Pag-Kalkula Sa Pang-Ugnay: Walang Kompyuter? Walang Problema!
“Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang hindi nakikitang kalikasan—ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos—ay maliwanag na nakikita at nauunawaan dahil sa mga bagay na kanyang ginawa.” Roma 1:20 (Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version)
Isang mapagpalang panahon na mamuhay sa isang napakahalaga ngunit bumagsak na sanlibutan! Ang kaalaman ay tumataas sa walang kapantay na bilis at ang patnubay ng Banal na Espiritu ni Yahushua ay dinadalisay at inihahanda ang lahat ng mga anak ng Kanyang Ama na sabik na naghihintay sa Kanyang pagbabalik! Ang bawat hanay ng Katotohanan ay naibalik na.
Ang World’s Last Chance ay itinataguyod ang Kanyang Kalendaryong Luni-Solar sa nakalipas na ilang panahon; gayunman, kami’y nanangis at nagsisi sa katunayan na kami’y unang nabulag sa tamang pamamaraan ng pagsisimula ng buwan, na pinakamahalagang bahagi! Hindi na kami naniniwala na ang araw matapos ang unang nakikitang gasuklay ay ang Araw ng Bagong Buwan. Matapos ang madasaling pag-aaral, dumating ang WLC sa konklusyon na ang tanging lunar na yugto na maaari ang Bagong Buwan ay ang sandali na agad sumusunod sa Madilim na Yugto, o kaya’y tinatawag na Astronomikong Bagong Buwan o Pang-Ugnay (Conjunction).
Ang konklusyong ito ay batay sa dalawang katunayan:
(1) Ang buwan ay agad nagiging iluminado kasunod ng kaugnayan nito sa araw. Ang katunayan na ito’y hindi maaaring makita ay hindi pinapawalang-sala ang katunayan na ang buwan ay kasalukuyan nang muling tumatayo.
(2) Ang pang-ugnay ay nagaganap sa tiyak na punto ng panahon para sa lahat sa Daigdig.
Ang dalawang katunayang ito ay ginagawa ang sandaling agad sumusunod sa Pang-ugnay ang pinaka-nararapat na kandidato para sa Biblikal na Bagong Buwan. Gamit ang Bukang-Liwayway matapos ang Pang-ugnay para sa iyong tiyak na lugar ay ang tanging paraan na may kamalayan ang World’s Last Chance na maaaring pagkaisahin ang buong mundo sa isang panahon ng 24 oras. (Sa ibang salita, ang lahat ng mga bansa ng mundo ay mararanasan ang pagdating ng Araw ng Bagong Buwan sa loob ng kaparehong panahon ng 24 oras.)
Isang ganap na solar eklipse na nakita sa Ellis Beach hilaga ng Cairns
sa malayong hilaga ng Queensland, Australya, Nobyembre 14, 2012. (AAP Image/Brian Cassey)
Naniniwala ang WLC na ang bukang-liwayway para sa iyong lokasyon matapos ang UTC na pang-ugnay ay kung kailan nagsisimula ang Araw ng Bagong Buwan para sa iyo. Muli, ang Pang-ugnay ay nagaganap sa isang tiyak na panahon at ito ay nasa kaparehong sandali para sa sinuman sa Daigdig. Ito’y karaniwang naitala sa Coordinated Universal Time (UTC) o Greenwich Mean Time (GMT). Kailangan mo lamang palitan ang oras na ibinigay sa UTC sa iyong lokal na oras.
Halimbawa: Ang Pang-ugnay ay nagaganap noong Enero 11, 2013 sa oras na 19:44 UTC. Para sa Cairo, Egypt (UTC +2), ang Pang-ugnay ay nagaganap sa Enero 11 sa lokal na oras nito na 21:44 (9:44 PM). Ibig sabihin nito ay ang Araw ng Bagong Buwan ay nagsimula sa Enero 12 sa oras na 5:27 AM (Astronomikong Bukang-Liwayway).
Para sa iyong kaginhawaan, naglathala ang WLC ng lahat ng pang-hinaharap na panahon ng Pang-ugnay hanggang 2023 sa artikulo na, “Panghinaharap na mga Petsa ng Lunar-Solar na Pang-ugnay (2013-2023).”
Ngayo’y alam mo na ang panahon ng Pang-ugnay para sa iyong lokasyon, pero kailan ang punto ng paghinto? Malinaw ang Kasulatan na ang araw ay nagsisimula sa Bukang-Liwayway, at sa pagpapanatili sa Biblikal na saligang ito, ginamit ng WLC ang Astronomikong Bukang-Liwayway (mula ngayo’y tinukoy bilang “Bukang-Liwayway”) para sa katapusan ng isang petsa at pagsisimula ng sumunod na araw. Sa sinabing iyon, ang puntong ito sa panahon ay nagsisilbi rin na pulkrum kung kailan nagsisimula ang Araw ng Bagong Buwan. Kung ang Pang-ugnay ay nagaganap bago ang Bukang-Liwayway, ang Araw ng Bagong Buwan ay nagsisimula sa Bukang-Liwayway. Kung ang Pang-ugnay ay nagaganap matapos ang Bukang-Liwayway, ang Araw ng Bagong Buwan ay nagsisimula sa susunod na Bukang-Liwayway. Ang pamamaraang ito ay tunay na nagpapahintulot kay Yahuwah at ang sistemang makalangit na itinalaga Niya sa lugar para maging mga tagapasya ng panahon at ito’y nagpapahintulot sa Kanya na lumikha ng linya ng petsa.
Halimbawa: Sa oras na napalitan mo na ang UTC ng Pang-ugnay sa iyong lokal na oras, kung ang Pang-ugnay ay nagaganap bago ang Bukang-Liwayway sa Pebrero 10 para sa iyong lokasyon, kahit na ilang minuto bago ito, ang Araw ng Bagong Buwan ay nagsisimula sa Bukang-Liwayway sa Pebrero 10 para sa iyo. Kung ang Pang-ugnay ay nagaganap matapos ang Bukang-Liwayway sa Pebrero 10, kahit na ilang minuto matapos ito, ang Araw ng Bagong Buwan ay nagsisimula sa Bukang-Liwayway sa Pebrero 11 para sa iyo. Kaya dahil dito, ang buong mundo ay sisimulan ang Araw ng Bagong Buwan sa kaparehong panahon ng 24 oras.
Ilang pagtutol ang itinaas laban sa ideya ng paggamit ng Pang-ugnay bilang sangguniang punto ng pagsisimula ng mga buwan. Maraming Lunar Sabbataryan ang naggigiit sa pag-asa lamang sa mga biswal na paningin ng Buwan para tukuyin ang simula ng buwan bagama’t ang kasaysayan ay nagpapakita na ang kalkulasyon ay gumaganap ng isang napakahalagang papel. Malamang, ang pinaka karaniwang argumento, at isang pagsalungat na minsang niyakap ng WLC ilang panahon lamang ang nakalipas, ay hindi maaaring makita ng isa ang pangyayari ng Pang-ugnay; dahil dito, dapat na iawas. Gayunman, naipaliwanag namin, ang mga solar na eklipse ay mga nakikitang Pang-ugnay, sa katunayan ay maaari silang makita nang minsan, at sila’y lubos na mahuhulaan. Ang pagsisiyasat ng mga artepakto at mga pamamaraan na ginamit ng mga Sinauna ay ipinapakita na ang mga pagsisimula ng mga buwan kasama ang kanilang katagalan ay matagal nang nalalaman nang maaga. Ang mga pormula na kailangan para mahulaan ang mga galaw ng Buwan at Araw ay katiting lamang ang pagkakaiba mula sa mga sinaunang pamamaraan. Ang mga matematikong pormula ay pare-pareho.
Kaya maaari mong sabihin, “Bueno, ang ating modernong teknolohiya ay napakahusay para hulaan ang Bagong Buwan ngunit paano nagawa ng mga Sinaunang Hebreo ang tumpak na paghula sa lunar-solar na Pang-ugnay?”
