Maaari Mo Bang Ingatan Ang Mga Kapistahan Sa Labas Ng Jerusalem At Ng Templo?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
TALA NG WLC: Habang ang WLC ay nagpapatuloy na pinaninindigan ang pagtalima sa Ikapitong Araw ng Sabbath, na nasa puso ng moral na kautusan ni Yahuwah, ang Sampung Utos, hindi na kami naniniwala na ang mga taunang araw ng kapistahan ay umiiral sa mga mananampalataya ngayon. Patuloy, gayunman, kami’y mapagkumbabang naghihikayat sa lahat na maglaan ng oras na gunitain ang mga taunang kapistahan nang may kataimtiman at kagalakan, at para matutunan mula sa mga pagtuturo ni Yahuwah tungkol sa kanilang pagtalima sa ilalim ng Lumang Tipan. Sa paggawa nito’y tiyak ang isang pagpapala sa iyo at iyong tahanan, gayong ika’y nag-aaral ng mga kahanga-hangang tipiko at anino na nagpupunto sa pagtataas ni Mesias Yahushua bilang Hari ng mga hari, ang Panginoon ng mga Panginoon, ang mapanakop na leon ng tribo ni Juda, at ang Kordero ni Yahuwah na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Iyong mga nagtuturo na ang mga taunang kapistahan ay nananatiling obligado para sa mga mananampalataya sa ilalim ng Bagong Tipan (gaya ng minsang ginawa ng WLC) ay dapat na tangkilikin ang muling pagtatayo ng isang ikatlong templo kung sila’y alinsunuran sa kanilang doktrina, sapagkat walang taunang kapistahan ang maaaring “ingatan” sa labas ng Jerusalem, o kung walang templo at nanunungkulang kaparian, ayon sa Kasulatan. Dapat silang nananabik na itayo ang isang bagong kurtina sa kinalalagyan ng isa na si Yahuwah mismo ay pinunit mula sa itaas hanggang ibaba (Mateo 27:51; Hebreo 10:19-22). Naniniwala ang WLC na ang makalupang templo at ang lahat ng mga seremonya nito at ang mga sagisag nito na itinatag upang isulong ang nagtutubos na gawa ni Mesias Yahushua, at kaya ang templo ay nawasak noong 70 AD ay ang banal na pinahihintulutang katapusan ng sistema ng Lumang Tipan. Sapagkat ipinakita sa sumusunod na artikulo, ang mga taunang kapistahan ay hindi maaaring tunay na “ingatan” ngayon, kung gagawin natin ang Kasulatan bilang nag-iisang pinagkukunan ng ating aral at kasanayan – sa halip na gawin lamang kung ano ang tama sa ating mga mata. |
David Roberts. The Israelites Leaving Egypt (langis sa canvas), c. 1830.
Museo ng Birmingham at Galerya ng Sining, Birmingham, Inglatera.
Anong ipapakita ngayon ay hindi ibig sabihin na siphayuin ang sinuman na sinusubukan na panatilihin ang mga kapistahan ngayon, kundi ibinigay mga ito upang ipabatid sa iyo ang ilang konsepto na maaaring hindi pa ipinahayag sa iyo para sa konsiderasyon mula sa salita ni Yahuwah. . . .
Ang mga ordinansa ni Yahuwah, gaya ng mga paglilingkod sa Templo at ang mga kapistahan, ay hindi maaaring baguhin ng anumang awtoridad ng tao, hindi maging ang mga anak ng Dakilang Saserdote.
|
Sa Levitico 10:1-5, sina Nadab at Abiu ay nagtagpuan ang mahirap na paraan na hindi nila maaaring palitan ang mga paglilingkod mula sa plano na inutos ni Yahuwah. Ito’y ikawalong araw ng kanilang konsagrasyon bilang pari at nag-alok ng “ibang apoy” sa harap ni Yahuwah. Sinubukan nilang mag-alok ng kamanyang sa hindi awtorisadong oras na hindi bahagi ng paglilingkod na ibinigay ni Yahuwah, at hindi kailanman sinabi ni Yahuwah na maaari itong gawin ng dalawang tao, ano pa man. Sumangguni ba sila sa kanilang mga guro, sila Moises at Aaron? Ang malayang kaisipan at pagkapukaw ay dapat na magmula sa pamamagitan ng Salita ni Yahuwah. Ang mga ordinansa ni Yahuwah, gaya ng mga paglilingkod sa Templo at ang mga kapistahan, ay hindi maaaring baguhin ng anumang awtoridad ng tao, hindi maging ang mga anak ng Dakilang Saserdote.
