Si Frank Abagnale, Jr. ay malamang tutungo sa kasaysayan bilang pinakadakilang balasubas na nabuhay. Ang kalakasan ng lahat ng pandaraya at huwad ay nananahan sa kanilang kakayahan na manlinlang. Nalalaman ni Frank ito at siya ang pinakamahusay. Nagsimula siya sa kanyang kriminal na buhay sa pagbabalatkayo na isang Pan-Amerikanong piloto. Lumipad nang 1 milyong milya, bumisita siya sa 26 na bansa at namuhay sa iba’t ibang hotel, siningil ang pagkain at panunuluyan sa kumpanya ng eroplano. Matapos na halos mahuli habang lumilisan sa paglipad sa New Orleans, naghanap si Frank sa ibang dako para sa “trabaho.”
Kahit na walang edukasyon sa kolehiyo, matagumpay si Frank na nakapasa bilang isang punong residenteng pedyatrisyan sa isang ospital sa Georgia sa loob ng halos isang taon. Ang kanyang karera bilang isang doktor ay kabilang rin bilang residenteng tagapangasiwa ng mga interno sa loob ng 25 buwan. Sa huli, siya’y naghuwad ng sipi ng batasang paaralan ng Unibersidad ng Harvard, bagama’t hindi siya nakapasok sa batasang paaralan, at nakapasa sa state bar exam sa Louisiana. Sa loob ng walong buwan, siya’y nagtrabaho sa opisina ng abogado-heneral ng estado. Sa panahon ng kanyang kriminal na buhay, siya’y nagnakaw rin ng milyun-milyong dolyar sa napakatalinong hinuwad na mga tseke.
Ang pinaka hindi kapani-paniwala na katunayan sa kanyang kwento ay lahat ng mga pagsasamantala na ito ay naganap habang siya’y binata pa lang! Noong tuluyan na siyang nahuli, 12 bansa ang sumigaw para sa kanyang ekstradisyon. Matapos makatakas sa kulungan sa pagpapanggap na isang kunwaring tagasiyasat ng kulungan, naaresto si Frank sa kahuli-hulihang panahon noong ang dalawang pulis na nakaupo sa isang walang markang kotse ng pulis ay nakilala siya. Ang kakayahan ni Frank ay napakadakila, kaya matapos ang sandali sa kulungan, ang FBI ay inalok siya ng trabaho, tumulong sa kanila na hulihin ang ibang balasubas.(1)
Ang orihinal na pagsusukat ng oras ay may mga huwad rin. Habang karamihan sa mga tao ay may kamalayan na ang mga pinagmulan ng araw ng Linggo ay nagsimula sa pagsamba sa araw, ipinalagay nila na ang araw ng Sabado ay ang Biblikal na ikapitong araw ng Sabbath. Ang araw ng Sabado ay ang ikapitong araw ng sanlinggo. Gayunman, ang kalendaryong ginamit upang kalkulahin ang araw ng Sabado ay isang paganong huwad na nagtatag ng mga araw ng pagsamba sa mga paganong diyos. Ang pinagmulan ng araw ng Sabado ay ipinapakita ito na isang huwad ng orihinal na ikapitong araw ng Sabbath ng Paglikha.
Ang pagpapaupa ng pagiging lehitimo sa matapang na angkin nito na tunay na Sabbath ng Bibliya ay ang tanda (edad) nito. Ang haba ng panahon sa pag-iral ng araw ng Sabado ay nagpalakas sa mapanlinlang na kapangyarihan nito sa pagbibigay ng isang pagkalehitimo na hinuhuwad ng bago, kabilang sa mga ito ay ang araw ng Linggo, na hindi taglay. Upang maunawaan ang mapanlinlang na pinagmulan ng araw ng Sabado, mahalaga na bakasin ito pabalik sa mga ugat nito. Ang salitang “Sabado” (Saturday sa Ingles) ay nangangahulugang “araw ni Saturn” o araw na nabibilang sa diyos na si Saturn. Karamihan, kung hindi lahat, ng mga sinaunang relihiyon ay mayroong Saturn sa kanilang templo ng mga diyos.
Bilang “Saturn” sa mga Romano, siya si “Kronos/Chronos” sa mga Griyego. Sa mga taga-Ehipto, siya ay salit-salitan na “Khons”(2) at “Osiris.”(3) Ang mga Phoenicians, Carthaginians at Canaanites ay tinukoy si Saturn bilang si Baal o Baalim.(5) Ang tao mula sa mga alamat na ito ay walang iba kundi si Nimrod, ang “makapangyarihang mangangaso sa harap ni Yahuwah [laban kay Yahuwah].”(6) Si Nimrod, apo ni Ham at apo sa tuhod ni Noe, ay ang unang pinoong Babilonyang hari.(7) Ang muling pagtatatag ni Nimrod ng idolatrya sa mundo matapos ang baha ay dumating sa mga alamat at templo ng iba’t ibang maka-idolatryang bansa na hindi pa nakakuha ng kaalaman ng tunay na Eloah. Sa ilalim ng iba’t ibang pangalan, si Nimrod/Saturn ay lumitaw sa lahat ng sinaunang idolatrya.
Ang Roma mismo ay ang orihinal na siyudad ni Saturn! “Ang tradisyong may kinalaman kay Saturn, ang pinakamaagang diyos ng agrikultura na sinamba sa Italya . . . ay nananahan sa burol na tinawag na Capitoline, at ipinakilala ang gintong panahon sa Italya habang naghahari rito; kung kailan [dumating sa mga termino:] ang pamumunong Saturnian, bundok, lupain at siyudad.”(8)
Karaniwan sa lahat ng daigdig, ang Roma sa maagang panahon bago ang kasaysayan, ay malalim na nalasing sa “gintong kopa” ng Babilonya. Ngunit sa ibabaw at lagpas sa lahat ng ibang bansa, ito’y mayroong koneksyon sa idolatrya ng Babilonya na naglalagay sa isang posisyong natatangi at nag-iisa. Matagal bago ang mga araw ni Romulus [ang nagtatag ng Roma, kasama ang kapatid na si Remus], isang kumakatawan sa Babilonyang Mesias, ang tinawag sa kanyang pangalan, ang nagtayo ng kanyang templo bilang siya na diyos, at kanyang palasyo bilang isang hari, sa isa sa mga burol na iyon na napasama sa loob ng mga pader ng siyudad na iyon na itinadhana na makikita ni Remus at kanyang kapatid. Sa burol ng Capitoline, napakatanyag sa mga araw na napakadakilang lugar ng pagsambang Romano, ang Saturnia, o ang siyudad ni Saturn, ang dakilang Caldeong diyos, ay nasa mga araw ng makulimlim at malayong unang panahon na itinayo.(9)
Ang posibilidad na si Nimrod ang nagtayo ng Saturnia at sinamba rito bilang diyos, ay nakakaintriga. Ayon kay Annius ng Viterbo at Richard Lynche.(10) Si Noe mismo ay naglakbay patungong Italya upang bisitahin ang kanyang apo, si Gomer (panganay na anak ni Japheth). Sa pagdating, nalaman ni Noe na namatay si Gomer at inangkin ni Ham ang kaharian. Pagkatapos ay pinalayas ni Noe si Ham at ibinalik ang order sa kaharian na moral na pinasama sa ilalim ni Ham.
Sa Pahayag, ang Roma kasama ang maidolatryang pagsamba nito ay sumisimbulo bilang isang babae na pinangalanang “Mahiwagang Babilonya,” nakaupo sa isang halimaw na may pitong ulo.(11) Ang pitong ulo ng halimaw ay tinukoy bilang “pitong burol” kung saan siya nakaupo.(12) Ito ay isang direktang pagtukoy sa Roma, matagal na kilala bilang “ang siyudad ng pitong burol.” “Upang tawagin ang Roma na siyudad ‘ng pitong burol’ ng mga mamamayan nito ay hinawakan na naglalarawan gaya ng pagtawag sa sariling tamang pangalan nito.”(13) Ang burol ng Capitoline, ang pinakamaliit sa pitong burol ng Roma at ang sentrong lugar ng Saturnia ay matagal na itinuring na pinakabanal at naging upuan ng pamahalaang sibil.
Habang ang hamog ng panahon ay ikinubli ang lubos ng sinaunang panahon, ang Babilonyang dugtong ng Saturnia ay partikular na kawili-wili sa liwanag ng iba’t ibang sinaunang talaan(14) na nagpapahayag na si Shem, dakilang-tiyuhin ni Nimrod, ay pinaslang si Nimrod para sa idolatrya. Ang mga sinaunang talaan ng Saturnia ay nagpapahiwatig na ang idolatrya ay tunay na hinawakan sa loob ng mahabang panahon matapos ang ilang mala-sakunang pangyayari:
Sa burol ng Capitoline, napakatanyag sa mga araw na napakadakilang lugar ng pagsambang Romano, ang Saturnia, o ang siyudad ni Saturn, ang dakilang Caldeong diyos, ay nasa mga araw ng makulimlim at malayong unang panahon na itinayo.(15) Ilang rebolusyon ang naganap – ang mga diyus-diyosan ng Babilonya ay binuwag – ang pagtatayo ng anumang rebulto ay mahigpit na ipinagbawal,(16) at noong ang kambal na tagapagtatag [Romulus at Remus] ng siyudad na tanyag sa buong mundo ay pinalaki ang mga mababang pader nito, ang siyudad at ang palasyo ng kanilang Babilonyang hinalinhan ay matagal na ibinaon sa mga guho.(17)
Maging si Virgil ay nagpahiwatig sa pagkawasak ng Saturnia sa petsa na malayo maging sa mga maagang panahon ni Evander (mga nasa 1250 B.C.).(18)
Bilang isang ninuno ng Mesias at ang tagapagtanggol ng tunay na relihiyon, si Shem ay masigasig na panatilihin ang patotoo at hangad na buwagin ang idolatrya na itinatag ni Nimrod, ang kanyang dakilang pamangkin at ang pasimuno ng pagtalikod. Ang mga Caldeong talaan ay tinukoy ang kamatayan ni Nimrod ay naganap sa utos ng isang “tiyak na hari,” o si Shem.(19) Ang mga sinaunang talaan ng Ehipto ay ipinakita na si Shem, o Sem, ay nagsasalita sa pamamagitan ng “kapangyarihan ng mga Diyos,”(20) humiling sa isang katawan ng pamahalaan ng mga hukom, ipinapakita sa harap nila ang patotoo sa kadalisayan nito kumpara sa kasamaan na ipinalaganap ni Nimrod.(21) Ang kanyang mga salita ay makapangyarihan at mapanghikayat kaya ang mga hukom ay naniniwala sa kanya. Ang hukuman na ito ay binubuo ng dalawang pangkat ng mga mahistrado: 30 pangsibil na hukom at 42 pangrelihiyon na hukom, 72 sa kabuuan.