Oo, ang ating iba’t ibang modernong teknolohiya ay lubos na epektibo sa pagtulong na mahanap ang Pang-ugnay, at gayunman, maging ang pinakasimple at pinaka karaniwang sambahayang kagamitan ay maaaring gamitin sa pagtukoy ng oras kung kailan nagaganap ang Pang-ugnay. Pinagkalooban ni Yahuwah ang Kanyang mga matatapat na nabubuhay ngayon ng isang kalabisan ng mga sopistikadong kasangkapan at subok nang kaalaman para sa pag-aaral at pagkakaunawa ng mga balangkas ng kalangitan. Maaari at dapat nating gamitin ang lahat ng bagay na makukuha natin upang tumulong sa ating pagkakaunawa ng mga paggalaw ng araw, buwan, at mga bituin. Maging ang mga paggalaw at mga yugto ng buwan ay lubos na tiyak at mapaniniwalaan, ginagawa nila ito na tumatakbo gaya ng isang higanteng orasan sa kalangitan. Maaari nating siyasatin ang mga yugto ng buwan habang sila’y umuunti mula sa yugto ng huling gasuklay hanggang sa patuloy na umuunting gasuklay at sukatin ang mga bumababang distansya sa pagitan nila at ang lumilitaw na araw sa silangan. Sa halip lamang na iisang pagkakataon na makita ang unang nakikitang gasuklay, mayroon na tayong kakayahan na isagawa ang ilang pagsukat ng paningin sa mga araw matapos ang Sabbath sa ika-22 ng Buwang Lunar. Ang mga pagsukat ay nakakamit nang pinakamahusay sa paligid o bahagyang bago ang pagdating ng araw. Narito ang mga hakbang:
1(a). Habang hawak ang isang medida o ruler na minarkahan sa sentimetro at hinawakan sa haba ng braso, sukatin ang anggular na paghihiwalay sa pagitan ng araw sa kagiliran at ang humihinang gasuklay na buwan. Kunin ang ilang pagbabasa at itala ang mga ito. Siguraduhin na sumukat mula sa sentro ng araw hanggang sa sentro ng buwan. [1 sentimetro = 1 digri ng anggular na paghihiwalay]
1(b). Sa kawalan ng mga sambahayang kasangkapan, at sapagkat tayo’y “nilalang na kakila-kilabot at kagila-gilalas,” ang tunay na kailangan lamang ng lahat ay ang kanilang mga kamay. Kapag tiningnan sa haba ng braso, ang iyong kamay at mga daliri ay gumagawa ng sakdal na kasangkapan ng panukat para sa anggular na paghihiwalay! Dahil ang mga proporsyon ng ating katawan ay pinaliit sa order ng lahat ng Paglikha gamit ang Gintong Kalagitnaan (1:1.6), walang pagkakaiba kung ano ang pisikal na tangkad. Ang posisyon ng mga kamay sa haba ng braso ay nagbibigay ng isang kagulat-gulat na tumpak na kasangkapan para sa pagsusukat ng anggular na paghihiwalay, o distansya sa digri, sa pagitan ng buwan at araw.
Ang hinliliit ng isang tao na tiningnan sa haba ng braso ay lubos na malapit sa isang digri ng anggular na paghihiwalay. Ang hintuturo, hinlalato, at palasingsingan nang makakasama ay kumakatawan sa 5 digring paghihiwalay, habang ang isang nakakuyom na kamao ay nagpapakita ng 10 digri. Ang 15 at 25 anggulo ay maaaring sukatin gamit ang mga distansya sa pagitan ng hinliliit at hintuturo at hinliliit at hinlalaki ayon sa pagkakabanggit. Para sa mas dakilang katumpakan, siguraduhin na sukatin ang pagitan ng dalawang panloob na mga gilid ng araw at buwan.
A - Ang hinliliit ay lubos na malapit sa isang digri ng anggular na paghihiwalay
B - Ang hintuturo, hinlalato, at palasingsingan nang makakasama ay kumakatawan sa 5 digring paghihiwalay.
C - Ang isang nakakuyom na kamao ay nagpapakita ng 10 digri.
D - Sa pagbuka ng apat na daliri, ang distansya sa pagitan ng hinliliit at hintuturo ay kumakatawan sa 15 digri ng anggular na paghihiwalay.
E - Ang hinliliit at hintuturo na nakabuka hangga’t posible ay kumakatawan sa 25 digri na anggular na paghihiwalay.
2. Ang susunod na hakbang ay medyo simpleng matematika. Narito ang isang maikling pagpapaliwanag ng pormula.
Kailangan ng 24 oras para sa araw na makagawa ng isang kumpletong bilog (360 digri) sa daigdig. Ito’y katumbas ng 15 digri kada oras (360°/24 = 15°). Ang buwan, gayunman, ay tumatagal ng humigit-kumulang 24 oras at 50 minuto para makagawa ng isang kumpletong bilog. Ito’y katumbas ng 14.5 digri kada oras (360°/24.83333333333 = 14.5°). [Tandaan: 24.83333333333 ay 24 oras, 50 minuto sa desimal na anyo.]
Ibig sabihin nito na ang buwan ay nawawalan ng 0.5 digri sa araw kada oras. Sinabi sa isa pang paraan, ang araw ay nakakakuha ng 0.5 digri sa buwan kada oras. Dahil dito, ang buwan ay nawawalan ng humigit-kumulang 12 digri bawat araw (.5° x 24 hours). Ito ay kung bakit ang isang buwang lunar, ang panahon mula sa isang pang-ugnay hanggang sa susunod, ay mga 29.5 araw sa karaniwan (360°/12° kada araw = humigit-kumulang 30 araw para makumpleto ang isang ikot). Tandaan rin, tayo’y naghuhumimok ng mga bilang rito.
Para sa biswal na pagpapaliwanag: Mga Luminaryo ng Patag na Daigdig – Ang Araw, Buwan at mga Bituin ay Ipinaliwanag
Ngayon, bumalik sa ating pagsukat. Kunin ang karaniwang pagbabasa at hatiin ang bilang na iyon ng 0.5 (ang bilang ng digri na nakakamit ng araw sa buwan kada oras); ang nanggagaling na bilang ay ipinapakita kung gaano karaming oras mula sa panahon ng pagsukat hanggang sa Pang-ugnay.
3. Pagkatapos, kung kinakailangan, hatiin ang bilang na iyon sa 24 upang makita kung ilang araw hanggang sa Pang-ugnay.
Halimbawa: Tumpak mong nasukat na ang Araw at Buwan ay may anggular na paghihiwalay ng 25 digri.
Hatiin lamang ang 25 digri ng 0.5 digri (ang bilang ng digri na nakakamit ng araw sa buwan kada oras), na katumbas ng 50. Ito ang bilang kung ilang oras hanggang Pang-ugnay! NAPAKADALI!
Pagkatapos, kung kinakailangan, maaari mo ring hatiin ang 50 sa 24 (bilang ng mga oras sa isang araw) para makita kung ilang araw hanggang pang-ugnay. 50 oras ÷ 24 oras = 2.1 araw ang layo mula sa Pang-ugnay sa panahon ng pagsukat.
Maaari tayong makatiyak na ang mga sinaunang tao ng bawat kultura ay mayroong mas dakilang pagkakauanawa ng mga makalangit na luminaryo kaysa sa karaniwang tao ngayon. Ang Banal na Espiritu ni Yahushua ay ibinabalik sa ating mga puso ang bawat banal na institusyon. Mapagpalang inilaan sa bawat isa sa atin ni Yahuwah ang mga kasangkapan at kaisipan na kinakailangan para kalkulahin ang panahon ng Pang-ugnay nang may kadalian at katumpakan. Ang lahat ng papuri ay para kay Yahuwah at sa Kanyang Pinagpalang Anak!
Sapagka’t iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina.
Ako’y magpapasalamat sa iyo;
sapagka’t nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
(Awit 139:13-14)