Ang Modernong Pitong Araw na Sanlinggo: Lakbayin ang Kasaysayan ng Kasinungalingan
Isang kilalang kasabihan ay iyong mga nakalimot ng kasaysayan ay parurusahan na ulitin ang mga pagkakamali ng kasaysayan. Gayon din, iyong mga hindi natuto ng mga katunayan ng kasaysayan ng kalendaryo ay bumuo ng isang ganap na istraktura ng paniniwala sa isang sirang pundasyon: ang pagpapalagay na ang mga sanlingo ay tuluy-tuloy na umiikot at walang pagkaantala mula pa noong Paglikha. Napakahalaga para sa lahat, ano pa man ang kanilang relihiyon, na pag-aralan ang kasaysayan ng kalendaryong Julian. Ang pagbubuo ng nawawalang palaisipan ng makasaysayang katunayan ay ipinapakita kung kailan ang isang patuloy na sanlingguhang pag-ikot ng pitong araw ay naging batayang pagsukat ng panahon – at ito’y hindi sa Paglikha.
Naitatag ang Kalendaryong Julian
Ang kalendaryo ng Romanong Republika ay batay sa mga anyo ng buwan. Ang mga pagano Romanong pari, tinatawag na obispo, ay responsable para sa pagkontrol ng kalendaryo. Sapagkat ang mga obispo ay maaaring humawak ng pulitikal na opisina, ito’y nagbibigay ng pagkakataon para sa pag-abuso. Ang pagdadagdag1 ng isa pang buwan ay maaaring magpanatili ng mga napaborang pulitiko sa opisina nang mas matagal, habang hindi magdadagdag kung kinakailangan ay maaaring magpaiksi ng mga termino ng mga kalaban sa pulitika.
Sa panahon ni Julius Cæsar, ang mga buwan ay tuluyang nawala sa pagkakahanay sa mga kapanahunan. Sinanay ni Julius Cæsar ang kanyang karapatan2 bilang pontifex maximus3 (punong pari) at nireporma ang naging isang masalimuot at hindi tumpak na kalendaryo.4
Sa kalagitnaan ng unang siglo B.C., inimbitahan ni Julius Cæsar si Sosigenes, isang astronomong Alexandrian, para payuhan siya tungkol sa reporma sa kalendaryo, at napagpasyahan ni Sosigenes na ang tanging praktikal na hakbang ay talikuran ang kalendaryong lunar sa kabuuan. Ang mga buwan ay dapat na ayusin sa isang pampanahon na batayan, at isang tropiko (solar) na taon ang ginamit, gaya sa kalendaryo ng Egipto . . . .5
Pansinin na ang dakilang pagbabago ni Sosigenes ay ang pagpapabaya ng lunar na kalendasyon:
Ang dakilang kahirapang haharapin ng sinumang repormista [ng kalendaryo] ay ang tila walang paraan ng paglikha ng pagbabago na patuloy na magpapahintulot sa mga buwan na manatili sa hakbang kasama ng mga anyo ng Buwan at ng taon sa mga kapanahunan. Napakahalagang magsagawa ng isang pangunahing pagbabasag sa tradisyonal na pagkalkula upang magsaayos ng isang mabisang pangpanahong kalendaryo.6
Upang ibalik ang bagong kalendaryo sa dating pagkakahanay nito sa mga kapanahunan ay nangailangan ng karagdagang 90 araw sa taon. Ito ay nagawa sa taong 45 B.C., lumikha ng isang taon na may 445 araw. “Ang taon ng 445 araw ay karaniwang tinawag ng mga kronolohiko na taon ng pagkalito; ngunit kay Macrobius, mas naaangkop, ang huling taon ng pagkalito.”7 Ang unang piraso ng palaisipan sa pagtatatag ng patotoo ng kalendaryo, ay para matanto na ang sanlingguhang Julian ng 45 B.C., ay hindi gaya ng sanlingguhang Julian noong pinabago ito ni Pope Gregory XIII, at dahil dito’y hindi kagaya ng modernong sanlingguhang Gregorian ngayon. Ito ang unang pagpapalagay na ginawa ng parehong mga Hudyo at mga Kristyano, ano pa man ang araw ng pagsamba nila.8
Ang kalendaryong Julian, gaya ng kalendaryo ng Republika bago ito, ay naunang mayroong isang pag-ikot ng walong araw.
Ang Romanong walong araw na sanlinggo ay kilala bilang internundinum tempus o “ang panahon sa pagitan ng mga ikasiyam na araw na pangyayari.” (Ang terminong ito ay dapat na maunawaan sa loob ng konteksto ng sinaunang Romanong matematikong pagsasanay ng napapabilang na pagbibilang, kung saan ang unang araw ng isang pag-ikot ay bibilangin din bilang huling araw ng naunang pag-ikot.9) Ang “ikasiyam na araw na pangyayari” sa paligid kung saan ang sanlinggo na ito ay umikot ay ang nundinæ, isang pana-panahon na merkadong araw na regular na gaganapin bawat walong araw.10
Ang mga sinaunang kalendaryong Julian ay hindi nilikha sa mga parilya tulad sa mga modernong kalendaryo, kundi ang mga petsa ay nakalista sa mga haligi, kasama ang mga araw ng sanlinggo na itinalaga ng mga letrang A hanggang H.11 Halimbawa, ang Enero ay nagsimula sa araw na “A” at maaaring magpatuloy sa walong araw ng sanlinggo, ang huling araw ng buwan ay ang araw na “E.” Hindi gaya ng kalendaryong Hebreo, ang kalendaryong Romano ay mayroong tuluy-tuloy na sanlingguhang pag-ikot. Sapagkat ang buwan ng Enero ay nagwakas sa araw na “E”, nagsimula ang Pebrero sa araw na “F”. Gayon din, ang buwan ng Pebrero ay nagwakas sa araw na “A” at sisimulan ang buwan ng Marso ng araw na “B”:
A k12 Jan F k Feb B k Mar B G C C H D D A E E, etc. B, etc. F, etc.
Ang sumusunod ay isang pagbabagong-tatag13 ng Fasti Antiates, ang tanging kilalang unang kalendaryong Julian na patuloy sa pag-iral14 mula pa sa taong 60s B.C. na natagpuan sa lugar ng nayon ni Nero sa Antium.
Fasti Antiates – pagbabagong-tatag ng tanging kilalang unang kalendaryong Julian sa pag-iral.
Ang kalendaryong ito ay naipinta sa palitada na may letrang A na kulay pula para magpahiwatig na simula ng sanlinggo. Ang mga buwan ay nakaayos sa 13 haligi. Ang buwan ng Enero, sa dulong kaliwa, ay nagsisimula sa araw na “A” at nagtatapos sa araw na “E”. Sa ibaba ng bawat haligi ay mga malaking Romanong pamilang na nagpapakita ng mga bilang ng araw sa buwan na iyon. Ang nasa dulong kanan ay ang ika-13, pandagdag na buwan. Ang mga karagdagang letra ay nasa tabi ng mga sanlingguhang araw na mga letra. Ang mga ito’y nagpahiwatig kung anong klase ng trabaho ang maaari o hindi maaaring gawin sa araw na iyon.
Lahat ng mga halimbawa ng Julian fasti, o mga kalendaryo, mula pa sa panahon ni Augustus15 (63 B.C. – 14 A.D.) hanggang kay Tiberius (42 B.C. – 37 A.D.) Kung ang pagpapalagay ay tama na ang araw ng Sabado ay ang Sabbath ng Bibliya ang sanlingguhang pag-ikot ay hindi naantala sa pagbabago ng kalendaryo mula sa Julian patungong Gregorian, ito’y dapat na madaling patunayan mula sa mga unang kalendaryong Julian na patuloy na umiiral. Isang halimbawa ng Julian fasti ay napanatili sa mga piraso ng batong ito at nagbigay ng ikalawa, nagpapatibay na piraso ng palaisipan sa pagtatatag ng patotoo ng kasaysayan ng kalendaryo. Ang walong araw na sanlinggo ay malinaw na makikilala sa mga ito na nagpapatotoo na ang walong araw na sanlinggo ay patuloy pang ginagamit ng mga Romano sa panahon at agarang kasunod ng buhay ni Kristo.
Napakahalaga na matandaan na ang Biblikal na sanlinggo bilang isang indibidwal na yunit ng panahon na tinukoy sa Genesis 1, binubuo lamang ng pitong araw: anim na araw ng paggawa at susundan ng Sabbath na pamamahinga sa huling araw ng sanlinggo. Ang walong araw na pag-ikot ng kalendaryong Julian ay nasa paggamit sa panahon ni Kristo. Gayunman, ang mga Israelita ay hindi pananatilihin ang ikapitong araw ng Sabbath sa walong araw na sanlingguhang pag-ikot ng kalendaryong Julian. Ito’y magiging idolatrya sa kanila. Maging kung kailan ang sanlinggong Julian ay pinaiksi sa pitong araw, ito’y hindi pa rin sumunod sa sanlingguhang pag-ikot ng Biblikal na sanlinggo at hindi rin natulad sa modernong sanlinggo na ginagamit ngayon.
Pitong Araw na Planetaryong Sanlinggo
Ang pagbagsak ng walong araw na Romanong sanlinggo ay dahil sa dalawang salik: A) ang paglawak ng Imperyong Romano16 na naglantad sa mga Romano sa ibang mga relihiyon at dahil dito, B) ang paglitaw ng kulto ni Mithras.17 Ang papel na ginampanan ng Mithraismo sa muling pagsasaayos ng sanlinggong Julian ay mahalaga sapagkat ito ay isang malakas na kalaban ng sinaunang Kristyanismo.18
Nakikita na kapag ang ilan sa mga henyo sa espiritwal ay nagkaroon ng kontrol sa mundo ng pagano ay may mga kaayusang bagay na ang paganong planetaryong sanlinggo ay dapat ipakilala tungo sa tamang panahon para sa Mithraismo, ang pinakapopular na kulto ng Araw ng lahat ng panahon upang iparating at itanyag ang araw ng Araw bilang araw na natatangi at higit na sagrado sa lahat. Sigurado na hindi ito sinasadya.19
Sa ilalim ng dalawang salik na ito, ang sanlinggong Julian ay nagsimula ng mga siglong tagal na ebolusyonaryong proseso na nagwakas sa sanlinggo na nalalaman ngayon. Ang orihinal na pitong araw na planetaryong sanlinggo ay ang ikatlo at ang panghuling piraso ng palaisipan na nagpapatunay na ang araw ng Sabado ay hindi ang Sabbath ng Bibliya, at ang araw ng Linggo ay hindi ang unang araw ng Biblikal na sanlinggo. Ang pagbabagong ito ay tumagal ng ilang daang taon. Si Franz Cumont, malawak na itinuturing na isang dakilang awtoridad sa Mithraismo, ay dinugtong ang pagtanggap ng pitong araw na sanlinggo ng mga Europeo sa katanyagan ng Mithraismo sa paganong Roma:
Hindi dapat pagdudahan na ang paglaganap ng mga misteryo o nakatagong kaalaman ng taga-Iran [taga-Persia] ay mayroong malaking bahagi sa pangkalahatang pagtanggap, ng mga pagano, sa buong sanlinggo na ang araw ng Linggo ay ang banal na araw. Ang mga pangalan na ating ginamit, na hindi namamalayan, para sa iba pang mga anim na araw, ay kasabay na ginamit sa panahon na dumami ang tagasunod sa Mithraismo sa mga lalawigan ng Kanluran, at ang isa ay hindi dapat maging madahas o pabigla-bigla sa pagtataguyod ng isang kaugnayang pagkakataon sa pagitan ng tagumpay at ng kaakibat na kababalaghan.20
Sa Astrology and Religion Among the Greeks and Romans, binigyang-diin pa ni Cumont ang mga paganong pinagmulan at ang sariwang pag-ampon ng isang pitong araw na sanlinggo kasama ang banal na araw nito na araw ng Linggo:
“Ang kadakilaang itinalaga sa dies Solis [araw ng Araw] ay tiyak ding nag-ambag sa pangkalahatang pagkilala sa araw ng Linggo bilang banal na araw. Ito ay konektado sa mas mahalagang patunay, ang pag-ampon ng sanlinggo ng lahat ng Europeong bansa.”21
Ang napakalaking kahalagahan nito para sa mga Kristyano ay makikita sa katunayan na ang araw ng Linggo ay hindi ang araw kung kailan si Kristo ay lumitaw mula sa kamatayan, dahil ang araw ng Linggo ay hindi umiiral sa kalendaryong Julian ng panahon ni Kristo. Ang araw ng Sabado ay hindi maaaring maging Biblikal na ikapitong araw ng Sabbath dahil ang paganong planetaryong sanlinggo ay unang nagsimula sa araw ng Sabado.
Ang sumusunod na larawan ng isang nakadikit na kalendaryo na natagpuan sa mga Paliguan ni Titus (itinayo noong 79 A.D. – 81 A.D.) ay nagbigay pa ng karagdagang patunay na ang Biblikal na Sabbath at ang araw ng Muling Pagkabuhay ni Kristo ay hindi kailanman matatagpuan gamit ang kalendaryong Julian. Ang gitnang bilog ay naglalaman ng 12 palatandaan ng zodiac, katumbas sa 12 buwan ng taon. Ang mga Romanong pamilang sa kaliwa at kanan na mga haligi ay nagpahiwatig ng mga araw ng buwan. Pahalang sa taas ng nakadikit na kalendaryo ay lumitaw na pitong planetaryong diyos ng mga paganong Romano.
Nakadikit na Romanong Kalendaryo |
Ang araw ng Sabado, (o dies Saturni – ang araw ni Saturn) ay ang mismong unang araw ng sanlinggo, hindi ang ikapito. Bilang diyos ng agrikultura, siya ay maaaring makita sa pinakamataas na posisyon ng kahalagahan, hawak ang kanyang simbulo, isang karit. Sumunod, sa ikalawang araw ng paganong planetaryong sanlinggo, ay nakita na diyos ng araw na may mga sinag ng araw na nagmumula sa kanyang ulo. Ang araw ng Linggo ay nauna na ikalawang araw ng planetaryong sanlinggo at tinatawag na dies Solis. Ang ikatlong araw ng sanlinggo ay dies Lunæ (araw ng Buwan - Lunes). Ang diyosa ng buwan ay pinakitang may suot na pasungay na gasuklay na buwan bilang isang korona sa kanyang ulo. Ang mga natitira sa mga diyos batay sa pagkakasunod: dies Martis (araw ni Mars); dies Mercurii (araw ni Mercury); dies Jovis (araw ni Jupiter); at dies Veneris (araw ni Venus), ang ikapitong araw ng sanlinggo.22
Noong ang paggamit ng kalendaryong Julian kasama ang bagong ampon na paganong planetaryong sanlinggo ay lumaganap sa hilagang Europa, ang mga pangalan ng mga araw na dies Martis hanggang dies Veneris ay pinalitan ng mga Teutonikong diyos.23 Ang araw ni Mars ay naging araw ni Tiw (Martes); ang araw ni Mercury ay naging araw ni Woden (Miyerkules); ang araw ni Jupiter ay naging araw ni Thor (Huwebes); at ang araw ni Venus ay naging araw ni Friga (Biyernes.)24 Ang impluwensya ng paganong astrolohikong pangalan ng mga araw ay patuloy na nakikita ngayon. Ang mga wikang Latin, gaya ng Espanyol, ay napanatili ang astrolohikong mga pangalan para sa Lunes hanggang Biyernes, na may Kristyanong impluwensya na nakita sa kanilang mga salita para sa araw ng Linggo (Domingo, o araw ng Panginoon) at Sabado (Sabado, o Sabbath.)
Ayon kay Rabanus Maurus (776-856 A.D.), arsobispo ng Mainz, Alemanya, tinangka ni Pope Sylvester I na baguhin ang pangalan ng mga araw ng planetaryong sanlinggo para tumugma sa mga pangalan ng Biblikal na sanlinggo: Unang Araw (Unang Feria), Ikalawang Araw (Ikalawang Feria), atbp.25 Si Bede, ang “Kagalang-galang” (672-735 A.D.), isang kilalang Ingles na monghe at iskolar, ay nag-ulat rin ng mga tangka ni Sylvester na palitan ang mga paganong pangalan ng mga araw ng sanlinggo. Sa De Temporibus, ipinahayag niya: “Sapagkat ang banal na Sylvester ay ipinag-utos ang mga ito na tawagin na feriæ, tinatawag ang unang araw na ‘[araw] ng Panginoon’; ginagaya ang mga Hebreo, na nagpangalan ng mga ito na una ng sanlinggo, ang ikalawa ng sanlinggo, ganon din sa iba pa.”26 Ang mga astrolohikong pangalan, gayunman, ay lubos na nakatanim. Habang ang opisyal na terminolohiya ng Simbahang Katoliko ay nananatiling Araw ng Panginoon, Ikalawang Araw, Ikatlong Araw, atbp., karamihan sa mga bansa ay kumapit nang ganap o bahagya sa mga planetaryong pangalan para sa mga araw.
Ang astrolohikong impluwensya ay mas halata sa paligid ng Imperyong Romano, kung saan ang Kristyanismo ay dumating sa huli. Ingles, Olandes, Breton, Welsh, at Cornish, ang mga Europeong wika lamang na nangalaga magpahanggang ngayon sa mga orihinal na planetaryong pangalan ng lahat ng pitong araw ng sanlinggo, ay binibigkas lahat sa mga lugar na malaya sa anumang impluwensya ng Kristyano noong mga unang siglo ng ating panahon, habang ang astrolohikong sanlinggo ay lumalaganap pa lang sa buong Imperyo.27
“Ang eklesiastikong istilo ng pagpapangalan ng mga araw ng sanlinggo ay hindi inampon ng anumang bansa maliban sa Portugal na nag-iisang gumamit ng mga terminong Segunda Feria, atbp.”28
Ang katunayan na ang parehong kalendaryong Julian at ang paganong planetaryong sanlinggo at tinanggap sa paggamit ng mga Kristyano ay ipinapakita ang pag-iisa ng Kristyanismo sa paganismo na kung saan binalaan ni Pablo noong isinulat niya:
Palihim nang kumikilos ang kapangyarihan ng kasamaan, at magpapatuloy ang ganyan hangga't hindi naaalis ang humahadlang29 sa kanya. At kung maalis na ang hadlang, lilitaw na ang suwail. Ngunit lubusan siyang pupuksain ng Panginoong Yahushua sa pamamagitan ng hininga ng kanyang bibig sa panahon ng kanyang maluwalhating pagdating. Ngunit sa kanyang paglitaw, ang suwail ay magtataglay ng kapangyarihan ni Satanas. Makikita ang lahat ng uri ng huwad na himala, mga tanda, at mga kababalaghan. Lilinlangin niya sa pamamagitan ng maraming uri ng pandaraya ang mga mapapahamak30, mga taong ayaw umibig sa katotohanan na sana sa kanila'y makapagliligtas. Dahil dito, hahayaan na ni Yahuwah na sila’y malinlang ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan.31
Ang paganong planetaryong sanlinggo, gaya ng kalendaryong Julian na nag-ampon nito, ay hindi mababagong pagano. Ang mga makasaysayang katunayan na ang Biblikal na Sabbath at Biblikal na Unang Araw ay hindi kailanman maaaring mahanap gamit ang modernong kalendaryo. Kung napakahalaga na sumamba sa isang tiyak na araw, napakahalaga rin na malaman kung aling kalendaryo ang gagamitin at kung kailan ang pagbabago sa kalendasyon ay magaganap. Dapat tandaan na kung kailan ang sinuman ay sumasamba ay ipinapakita kung sino ang sinasamba: ang Eloah ng Paglikha, o ang diyos sa mundong ito na lider ng paghihimagsik laban sa Manlilikha. Bawat Diyos/diyos ay may Kanyang/kanyang sariling kalendaryo kung saan gagamitin sa pagsamba. Ang mga araw ng Sabado at Linggo (gayon din ang Biyernes) ay mga paganong araw ng pagsamba.
Aling kalendaryo ang gagamitin mo para itatag ang iyong araw ng pagsamba?
Nauugnay na mga Artikulo:
1 Interkalasyon: pagdadagdag ng mga araw o buwan para humanay ang mas maiksing taong lunar sa mas mahabang taong solar. Sapagkat ang interkalasyon ay naisip na “kamalasan”, sa panahon ng Ikalawang Digmaang Punic (218-201 B.C), ang mga pari ay nag-alangan sa paggawa ng mga pagbabago, kaya inihagis ang kalendaryo palayo nang bahagya sa mga kapanahunan.
2 Si Julius Cæsar ay nahalal na pontifex maximus noong 63 B.C. (James Evans, “Calendars and Time Reckoning”, The History and Practice of Ancient Astronomy, Oxford University Press, 1998, p. 165.)
3 Ang “Pontifex Maximus” ay ang kasalukuyang titulong eksklusibong nireserba para sa papa. Ito ay lubos na naaangkop sapagkat ang kalendaryong Gregorian na ginagamit ngayon ay parehong pagano at pang-kapapahan, naitatag sa paganong kalendaryong Julian at binago, at ipinangalan sa isang papa.
4 Upang maipahayag ang interkalasyon, ang pontifex maximus ay dapat nasa Roma sa buwan ng Pebrero. Sapagkat si Julius Cæsar ay sangkot sa iba’t ibang digmaan, mayroon lamang isang interkalasyon na ipinahayag simula nang siya ay nanungkulan. Sa isang lihim kay Atticus, naitala noong Pebrero 13, 50 B.C., nagreklamo si Cicero na hindi niya pa rin nalalaman kung may pagdadagdag sa huli ng buwan.
5 “The Julian Calendar,” Encyclopædia Britannica.
6 Ibid., binigyang-diin.
7 A Dictionary of Greek and Roman Antiquities, William Smith LL.D., William Wayte, M.A., George E. Marindin, M.A., eds., London, William Clowes and Sons, Ltd., 1890, Vol. I, p. 344. Pinabago ng Google.
8 Ang pagpapalagay na ito ay hindi naibahagi ng mga iskolar. Inamin ng mga Hudyo na ang rabinikong kalendaryo na ginagamit ngayon ay hindi ang kalendaryo ni Moises, at ang mga Kristyanong iskolar ay kinikilala na ang Biblikal na kalendaryo ay pinapatakbo nang kakaiba. Ang ilan ay inamin na kung kailan ang ikapitong araw na Sabbath ay kinalkula sa Biblikal na kalendaryo, ito’y hindi sasabay sa araw ng Sabado.
9 J. P. V. D. Balsdon, Life and Leisure in Ancient Rome, (New York: McGraw-Hill, 1969) p. 59; P. Huvelin, Essai Historique sur le Droit des Marcheés et des Foires (Paris: Aruthur Rousseau, 1897), p. 87; Ovid, Fasti (Cambridge, MA: Harvard University Press, 1951), p. 6; Alan E. Samuel, Greek and Roman Chronology (Munich: C. H. Beck'sche Verlagbuchhandlung, 1972), p. 154.
10 Eviatar Zerubavel, The Seven Day Circle: The History and Meaning of the Week, (University of Chicago Press, 1985), p. 45.
11 Zerubavel, op.cit., 158; Balsdon, op.cit., p. 60; Francis H. Colson, The Week, (Cambridge, England: Cambridge University Press, 1926), p. 4; W. Warde Fowler, The Roman Festivals of the Period of the Republic (Port Washington, New York: Kennikat Press, 1969), p. 8; P. Huvelin, op.cit., p. 88; Alan E. Samuel, op.cit., pp. 153-154; Ovid, op.cit.; Hutton Webster, Rest Days, (New York: MacMillan) p. 123; W. E. van Wijk, Le Nombre d'Or (The Hague: Martinus Nijhoff, 1935), pp. 24-25.
12 Kalendæ: ang unang araw ng buwan.
13 Palazzo Massimo Alle Terme, ed. Adriano La Regina, 1998.
14 Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang The Calendar of the Roman Republic ni A. K. Michels (Princeton, 1957).
15 Si Augustus Cæsar, unang Romanong Emperador, ay nabanggit sa Bibliya. Ang kanyang pagpapataw ng buwis ay humantong kay Maria at Jose sa Bethlehem sa tamang oras para sa kapanganakan ni Kristo. (Tingnan ang Lucas 2:1.) Sapagkat ang pamamaraang Romano ng pagbibilang nang napapabilang, ang mga bisyestong taon ay idadagdag bawat tatlong taon nang pauna. Para mapagkasundo ang karagdagang oras, ipinag-utos ni Augustus na walang taon ang idadagdag mula 8 B.C. hanggang 8 A.D. Ang ikawalong buwan ay pinangalanang Agosto sa kanyang karangalan.
16 Zerubavel, op.cit., p. 46; Huvelin, op.cit., pp. 97-98.
17 R. L. Odom, Sunday in Roman Paganism, (TEACH Services, Inc., 2003; orihinal na kopirayt: Review and Herald Publishing Association, 1944), p. 157.
18 Karamihan sa mga pinakamahalagang elemento ng Kristyanismo ay mayroong katapat sa Mithraismo. Ang Kristyanismo ay tinawag na nakaw na bersyon ng Mithraismo. Iyong mga naghahangad na pasinungalingan ang Kristyanismo ay madalas ipunto ang mga pagkakapareho sa pagitan ng dalawang relihiyon.
19 Odom, op.cit.
20 Franz Cumont, Textes et Monumnets Figures Relatifs aux Mysteres de Mithra, Vol. I, p. 112, sapagkat nasipi sa Ibid, p. 156.
21 Pahina 163
22 “Ang astrologo, paganong astronomo, ay itinalaga ang bawat 24 na oras ng araw na isang planetaryong diyos matapos ang pagkakasunod ng kanilang pakunwaring mga posisyon sa lupa . . . Kaya naman, kung si Saturn ay may nararapat na pagkapanginoon sa unang oras ng araw, ito ay maaaring tawagin na araw ni Sataurn . . . Sapagkat ang huling oras ng araw ni Saturn ay nakatakda kay Mars, ang unang oras ng sumunod na araw ay nabibilang kay Araw, ang sumunod na planetaryong diyos sa pagkakasunod. Ginagawa nito ang Araw na ang panginoon ng araw na iyon, kaya tinatawag na ‘araw ni Araw’ (araw ng Linggo)” R. L. Odom, How Did Sunday Get Its Name? (Nashville, Tennessee: Southern Publishing Assoc., 1972), p. 10 & 11. Ibid., p. 5.
23 Ibid., p. 5.
24 J. Bosworth and T. N. Toller, "Frig-dæg", An Anglo-Saxon Dictionary, 1898, p. 337, ginawang bukas ng Germanic Lexicon Project; Odom, How Did Sunday Get Its Name? op.cit. See also "Friday" in Webster's New Universal Unabridged Dictionary, 2nd edition, 1983.
25 Tingnan ang Rabanus Maurus, De Clericorum Institratione, Book 2, ch. 46, in J. P. Migne, Patrologia Latina.
26 Tingnan ang Bede, Patrologia Latina, Vol. 90, op. cit.
27 Zerubavel, op.cit., p. 24.
28 “Feria”, Catholic Encyclopedia, see Vol. 6 p. 43, or www.newadvent.org.
29 “Humahadlang”: #2722 – panghawakan, angkinin o taglayin; “Ang salitang ito ay nangangahulugan na ‘matatag na paghawakan’ . . . ng mga hindi matuwid na humahadlang sa pagpapalaganap ng patotoo sa kanilang hindi pagkamatuwid.” (The New Strong's Expanded Dictionary, Thomas Nelson Publ. 2001.) Ito ay isang naaangkop na salita para ipabatid ang anong nagawa sa pag-iisa ng paganismo sa Kristyanismo.
30 (#2929): Para paghiwalayin o hatiin; para gumawa ng pagkakaiba sa pagitan ng dalawa o magpasa ng sentensya. “Para magpahayag ng paghatol” (Ibid.)
31 2 Tesalonica 2:7-11, FSV