Pitumpu’t dalawa ang bilang ng mga hukom, parehong sibil at banal, na, ayon sa batas ng Ehipto, ay kailangan upang matukoy kung ano ang kaparusahan ng isang nakasala gaya ng isang nagkasala nang napakataas na si Osiris [Nimrod].(22) Ang parusa na ibinaba para sa matinding pagtataksil laban sa langit ay kamatayan.
Matapos pugutan ng ulo si Nimrod, pinagputol-putol ni Shem ang kanyang katawan, ipinadala ang iba’t ibang bahagi sa lahat ng iba’t ibang kuta ng idolatrya bilang isang taimtim na babala: kaya ito’y mangyayari sa lahat ng nag-aklas laban sa awtoridad ng Langit. Isang tamang laki ng bilang ng mga sinaunang talaan(23) ay nagpahiwatig na si Nimrod ay tunay na pinatay sa gutay-gutay na paraan, bagama’t ang pagputol matapos ang kamatayan ay mas malamang. Ano pa man ang tiyak na dahilan ng kamatayan, ang katunayan na maaari itong mangyari sa lahat at sa isang tao na makapangyarihan gaya ni Nimrod ay naghatid ng isang malakas na babala sa kanyang mga tagasunod.
Ipinakita si Saturnus na may hawak na karit at isang sanggol. Pansinin na ang dragong may pakpak ay kinakagat ang kanyang buntot na bumubuo ng isang ganap na bilog, ang simbulo ng araw.
Ang resulta ay dinala ang idolatrya sa ilalim ng lupa. Iyong mga nagnais na magpatuloy sa rebelyong sinimulan ni Nimrod ay kailangang gawin nang palihim. Si Nimrod ay sinamba, ngunit nagawa sa ilalim ng iba’t ibang pangalan.
Si Nimrod/Saturn sa iba’t ibang anyo nito ay naging “nakatagong diyos”; ang “diyos ng nakatagong tagapayo”; ang “tagapagkubli ng mga lihim,” at “nag-iisang nakatago.”(24)
Si Saturn bilang isang diyos, kasama ang kanyang araw ng pagsamba, ay nagmula sa dakilang pagtalikod matapos ang pagbaha na humantong sa rebelyong humamon sa Langit sa Tore ng Babel. Noong si Yahuwah ay nilito ang wika ng mga rebelde(25) at sila’y kumalat upang tumira sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, ang maidolatryang relihiyon ni Nimrod bilang isang diyos ay tumungo sa kanila. Habang ito’y pumasok sa isang bago, “nakatagong” yugto, ang kinikilalang simbulo ng dakilang pagtalikod na ito ay patuloy na umiiral at saanman ay tukso sa bayan ni Yahuwah, humahantong sa kanila sa idolatrya. Ang pundasyon ng rebelyon na ibinaon sa unang panahon ay malakas pa rin ngayon sa huwad na ikapitong araw ng Sabbath: araw ng Sabado.
Ang Griyegong Kronos at ang Romanong Saturn ay iisang diyos.(26) Bilang diyos ng pag-aani, siya ay karaniwang kumatawan na may hawak na karit. Si Kronos/Saturn ay diyos ng oras(27) gayon din siya ay madalas ilarawan na may dalang mga bata.(28) Ang pangunahing espesyal na araw ni Saturn ay Saturnalia. Tuwing Disyembre, ang landas ng araw ay nananatili sa katimugang kalangitan sa loob ng limang araw. Ang mga sinaunang pari ay sinabi sa mga mapamahiing tao na ang araw ay naghihingalo at dapat na magpatibay ng magastos na mga alay. Si Saturn, bilang diyos ng oras, ay pinanikluhod para ipagpatuloy ang oras. Ang mga tao ay napilitan na mag-alay ng mga bagay na pinakamahalaga sa kanila, ang kanilang mga anak, upang mapahaba ang oras. Si Saturn, ang diyos ng oras at pag-aani, ay umani ng kanyang ani ng mga kaluluwa sa mga nasunog na katawan ng mga batang ito.
