“Sinabi ng [Elohim]: ‘Magkaroon ng mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan. . .’ At gayon nga ang nangyari.” (Genesis 1:14, 15, MBB)
Bawat lunasyon ay hinati ng apat na Sabbath – anim na araw ng paggawa at pagsamba sa ikapito.
Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga (Sabbath). Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahuwah na iyong Eloah; . . .
Anim na araw nilikha ni Yahuwah ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga sa ikapitong araw. Kaya't ito'y pinagpala at inilaan para sa Kanya. (Tingnan ang Exodo 20:8-11.)
Iniibig ni Yahuwah ang kalayaan at ninanais ito para sa lahat ng Kanyang mga anak. Iniutos Niya ang lunasyon, o buwan, na hahatiin ng apat na Sabbath ngunit ang pagkakahati ay inilagay sa kamay ng mga tao upang makita sa kanila ang katapatan sa Elohim ng Langit sa kanilang pagsunod sa Ikaapat na Utos. Habang ang Sabbath ay halos sinusundan ang mga anyo ng buwan, ito ay hindi gaya ng malinaw at kakaibang pagkakahati ng oras gaya ng sa araw o sa buwan. Piniling iwan ni Yahuwah ang hindi malinaw na bagay na ito, nagbibigay sa tao ng pagkakataon na sumunod o hindi, batay sa kung ano ang nasa puso niya.
Iyong mga umiibig sa kanilang Manlilikha at naghahanap na parangalan at sambahin Siya sa ikapitong araw ng sanlinggo. Ang kanilang lunasyon ay nahati sa apat na sanlinggo kasama ang isang “pagsasalin” na araw sa ika-30 ng buwan. Ang mga nagnanais na maghimagsik laban sa malinaw at banal na kautusan ay binigyan ng kalayaan na gawin. Isang 30-araw na lunasyon ang maaaring humati sa tatlong 10-araw na sanlinggo, gaya ng ginawa sa kalendaryo ng Republikang Pranses mula 1793 hanggang 1806 nung ang pamahalaang Pranses ay hinangad na talikuran sa Kristyanismo ang Pransya sa paglayo mula sa pitong araw na sanlinggo. Ito ay maaari ring hatiin sa anim na sanlinggo na may limang araw bawat isa.
Ang pagsamba sa ikapitong araw ng pitong araw na sanlinggo sa kalendaryong luni-solar ay tanda ng katapatan sa Manlilikha. Ito ay kinikilala Siya bilang Tagabigay ng Buhay at Kautusan kung saan ang pagsunod, pag-ibig at debosyon ay inialay. Ang espiritwal na layunin sa paghahati ng oras ay pahihintulutan ang tao sa oras ng pagsusuri sa sarili. Bawat ikapitong araw na Sabbath ay nagdadala sa sinuman ng harap-harapan sa pagkadalisay at kabanalan ni Yahuwah. Ito’y inihagis sa matalas na kabaligtaran ng pansariling pagkabigo at kapinsalaan ng sinuman. Sa harap ng kabanalan, ang nagsisising makasalanan ay sumigaw:
“Kawawa ako sapagkat ako ay isang makasalanan at mula sa isang lahing makasalanan. Mapapahamak ako sapagkat nakita ko ang Hari, si [Yahuwah], ang Makapangyarihan sa lahat!” (Isaias 6:5, MBB)
Isang karagdagang araw ng pagsamba ang ipinagkaloob sa bawat lunasyon para ang tao ay masiyasat kung saan nabigo siya sa nakalipas na lunasyon at gumawa ng mga resolusyon para sa paparating na lunasyon. Ang araw ng pagsamba na ito ay ang Araw ng Bagong Buwan sa unang araw ng bawat buwan at darating bago ang sanlinggo ng paggawa na magsisimula sa ikalawang araw ng buwan. Ang Araw ng Bagong Buwan ay panahon na magnilay at isaalang-alang ang espiritwal na estado ng sinuman. Paano ito makitungo sa nakalipas na lunasyon? Ano ang nais kong gawin upang dalhin ang aking kalooban at buhay sa pagkakatugma sa kalooban ng aking Manlilikha? Ito ay panahon ng paghahanap ng kapatawaran sa mga nakalipas na pagkabigo at tulong para sa paparating na buwan. Ang isang talaarawan ng panalangin ay maaaring kapaki-pakinabang kapag binago tuwing Bagong Buwan. Ang mga tao ay gumagawa ng mga New Year’s resolution ngunit sila’y madalang na pinapanatili nang higit sa isa o dalawang buwan. Naunawaan ni Yahuwah ang mga pagkabigo ng tao na ito at binigyan tayo ng pagkakataon na bumuo at baguhin ang ating mga resolusyon sa bawat bagong buwan.
