66 AD - Pagtakas Ng Mga Kristyano Ng Jerusalem Sa Pella At Decapolis
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang Mga Guho Ng Sinaunang Siyudad Ng Pella, sa Jordan1
Nawasak ang Jerusalem noong 70 AD, ng pinagsamang pwersa ng maraming Romanong Lehiyon na nagsasagawa ng isang mahabang pagkubkob. Hindi ipinagtanggol ni Yahuwah ang Kanyang piniling bayan, hindi maging ang Banal na Templo na itinayo para sa Kanya. Ang kasamaan ng mga Hudyo sa panahong iyon ay lumago nang lubos na malawak, at ipinako nila sa krus ang Kanyang Anak, si Yahushua, ang Anak na isinugo niya bilang kanilang pinakahihintay na Mesias at Tagapagligtas. Ang mga Hudyo ay tinanggihan si Yahushua at gaya ni Yahushua, sa panahon ng kanyang tatlo’t kalahating taon ng pagtuturo at paglilingkod, ay pasalitang tinanggihan ang kilos ng mga lider ng bayang Hudyo.
Ang mga Hudyo ay tinanggihan si Yahushua at gaya ni Yahushua, sa panahon ng kanyang tatlo’t kalahating taon ng pagtuturo at paglilingkod, ay pasalitang tinanggihan ang kilos ng mga lider ng bayang Hudyo.
|
Nasumpungan ni Yahushua ang kaugalian ng Kaparian at Iskriba na masama, naglilingkod sa sarili, at malayo mula sa kanilang Ama at mga nilalayon ng Manlilikha para sa kanila. Malakas at hayagan niyang sinaway ang mga ito habang nagsasagawa ng mga kahanga-hangang himala sa mismong harapan nila kaya malalaman nila kung sino ang nagsaway sa kanila.
Sa halip na pagsisisi, pinagtangkaan nilang patayin si Yahushua, at noong isinadula nila ang kanilang masamang balak, sumuko si Yahushua sa kalupitang ito. Sa harap ng Romanong gobernador na si Pontio Pilato, isang madla ng mga karaniwang Hudyo – humampas sa siklab ng kanilang Kaparian at marahil ang mga demonyo rin – sumigaw na ang dapat ipako sa krus si Yahushua ng Roma. At ipinako sa krus si Yahushua.
Habang sugatan sa mga paghampas at pagpalo, pasan ni Yahushua ang mabigat na krus hanggang sa lugar na tinawag na Golgotha (lugar ng bungo), sa isang burol na tinawag na Kalbaryo, naniniwala ang mga tao na isang tagalabas, hindi isang kapwa Hudyo mula sa Jerusalem o malapit lang, ang tumulong sa kanya na dalhin ang pinapasan noong pagod na pagod na siya. Ang taong ito ay nagngangalang Simon at mula sa Hilagang Aprika na bansang Cyrenaica. Pinagbagong-loob siya sa Kristyanismo dahil sa karanasang ito at tumungo kasama ang kanyang mga anak na maging isang haligi at lider ng Kristyanong iglesya ng Antioch. Iyon ang unang simbahan kung saan ang mga tagasunod ni Yahushua ay tinawag na mga ‘Kristyano.’
Narito sa Antioch, magiliw na nalalaman si Simon sa palayaw na halos nangangahulugang ‘Blackie’ dahil sa kanyang maitim na kulay ng balat, sinasabi ng ilan sa mga lumang kasulatan. Kaya kung ang itim na Kristyanong komunidad ay ipinagmamalaki si Barack Obama bilang Pangulo, dakila iyon. Ngunit umaasa ako na sila’y mas ipinagmamalaki ang taong ito, si Simon, na naabot ang mataas na katayuan ng pagiging natatanging tao na nalalaman na pisikal na tinulungan ang Panginoon sa Kanyang pinakamahirap na oras. Para sa mga nagbigay ng inumin ng iba’t ibang likido sa Panginoon habang siya’y nakabitin sa krus, tumutulong ba ito na pahabain ang buhay ng isa na nakabitin upang mamatay sa krus? Marahil sila’y nabibilang sa mga katulong, o maaaring hindi.
Oo, tinatakan na ng Jerusalem ang kapalaran nito sa mga araw at oras na iyon. Madalas nilang pinapatay ang mga propeta na isinugo ni Yahuwah sa kanila sa mga araw ng nakaraan, hindi hinihiling na ang kanilang mga gawa ay masasama, hindi ninanais magbago kahit na nagbabala na si Yahuwah sa kanila. Ngayon, pinatay nila ang Anak ni Yahuwah matapos siyang lamogin at kutyain.