Ginawa nila ang tama sa kanilang mga mata at sila’y namatay. Anong dapat na isang masayang okasyon ay naging isang araw ng kalungkutan. Nawalan si Aaron ng dalawa sa kanyang mga anak sa isang araw dahil hindi nila “iningatan at siniyasat” kung ano ang inutos sa kanila ni Yahuwah na gawin. Anong nagpapagana sa mga tao na naiisip na maaari nilang “ingatan at siyasatin” ang mga kapistahan sa labas ng Templo, isang nanunungkulang kaparian at ang kasalukuyang Jerusalem! Ito’y “panimulang punto” para sa lahat ng mga kapistahan.
Sinasabi ng Deuteronomio 12:13-14 na sila’y hindi magdadala ng kanilang mga handog sa anumang lugar lamang na “nakikita” nila kundi kung saan inilagay ni Yahuwah ang Kanyang pangalan. Sa panalangin ng paghahandog ni Haring Solomon sa 1 Mga Hari 8:22-53, sinabi niya ang lugar ay ang Templo, ang sentro ng pakikipagtipan, at ang Jerusalem. Sinasabi ng Isaias 33:20, “Tumingin ka sa Sion, ang bayan ng ating mga takdang kapistahan: makikita ng iyong mga mata ang Jerusalem na tahimik na tahanan.”
Sa isa pang halimbawa, nalalaman natin na ang mga Filisteo ay ibinalik ang Kaban sa Israel sa paglalagay ng Kaban sa “bagong karo” sa 1 Samuel 6:7. Sa 2 Samuel 6:3, idinadala ni David ang Kaban tungo sa siyudad at ang Kaban ay inilagay sa “bagong karo” kasunod ng halimbawa ng mga Filisteo. Ngunit ang Kaban ay dadalhin ng mga Levita nang may mga tungkod sa kanilang balikat (Mga Bilang 7:9; 1 Paralipomeno 15:2). Anong kakaiba tungkol rito ay may kaparian at mga Levita na nalaman ang mas mabuti at walang ginawa ukol rito. Hindi nila “iningatan at siniyasat” ang Torah ngunit sumunod sa anong ginawa ng mga hindi Hudyo, o naiisip nila na sapagkat ibang bagay ang dinala sa mga karo, ito’y maaaring iangkop sa Kaban rin (Mga Bilang 7:1-8). Sinumang tunay na nakakaalam kung bakit ginawa nila kung anong ginawa nila, ngunit hindi ito ang anong sinabi ni Yahuwah sa kanila na gawin. Si Yahuwah ay lubos na tiyakan kung paano ito isasagawa.
Noong ang Kaban ay ibinalik mula sa mga Filisteo, sa huli ay hinatid ito sa tahanan ni Abinadab, na nasa burol, at ang kanyang panganay na anak na si Eleazar ay pinapagbanal upang ingatan ang kaban (1 Samuel 7:1). Natutunan natin kinamamayaan na si Abinadab ay mayroong dalawa pang anak na nagngangalang Uzza at Ahio (2 Samuel 6:3). Ang Kasulatan ay tahimik tungkol saan sina Abinadab at Eleazar, marahil sila’y patay na, ngunit nasa kanyang nalalabing dalawang anak na dalhin ang Kaban kay David. Inilabas nila ang Kaban kasama ang mga baka, si Ahio ang nagpauna (2 Samuel 6:4). Nang marating nila ang giikan ng Nacon, inabot ni Uzza ang Kaban upang patatagin dahil natalisod ang mga baka (malubak ang daan) at hinawakan niya ang Kaban, agarang pumatay sa kanya. (2 Samuel 6:7).
Malinaw ang aral. Kung sinunod at “iningatan” nila ang Torah (ang tavnit, padron, plano), ito’y hindi magaganap. Ngunit marahil sinunod nila kung ano ang ginawa ng mga Filisteo at namatay si Uzza. Sa huli’y natanto ni David kung anong maling ginawa nila at itinama ito, sumusunod sa anong sinabi ni Yahuwah na gawin sa pamamagitan ng paggawa ng mga tiyak na bagay sa tiyak na mga lugar sa mga tiyak na oras ng mga tiyak na tao.
Sa 1 Samuel 15:22, sinasabi nito, “Sinabi ni Samuel, ‘Akala mo ba’y higit na magugustuhan ni Yahuwah ang handog at hain kaysa ang pagsunod sa kanya? Mas mabuti ang pagsunod kay Yahuwah kaysa paghahandog, at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa.’” Nakalulungkot, ito ang problema ngayon ng mga tao na naiisip na maaari nilang panatilihin ang mga biblikal na kapistahan at upang pabayaan kung anong sinabi ni Yahuwah tungkol sa mga ito. Ang Israel ay patuloy na tumatangging makinig kay Yahuwah at patuloy na iniingatan ang mga kapistahan, gaya ng Paskua, habang pinababayaan ang katunayan na walang Templo, mga banal na sisidlan o nanunungkulang kaparian. Subalit ang Israel ay hindi sinundan si Moises sa loob ng mahigit dalawang libong taon.
Ang Aklat ng Deuteronomio ay tinutukoy ang Templo bilang lugar na pinipili ni Yahuwah upang itatag ang Kanyang pangalan. Kapag ang Torah ay tinutukoy ang Templo bilang lugar kung saan ang pangalan ni Yahuwah ay itatatag, ito’y isang rebelasyon ng layunin ng Templo: ang Templo ay isang tahanan para sa pangalan ni Yahuwah at sumasagisag ng isang pampublikong deklarasyon ng kapangyarihan ni Yahuwah (“The Temple: Its Symbolism and Meaning Then and Now” ni Joshua Berman, pahina 63).
Sinasabi ng Deuteronomio 12:26-27, “Dalhin ninyo sa lugar na pinili ni Yahuwah ang mga bagay na ibibigay ninyo kay Yahuwah at ang mga handog na ipinangako ninyo sa kanya. Ihandog ninyo ang dugo at karne ng inyong mga handog sa altar ni Yahuwah na inyong Diyos. Dapat ninyong ibuhos ang dugo sa gilid ng altar ni Yahuwah na inyong Diyos, pero pwede ninyong kainin ang karne.” Ang bersong ito ay malinaw na ipinapahayag na ang mga handog ay maaari lamang ihatid sa lugar kung saan si Yahuwah ay pinipili na ilagay ang Kanyang pangalan, at iyon ay naging Templo sa Jerusalem.
Sinasabi ng Deuteronomio 12:5-8, “Kundi dumulog kayo kay Yahuwah na inyong Diyos at parangalan siya sa lugar na Kanyang pipiliin mula sa lahat ng teritoryo ng mga lahi ng Israel. Doon ninyo dalhin ang mga handog ninyo na sinusunog at iba pang mga handog, ang inyong mga ikapu, ang inyong mga espesyal na handog, ang inyong mga ipinangakong regalo at mga handog na kusang-loob, gayon din ang panganay ng inyong mga hayop.” Muli, iyon ay naging Templo sa Jerusalem.
Ang bawat kapistahan na sangkot ang mga paghahandog na ito (Levitico 23) at kung wala kang paghahandog sapagkat walang Templo, altar, at kaparian, walang kapistahang inireseta ni Yahuwah.
|
Ang bawat kapistahan na sangkot ang mga paghahandog na ito (Levitico 23) at kung wala kang paghahandog sapagkat walang Templo, altar, at kaparian, walang kapistahang inireseta ni Yahuwah. Halimbawa, bakit ang mga tao ay hindi nagpapaslang ng isang kordero para sa Paskua ngayon o maghandog ng anumang korbanot? Sasabihin nila, “Dahil walang Templo.” Eksakto! Kaya kung wala kang kordero dahil walang Templo, paano mo maaaring ingatan ang anuman nito? Ang kordero AY Paskuwa, at tinawag na “Paskua.” . . .
Sinasabi ng Deuteronomio 16:1-7 na ang kordero ng Paskua ay maaari lamang paslangin “kung saan pinipili ni Yahuwah na itatag ang Kanyang pangalan” at sila’y hindi maaaring ingatan ang Paskua sa anumang bayan nila. Nalalaman natin ang Kanyang pangalan ay nasa Miskan noong pinasok nila ang lupain (Levitico 23:10; Josue 4:19 hanggang 5:11), at sa huli, sa Templo ng Jerusalem. Sinasabi ng Deuteronomio 16:16 na ang lahat ng mga kalalakihan ay magpapakita sa harap ni Yahuwah “sa lugar na pinipili Niya” nang tatlong beses sa isang taon, sa mga kapistahan ng Hag Ha Matzah (Walang Lebadurang Tinapay), Shavuot (Pentecostes) at Sukkot (Tolda). Kapag ang isang tao ay hindi nasiyasat ang Paskua sa panahong nireseta ng Torah, maaari mong gawin ito sa pagkalipas ng isang buwan (Mga Bilang 9:10-11). Ngunit patuloy pa rin silang darating sa Jerusalem at Templo, at kabilang dito ang mga mananampalataya ng unang siglo.
Isa sa mga dahilang ibinigay para magawa ito pagkalipas ng isang buwan ay maaaring ika’y “nasa malayong paglalakbay” at maaaring wala sa Jerusalem. Gayunman, kung maaari mong ingatan ang kapistahan sa ilang ibang lugar gaya ng ginagawa ng mga tao ngayon, walang dahilan upang ibigay ang kautusang ito, maaari lang nilang ingatan ito saanman sila. Subalit sinabi ni Yahuwah na hindi nila maaaring gawin iyon. Bakit ang mga tao ngayon ay naiisip na maaari nilang gawin ito ngayon? Dahil ginagawa nila kung ano ang tama sa kanilang mga mata. Isinasa-espiritwal nila ang lahat ng bagay at sinasabi, “Ang mga bagay ay naiiba sa Bagong Tipan. Si Yeshua ang ating kordero at maaari nating ingatan ito saanman.”
Walang biblikal na ebidensya na ang Israel ay iningatan ang anumang pista sa labas ng lupain, sa Babilonya, o saanman na walang Mishkan o Templo, isang nanunungkulang kaparian, mga banal na sisidlan, o korbanot.
|
Kung ito ay totoo, bakit hindi totoo para sa mga tao na nagsulat ng mga Ebanghelyo at mga Sulat? Sila’y mga mananampalataya ngunit nagmula sa Jerusalem at Templo para sa mga kapistahan. … Walang biblikal na ebidensya na ang Israel ay iningatan ang anumang pista sa labas ng lupain, sa Babilonya, o saanman na walang Mishkan o Templo, isang nanunungkulang kaparian, mga banal na sisidlan, o korbanot.
Ito’y hindi lamang angkop sa Paskua, kundi sa tatlong peregrinong kapistahan (tatlong “lakarin” na kapistahan na tinawag na Shelosh Regalim dahil naglalakad ka tungo sa Jerusalem upang ingatan ang mga ito) ng Walang Lebadurang Tinapay, Shavuot (Mga Sanlinggo), at Sukkot (Tolda) rin (Exodo 23:14-17; Deuteronomio 16:16). Kung maaari mong ingatan ang mga kapistahan saanman, bakit sinasabi ni Yahuwah sa kanila na maglakad tungo sa Jerusalem at Templo? Ngunit hindi mo maaaring ingatan ang mga ito sa labas ng Jerusalem at ang Templo kaya nga sila naglakad para makarating rito. Bakit naiisip ng mga tao na maaari nilang ingatan ang mga ito saanman ngayon? Ang tagamasid ng Torah sa Kasulatan ay hindi iyon naiisip. . . .
Ang Aklat ni Ezra ay nagsasalaysay ng kwento ng ikalawang aliyah ng mga ipinatapon pabalik sa Jerusalem. Sa Ezra 8:31-32, ang delegasyon ay umalis sa “ika-12 araw ng unang buwan” o Aviv/Nisan 12. Ang Paskua ay nasa Nisan 14. Walang indikasyon sa Kasulatan na iningatan nila ang Paskua sa landas patungong Jerusalem at ito’y pinakamarahil na hindi nila ginawa, sa katunayan, ito’y imposible. Bakit? Dahil hindi nila pinanatili ang mga kapistahan sa labas ng lupain!
Sa Aklat ni Ester, nananawagan si Ester para sa isang tatlong araw na pag-aayuno. Ang pag-aayuno ay nagsimula sa Nisan 13 hanggang Nisan 16. Ang kanyang unang piging ay sa ika-16, at ang ikalawa ay sa ika-17. Ngayon, ibig sabihin ay nag-ayuno sila sa buong Paskua (Nisan 14) at unang araw ng Hag Ha Matzah dahil hindi nila pinanatili ang Paskua o Walang Lebadurang Tinapay sa labas ng lupain, Jerusalem, o ang Templo. Nag-ayuno si Daniel sa loob ng 21 araw, nagsisimula sa Nisan 3, at ibig sabihin ay nag-ayuno siya sa Paskua, Walang Lebadurang Tinapay, at Bikurim (Daniel 10:2-4, 13). Walang iisang berso ang nagsasabi na si Daniel o bilanggong Israel ay iningatan ang mga kapistahan sa Babilonya. . . .
Sa Mga Gawa 18:21, sinabi ni Pablo “Kinakailangang sa anumang paraan ay makapagdiwang ako sa nalalapit na kapistahan sa Jerusalem” at nalalaman natin na ang kapistahan ay ang Shavuot (Pentecostes) dahil sinasabi nito sa Mga Gawa 20:16 na “siya ay nagmamadali sapagkat ninanais niya hangga’t maaari, na siya ay naroroon sa Jerusalem sa araw ng Pentecostes.” Kaya maging si Pablo ay naunawaan na hindi maaaring ingatan ang mga kapistahan sa labas ng Templo sa Jerusalem. Bakit hindi na lang siya nanatili kung saan siya nararapat at ingatan ito gaya ng ginagawa ng mga tao ngayon? Siya ay isang tao na mahilig sa “templo” na sinasabi na sila ngayon ay hindi na siya? Bakit nagmamadali na makapunta sa Jerusalem para sa kapistahan? Maaari mo bang panatilihin ang mga pista sa labas ng lupain? Maaari mo bang ingatan ang mga kapistahan nang walang Templo, altar, o kaparian? Hindi ito naiisip ni Pablo dahil imposible na matupad, at ito’y salungat sa Tanak kay dumating siya sa lugar na pinili ni Yahuwah.
Ang Torah ay nangangailangan na ang mga tao ay tumungo sa lugar na pinili ni Yahuwah na ilagay ang Kanyang pangalan (Deuteronomio 16:16). Hindi lamang may umiiral na isang lugar kung saan inilagay Niya ang Kanyang pangalan (Jerusalem), kundi mayroong nanunungkulang Templo, altar, at kaparian (Levitico 23:1-44; Exodo 12:24-25; Deuteronomio 12:5-9; 14:22-23; 16:2-6; 2 Paralipomeno 30:1-27). Kung ikaw ay nasa Jerusalem at walang Templo, altar, o kaparian, hindi mo pa rin mapapanatili ang mga kapistahan. Kung iyon ay totoo, bakit naiisip ng mga tao na maaari nilang ingatan ang mga kapistahan sa labas ng lupain (Levitico 23:10)! Kung may nanunungkulang Templo, altar, at kaparian at ika’y nasa labas ng lupain, hindi mo pa rin maaaring ingatan ang mga kapistahan kung saan ka man, gaya sa kaso ni Pablo. Kailangan mo pa ring pumunta sa Jerusalem kung saan ang Templo.
Ang pagtitipon sa isang malayong lugar upang ingatan ang anumang kapistahan ay hindi pinahintulutan, at kung ginawa mo, hindi mo tinutupad ang kautusan. Ang isang “pag-alala” ay katanggap-tanggap hangga’t hindi ito isang tangka na ingatan o panatilihin ang kapistahan, kaya huwag gayakan ang mga ganoong takda.
|
Ang pagtitipon sa isang malayong lugar upang ingatan ang anumang kapistahan ay hindi pinahintulutan, at kung ginawa mo, hindi mo tinutupad ang kautusan. Ang isang “pag-alala” ay katanggap-tanggap hangga’t hindi ito isang tangka na ingatan o panatilihin ang kapistahan, kaya huwag gayakan ang mga ganoong takda. Ang mga tao’y maaaring magsimula na isipin na ginagawa nila ang tamang bagay subalit sa katunayan ay sinusuway nila si Yahuwah, gaya ni Saul. Sinusubukan natin at “iniingatan ang mga kapistahan” sa nakaraan at matapos ang isang sandali, nagsimula si Yahuwah na ipakita sa atin na ito’y tama sa ating mga mata, ngunit hindi tama sa mga mata ni Yahuwah. . . .
Maraming mananampalataya kay Yeshua ay sinundan ang mga rabinikong tradisyon na gawa ng tao at sila’y gumagawa ng mga kaparehong pagkakamali na ginawa ni Jeroboam at mga Samaritano. Hindi mo maaaring ipagdiwang at ingatan ang mga kapistahan sa labas ng lupain, sa labas ng Jerusalem, at labas ng Templo na may nanunungkulang kaparian. Ang Templo, ang altar, at isang nanunungkulang kaparian ay hindi na umiiral ngayon, kaya wala nang sinuman ang maaaring magpanatili ng mga kapistahan. Wakas ng kwento. Nakita namin ang ilang pangangatuwiran na makakaya nila, ngunit iyon ay kung paano ang mga tao mag-isip, hindi si Yahuwah.
Nawa, naipakita namin ang ilang bagong bagay para sa iyo na isasaalang-alang sa isyu na ito, at kung paano mo maaaring iangkop ang mga ito sa iyong buhay.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://whitefeatherministries.com/can-you-keep-the-festivals-outside-jerusalem/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC