Ang 2 Tesalonica 1 Ay Itinataguyod Ang Amilenyalismo
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Basal
Ang 2 Tesalonica 1 ay itinataguyod ang amilenyalismo dahil ito’y nasa tensyon sa lahat ng ibang pangunahing pananaw sa milenyo.
Una, ang 2 Tesalonica 1 ay nasa tensyon sa pretribulasyonal at midtribulasyonal na premilenyalismo. Itinataguyod nito ang ideya na ang Muling Pagdating ni Kristo ay isang pinag-isang kaganapan sa halip na dalawang magkasunod na natatanging kaganapan. Iyon ay, ang rapture ng mga hinirang at ang bukas na paglitaw ni Kristo ay sabay na magananap. Ang mga berso 6-7 ay nagpapahiwatig na ang pahayag (apokalipsis) ni Kristo ay nagdadala ng isang pagbaligtad ng estado. Ang kaluwagan sa mga Kristyano ay maaari lamang matukoy ng rapture. Ang pagkabagabag sa mga nag-uusig ay isinasangkot hindi lamang ang isang pitong taon ng dakilang kapighatian kundi walang hanggang kapahamakan, gaya ng inilarawan sa berso 9. Ang parehong panig ng pagbaligtad na ito ay sabay na magaganap, pinangalanan “sa” bukas na paglitaw ni Kristo na inilarawan sa berso 7b. Kaya, ang rapture ng mga Kristyano at ang paghahabilin sa mga hindi sumasampalataya sa kapahamakan ay sabay na magaganap.
Ikalawa, ang 2 Tesalonica ay nasa tensyon sa postribulasyonal na premilenyalismo. Nalalaman nito ang dalawang klase ng mga tao, mga Kristyano at kanilang mga kalaban. Sa Muling Pagdating, ang mga Kristyano ay nasisiyahan sa walang hanggang kaluwalhatian (berso 10), at ang kanilang mga kalaban ay nararanasan ang walang hanggang pagkawasak sa kapahamakan (berso 9). Ang parehong kapalaran ay panghuli at hindi na mababago. Dagdag pa, nalalaman natin mula sa ibang sipi na sa Muling Pagdating, ang mga Kristyano ay magkakaroon ng mga muling binuhay na katawan, hindi na paksa sa kamatayan. Ang kanilang mga kalaban ay nararanasan ang walang hanggang kamatayan. Kaya, agaran matapos ang Muling Pagdating, wala nang sangkatauhan ang maiiwan sa katawan na nasa hindi panghuling estado. Walang maaaring magparami ng isang inakalang milenyo kaya maraming bata ang maaaring isilang at ilan sa mga tao ay patuloy na mararanasan ang isang huling pisikal na kamatayan. Ang postribulasyonal na premilenyalismo ay maaari lamang iligtas sa pagpapakilala ng isang ikatlong kategorya ng mga tao na hindi-Kristyano at hindi rin mga kalaban ng Kristyanismo. Gayunman, ang ideya ng isang ikatlong kategorya ay sumasalungat sa hindi nagbabagong patotoo ng Kasulatan na mayroon lamang dalawang klasa ng mga tao: iyong para kay Yahuwah at iyong mga laban sa Kanya. Ang paglikha ng ikatlong klase mula sa hangin ay nagbabanta rin na baguhin ang pagkataimtim ng mensahe ng ebanghelyo sa pagpapakilala ng ideya ng isang “ikalawang pagkakataon” para sa ikatlong klase na ito sa milenyo.
Ikatlo, ang 2 Tesalonica 1 ay nasa tensyon sa postmilenyalismo. Ang mga berso 5-7 ay nagpapahiwatig na ang mga Kristyano ay maaaring nagpapatuloy na asahan ang pagkabagabag sa isang saglit. Aasahan nila ang kaluwagan mula sa Muling Pagdating, hindi lang mula sa isang pagdating ng panahon ng milenyong kasaganaan, gaya ng taglay ng postmilenyalismo.
Tensyon Sa Pretribulasyonal At Midtribulasyonal Na Premilenyalismo
Simulan natin sa pagtingin sa pretribulasyonal at midtribulasyonal na premilenyalismo. Sa parehong pananaw na ito, ang rapture ng mga hinirang at ang bukas na paglitaw ni Kristo ay magkasunod na natatangi. Tanging ang mga hinirang lamang ang makakakita kay Kristo sa rapture, habang ang nakikitang Muling Pagdating ay magaganap sa lilipas na ilang taon. Ang ideya ay mayroon tayong dalawang magkasunod na magkahiwalay na kaganapan na hindi madaling tumugma sa 2 Tesalonica 1.
Simulan natin sa mga berso 6-7. Ang mga berso 6-7 ay nagpapahiwatig na ang pahayag ni Kristo (apokalipsis) ay nagdadala ng pagbaligtad ng estado. Iyong mga nagdulot ng kahirapan ay makararanas ng kahirapan, at ikaw na nababagabag ay mararanasan ang ginhawa. “Ikaw” ay nangangahulugang mga Kristyanong Tesalonica. Isinama ni Pablo ang kanyang sarili at kanyang mga kaibigan sa pagsasabi, “at sa amin na mga dumaranas ng pagtitiis.” Ang kaluwagan na naisip rito ay ginhawa mula sa kahirapan na ang mga Kristyanong Tesalonica at ibang Kristyano na kasalukuyang nararanasan sa kamay ng mga kalaban.
Tinitiyak ng berso 7 na ang ginhawang ito ay nagmumula “sa pahayag ni Kristo Yahushua mula sa langit kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel . . . .” Iyon ay, ginhawa na nagmumula sa koneksyon sa pahayag na ito ni Kristo Yahushua. Ito’y nagmumula sa panahon ng pahayag na ito at bilang isang aspeto o implikasyon ng pahayag na ito. Sa pagpapahiwatig, ang mga Kristyanong Tesalonica ay hindi dapat ituon ang kanilang mga pag-asa na umasa ng ginhawa bago ang pahayag ni Kristo Yahushua. Ang ibang sipi ay kinukumpirma na ang mga Kristyano ay dapat na asahan ang paghihirap at pag-uusig sa sanlibutang ito (1 Tesalonica 3:4; 2:14; 2 Timoteo 3:1-13; 4:4-5; Mga Gawa 14:22; 1 Pedro 4:1-5, 12-19).
Ang panahon na mararanasan ng mga Kristyano ang ginhawa ay maaari lamang matukoy sa rapture (gaya sa 1 Tesalonica 4:13-18). Inaasahan ni Pablo ang mga paghihirap na magpapatuloy hanggang sa rapture. At wala nang paghihirap para sa mga Kristyano matapos silang sumalang sa rapture. Ano pa man ang mga detalye tungkol sa muling pagdating ni Kristo, ang batayang pagbabago para sa mga Kristyano ay magaganap kapag ang rapture ay nagdadala sa kanila ng ginhawa mula sa mga kahirapan.
Bago tayo magpatuloy, dapat nating dagliang pakitunguhan ang isang panaklong na kahirapan. Ang pamumuhay sa ika-21 siglo, nalalaman natin na ang mga Kristyanong Tesalonica, ganon din si Pablo at kanyang mga kaibigan, ay namatay bago maganap ang Muling Pagdating. Nakuha nila ang tiyak na “ginhawa” mula sa kanilang mga kahirapan sa panahon ng kanilang kamatayan sa halip na sa rapture.
Paano tayo makikitungo sa kahirapang ito? Dapat nating tandaan na bagama’t si Pablo ay nagsusulat sa ilalim ng pagkapukaw ng Banal na Espiritu, ang Espiritu ay hindi ipinakita sa kanya o sa sinuman ang panahon ng Muling Pagdating (Marcos 13:32; Mga Gawa 1:7). Kaya si Pablo ay nagsasalita bilang isa na maaaring buhay pa sa panahon ng Muling Pagdating (1 Tesalonica 4:15; 1 Corinto 15:51). Dagdag pa, ang mga taga-Tesalonica ay nalalaman na ilan sa mga Kristyano ay namatay, at marami pang mamamatay kung ang Pagdating ni Kristo ay maraming taon pa ang layo (1 Tesalonica 4:13-14). Medyo tama, hindi itinuon ni Pablo ang kanilang mga pag-asa sa posibilidad ng kanilang paparating na kamatayan kundi sa katiyakan ng rapture. Ang kamatayan ay isang bahagya at hindi tiyak na “ginhawa”; ang tunay na ginhawa ay nagmumula sa muling pagkabuhay ng katawan (1 Tesalonica 4:13-18; 2 Corinto 5:4; 1 Corinto 15:51-57). Kaya sa 2 Tesalonica 1, nagsasalita si Pablo bilang isa na nakatuon sa Muling Pagdating. Kung si Pablo ay isinama ang mga maalituntuning kwalipikasyon tungkol sa katunayan na ilan sa mga Kristyano ay maaaring mamatay bago ang Muling Pagdating, ito’y makakaabala mula sa pangunahing punto.
Dagdag pa, ipinaliwanag na ni Pablo ang ganitong uri ng kumplikadong kwalipikasyon sa mga taga-Tesalonica sa 1 Tesalonica 4:13-18. Tinatapos natin na ang 2 Tesalonica 1 ay naaangkop higit sa lahat sa mga Kristyano na nabubuhay sa panahon ng Muling Pagdating. Ngunit nasasakupan, ito’y naaangkop rin sa mga namatay nang may paggalang sa katawan at naghihintay ng muling pagkabuhay. Sila rin, ay naghahangad sa Muling Pagdating, gaya ng nasusulat sa Pahayag 6:9-10.
Sa pagsasaayos ng bagay na ito, maaari na tayong magpatuloy sa pagtuturo ng 2 Tesalonica 1. Ang tiyak na wika na ginamit sa mga berso 7-10 ay nagpapahiwatig na ang panahong ito ng ginhawa ay ang panahon ng bukas na paglitaw ni Kristo. “Magaganap ito kapag nahayag (apokalipsis/apokalupsei) na si Kristo Yahushua mula sa langit kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel. Darating siya sa gitna ng naglalagablab na apoy at magpaparusa sa lahat ng hindi kumikilala kay Yahuwah . . . .” Para sa isang karaniwang mambabasa, ang paglalarawan na ito ay tiyak na tumutunog gaya ng bukas, nakikitang Muling Pagdating. Ang “pahayag” ay hindi lamang nakikita ng mga hinirang kundi ito’y isang pahayag na isinasama ang naglalagablab na apoy para sa paghihiganti laban sa mga kaaway ni Yahuwah.
Dagdag pa, sa Lumang Tipan, ang “pahayag” o paglitaw ni Yahuwah ay karaniwan ang unang kaganapan sa banal na digmaan. Lumilitaw si Yahuwah sa kaluwalhatian at kapangyarihan upang labanan ang Kanyang mga kaaway (Zacarias 14:3-4; 9:14-16; Isaias 63:1; 66:15-16; Habacuc 3:3-15; atbp.). Ang paghihiganti ay isang kahihinatnan ng paglitaw. Ang kaparehong padron na ito ay malinaw sa 2 Tesalonica 1:7-8, kung saan ang mga isyu ng paghihiganti ay dulot ng presensya ni Yahuwah. Lumilitaw si Yahuwah kasama ang mga anghel at apoy, at ayon sa mga biblikal na inaasahan, ang mga anghel at apoy ay mga pangunahing instrumento sa pagsasagawa ng paghihiganti.
Kaya, ang rapture ng mga hinirang, ang punto kung saan sila’y guminhawa, ay nagmumula “sa” bukas na pahayag ni Kristo Yahushua. Ang dalawang kaganapan—ang rapture at ang pahayag—ay magkasabay. Sila ang dalawang aspeto ng pahayag ni Kristo Yahushua.
Ang mga nagtataguyod ng pretribulasyonal at midtribulasyonal na pananaw ay mayroong kahirapan rito. Maaari silang makipagtalo na sa kabila ng napakalakas na wika ng mga berso 7-8, kailangan nating gawin ang isang paglitaw ni Kristo sa mga Kristyano lamang. Ang paglalarawan rito ay dapat nauugnay lamang sa rapture, hindi sa bukas na Muling Pagdating. Subalit sa pagtatalo, tinatanggal nila ang pagpapakita (na sinasabi nila ay para lamang sa mga Kristyano) at ang mga gawa ng paghihiganti (na direkta sa mga hindi-Kristyano). Ang ganoong paghihiwalay ay ganap na artipisyal. Lumilitaw si Yahuwah sa kanyang mga kaaway bilang isang paraan ng paghahatol at pagpaparusa sa kanila. Ang Lumang Tipan ay nagpapakita ng karaniwang teolohiko at pananahilang dugtong sa pagitan ng dalawa sa paglalarawan nito ng kaarawan ng Panginoon.
Kahit na igawad natin sa mga pretribulasyonalista at midtribulasyonalista ang posibilidad ng ganoong isang paghihiwalay, hindi nila matatakasan ang lahat ng kanilang kahirapan. Ang simetriya sa mga berso 6-7 ay nagpapahiwatig na ang pahayag ni Kristo Yahushua ay may dalawang panig. Ang isang panig ay isinasangkot ang ginhawa para sa mga Kristyano (ang rapture). Ang ibang panig ay isinasangkot ang kaparusahan para sa kanilang mga kalaban. Ayon sa mga pananaw ng mga pretribulasyonalista at midtribulasyonalista, ang kaparusahan ay ang mismong Dakilang Kapighatian. Ngunit hindi iyan ang sinasabi ng 2 Tesalonica 1. Ang mga kalaban ay dinadanas ang “paghihiganti” na may koneksyon sa naglalagablab na apoy ng paglitaw ni Kristo Yahushua (berso 8). Ang paghihiganti na ito ay binigyan pa ng dagdag na kahulugan sa berso 9 bilang “walang-hanggang kapahamakan, at ihihiwalay sila sa Panginoon at sa Kanyang dakilang kapangyarihan.” Tinatalakay ng berso 9 ang kaparusahan sa kapahamakan, hindi sa ilang panahon ng kahirapan. Pansinin rin ang mga dugtong sa pagitan ng presensya ng Panginoon sa berso 9 at Kanyang pahayag sa berso 7, sa pagitan ng kaparusahan sa berso 9 at paghihiganti sa berso 8, sa pagitan ng “Kanyang dakilang kapangyarihan” sa berso 9 at “mga makapangyarihang anghel” sa berso 7. Ang matalik na pagkakadugtong ay ginagawang lubos na saliwa na subukan ang pagtatangi ng dalawang naiibang yunto rito. Ang mga Kristyanong Tesalonica ay tiyak na mauunawaan ang paglalarawn bilang isang pinagkaisang larawan, sa pagkakasundo sa pinag-isang larawan ng “araw ng Panginoon” sa Lumang Tipan.
Ang magkakasunod na pagkakaisa ng mga kaganapan ay dagdag na pinalakas ng pang-ugnay na “kung kailan mangyayari ito” sa pagsisimula ng berso 10. Ang mga berso 9 at 10 ay nag-aalok sa atin ng eksaktong simetrikong antitesis, gaya sa mga berso 6-7. Sa mga berso 9 at 10, ang mga hinirang ay nararanasan ang ginhawa at pagpapatunay, habang ang mga masasama ay nararanasan ang kapahamakan. Ang dalawang paghahatol ay magkasabay (“kung kailan mangyayari ito”), gaya sa pagbabaligtad sa mga berso 6-7 ay isinasangkot ang ginhawa para sa mga hinirang at kaparusahan para sa mga kalaban.
Sa madaling sabi, ang pagpapadala ng mga hindi-Kristyano sa kapahamakan ay kasabay ng ginhawa ng mga Kristyano sa rapture. Walang agarang yugto ng kahirapan sa pagitan ng dalawang kaganapan.
Dahil dito, ang rapture ng mga hinirang at ang bukas na paglitaw ni Kristo ay sabay na magaganap. Sa puntong ito, ang 2 Tesalonica 1 ay nasa tensyon sa pretribulasyonal at midtribulasyonal na premilenyalismo.
Tensyon Sa Makasaysayang Premilenyalismo
Ikalawa, ating isaalang-alang ang posisyon ng makasaysayang premilenyalismo, iyon ay, klasikong premilenyalismo. Sa pananaw na ito, ang Muling Pagdating ay isang pinagkaisang kaganapan; matapos ang isang kaganapang ito ay dumarating ang isang panahon ng milenyong kapayapaan at kasaganaan, sa panahon kung kailan ang mga tao ay patuloy na nagbibigay ng kapanganakan sa mga bata at namamatay.
Ang 2 Tesalonica 1 ay lumilikha ng mga kahirapan para sa posisyon din na ito. Nalalaman lamang nito ang dalawang klase ng mga tao, ang mga Kristyano at kanilang mga kaaway. Maalituntuning sinasabi, sa berso 6, sinasabi ni Pablo ang tungkol lamang sa mga nag-uusig, hindi lahat ng mga hindi-Kristyano. Ngunit ang pag-uusig ay tanging ang pinakamabalasik na anyo ng pagtanggi kay Yahuwah, nagpapakilala sa lahat ng mga hindi-Kristyano (Efeso 4:17-19; 2:1-3; Roma 3:9-20). Kaya sa tuntunin, ang paglalarawan ni Pablo ay naaangkop sa mas malawak na pangkat. Sa berso 8, ang paglalarawan ay mas pinalawak pa. Ang pagpaparusa ay dumarating sa “lahat ng hindi kumikilala kay Yahuwah at hindi sumusunod sa ebanghelyo ng ating Kristo Yahushua.”
Sa madaling sabi, sa Muling Pagdating, ang mga Kristyano ay nalulugod sa walang hanggang kaluwalhatian (berso 10), at ang mga hindi-Kristyano ay nararanasan ang walang hanggang pagkawasak sa kapahamakan (berso 9). Ang parehong kapalaran ay panghuli at hindi na mababago. Dagdag pa, nalalaman natin mula sa ibang sipi na ang mga Kristyano ay may mga katawan na muling binuhay, hindi na paksa sa kamatayan. Ang mga hindi-Kristyano ay nararanasan ang walang hanggang kamatayan. Kaya, wala nang sangkatauhan ang maiiwan sa katawan na nasa hindi panghuling estado. Walang maaaring magparami ng isang inakalang milenyo kaya maraming bata ang maaaring isilang at ilan sa mga tao ay patuloy na mararanasan ang isang huling pisikal na kamatayan. Kawili-wili, ang mga pretribulasyonalista ay may kamalayan sa kahirapang ito at ginagamit ito bilang isang argumento laban sa postribulayonalistang premilenyalismo.14
Ang kawalan ng mga tao sa isang agarang kategorya ay higit pa sa isa lamang insidental na maalituntuning kahirapan. Ang buong Bibliya ay nagtuturo na ang mga tao ay para kay Yahuwah o laban sa kanya. Walang gitna o pagkaneutral sa espiritwal na pakikidigma sa Efeso 6:10-20, 1 Juan 5:18-21, at Aklat ng Pahayag.
Ang ebanghelyo mismo ay nakataya sa isyu na ito. Ang tanging panlunas para sa kasalanan at espiritwal na rebelyon ay matatagpuan sa sakripisyo ni Kristo Yahushua. Kung ikaw ay nakipa-isa kay Kristo, ikaw ay tinubos. Kung ikaw ay hindi nakipag-isa, ikaw ay hindi tinubos. Sa Muling Pagdating, iyong mga nagkaisa kay Kristo ay matatanggap ang mga katawan na muling binuhay, at iyong hindi ay sa kapahamakan. Walang ikatlong kategorya; walang tao sa isang lupaing walang tao sa pagitan. Si Kristo ang tanging manunubos (Mga Gawa 4:12). “Ang wala sa panig ko ay kalaban ko,” sinasabi niya (Mateo 12:30). “Ang sinumang kinaroroonan ng Anak ay may buhay; ang sinumang hindi kinaroroonan ng Anak ni Yahuwah ay walang buhay” (1 Juan 5:12). Kaya, hindi posible na ipakilala ang isang haypotetikong ikatlong kategorya nang walang ginagawang karahasan sa mga sentrong patotoo ng ebanghelyo.
Ang mga postribulasyonal na premilenyalista ay karaniwang ipinahiwatig batay sa mga teksto gaya ng Zacarias 12:10-13:1, Roma 11:26, at Pahayag 1:7 na maraming Hudyo ay ilalagay ang kanilang pananalig kay Kristo sa panahon ng kanyang pagdating. Sa unang pamumula, ang teoryang ito ay maaaring lumitaw na nag-aalok ng isang matulunging pagtakas. Ngunit mayroong mga problema rito.
Una, hindi malinaw na ang teorya ang maaaring ipagkasundo sa 2 Tesalonica 1 dahil ang 2 Tesalonica 1 ay lubos na malinaw na tumatakbo sa tuntunin ng dalawang kategorya ng mga tao. Ikalawa, wala sa mga berso ang nag-alok ng pagtataguyod ng teorya na malinaw na matatagpuan ang isang pagbabagong-loob ng mga Hudyo sa mismong sandali ng nakikitang paglitaw ni Kristo sa halip na bago nito. Ikatlo, wala alinman sa mga biblikal na sipi o sa iba na naglalaman ng isang pahiwatig na maghihikayat sa atin na ibagsak ang batayang dikotomiya sa pagitan ng mga naligtas at naligaw. Ikaapat, walang sipi sa Bagong Tipan ang naghihikayat sa atin na ipakilala ang pastoral na manganib na ideya na ang panghuling paglitaw ni Kristo ay nagbubukas ng isang “ikalawang pagkakataon” para sa kaligtasan sa halip na pagpapatigil ng panahon ng kaligtasan. Kaya, kung ang mga Hudyo ay naligtas sa pamamagitan ni Kristo, nalulugod sila sa mga kaprehong pribilehiyo sa lahat ng naligtas, iyon ay ang muling pagkabuhay ng mga katawan sa pagdating ni Kristo.
Mga Tensyon Sa Postmilenyalismo
Panghuli, ating isaalang-alang ang postmilenyalismo. Sinasabi ng postmilenyalismo na, sa pamamagitan ng ebanghelyo, ang panunumpa kay Kristo at Kristyanong pagtalima ay unti-unting lalaganap sa buong mundo hanggang karamihan sa mga tao ay mga Kristyano. Ang mga kalipunan at kanilang mga institusyon ay progresibong tumatalima sa kalooban ni Yahuwah, at isang panahon ng dakilang kapayapaan at kasaganaan ang sumunod bago ang Muling Pagdating.
Ang kaayusan ng bagay na ito ay maaaring maganap. Ako’y optimista tungkol sa hinaharap dahil ako’y namangha sa kapangyarihan ni Yahuwah para sa kaligtasan sa ebanghelyo (Roma 1:16). Maaaring bumalik si Kristo nang malapit na malapit na, ngunit kung siya’y hindi magbabalik sa susunod na siglo, maaari nating makita ang isang dakilang anihan para sa ebanghelyo. Ilan sa ibang amilenyalista ay nagpapakita ng kaparehong optimismo.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng ganitong uri ng “optimistikong amilenyalismo” at isang ganap na postmilenyalismo? Mayroon bang anumang mahalagang pagkakaiba?
