Ang nakalimutang pandaraya!
Inamin ng mga Hudyong iskolar na ang araw ng Sabado ay hindi ang sinauna,
orihinal na Sabbath ng Kasulatan.
Si Mark Twain, isang tanyag na nobelista at tagapagpatawa, minsang baluktok na siniyasat: “Karaniwang umaabot ng higit tatlong linggo para maghanda ng isang talumpati.” Ang mga publikong tagapagsalita ay mabilis na natutunan na isang pulutong ng kaisipan at paghahanda ay dapat tumungo sa anumang pagtatanghal o pagtatalo kapag ito ay nakakahikayat. Mayroon pa ngang tiyak ng mga uri ng argumento na itinuturo ng mga publikong tagapagsalita na huwag gamitin dahil habang sila’y maaaring umugoy sa damdamin, sila’y hindi makatuwiran. Kaya, sa huli, hindi nila mapapaniwala ang sinuman.
Isang argumento na madalas naririnig na sumasalungat sa konsepto ng lunar Sabbath ay: “Ang mga Hudyo ay hindi kailanman naiwala ang tunay na Sabbath!” Ang ganitong argumento ay hindi nagpapatunay ng anumang bagay! Sa katunayan, nilabag nito ang dalawang tuntunin ng pangangatuwiran:
- Ito’y naghahabol sa awtoridad upang patunayan ang punto nito. Sa kasong ito, ipinapalagay nito na ang mga makabagong Hudyo ay mapagkakatiwalaang awtoridad tungkol sa kung kailan nagaganap ang Sabbath.
- Ito’y gumagamit ng paikot na pangangatuwiran! Sa ibang salita, ito ay gumagamit ng puntong sinusubukan patunayan bilang patotoo sa sarili nito! A) Ang mga Hudyo ay sumasamba sa araw ng Sabado; dahil dyan, B) ang araw ng Sabado ay ang Sabbath dahil, C) iyon ang araw kung kailan sumasamba ang mga Hudyo.
Ang katotohanan ay, ano pa man ang pinaniniwalaan o sinasanay ng karaniwang Hudyo, ang araw ng Sabado ay hindi ang Sabbath ng Bibliya. Hindi naman “naiwala” ng mga Hudyong iskolar ang Sabbath ngunit kanilang kusa at sadyang binago ang kalendaryo kung saan ang Sabbath ay kinakalkula. At ito’y nangyari, matagal na panahon na kaya posible ang maraming mga Hudyo mismo ay hindi namamalayan ang anumang bagay na naapektuhan ng pagbabago ng kalendaryong ito.
Ang Konseho ng Nicea ay isang dakilang kahalagahan sa kasaysayan ng Kristyanismo dahil ito ang panahon na ang paganismo at nilusob ang Simbahan at pinalabnaw ang puro, apostolikong pananampalataya ng mga sinaunang Kristyano. Ang Konseho ng Nicea ay mahalaga rin sa kasaysayan ng Hudaismo dahil matapos nito ay naganap ang matinding pag-uusig sa lahat ng nais na pagtalima sa Biblikal na pagpapanatili ng oras.
Sa Konseho ng Nicea [Nicæa], ang huling sinulid ay nalagot kung saan nakakabit ang Kristyanismo sa nakatagong pinagmulan nito. Ang kapistahan ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpa-hanggang ngayon ay kilala para sa pinakabahagi sa parehong araw ng Paskua ng mga Hudyo, at sa katunayan sa mga araw na kinakalkula at naayon Synhedrion [Sanhedrin] sa Judæa para sa pagdiriwang; ngunit sa hinaharap nito ang pagtalima ay dapat na ipagsulit nang lubos na malaya mula sa kalendaryo ng mga Hudyo.1
Si Constantine ang Dakila, ang emperador na nagtipon sa konseho para paunlarin ang kanyang personal na adyendang pulitikal, inutos ang kurso na tatahakin ng mga Kristyano. Nais niya na sila ay ganap na humiwalay mula sa espiritwal na pamana na batayan sa Hudaismo. Ipinahayag niya na walang panghinaharap na pagtalima ang ikakalkula sa kalendaryo ng mga Hudyo, ipinaliwanag na:
Parang alangan na higit pa sa panukala na sa pinakabanal ng kapistahan [Pasko ng Pagkabuhay] dapat naming sundin ang mga kaugalian ng mga Hudyo. Simula ngayon hanggang sa susunod pa na huwag tayo magkaroon ng pagkakawig sa mga kasuklam-suklam na mga taong ito; ang ating Tagapagligtas ay nagpakita sa atin ng iba pang landas. Ito ay katunayan na walang katotohanan kung ang mga Hudyo ay may kakayahang magmalaki na wala kami sa posisyon upang ipagdiwang ang Paskua nang walang tulong ng kanilang mga panuntunan ([oras] kalkulasyon).2
Ang deklarasyong ito ay malayo ang narating, mapaminsalang epekto sa sinaunang paraan ng pagpapanatili ng oras. Si Constantius, anak ni Constantine, tumungo nang mas matindi pa. Ipinagbawal ni Constantine ang paggamit ng kalendaryo ng mga Hudyo para sa pagtalima ng mga Kristyano. Ipinagbawal naman ni Constantius ang paggamit nito para sa mga Hudyo rin. “Sa ilalim ng pamumuno ni Constantius (337-362) ang persekusyon ng mga Hudyo ay naabot ang ganung antas . . . ang pagtutuos ng kalendaryo ay ipinagbawal sa ilalim ng matinding kaparusahan.”3 Ang kahalagahan ng gawang ito ay hindi maaaring makaligtaan. Sa ilalim ng matinding pag-uusig, ang mga Hudyo mismo ay binago ang kanilang kalkulasyon ng oras. Ang patnyarkang si Hillel II, ang huling pangulo ng Sanhedrin, ay mismong responsable para sa pagbabagong iyon, at sa huli’y humantong sa pagtanggap ng araw ng Sabado bilang Sabbath.
Ang misirableng kondisyon sa Judea ay ang okasyon ng isang gawa ng pagtatakwil sa parte ni Patnyarka Hillel, na hindi pa lubusang ikinalugod. Ang kaugalian na nananaig hanggang ngayon ng pagpapanatiling mangmang sa pagtutuos ng bagong buwan at bisyestong taon, at ng kaalaman sa mga panahon ng kapistahan sa mga komunidad sa mga kalapit-lupain sa pagpapahayag sa kanila ng mga mensahero. Sa panahon ng mga pag-uusig sa ilalim ni Constantius ang paraang ito ay napatunayan na maging walang paraan at walang saysay. Kailan pa man ang Synhedrion ay pinaiwas mula sa pag-aayos ng petsa ng bisyestong taon, ang mga komunidad ng Hudyo sa malalayong nasyon ay naiwan sa lubos na pag-aalinlangan tungkol sa mga pinakamahalagang pasyang pangrelihiyon. Upang matigil ang lahat ng kahirapan at kawalang-tiyakan, ipinakilala ni Hillel II ang huli at ayos na kalendaryo . . . Sa kanyang sariling kamay, ang Patnyarka ay winasak ang huling tanikala na nagkaisa sa mga komunidad na kumalat sa buong imperyong Romano at Persiya sa tirahan ng patnyarka.4
Ang katunayan na ang pagbabagong ito na naganap 1,600 taon ang lumipas ay ipinaliwanag kung bakit ang mga tao ay ipinalagay na ang araw ng Sabado ay ang tunay na Sabbath dahil lamang ang mga Hudyo ay sumasamba sa araw na ito. Ang mga iskolar na Hudyo, gayunman, ay nananatiling may kamalayan na ito ay isang ganap na pagbabago ng kalendaryo:
Ang deklarasyon ng susunod na buwan sa pagmamasid sa bagong buwan, at bagong taon sa pagdating ng tagsibol, ay maaari lamang na magawa ng Sanhedrin. Sa panahon ni Hillel II [ika-4 na siglo A.D.], . . . ang mga Romano ay pinagbawalan ito. Dahil dito, si Hillel II ay napilitang magtatag ng kanyang nakapirming kalendaryo, kaya sa dulot nito ay nagbigay ng maagang pagsang-ayon ng Sanhedrin sa kalendaryo ng lahat ng mga taon sa hinaharap.5
Ito’y hindi mariin nang sapat: ang mga iskolar na Hudyo na ganap na may kamalayan na ang kalendaryo na ginagamit nila ngayon ay magkaiba sa itinatag ni Yahuwah, at kinumpirma ni Moises sa Exodo. Ang makasaysayang dokumentasyon sa artikulong ito ay kinuha nang buo mula sa isinulat o pahayag mismo ng mga Hudyo. Pinagtibay at nalalaman nila na ang araw ng Sabado ay hindi ang Sabbath ng Bibliya.
Ang Pagbabago ng Kalendaryo
Tiniyak ng mga iskolar na Hudyo na isang pagbabago ng kalendaryo ang nagpabago sa Sabbath. Si Rabbi Louis Finkelstein ay isang kilala, respetadong Hudyong iskolar. Ang Jewish Communities of the World ay pinili si Finkelstein bilang isa sa nangungunang 120 Hudyo na kumatawan na “ilawan ng Hudaismo” sa buong mundo. Sa isang sulat noong Pebrero 20, 1939, maluwag sa loob na inamin ni Finkelstein, “Ang kasalukuyang kalendaryo ng mga Hudyo ay isinaayos noong ikaapat na siglo.”6
Si Heinrich Graetz, sa kanyang makapal, anim na dami na lathala ng Jewish Society ng Amerika, kinilala na: “Maging ang pagtutuos ng kalendaryo at pangangalakal sa mga artikulong pangrelihiyon ay ipinagbawal noong ikaapat na siglo.”7
Maraming tao ang nagpalagay na sapagkat ang kalendaryong Gregorian ng papa ngayon ay mayroong patuloy na sanlingguhang pag-ikot ng pitong araw bawat isa, ang sanlinggo na ginagamit ngayon sa paanuman ay iniangkop sa sanlingguhang Hebreo ng pitong araw. Dahil dyan, ipinalagay nila, ang araw ng Sabado ay ang ikapitong araw na Sabbath ng Kasulatan. Ang ganitong pagpapalagay, gayunman, ay hindi nauunawaan ang batayang pagkakaiba sa pagitan ng ayos ng kalendaryong solar at kung paano nagagamit ang Biblikal na kalendaryong luni-solar.
Iba ang Sinaunang Sabbath
Ang Lunar Sabbath |
Nalalaman ng mga iskolar na Hudyo na ang Sabbath na pinanatili ng mga matapat mula sa mga araw ng ikaapat na siglo pabalik sa Paglikha, ay hindi bahagi ng tuluy-tuloy na sanlingguhang pag-ikot. Sa halip, ang mga buwan ay susundan ang anyo ng buwan. Nagsisimulang uli ang sanlingguhang pag-ikot sa bawat bagong buwan. Dahil dito, ang ikapitong araw ng Sabbath ay hindi bahagi ng tuluy-tuloy na sanlingguhang pag-ikot gayon din ang araw ng Sabado hindi rin ang tunay na Sabbath.
Ang Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende sa lunar na pag-ikot . . . Magmula pa noon, ang Bagong Buwan ay ipinagdiriwang sa kaparehong paraan sa Sabbath; unti-unti itong naging hindi lubhang mahalaga habang ang Sabbath ay naging mas mahalagang araw ng relihiyon at sangkatauhan, ng pagmuni-muni at pagtuturong pangrelihiyon, ng kapayapaan at galak ng kaluluwa.8
Ang Hudyo ngayon ay patuloy na kinakalkula ang kanilang mga taunang pagdiriwang nang palayo sa isang luni-solar na paraan ng pagsusukat ng panahon. Sa kadahilanang ito, ang Paskua (Pascha) at Araw ng Pagsisisi (Yom Kippur) ay napapaanod mula sa petsa sa petsa sa tuluy-tuloy na sanlingguhang ng kalendaryong Gregorian. Ang kanilang Sabbath, gayunman, ay wala nang koneksyon sa mga pagkakabahagi ng buwan.
Marami ang nagpalagay na dahil ang mga Hudyo ay sumasamba sa araw ng Sabado, ang Biblikal na sanlingguhang pag-ikot ay patuloy at ang mga taunang pagdiriwang lamang ang mayroong koneksyon sa buwan. Ito ay hindi ang pagpapalagay na ibinahagi ng mga iskolar na Hudyo. |
Narito ang karamihan sa mga tao na sinusubukang patunayan ang araw ng Sabado bilang Biblikal na Sabbath ay gumagawa ng pagkakamali. Ipinalagay nila na dahil ang mga Hudyo ay sumasamba sa araw ng Sabado, ang Biblikal na sanlingguhang pag-ikot ay patuloy at ang mga taunang pagdiriwang lamang ang mayroong koneksyon sa buwan. Ito ay hindi ang pagpapalagay na ibinahagi ng mga iskolar na Hudyo. Sila ay may ganap na kamalayan na ang sinaunang Sabbath ay hindi maaaring maging bahagi ng tuluy-tuloy na sanlingguhang pag-ikot dahil ito ay konektado sa mga pagkakabahagi ng buwan. Ang nakagugulat na katunayang ito ay kinilala ng siping ito mula sa Universal Jewish Encyclopedia: Sa pag-unlad ng kahalagahan ng Sabbath bilang araw ng pagpapabanal at ang inilatag na pagpapahalaga sa bilang na pito, ang sanlinggo ay naging mas hiwalay mula sa koneksyon nito sa buwan . . . .”9
Posible na ang pagbabago mula sa Sabbath na konektado sa mga pagkakabahagi ng buwan hanggang sa patuloy na pag-ikot ng araw ng Sabado na Sabbath ay naganap sa panahong isinaayos ni Hillel II ang kalendaryo. Ginawa niya ang higit pa sa pagpapakita sa kanilang tuntunin ng kalendasyon. Lumabas rin na siya ang responsable sa pagpapakilala sa isang araw ng Sabado na Sabbath dahil sa kanyang pagsasaayos ng kalendaryo, ipinakilala niya pa ang “mga alituntunin ng pagpapaliban.” Simula nang tumindig sa panahong iyon, ang mga alituntuning ito ay hindi na kailangan dahil ang mga taunang pagdiriwang at ang sanlingguhang Sabbath ay sinisayat sa kaparehong kalendaryong luni-solar. Subalit nung ang mga taunang pagdiriwang ay kinalkula sa kalendaryong luni-solar, habang ang ikapitong araw ng Sabbath ay kinalkula sa iba, ang kalendaryong solar, mayroong paminsan-minsang gusot. Dahil dito, kinakailangan ang mga bagong “alituntunin ng pagpapaliban.”
Saduceo: Awtoridad ng Kalendaryo
Malinaw na nakita ni Yahushua ang “mga tradisyon ng tao” na ipinataw ng mga Pariseo ay mabibigat na pasanin, inihihiwalay ang sangkatauhan mula sa kanilang Manlilikha. Paulit-ulit at marahas Niyang tinuligsa ang kawan ng mga patakaran at mga tradisyong ipinataw ng mga Pariseo. Ang alituntuning ito ay pabigat at pangharang sa katotohanan. Sandali bago ang Kanyang kamatayan, gumawa si Yahushua ng isang huling tangka na aabot sa puso ng mga hipokritong ito. Ang Kanyang diskurso, naitala sa Mateo 23, ay isang tangkang nakakasakit ng damdamin upang ilipat ang pusong bato sa katotohanan.
Ang epekto ng pagtataas ng mga patakaran at mga tradisyong gawa ng tao sa pagiging pantay sa banal na kautusan ay nagpapababa ng espiritwalidad. “Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nilalakbay ninyo ang karagatan at ginagalugad ang buong daigdig makahikayat lamang kayo ng kahit isang Hentil sa pananampalatayang Hudyo. Ngunit kapag ito'y nahikayat na, ginagawa ninyo siyang masahol pa at lalong dapat parusahan sa impiyerno kaysa sa inyo.” (Mateo 23:15, MBB)
Sa huli, nagtagumpay ang mga Pariseo. Ang antas ng Saduceo, na itinalaga sa Biblikal na kalendaryo, tumigil sa pag-iral matapos ang pagkawasak ng Jerusalem,
“Sa pagkawasak ng Templo (70 A.D.) naglaho ang lahat ng mga Saduceo, iniwan ang lahat ng mga alituntunin at kapakanan ng mga Hudyo sa kamay ng mga Pariseo. Magmula noon, ang pamumuhay ng mga Hudyo ay pinangasiwaan ng mga Pariseo; ang buong kasaysayan ng Hudaismo ay muling itinayo mula sa Pariseikong pananaw, at ang bagong aspeto ay ibinigay sa Sanhedrin ng lumipas. Isang bagong tanikala ng tradisyon ang pumalit sa sinaunang tradisyon ng kaparian (Abot 1:1). Ang Pariseismo ay hinugis ang katangian ng Hudaismo at ang pamumuhay at pag-iisip ng mga Hudyo para sa lahat ng hinaharap.”10
Ang mga Pariseo lamang ang nanatili sa pagpataw sa kanilang mga patakaran sa lahat. Ang mga sinasalitang tradisyon ng mga Pariseo, naitala sa Talmud, ay naging Rabinikong Hudaismo. Ang kalendaryong ginamit ng mga Hudyo ngayon ay walang iba kundi isang kabuktutan ng orihinal na kalendaryo. Ito ay pinasama ng mga tradisyong gawa ng tao ng mga Pariseo na naitala sa Talmud! Sinipi ni Rabbi Louis Finkelstein ang sumusunod:
“Ang Pariseismo ay naging Talmudismo . . . subalit ang diwa ng sinaunang Pariseo ay nanatili at di nagbago. Kapag ang Hudyo ay pinag-aralan ang Talmud, siya ay sa katunayang inuulit ang mga argumento ginamit sa Palestinong akademya. . . . Ang diwa ng doktrina ng mga Pariseo ay nanatiling mabilis at mahalaga. . . . Mula Palestino hanggang Babilonya; mula Babilonya hanggang Hilagang Aprika, Italya, Espanya, Pransya at Alemanya; mula sa mga ito hanggang sa Poland, Rusya, at Silangang Europa kadalasan, ang sinaunang Pariseismo ay lumibot.”11
Ang Talmudikong tradisyon ay itinuturo na kapag ang sinuman ay nawala sa pagsubaybay kung kailan magaganap ang Sabbath, ang gawin niya lamang ay sumamba sa bawat ikapitong araw. Ito ay makatuwirang pagpapaliwanag na ginamit upang magbigay-dahilan sa pagpapanatili sa araw ng Sabado bilang ikapitong araw ng Sabbath.
Ang Talmudikong tradisyon ay itinuturo na kapag ang sinuman ay nawala sa pagsubaybay kung kailan magaganap ang Sabbath, ang gawin niya lamang ay sumamba sa bawat ikapitong araw. |
“Ang Talmud ay tinamo ang kapangyarihan nito mula sa posiyong hawak ng mga sinaunang akademya (iyon ay Pariseo). Ang mga guro ng mga akademyang iyon, parehong sa Babilonya at sa Palestino, ay itinuturing na makatarungang kahalili ng lumang Sanhedrin. . . . Sa kasalukuyang panahon, ang mga Hudyo ay walang umiiral na sentro ng kapangyarihan na maihahambing sa antas sa sinaunang Sanhedrin o ang mga bagong akademya. Dahil dyan, anumang pagpapasya ukol sa relihiyon ng Hudyo ay batay dapat sa Talmud bilang huling lagom ng pagtuturo ng mga [Pariseong] awtoridad kapag ang mga ito’y umiral.”12
Pansining mabuti na si Finkelstein mismo ay ipinahayag na ang Talmud ay mula sa mga tradisyon ng mga Pariseo. Ito ang kaparehong “mga tradisyon ng tao” na mabantog na tinuligsa ng Tagapagligtas sa panahon ng Kanyang paglilingkod. Ito ay mahalaga sapagkat ang mga Paraseikong tradisyon ang nagpahintulot sa mga Hudyo na talikuran ang orihinal na Sabbath. Ang Kabanata 7 ng Tractate Shabbat ay ipinahayag na: “Sinuman na naglalakbay sa disyerto at hindi malaman kung anong araw ang Sabbath, dapat magbilang ng anim na araw mula sa araw (na napagtanto niya) na nalampasan ang Sabbath, at tumalima sa ikapito.”13
Ang Kalendaryo Ng Manlilikha |
Ang argumento ng mga nananalig na dapat sumamba sa araw ng Sabado dahil ang mga Hudyo ay ginagawa ito ay batay sa maling pagpapalagay na ang mga Hudyo ay hindi sasamba sa anuman kundi sa tunay na Sabbath. Ang mga pahayag mula sa mga Hudyo mismo ay nagpapatunay na ang mga pagpapalagay na ito ay mali. Sila mismo ang nagbago ng Sabbath nung pinalitan nila ang kalendaryo kung saan ang Sabbath ay kinakalkula.
Ang Sabbath ay hindi isang institusyong gawa ng tao. Ito ay kabanalang itinatag ng Manlilikha. Sa ganun, walang makalupang awtoridad, Santo Papa man o Hudyo, ang may karapatang magtatag ng ibang araw ng pagsamba o ibang paraan ng pagkalkula kung kailan ito magaganap. Ang Sabbath ay ang walang tigil na tanda sa pagitan ng Manlilikha at Kanyang mga matapat na nilikha. “Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako si Yahuwah na nagpapabanal sa inyo. Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo.” (Exodo 31:13-14)
Lahat ng nagnanais na parangalan ang kanilang Manlilikha sa pagsunod sa Kanya at pagsamba sa Kanyang Sabbath, ay hindi magmamasid sa mga tradisyon ng mga Hudyo at hindi rin sa kalendaryo ng mga Katoliko. Sa halip, sila’y sasamba sa Kanya sa banal na Sabbath na kalkulado ng orihinal na kalendaryong luni-solar na itinatag noong Paglikha.
1 Heinrich Graetz, History of the Jews, Vol. 2, p. 563, binigyang-diin.
2 Graetz, Vol. 2, pp. 563-564.
3 Kinuha mula sa The Jewish Encyclopedia, “Calendar.”
4 Graetz, Vol. 2, pp. 572-573, binigyang-diin.
5 "The Jewish Calendar and Holidays (incl. Sabbath): The Jewish Calendar: Changing the Calendar," http://www.torah.org, binigyang-diin.
6 Box 6, Folder 4; Grace Amadon Collection, (Collection 154), Center for Adventist Research, Andrews University, Berrien Springs, Michigan.
7 Graetz, Vol. 2, p. 571.
8Universal Jewish Encyclopedia, “Holidays,” p. 410.
9Universal Jewish Encyclopedia, Vol. X, “Week,” p. 482.
10 "Pharisees, The Jewish Encyclopedia, Vol. IX, (1901-1906 ed.), p. 666.
11 Louis Finkelstein, The Pharisees: The Sociological Background of their Faith, (Philadelphia: The Jewish Publication Society of America, 1946), Vol. 1, Forward to first edition, p. XXI, binigyang-diin.
12 Louis Finkelstein, The Jews - Their History, Culture, and Religion, (Philadelphia: The Jewish Publication Society of America, 1949), Vol. 4, p. 1332.
13http://www.jewishvirtuallibrary.org/jsource/Talmud/shabbat7.html