Habang patuloy na nabubuhay, nahulaan ni Yahushua ang isang napakadakilang panghinaharap na pagkawasak ng Jerusalem. Sinabi niya sa mga tao na siya’y nagsasalita sa araw na iyon na ang kanilang salinlahi ay hindi lilipas bago ito maganap.
|
Habang patuloy na nabubuhay, nahulaan ni Yahushua ang isang napakadakilang panghinaharap na pagkawasak ng Jerusalem. Sinabi niya sa mga tao na siya’y nagsasalita sa araw na iyon na ang kanilang salinlahi ay hindi lilipas bago ito maganap. Karamihan sa kanyang mga tagasunod ay nasa retirong edad (60 – 80 taong gulang) noong ang pagkawasak ay dumating sa katuparan. Sila’y matatanda na, ngunit marami ang patuloy na nabubuhay.
Noong humigit-kumulang 29 AD, sa panahon ng kanyang paglilingkod, minsang nagpalayas ng maraming demonyo si Yahushua mula sa isang sinasanibang tao. Ang Demonyo ng Gadareno (Gergeseno), ang tinawag sa taong iyon. Siya ay isang lokal na tanyag na sinasanibang tao rito sa rehiyon ng mga taga-Gadareno. Hindi kapani-paniwala ang kanyang lakas kaya nawawasak niya ang mga kadena! Tila hindi siya maaaring igapos – sinubukan ng mga tao. Mabangis siyang namumuhay sa mga libingan, malinaw na nababaliw, at paminsan-minsan ay sinasaktan niya ang kanyang laman hanggang dumanak ng dugo. Siya ay katulad ng isang ulirang nangangalit na mandirigmang Viking. Ang isang tao gaya niya ay makikilala sa isang malawak na lugar.
Ang mga taga-Gadareno, na tinukoy ng Kasulatan bilang tagapagparami ng mga baboy, ay malabo na maraming nagsasanay na Hudyo sa kanila. Sila’y mga Hentil, marahil. Noong panahon ng pananakop at deportasyon ng mga Asiryan sa sampung tribo ng Hilagaan, mga 720 BC, maraming banyaga ang inilipat sa mga lugar ng nagwaging Asiryan kung saan ang Reuben, Gad, at kalahating tribo ng Manasseh ay pinalayas. Ang lupaing ito ay nasa Silangang bahagi ng Ilog Jordan at Dagat ng Galilee. Ang lupaing ito ay minsang tahanan ng higanteng hari na si Og, at ang bahagi ay minsang lupain ni Sihon. Ngunit sa mga sinaunang panahon, sinakop ito ni Josue. Marahil ang mga taong ito ay ilan sa mga inilipat ng mga Asiryan buhat nang ang mga bayan ni Og at Sihon ay ganap na pinuksa.
Ang ‘Gadareno’ ay nagpapahiwatig ng ilang posibleng koneksyon sa tribo ni ‘Gad,’ bagaman, sapagkat si Gad ay minsang namuhay sa rehiyong iyon. Ito ba’y heograpiko lamang, o ang mga taong ito’y tumalikod na Israelita na hindi na tumatalima sa mga batas ng dyeta ng mga Hudyo?
Noong sila Yahushua at ang mga Apostol ay nakababa na sa kanilang bangka sa pampang ng bayan ng Gadareno, ang taong sinasaniban ng Demonyo ay tumakbo patungo kay Yahushua at mga Apostol.
Inutos ni Yahushua sa espiritung sumasapi na tukuyin ang sarili nito, at tinawag siyang ‘Lehiyon,’ sinasabi na maraming espiritu, hindi lamang isa, nananahan sa looban ng tao.
Inutos ni Yahushua na sila’y lumabas. Sila’y nagmakaawa na pahintulutang pumasok sa isang kawan ng libu-libong baboy sa halip na palabasin sa bukas, kung saan sila (ayon sa ilang lumang paniniwala) ay kailangang humanap ng isang sasaniban o mamatay.
Pinahintulutan sila ni Yahushua na pumasok sa kawan ng mga baboy, ngunit ang mga baboy ay tumakbo sa barangko at napahamak sa dagat. Libu-libong patay na baboy ang palutang-lutang sa dagat – isang kapalaran ng pastol! – ngunit ang tao na ginawang baliw ng mga demonyong ito ay ngayong matino na at umupo nang malapit sa mga paa ni Yahushua.
At ang lokal na bayan, tumatakbo para makita ng kanilang mga mata kung ano ang sinasalaysay ng mga pastol ng mga baboy sa kanila, malinaw na napagtanto ang kahalagahan ng anong nagawa ni Yahushua. Ang dagat ay napuno ng mga patay na baboy. Ang baliw na taong puno ng sumasanib na demonyo, minsang lubos na nakakatakot sa kanila, ngayo’y tahimik na nakaupo sa mga paa ng mga panauhin.
Kinamamayaan, noong si Yahushua ay gumawa ng isa pang paglalakbay sa lupaing ito, sabik silang magtitipun-tipon para marinig ang kanyang mga pagtuturo dahil sa mga kaganapang ito. Ngunit ngayon, sila’y nakiusap lamang sa kanya na lisanin ang kanilang bayan dahil nagdulot siya ng sakuna. Ang bawat isang baboy ba ay nagkakahalaga ng $100.00 hanggang $300.00? Kung oo, nagdulot si Yahushua ng gastos sa kanilang lupain ng halos isang milyong dolyar. Ngunit hindi nila susubukang saktan si Yahushua! Hindi matapos ang kanyang nagawa. Malinaw sa lahat na siya ay nagtataglay ng dakilang kapangyarihan na hindi pa nila nakikita.
Umalis si Yahushua sa pakiusap nila. Ang dating taong sinaniban ng demonyo ay nakiusap kung maaari siyang sumama sa Tagapagligtas. Ngunit sinabi ni Yahushua sa kanya:
‘Hindi. Uwuwi siya at sabihin sa mga tao kung anong nangyari – anong ginawa para sa kanya.’
Lumisan na si Yahushua, at ang taong ito ay matapat na isinagawa ang kanyang misyon dahil tumatanaw siya ng utang na loob sa anong ginawa ni Yahushua para sa kanya. Naglakbay siya sa rehiyon, silangan ng Ilog Jordan, isang lugar na tinatawag na Perea, para sa ilang panahon lamang. Sa rehiyong ito, mayroong sampung mahahalagang siyudad, na kung saan, bilang isang pangkat, ay tinatawag na ‘ang Decapolis’ (ang 10 Siyudad). Sinabi niya sa mga tao sa mga siyudad na ito ang tungkol kay Yahushua at anong nagawa ni Yahushua. At naririnig nila ang kwentong ito na kinumpirma ng marami mula sa rehiyon kung saan ito naganap mula nang tinanong nila kung ito ay totoo.
Ang taong minsang sinaniban ay ipinalaganap ang balita nang lubusan kaya sa susunod na babalik si Yahushua sa lugar, maraming kawan ng mga tao ang darating at sabik na makikinig sa kanyang mga pagtuturo. Ito’y nagiging isang mayabong na lupain.
At humigit-kumulang na 40 taon ang nakalipas, mahalaga ang dakilang layunin na ang mga tao ng rehiyong ito ay nakasama si Yahushua, natutunang mangamba at rumespeto sa kanya, at yakapin siya. Mayroong sampung siyudad sa Decapolis. Isa sa mga ito ay nagngangalang Pella. At noong ang mga Romano ay dumating upang wasakin ang Jerusalem noong 66 AD, sa ilalim ng mando ni Gaius Cestius Gallus, ito ay sa rehiyon ng Decapolis at sa siyudad ng Pella kung saan ang mga Kristyano ay patungo!
Ito’y noong 66 AD.
Isang Romanong heneral na nagngangalang Cestius ay pinaligiran ang siyudad ng Jerusalem kasama ang maraming dakilang tropang Romano. Ang mga Hudyo ay naghihimagsik muli laban sa Roma, at ang Roma ay pagod na pagod na sa kanila. Ang mga Romano ay nag-aalikot kasama ang mga Hudyo. Sa loob ng Jerusalem ay may dakilang bilang ng mga tao, kumuha ng kanlungan mula sa mga nagngangalit na Romano. Ito ay dahil ang Jerusalem ay isang hindi mapaniniwalaang ligtas at malakas na siyudad na pinaligiran ng pader. Ikalawa, ito’y napuno dahil ang hukbo ni Cestius ay lumitaw sa panahon ng isa sa mga dakilang sapilitang kapistahan ng mga Hudyo noong ang lahat ay dumating sa Jerusalem tungo sa Banal na Templo.
Sa loob ng humigit-kumulang 150 taon, ang mga Romano ay namuno sa kapuna-puna na sutil at mabigat na mga Hudyo. Tiniis nila ang maraming maliliit na pag-aalsa at ilang malalaki, at sila’y napagod sa kanila. Napagpasyahan nila na gumawa ng isang ganap na digmaan laban sa mga Hudyo upang mangayupapa sila nang tuluyan.
Sa loob ng mga pader, ang mga tao ay mayroong halong kaisipan. Ilan ay naiisip na ililigtas sila ni Yahuwah sa pamamagitan ng isang dakilang pagkapalaya, gaya ng ginagawa Niya sa sinaunang panahon. Ang iba’y naiisip na nagpadala si Yahuwah sa kanila ng maraming tanda na Siya’y hindi na nasisiyahan sa kanila sa mga nakalipas na taon, at sila’y hindi naniniwala na si Yahuwah ay tutulungan sila laban sa mga Romano ngayon.
Ngunit matapos paligiran ni Cestius ang siyudad, naghahanda na maglatag ng pagkubkob rito, bigla niyang ginulat ang lahat sa pagpawi ng pagbangkulong at pagbawi ng martsa ng kanyang hukbo. Hindi ko natutunan kung ano ang kanyang mga ganap na layunin rito. Ang mga opinyon ay tila magkakaiba, at sila’y tila pumapabor sa kanya na nagnanais na maiwasan ang isang mahaba at sa huli’y nakakahiyang pagkubkob laban sa isang siyudad na mahusay ang depensa habang ang ibang labanan ay isinasagawa sa isang mas direktang anyo, mga labanan na nag-alok ng karangalan at dambong!
Para sa mga mandirigmang Hudyo sa loob ng mga pader ng Israel, lumitaw na maaaring nagtanim si Yahuwah ng takot sa puso ng kanilang mga kaaway muli. Sila’y nalulugod noong sila’y naghintay nang matagal upang matiyak na ito’y hindi isang lalang upang ilabas sila. Sila’y disidido na samantalahin ang sitwasyon, at ang kanilang hukbo ay nilisan ang siyudad upang sundan, hanapin, lipulin ang mga ‘takot na takot’ na Romanong ito.
Ang mga Hudyo ay nahuli at nalipol ang hukbo ng Romano na ito malapit sa Bethoron (Beth Horon). Humigit-kumulang 5,300 Romanong sundalo at 480 kabalyerya ang namatay noong si Eleazar Ben Simons ay pinangunahan ang kanyang mga tropang Hudyo laban kay Cestius sa labanan. Nakuha rin nila ang ‘batayang agila’ ng Lehiyon, isang sagisag ng labanan ng Lehiyon, sa isang mataas na poste. Ito’y kumatawan ng isang napakalaking insulto sa kapangyarihan ng Roma at isang dakilang kahihiyan sa tiyak na Lehiyon na pag-aari nito.
Ngunit, sa panahong iyon, noong 66 AD, sa loob ng mga pader ng Jerusalem ay isang populasyon ng mga Kristyano na nais hindi maging bahagi ng digmaan o karahasan sa anumang dahilan. At sila’y banal na binalaan na lisanin ang siyudad dahil ito’y mawawasak – at sila’y mawawasak kung sila’y mananatili.
|
Ang ganoong tagumpay laban sa mga mahuhusay na sinanay na Romano ay tunay na isang katangiang pangmilitar, ngunit pinalutang nito ang tiwala hanggang sa punto na naiisip nila na maaari nilang hampasin ang mga natakot at hambog na Romano, saanman, anumang oras, sa huli’y gumagawa sa kanilang pagkawasak.
Ngunit, sa panahong iyon, noong 66 AD, sa loob ng mga pader ng Jerusalem ay isang populasyon ng mga Kristyano na nais hindi maging bahagi ng digmaan o karahasan sa anumang dahilan. At sila’y banal na binalaan na lisanin ang siyudad dahil ito’y mawawasak – at sila’y mawawasak kung sila’y mananatili.
Kaya, noong ang mga Hudyo ay dumaluhong sa guhit-tagpuan upang hulihin ang mga umaatras na Romano, mayroon silang gintong pagkakataon—ang kanilang bintana ng oportunidad. Ang mas makabayan at mas matapang na mga tao sa mga mamamayang Hudyo ay nawala, hinahabol ang kaaway. At walang sinuman sa kabukiran ang pipigil sa kanila dahil wala nang naririto. Ang lahat ay nagtatago sa loob, alinmang bahagi ng siyudad ng pader ang pinakamalapit at pinakaligtas.