Sa palaalamatan, kinain ni Kronos ang sarili niyang mga anak. Dahil dito, ang tamang alay na magpapalubag-loob kay Kronos ay, syempre, mga bata. Habang ang mga pahiwatig na ito’y hindi isang pang-araw-araw na ritwal, ito’y tiyak na nangyayari sa mga panahon ng pambansang panganib gaya ng taggutom at digmaan. Ang mga biktima ay karaniwang lubos na binalutan (upang maiwasan ang mga magulang na makita na nakatakda na ang kanilang anak) at malakas na tugtog na may mga tambol ang patutugtugin para palunurin ang anumang sigaw na maaaring marinig. Partikular ang Carthage ay kasumpa-sumpa para sa pag-aalay ng mga bata. “Ang mga espesyal na seremonya sa panahon ng matinding krisis ay nakitaan ng hanggang 200 bata ng mga pinakamamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya ang pinatay at inihagis sa pansiga. Sa panahon ng pulitikal na krisis ng 310 B.C., mga nasa 500 bata ang pinatay.”(29) “Si Saturn ay naging kampeon ng paganismong Aprikano . . . bilang Baal-Hammon sa Phoenician Carthage, siya ang pakay ng pag-aalay ng bata, isiniwalat sa mga tuklas sa Tophet, o bukas na mga lupa ng pag-aalay ng sinaunang Punic na siyudad.”(30) “Ang kampeong diyos ng paganismo ng Hilagang Aprika ay si Saturn kung saan nilagom ang Phoenician diyos na Baal-Hammon. Bagama’t isang diyos ng pagkamayabong, si Saturn-Baal . . . gayunman ay walang awa sa mga alay na inilapat niya.”(31)
Ang mga Romano ay tumigil sa pag-aalay ng mga tao nang maaga(32) at ang Senado ay opisyal na ipinagbawal ang pagsasagawa nito noong 97 BCE.(33) Gayunman, ang dugo ay patuloy na dumadanak sa pamamagitan ng mga mandirigmang gladiator sa panahon ng mga pagdiriwang ng Saturnalia.(34) “Ang mga gladiatoryal na palabas ay sagrado” kay Saturn.(35) Ipinahayag ni Ausonius na “ang ampiteatro ay inaangkin ang mga gladiators para rito, tuwing katapusan ng Disyembre ay sinusuyo ang kanilang dugo para sa Anak ng Langit na may dalang karit.”(36) Ang katunayan na ang mga gladiators mismo ay itinuring na mga alay sa diyos na uhaw sa dugo ay pinagtibay ni Justus Lipsius, noong nagkomento sa sipi ni Ausonius: “Kung saan mo masisiyasat ang dalawang bagay, pareho, na ang mga gladiator ay nakikipaglaban sa Saturnalia, at ginagawa nila ito para sa layunin ng pagpapalubag-loob at panunuyo kay Saturn.”(37)
Ang tuntunin kung saan ang mga [gladiatoryal na] palabas na isinagawa ay kapareho ng isang bagay na nag-impluwensya sa kaparian ni Baal. Ang mga ito’y ipinagdiriwang bilang mapagpasuyo na mga pag-aalay . . . sa liwanag ng tunay na kasaysayan ng makasaysayan na Saturn, nahanap namin na mas kasiya-siyang dahilan para sa barbarikong kasanayan kung saan ang karamihan ng mga tao ay “Nagpapatayan upang lumikha ng isang Romanong okasyon.” Kapag natandaan na si Saturn [Nimrod] mismo ay pinagpira-piraso, madali na makita kung paano ang ideya na lilitaw ay ang pag-aalay sa kanya sa pamamagitan ng pagpira-piraso sa isa’t isa sa kanyang kaarawan, sa paraang iyon ay masusuyo ang kanyang pagpabor.(38)
Sa modernong kalendaryo, ang Disyembre 21 ay ang solstice ng taglamig, o ang pinakamaiksing araw ng taon sa “Hilagang Kalahati ng mundo” [Kalahating Patag na Ibabaw]. Gayunman, sa sinaunang kalendaryong Julian, ang solstice ng taglamig ay tumatapat sa Disyembre 25. (39, 40) Ang mga Romano ay tinawag itong Brumalia mula sa salitang Latin na bruma. Tuwing Disyembre 25, ipinagdiriwang ang kapistahan ng Sol Invictus kung kailan matapos ang mga araw ay muling magsisimula na humaba. Ang mga huling Romano ay tinukoy ang araw na ito bilang “kaarawan ng Hindi Matinag na Araw” o dies natalis Solis Invicti.(41) Ang Saturnalia ay agad na pinangunahan ang Brumalia at ito ay isang panahon ng magulong pagsasaya.
Kaya, ang iba’t ibang sinaunang pagdiriwang na nagpaparangal kay Nimrod/Saturn at Tammuz sa panahon ng Saturnalia at ang mga kultural na katumbas nito ay sinipsip sa modernong pagdiriwang ng Kapaskuhan.(42) Kabilang rito ang 12 Araw ng Pasko; mga pagkaing iniwan sa gabi; “pontse” sa isang espesyal na waseyl na lalagyan; Christmas tree na ginayakan ng iba’t-ibang liwanag (sinaunang kandilang mula sa taba ng sinunog na katawan ng biktimang batang inalay); Christmas tree na sinabitan ng mga bola (noong unang panaho’y pugot na ulo ng inalay na bata) at kinoronahan ng isang bituin; mga kasiyahang maiingay; pagpapalitan ng mga regalo; paghalik sa ilalim ng misteltu; hamon bilang pangunahing putahe sa Noche Buena; parating berde na sanga; pangangaroling; mga kandilang “Advent”; ang larawan ng “batang Kristo” (sa katunayan ay si Tammuz, ang Babilonyang Mesias); Christmas cards (isang modernong ebolusyon ng pagpapadala ng pagbati at pagpapala), atbp. Maging ang imahe ni Father Christmas, o si Santa Claus, ay taglay ang pagkakapareho kay Saturn: isang matanda, na may mahabang balbas, at napapaligiran ng mga bata.
Ang larawan ni Saturn: isang masama, matandang nangangailangan ng pag-aalay ng bata, ay dinala sa modernong kalipunan sa dalawa pang pagbabalatkayo. Tuwing Disyembre, si Saturn, ang diyos ng oras/panahon, ay muling lumitaw bilang si “Old Father Time”. Ang biktimang bata ay ang Bagong Taong Bata. Pansinin na sa modernong karikatura ni Old Father Time kasama ang Batang Bagong Taon, lahat ng katangian ni Saturn ay nasa lugar: ang karit, ang orasan, bilang isang simbulo ng Oras, at syempre, ang biktimang bata. Ang ngiti sa likod ng balbas ni Father Time ay ginagawa ito na tila inosenteng kasiyahan: mga simbulo na walang nilalamang sanggunian sa kasamaan, isa lamang masaya na paraan para kumatawan sa landas ng oras.
Isa pang mas nakakatakot na representasyon ni Father Time kasama ang Bagong Taong Bata ay makikita sa larawan ito mula sa ikalabing-siyam na siglo (nasa ibaba). Si Father Time, (si Saturn, diyos ng panahon), ay nakatayo sa harapan ng malaking orasan, hawak din ang kanyang karit. Ang mga dating taon, 1886-1888, ay lumipas bilang tumandang katawan na nakabalot ng telang ginagamit sa mga patay. Ang Bagong Taon, 1889, ay darating bilang isang bata. Habang ang larawan ay bahagyang madilim, ang liwanag mula sa apoy ay sinusunog ang bata at ang nasa likod nito ay makapal na usok. Pansinin na ang mga darating na bagong taon, 1890-1892, ay inilarawan bilang mga bata na handa nang isakripisyo. Ang mga biktima ay laging binabalot nang husto kaya ang kanilang mga magulang ay hindi malalaman kung kailan sinunog ang kanilang anak. Lahat ng malalagim na mga elemento ng napakasamang diyos na ito ay nasa isang “inosenteng” larawang ito.
Ang ibang paraan kung saan ang larawan ni Saturn ay umiiral sa modernong kalipunan ay si Kamatayan. Si Kamatayan ay tipikal na nakikita lamang tuwing Halloween o Undas. Siya ay laganap na nauunawaan bilang simbulo ng kamatayan mismo. Kakaunti, kung anuman, sa modernong kalipunan ay nakilala sa alinman kay Kamatayan o Old Father Time ang paganong koneksyon sa pinakamalupit, pinakamasama sa lahat ng mga diyos. Gayunman, ang sinauna ay agad na makikilala ang pareho na walang iba kundi si Saturn dahil ang mga tanda na tumutukoy kay Saturn ay pareho sa mga tinukoy kay Old Father Time at Kamatayan: ang karit at isang bagay upang markahan ang daanan ng oras.
Habang ang Kristyanismo ay sinipsip sa paganong Roma, ang parehong Kristyanismo at paganismo ay pinagsama upang bumuo ng bago, pinag-isang relihiyon. Ang bagong relihiyong ito, pinangunahan ng kapapahan, napanatili ang mga paganong pagdiriwang, ngayo’y bininyagan sa bago, “na-Kristyanong” mga pangalan. Ang Kristyanismo ay napakabilis na lumubog sa paganismo na hindi binago ang mga kasanayang pangrelihiyon nito. Maaga noong ikatlong siglo, nanaghoy si Tertullian kung paano agad sumuko ang mga Kristyano ng kanyang panahon sa dalisay na pananampalataya habang ang mga pagano ay nanatiling matapat sa kanilang relihiyon:
Sa amin na dayuhan sa mga Sabbath, bagong buwan at kapistahan, minsang katanggap-tanggap sa Diyos, ang Saturnalia, ang mga kapistahan ng Enero, ang Brumalia, at Matronalia, ay kasalukuyan nang mas madalas; mga kaloob na hinatid at ibinalik, ang mga regalo ng bagong taon ay gawa sa ingay, at ang mga laro at piging ay ipinagdiriwang nang may dagundong; o, gaano pa mas matapat ang mga pagano sa kanilang relihiyon, na kumuha ng espesyal na kalinga para ampunin ang walang kataimtiman mula sa mga Kristyano.(43)
Ito ay isang kawili-wiling sipi dahil ang mga pagtalimang pangrelihiyon ay batay sa kanilang mga kalendaryo para sa pagtatatag kung kailan magdiriwang. Inilista ni Tertullian ang mga banal na araw ng luni-solar ng Manlilikha: mga Sabbaths, bagong buwan, at mga kapistahan. ipinahayag niya na ang mga pagdiriwang na ito ay katanggap-tanggap kay Yahuwah, habang nananaghoy sa katunayan na ang mga ito’y isinuko para sa mga paganong pagdiriwang, kinalkula sa pagano, kalendaryong Julian!
Ang panadero ay pinagsasama ang pampaalsa sa masa para makabuo ng tinapay. Ang panghuling produkto, tinapay, ay hindi katulad sa alinman sa pampaalsa o sa masa. Ito ay isang bagong produkto na gawa mula sa dalawang ito. Sa paraang ito, ang pagsasama ng paganismo at Kristyanismo ay umagos sa simbahan ng Kapapahan at kasalukuyang lumalaganap sa lahat ng Kristyano. Ang dalisay na apostolikong kabanalan ay isang bagay ng nakaraan, gaya ng hayag na paganismo ng sinauna. Gayunman, ang produkto ng masamang pagsasamang ito ay nakita sa Kristyano ng kasalukuyan. Ang bagong panghuling resulta ay “Kristyanong Babilonya.”
Napakaraming mga palusot ang ibinigay ng mga matatapat, konserbatibong Kristyanong Babilonya ngayon para sa patuloy na pagkapit sa mga paganong pagdiriwang na nagpaparangal kay Saturn.
- “Ang Pasko ay bukod-tanging araw na magkakasama kaming pamilya. Kami’y abala sa halos buong taon at ito lamang ang pagkakataon namin na magkakasama.”
- “Ang Pasko ay isang dakilang panahong magpapatotoo! Mas bukas ang mga tao sa panahong ito kaya ginamit ko ito bilang oportunidad na ibahagi ito.”
- “Ang Pasko ay nag-iisang okasyon na talagang nagtutuon ng pansin kay Hesus!”
- “Ang Pasko ay kasiyahan! Anong mali roon?”
- “Ang Pasko ay tangi kong pagkakataon na maipakita ko ang pagpapahalaga sa mga tao na mahalaga sa akin.”
- “Alam kong hindi ipinanganak si Hesus sa araw na iyon kaya ayos lang sa akin!”
Ang mga pagano ay walang kaalaman ng tunay na Eloah ng Langit. Sinanay nila ang mga ritwal na ito sa pagpaparangal kay Nimrod dahil wala na silang nalalaman na mas mabuti pa. Maaari ba ang mga Kristyano ngayon ay gumawa ng parehong angkin? Itinuturo ng Kasulatan na “Pinalampas ni Yahuwah ang mga panahon ng kamangmangan. Subalit ngayo'y ipinag-uutos Niya sa lahat ng tao sa lahat ng dako na magsisi.”(44) Para malaman na ang Pasko ay isang paganong okasyon, para malaman na ang mga makabagong ritwal ay batay sa mga sinaunang paganong gawain na dumadakila kay Saturn/Nimrod, at isa pa’y aangkining magpalusot mula sa kasalanan dahil nalalaman ng isa, ay lubos na hindi karapat-dapat.
Maraming matatapat na Kristyano ang hindi nagdiriwang sa Pasko ng Pagkabuhay o Kapaskuhan dahil sa kanilang mga paganong pinagmulan. May iba na hindi ipinagdiriwang ang kaarawan dahil nalalaman nila na ang pagdiriwang ng kaarawan para sa sarili ay ang pinakamataas na makademonyong okasyon ng taon.(45) Subalit, sa kamangmangan, ang mga matatapat na taong ito rin ay sumasamba sa ibang paganong araw. Hindi mahalaga kung anong araw ng sanlinggo ang unang araw o ang ikapitong araw; kung ang paganong kalendaryo ay ginamit para subaybayan ang oras, ito ay pagkalkula ng mga paganong araw ng pagsamba.
Ang pinakamalakas na panlilinlang ay iyong mga pinakamalapit sa katotohanan. Ang araw ng Sabado, ang ikapitong araw ng paganong kalendaryo ay ipinalagay na Biblikal na Sabbath, ngunit hindi ito. Sa isang kumplikadong pagbaluktot, inilabas ni Satanas ang araw ng Linggo bilang Huwad na Araw ng Pagsamba. Ang layunin ng dalawahang panlilinlang na ito ay linlangin ang lahat na tunay na nais na parangalan ang kanilang Manlilikha sa pagsamba sa “Araw ng Panginoon” o ikapitong araw ng Sabbath. Sa paraang ito, ang atensyon na nailipat mula sa patotoo na ang araw ng Sabado mismo ay isang huwad kung kailan pinaparangalan ang pinakamalupit, pinakauhaw sa dugo sa lahat ng mga diyos: si Saturn. Ang parangal at pagsamba ay inaagaw mula sa Manlilikha at ibinibigay sa Kanyang kaaway.
Nauugnay na Nilalaman:
(1) Frank W. Abagnale, Jr. at Stan Redding, Catch Me If You Can: The Amazing and True Story of the Youngest and Most Daring Con Man in the History of Fun and Profit, (New York: Broadway Books, 1980).
(2) Diyos ng oras.
(3) Diyos ng agrikultura/pag-aani.
(4) Alexander Hislop, The Two Babylons: The Papal Worship Proved to be the Worship of Nimrod and His Wife, (New Jersey: Loizeaux Brothers, Inc., 1959), pp. 31-32.
(5) “Baal,” Encyclopedia Britannica, Sixth edition, (Edinburgh: Archibald Constable and Co., 1823) Vol. III, p. 294. Sapagkat ang pangalang Baal ay nangangahulugang panginoon, ito’y madalas idugtong sa ibang pangalan: iyon ay; Baal-Berith, Baal-Peor, Baal-Zebub, atbp.
(6) Genesis 10:8 at 9
(7) Hislop, op cit., pp. 32, 304.
(8) Johann D. Fuss, Roman Antiquities, (Oxford: D. A. Talboys, 1840), p. 359.
(9) Hislop, op. cit., p. 239; tingnan rin, Aurelius Victor, Origo Gentis Romanæ, (Utrecht, 1696) cap. 3.
(10) Iba’t ibang mananalaysay ay binatikos ang pagiging tunay ng mga pinagkunang dokumento ni Annius ng Viterbo dahil ang mga ito’y hindi kinumpirma bago ang kanyang kamatayan. Namatay siya apat na taon matapos ang kanyang mga gawa ay nailathala at ang mga pinagkunang dokumento ay wala mula nang matagpuan. Tingnan rin: Richard Lynche, An Historical Treatise of the Travels of Noah into Europe, nailathala noong 1601 at batay sa bahagi sa gawa ni Annius.
(11) Tingnan ang Pahayag 17:1-5.
(12) Pahayag 17:9.
(13) Hislop, op. cit., p. 2. Inilarawan ni Propetius ang Roma bilang “Ang matayog na siyudad sa pitong burol, na namamahala sa buong mundo.” (Lib. iii. Elegy 9, Utrecht, 1659, p. 721.) Tingnan rin: Virgil, Georg., lib. ii. v. 534, 535; Horace, Carmen Seculare, v. 7, p. 497; isa pa, Martial: “Septem dominos montes,” lib. iv. Ep. 64, p. 254.
(14) Tingnan rin ang Ehiptong talaan ng kamatayan ni Osiris (Ehiptong Nimrod) sa mga kamay ni Sem (Shem).
(15) Aurelius Victor, op. cit.
(16) Ipinapahayag, na ipinagbawal ni Numa ang paggawa ng mga diyus-diyosan, at iyon sa loob ng 170 taon matapos itatag ang Roma, walang imahe ng diyus-diyosan ang pinahintulutan sa mga Romanong templo.
(17) Hislop, op. cit., p. 239.
(18) Tumutukoy sa kung kailan sinabi ni Æneas na bumisita sa sinaunang Italyanong hari, ipinahayag ni Virgil: “Pagkatapos ay nakita ang dalawang imbakan ng mga guho; minsang nakatayo/Dalawang hayagang bayan sa magkabilang gilid ng baha/Mga labi ng Saturnia at Janicula/At sa magkabilang lugar ang pangalan ng nagtatag ay pinanatili.” (Ænid, lib. Viii. II. 467-470, Vol. III, p. 608, binigyang-diin.)
(19) Tingnan ang Hislop, op. cit., p. 63; tingnan rin ang Maimonides, More Nevochim [Moreh Nevuchim].
(20) Ang pangalan ng tunay na Manlilikhang-Diyos, Elohim, ay maramihan. Dahil dito, ang kapangyarihan “ng mga Diyos” at “ng Diyos” ay ibig na ipahayag sa kaparehong termino.
(21) Sir John Gardner Wilkinson, The Manners and Customs of the Ancient Egyptians, (London, 1837-1841), Vol. V, p. 17.
(22) Hislop, op. cit.
(23) Ang iba’t ibang talaan ni Nimrod na namatay sa marahas na kamatayan ay lumitaw sa ilalim ng iba’t ibang pangalan. Gayunman, “ang mga Pagano ay nasa ugali ng pagsamba ng parehong diyos sa ilalim ng iba’t ibang pangalan” (Hislop, op. cit., p. 123). Iba’t ibang iskolar ay ipinunto na ang mga diyos na ito ay may mga magkakaparehong katangian, maging sa pinagmulan ng kanilang mga pangalan. Tingnan ang Hyginus, Fabulæ, 132 at 184, pp. 109, 138; Strabo, lib. X, p. 453; Appoldorus, Bibliotheca, lib. i. cap. 3 at 7, p. 17; Ludovicus Vives, Commentary on Augustine, lib. VI, chap. IX. Note, p. 239, sapagkat nasipi ni Hislop, pp. 55 at 56.
(24) Hislop, op. cit. p. 41. Tingnan rin ang Virgil, Ænid, lib. Viii at Ovid, Fasti, lib. i.
(25) Genesis 11:7-9
(26) Hislop, op. cit., pp. 31-35; “Saturn”, Encyclopedia Britannica; “Saturnus, Saturnalia,” The Oxford Classical Dictionary, (Oxford: Oxford University Press, 1979), pp. 955-956.
(27) “Ang koneksyon sa pagitan ng araw at Saturn ay posibleng lumitaw mula sa parehong kinuha bilang mga simbulo ng Oras. Ang pagbabalik ng araw sa simula ng zodiac ay nagtakda ng pagtatapos ng taon. Ang Saturn, ang pinakamabagal gumalaw sa lahat ng mga katawang makalangit, ay nakuha ang rebolusyon nito . . . sa loob ng 30 taon, isang ganap na henerasyon ng mga tao. Ang Saturn dahil dito sa isang natatanging diwa ay simbulo ng Oras, at dahil sa Oras o Panahon, ng Tadhana” (The International Standard Bible Encyclopedia, James Orr, gen. ed., [The Howard-Severance Co., 1915], Vol. I, p. 298.)
(28) Fuss, op. cit., pp. 359-360.
(29) Roy Decker, Religion of Carthage, “Human Sacrifice.”
(30) Quodvoltdeus of Carthage, pagsasalin at mga komentaryo, Thomas Macy Finn, (New Jersey: The Newman Press, 2004), p. 14.
(31) Ibid., p. 115.
(32) Habang ang mga Romano ay hindi sumang-ayon sa pag-aalay ng tao na barbariko, ang mga ito, gayunman ay, tiyak na mga halimbawa ng pag-aalay ng tao na naganap nang huli noong 216 at 113 BCE. Ang ibang pag-aalay ng tao na tinukoy nila Livy (2.42) at Pliny ang Mas Bata Pa (Sulat, 4.11) ay tila nagpapahiwatig na anuman ang opisyal na “dahilan” para sa “pagbitay,” ang mga ito sa katunayan ay mga alay upang pasayahin ang mga diyos dahil sa mga masasamang pangitain.
(33) Robert Drews, “Pontiffs, Prodigies, and the Disappearance of the Annales Maximi,”Classical Philology, Vol. 83, no. 4 (Oct., 1988), pp. 289-299.
(34) Habang ang Saturnalia ay orihinal na ipinagdiriwang tuwing Disyembre 17, ang magulong kilos na nauugnay sa tanyag na pagdiriwang ito nang maaga ay humantong sa pagpapahaba ng selebrasyon, una sa dalawa, pagkatapos sa tatlo, at limang araw. Sa panahon ni Cicero, ang Saturnalia ay tumatagal ng pitong araw.
(35) Fuss, op. cit., 359.
(36) Ausonius, Eclog. i. p. 156, nasipi ni Hislop, op. cit., p. 153.
(37) Lipsius, tom. ii. Saturnalia Sermonum Libri Duo, Qui De Gladiatoribus, lib. i. cap. 5 sapagkat nasipi ni Hislop, ibid.
(38) Ibid.
(39) VIII Kal. Ian, o walong araw bago ang una ng Enero: iyon ay Disyembre 25 kapag binilang nang napapasama gaya ng ginawa ng mga Romano. Si Pliny ang Matanda ay ipinahayag na ang solstice ng taglamig (bruma) ay nagsimula sa ikawalong antas ng Capricorn, ang ikawalong araw bago ang unang araw ng Enero: “horae nunc in omni accessione aequinoctiales, non cuiuscumque die significantur —omnesque eae differentiae fiunt in octavis partibus signorum, bruma capricorni a. d. VIII kal. Ian.” (Tingnan ang Naturalis Historia, Lib. 18, 221.)
(40) “Ang panahon ng Kapanganakan at Paghihirap ni Kristo . . . ay maliit ang turing ng mga Kristyano ng unang panahon. Sila ang unang nagsimulang magdiwang ng mga ito, inilagay nila sa mga kardinal na panahon ng taon; gaya ng pagpapahayag ng birhen Maria, sa ika-25 ng Marso, na noong itinama ni Julius Cæsar ang kalendaryo ay ang equinox ng tagsibol . . . at ang kapanganakan ni Kristo sa solstice ng taglamig, Disyembre 25, . . . at dahil ang Solstice sa panahon ay tinanggal mula sa ika-25 ng Disyembre, hanggang sa ika-24, ang ika-23, ika-22, at paatras pa.” (Sir Isaac Newton, Observations Upon the Prophecies of Daniel and the Apocalypse of St. John, 1733, Part I, Ch. XI, p. 144, Binigyang-diin at orihinal na pagbabaybay.)
(41) Tingnan ang Chronography of AD 354 kung saan ang VIII Kal. Jan. ay tinukoy bilang “kaarawan ng Hindi Matinag na Araw” (dies natalis Solis Invicti).
(42) Para sa mga katiyakan sa mga ritwal ng Saturnalia at kung paano ito ngayong niyakap ng lahat ng mga Kristyano, tingnan ang Hislop, op. cit., “Christmas and Lady-Day,” pp. 91-103.
(43) Tertullian, De Idolatria, c. 14, Vol. I, p. 682 sapagkat nasipi ni Hislop, op. cit., p. 93, orihinal na diin.
(44) Mga Gawa 17:30, binigyang-diin.
(45) “Matapos ang sariling kaarawan, ang dalawang pangunahing makademonyong okasyon ay Walpurgisnacht [Mayo 1] at Halloween” (Undas). Anton S. LaVey, The Satanic Bible, (New York: HarperCollins Publishers, Inc., 1992), p. 96.