Ang modernong kalendaryong Gregorian, gaya ng kalendaryong Julian bago ito, ang mayroong mga buwan na ganap na inihiwalay mula sa mga pag-ikot ng buwan. Kaya ang mga Araw ng Bagong Buwan ay hindi umiiral sa alternatibong paraan ng pagpapanatili ng oras na ito. Gayunman, ito ay hindi palusot sa sinuman mula sa pagbabalik sa pagsamba kay Yahuwah sa mga Araw ng Bagong Buwan.
“Ang Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende sa lunar na pag-ikot . . . Magmula pa noon, ang Bagong Buwan ay ipinagdiriwang sa kaparehong paraan sa Sabbath; unti-unti itong naging hindi lubhang mahalaga habang ang Sabbath ay naging mas mahalagang araw ng relihiyon at sangkatauhan, ng pagmuni-muni at pagtuturong pangrelihiyon, ng kapayapaan at galak ng kaluluwa.” (“Holidays,” Universal Jewish Encyclopedia, p. 410.)
Ang mga Bagong Buwan ay nasa isang uri ng araw ng pagsamba batay sa mismong araw na ito. Ang mga ito’y araw ng pasasalamat at pagsasaya sa kapagbigayan ng Langit. Noong unang panahon, ang mga ito’y araw ng kapistahan rin. Ang pagbabawal sa pagluluto sa mga Sabbath ay hindi aplikado sa mga Bagong Buwan at ang mga taimtim na Israelita na nag-ayuno sa ibang araw, ay hindi nag-aayuno sa Bagong Buwan. Ang paggawa para kay Yahuwah ay maaaring gawin sa mga Bagong Buwan. Matapos itayo ang Tolda (Tabernakulo) sa Ilang, tinipon ni Moises ang lahat ng kakaibang bahagi sa Bagong Buwan:
“Kaya, ang tabernakulo'y itinayo nila noong unang araw ng unang buwan ng ikalawang taon mula nang umalis sila sa Egipto. Si Moises ang nagtayo ng tabernakulo. Inilagay niya ang mga tuntungan nito, itinayo ang mga balangkas, isinuot sa mga argolya ang mga pahalang na balangkas at itinayo ang mga poste. Nilatagan niya ng lona ang ibabaw nito at inatipan, tulad ng iniutos ni [Yahuwah].” (Exodo 40:17-19, MBB)
Walang kinikitang komersyo ang gagawin sa Araw ng Bagong Buwan. |
Gayunman, walang kumikitang komersyo ang gagawin. Ang suwail na puso ay hindi pahahalagahan ang mga pagkakataon na ibinigay ng Langit para sa oras kasama ang Manlilikha. Ilang siglo ang lumipas, ang mapanghimagsik na Israel ay idinaing ang “naglahong” negosyo nung dumating ang mga Sabbath at mga Bagong Buwan.
“Kailan daraan ang bagong buwan, upang tayo'y makapagbili ng gugulayin at ang sabbath, upang ating mailabas ang trigo? na gawing munti ang efa, at malaki ang siklo, at gumawa ng karayaan sa magdarayang timbangan; Upang ating mabili ng pilak ang dukha, at ng dalawang paang panyapak ang mapagkailangan, at maipagbili ang pinagbithayan sa trigo.” (Amos 8:5, 6, ADB)
Ang ganitong asal ay isang mataas na pagtataksil laban sa pamahalaan ng Langit. Ang mga Araw ng Bagong Buwan, gaya ng ikapitong araw na Sabbath, ay mga oras ng banal na pagtitipon at ang pagtalikod sa mga banal na araw na ito ay direktang responsable sa pagbagsak ng Israel sa mga Asiryan. Ang mismong susunod na mga berso ay nagpahayag:
“[Si Yahuwah] ay sumumpa alang-alang sa karilagan ng Jacob, ‘Tunay na hindi ko kalilimutan kailan man ang alin man sa kanilang mga gawa. Hindi baga manginginig ang lupain dahil dito, at mananaghoy ang bawa't tumatahan doon?’ ” (Amos 8:7, 8, ADB)
Habang si Yahuwah ay marikit na “pinalipas” ang mga oras ng kahangalan, nalalaman na ang hindi pagsunod ay itinuturing na paghihimagsik. Ang pagsamba ng Israel ay lumubha sa anyo na walang espiritwal na kahalagahan ano pa man.
Tinanggihan ni Yahuwah ang pagsamba ng Israel, ipinahayag:
“Namumuhi ako sa inyong mga handaan, hindi ako nalulugod sa inyong mga banal na pagtitipon. Hindi ko matatanggap ang inyong mga handog na sinusunog, handog na mga pagkaing butil at mga hayop na pinataba. Kahit na ang mga iyon ay handog pangkapayapaan, hindi ko pa rin papansinin. Tigilan na ninyo ang maiingay na awitan; ayoko nang marinig ang inyong mga alpa.” (Amos 5:21-23, MBB)
Habang ang Israel ay tumungo sa mga pagkilos ng pagsamba kay Yahuwah, sila, sa katunayan, ay nagbibigay ng parangal kay Saturn gaya ng kanilang mga ninuno sa Gintong Guya sa Ilang. Hingin ni Yahuwah:
“Sa loob ng apatnapung taong pamamalagi ninyo sa ilang, O Israel, nagdala ba kayo sa akin ng mga handog na sinusunog at ng mga handog ng pasasalamat? Buhatin na ninyo ang rebulto ni Sakut na inyong hari at ni Kaiwan, ang diyos na bituin, ang mga imahen na inyong ginawa. Dahil dito'y itatapon ko kayo sa kabila pa ng Damasco,” sabi ni [Yahuwah], na ang pangalan ay [Yahuwah] na Makapangyarihan sa lahat.” (Amos 5:25-27, MBB)
Kaiwan – “Isa pang pangalan para sa diyos na si Saturn.” (The New Strong’s Exhaustive Concordance of the Bible.)
Nakakalungkot man, maraming itinuturing na mga Kristyano ngayon ay tinatanggihan ang lumalagong liwanag sa banal na kalendaryo ni Yahuwah. |
Ang sinaunang Israel, gaya ng modernong espiritwal na Israel, tinanggihan ang mga Araw ng Bagong Buwan ni Yahuwah at bumalik sa pagsamba sa araw ni Saturn, o ang modernong araw ng Sabado.
“Ang panalangin sa mga planeta sa kani-kanilang mga araw ay isang bahagi ng pagsamba ng mga katawang makalangit.” (R. L. Odom, Sunday in Roman Paganism, p. 158)
Ang ganitong pagsamba ay hindi katanggap-tanggap kay Yahuwah. Sa aklat ni Amos, matapos mismo ang pagtuligsa sa kanilang pagsamba kay Saturn, ipinahayag ni Yahuwah:
“Kahabag-habag kayong namumuhay na maginhawa sa Zion, at kayong naninirahang matiwasay sa Bundok ng Samaria . . . Gusto ninyong ipagpaliban ang araw ng inyong kapahamakan, ngunit sa ginagawa ninyo'y lalong nalalapit ang araw ng karahasan. Kaya nga't kayo ang unang magiging bihag; Mariing ipinahayag ng Panginoong [Yahuwah], ang [Eloah] na Makapangyarihan sa lahat, “Namumuhi ako sa labis na kapalaluan ng Israel! . . . Ibibigay ko sa kaaway ang buong lunsod at ang lahat ng bagay na naroon.” (Amos 6:1, 3, 7-8, MBB)
Ang kaparehong kapalaran ay naghihintay din sa lahat ng nagpapatuloy sa pagsamba sa araw ng Sabado ng modernong huwad na kalendaryo, pabayaan ang obligasyon ng pagtalima sa mga Sabbath at mga Bagong Buwan ng Biblikal na luni-solar na kalendaryo.
Ang pagsamba sa LAHAT ng mga sabbath, o mga pamamahinga, ni Yahuwah, ay isang kakaibang tanda na naghihiwalay sa Kanyang bayan sa iba.
“Ibinigay ko rin sa kanila ang mga tuntunin para sa Araw ng Pamamahinga para maalala nila na akong si [Yahuwah] ang nagpapabanal sa kanila.” (Ezekiel 20:12, MBB)
Mismo, ang pagbabalik sa pagsamba sa Manlilikha sa mga Sabbath at Bagong Buwan ay magiging isa sa kasiyahan ng mga Naligtas sa bagong daigdig sa lahat ng walang hanggan.
Mangako na ngayon sa pagsamba kay Yahuwah sa lahat ng Kanyang mga banal na pamamahinga, Sabbath, Bagong Buwan at taunang kapistahan. Hindi mailarawan na kasiyahan ang naghihintay sa lahat ng naghahanap ng pagsasama sa Kanya kung saan ang lahat ng kapunuan ng Buhay ay nananahan.