Nilisan ng mga Kristyano ang mga hangganan ng Jerusalem at tumungo sa hilaga, mga 50 milya. Pagkatapos, sila’y tumawid pa-silangan sa Ilog Jordan at sa kabila nito ay Pella, kung sila’y kumuha ng kanlungan sa loob ng medyo matagal na panahon. Ito ay mga nasa 70 milya na paglalakbay sa pamamagitan ng mga landas na malamang ay ginamit nila (ayon sa mga mapa na natagpuan ko ng kanilang pinaghihinalaang landas, na marahil ay pagtataya lamang.)
At kaya, iyon ay kung paano dumating sa kaganapang iyon, sa ngayon na nalalaman ng iba’t ibang lumang manunulat, walang sinumang Kristyano ang pinatay sa loob ng Jerusalem sa sumunod na ilang taon, napopoot sa pagkawasak ng halos buong Lehiyon ng kanilang mga kapatid, naglatag ng mahaba at mapait na pagkubkob sa Jerusalem, tuluyang nalabag ang pader, at pumuksa sa daan-daang libong Hudyo, winasak ang kanilang mga tahanan, at ganap na sinunog ang templo ni Yahuwah, sinisikwa maging ang mga batong pader sa paghahanap ng tinunaw na ginto.
Hindi lamang ito pinahintulutan ni Yahuwah, Siya mismo ang naghatid nito.
Sapagkat si Titus, ang heneral na namumuno sa pagkubkob (at tuluyang naging Emperador ng Roma), sinabi: ‘Hindi isang dakilang tagumpay na talunin ang isang bayan na inabandona ng kanilang diyos.’
Wala mas ligtas na mga tao kapag ang mga tumatalimang bayan ay naghihintay sa pananalig sa panahon ng katakut-takot na pangangailangan, nagtitiwala kay Yahuwah at Yahushua para sa kanilang pagkapalaya. Sino ang maaaring makapagnakaw ng mga anak ni Yahuwah mula sa Kanyang kamay? Walang isang tupa na makukuha kay Yahushua maliban kung bahagi ng ilang plano na mas dakilang nagsisilbi sa kaharian ni Yahuwah kaysa sa kaligtasan ng buhay ng tupang iyon. At ang mga tagasunod ni Yahushua ay binalaan, pinangakuan pa nga, na sila’y magkakaroon ng mga suliranin at mga pagsubok sa panig na ito ng kanilang kamatayan ngunit walang hanggang buhay sa iba.
Sapagkat sinabi mismo ni Yahushua, siya ang iisang landas na inalok sa tao upang makamit ang kaligtasan.
|
Sapagkat sinabi mismo ni Yahushua, siya ang iisang landas na inalok sa tao upang makamit ang kaligtasan. Ngunit para lamang makilala kung sino siya ay hindi sapat para iligtas ang iyong kaluluwa.
Ang pagiging isang tunay na lalaki o isang dakilang babae ay hindi magliligtas sa iyo. Ikaw ay pinagnanaisan sa mga kalalakihan, ngunit walang makakapaglinis ng makasalanan. Tanging si Yahushua lamang. At si Yahushua ay nangangailangan na ikaw ay mananalig sa kanyang mga pagtuturo, magsisi ng iyong kasalanan, bautismuhan sa Kanyang pangalan, at ilaan ang nalalabi ng makamundong buhay na ito sa Kanya kaya maaari ka Niyang turuan upang maabot ang iba at kaya maaari mong ibahagi ang kanyang sakripisyo sa pagbibigay ng iyong sarili sa kapakanan ng iyong kapwa gaya ng paglalaan ni Yahushua ng kanyang sarili para sa iyo. Magmasigasig rito, at sa pananalig, sinabi sa atin na maaari nating makamit ang kaligtasan sa kabila ng ating kawalan ng kakayahan na maabot ang mga batayan para sa mga kilos na tayo’y magiging karapat-dapat na mamuhay sa kalinisan na kinailangan ni Yahuwah.
Kunin ang iyong pagkakataon. Sumampalataya sa Anak ni Yahuwah na isinugo para sa iyo, ang bumagsak na makasalanan! Ipagkatiwala kay Yahushua ang iyong buhay. Siya at ang Ama ay iniibig ka buhat nang magsimula ang panahon, subalit lubos na mahalagang kaloob ang ibinigay upang iligtas ka kaya mayroong dakilang poot tungo sa iyo kung itatakwil mo ang kaloob na iyon.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Daniel Curry.
1 Larawan mula sa alextravel.world/jordans-ancient-city-of-pella
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC