugma kay Yahuwah. Subalit wala sa puntong iyon ang magiging walang kalooban sa kaisipan na alipin. Ang lahat ay mayroon pa ring kapangyarihan ng pagpili at si Yahuwah ay hindi tatanggalin iyon, ipinipilit ang Kanyang kalooban sa Kanyang mga nilikha.
Ang Bibliya ay itinuturo na ang mga mananampalataya ay sigurado habang sila’y nananatiling matapat kay Yahuwah. Ngunit kapag ang sinuman ay piniling bitawan ang kamay ni Yahushua, walang ganoong kasiguraduhan. “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23) maging sa mga, sa isang panahon, ay tinanggap ang kaligtasan.
Lahat ng kamalian ay inihihiwalay mula sa pinagmulan ng lahat ng buhay at pag-ibig. Ang katunayan na isinakripisyo ni Yahuwah ang Kanyang Anak para masiguro ang kalayaang pumili at ipinagpapatuloy Niya na pahintulutan ang lahat na manatili sa kalayaang pumili, ipinapakita ang isang pag-ibig na napakalalim, napakalayong narating kaya hindi mahawakan ng kaisipan ng tao sa kabuuan nito. Talikuran ang kamalian ng “minsang ligtas, laging ligtas.” Lumapit sa Nag-Iisa na may kakayahan na panatilihin kang ligtas mula sa lahat ng kasamaan. Hindi Niya lalabagin ang iyong indibidwalidad, ang iyong katauhan, iyong kalayaang pumili, ngunit kapag pinili mong isuko ang iyong kalooban sa Kanya, pananatilihin ka Niya.
1 http://www.theguardian.com/world/blog/2012/mar/28/dominique-strauss-kahn-diplomatic-immunity-scandal
2 http://www.thenews.com.pk/TodaysPrintDetail.aspx?ID=29779&Cat=9
3 Noah Webster, American Dictionary of the English Language, 1828.