Ang 2 Tesalonica 1 ay tumutulong na ipahiwatig ang isang pagkakaiba na nananatili. Ang 2 Tesalonica 1, inaangkin ko, ay nakikiusap sa atin na ituon ang ating mga pag-asa sa Muling Pagdating ni Kristo, hindi sa isang haypotetikong milenyal na kasaganaan bago ang Muling Pagdating. Ang nalalabi ng Bagong Tipan ay mayroong kaparehong tampulan. Kaya, sa aking kaisipan, ang pangunahing isyu na naghihiwalay sa mga kapanahunang amilenyalista at postmilenyalismo ay hindi ang isyu ng posibilidad lamang; iyon ay, ang isyu ng ano ang maaaring maganap kung ang pagbabalik ni Kristo ay nananatiling ilang dekada pa ang layo. Sa halip, ang problema ay kung ang biblikal na pangako at propesiya ay inaanyayahan ang mga Kristyano na ituon ang mga pag-asa sa ganoong milenyal na posibilidad. Ang ganoong kasaganaan ba ang pangunahing tampulan ng propetikong inaasahan, at ito ba ay tiniyak ng propesiya? Sinasabi ng mga matapos ang milenyalista ay oo, at sa batayang iyon, tiwala silang inaasahan na ang Muling Pagdating ay patuloy na mahabang landas pa. Kaya, nasusumpungan nila ito na teolohiko na hindi naaangkop at sikolohikal na imposible na ituon ang kanilang pinakamadalian, agarang pag-asa nang pangunahin sa Muling Pagdating. Kabaligtaran, ang mga bago ang milenyalista at amilenyalista ay naiisip na ang Muling Pagdating ay ang susunod na pangunahing kaganapan sa plano ni Yahuwah sa kasaysayan. Ito’y maaaring malapit na, at sila’y umaasa at nananalangin para sa pagdating ng Panginoon.
Ngayong isaalang-alang ang 2 Tesalonica 1. Ang 2 Tesalonica ay nasa tensyon sa postmilenyalismo, hanggang ngayon sa abot ng postmilenyalismo ay nais na ituon ang mga pag-asa sa isang paparating milenyal na kasaganaan. Ang mga teksto ng berso 5-7 ay nagpapahiwatig na ang mga Kristyano ay maaaring magpatuloy na asahan ang pagkabagabag nang sandali. Inaasahan nila ang kaluwagan mula sa Muling Pagdating, hindi lamang mula sa isang paparating na panahon ng milenyal na kasaganaan, katulad sa makukuha ng matapos ang milenyalista.
Ilan sa mga matapos ang milenyalista ay nagsumikap na takasan ang mga implikasyon ng 2 Tesalonica 1 sa pamamagitan ng paghaka-haka na ang 2 Tesalonica ay inilalarawan ang pagbagsak ng Jerusalem noong 70 AD, sa halip na Muling Pagdating.
Walang makakatakas sa katunayan na mula sa paninindigan ng mga Kristyanong Tesalonica na ang 2 Tesalonica 1 ay “halata” na tungkol sa Muling Pagdating. Nalaman ni Pablo ang mga kapabilidad ng mga taga-Tesalonica at hindi nilayon na lituhin sila. Kaya, sa katunayan ay sinasabi ni Pablo ang tungkol sa Muling Pagdating.
|
Ngunit inaangkin natin na ang paglapit na ito ay hindi maaaring makatuwirang panatilihin sa pakikitungo sa mga sulat para sa mga taga-Tesalonica. Ang 1 Tesalonica 4:13-18 ay tungkol sa Muling Pagdating. Ang 1 Tesalonica 5:1-10, na kasunod lang ng 1 Tesalonica 4:13-18, ay dapat rin na tungkol sa Muling Pagdating. Kaya, ang 2 Tesalonica 1, na itinatayo sa 1 Tesalonica, ay tungkol rin sa Muling Pagdating. Wala sa alinmang sulat ay mayroong tunay na pagkagawi sa punto sa isang direksyon na naiiba mula sa pagkakaunawang ito.
Sa madaling sabi, walang makakatakas sa katunayan na mula sa paninindigan ng mga Kristyanong Tesalonica na ang 2 Tesalonica 1 ay “halata” na tungkol sa Muling Pagdating. Nalaman ni Pablo ang mga kapabilidad ng mga taga-Tesalonica at hindi nilayon na lituhin sila. Kaya, sa katunayan ay sinasabi ni Pablo ang tungkol sa Muling Pagdating.
Mga Hermenutikong Aral
Pausisa, ang isang dispensasyonalista at isang mpostmilenyalista ay nagpapakita ng pagkakapareho rito. Ang pareho ay umaapela sa katunayan na ang Muling Pagdating ay hindi naganap noong unang siglong upang ipawalang-bisa ang sanggunian ng 1:7-10 sa Muling Pagdating. Ang pareho ay ipinapaliwanag 2 Tesalonica 1 sa loob ng isang kumplikado, ganap na naipahayag na eskatolohikong posisyon, nang may munting pagmamasid kung mga mambabasang Tesalonica ay kasing sopistikado nila.
Ang paraan ng argumento rito ay nag-aalerto sa atin mula sa mga problema na haharapin nating lahat tungkol sa mga sirkularidad sa biblikal na interpretasyon. Madali para sa atin na ipalagay na si Pablo at ang mga taga-Tesalonica ay hinahawakan ang mga paniniwala nang tiyakan gaya sa ating sarili. Iyon ay, panuntunan natin na si Apostol Pablo ay itinuro na ang mga Kristyanong Tesalonica ay tumpakan sa anong pinaniwalaan natin. Ibinigay ang panuntunang iyon, ipinalagay natin na ang mga taga-Tesalonica ay nalaman kung ano ang nalalaman natin. Nalalaman kung anong nalalaman natin, ang mga taga-Tesalonica ay likas na naunawaan ang sulat ni Pablo gaya natin. Kaya, ang 2 Tesalonica ay nangangahulugan nang eksakto sa anumang nalalaman natin kung anong ibig sabihin nito. Kaya, kinukumpirma nito ang ating punto ng pananaw
Sa kasamaang-palad, ang ganoong argumento ay sirkulo. Ano ang panghuling resulta ng paggamit ng ganoong kabilugan? Gayunman na pinilit o kakaiba ang ating modernong interpretasyon, maaari pa rin nating tiyakin sa ating sarili na ang pagkakaunawa ng mga taga-Tesalonica ay tumutugma sa ating modernong interpretasyon. Kung tutuusin, ang mga taga-Tesalonica ay nalaman kung anong ibig sabihin ni Pablo dahil maaari nilang ilagay ang kanyang pagtuturo tungo sa isang balangkas na mabuting itinatag na sa pamamagitan ng kanyang pasalitang pagtuturo (na likas na pareho sa ating modernong pananaw).
Ang panuntunan na mayroon ang mga taga-Tesalonica ay sopistikado, kumpletong balangkas na nakikitang kahali-halina dahil ito’y tumutulong sa pagtanggol sa ating mga modernong posisyon; gayunman, ito’y mapanganib na sirkulo at, naniniwala ako, hindi malamang sa liwanag ng pagkalito ng mga taga-Tesalonica at ang saglit na pananatili ni Pablo sa Tesalonica.
Pagbabalik Sa Tanong Sa Rapture
Ang mga hermenutikong pagsisiyasat ay may kaugnayan sa 1 Tesalonica 4:13-5:10 at 2 Tesalonica 1.
Lahat ay sumasang-ayon na ang 1 Tesalonica 4:13-18 ay tungkol sa rapture. Ang mga naniniwala sa pretribulasyonalista at midtribulasyonalista ay kadalasang naiisip na ang 1 Tesalonica 5:1-10 ay tungkol sa “kaarawan ng Panginoon,” kabilang ang Dakilang Kapighatian at ang bukas na Muling Pagdating. Sa kanilang pananaw, mayroong dalawa o higit pang magkasunod na natatanging kaganapan rito. Kung mismong mapaghihiwalay natin ang dalawa o marami pang natatanging kaganapan sa pamamagitan ng mga siping ito sa 1 Tesalonica, magkakaroon tayo ng ilang batayan para sa pag-aangkin na ang mga Kristyanong Tesalonica ay naunawaan na ang pretribulasyonal noong tinanggap nila ang 2 Tesalonica. Ang 2 Tesalonica 1 ay magiging nakalilito sa mga taga-Tesalonica dahil dito, ngunit hindi ibabagsak ang kanilang naunang pananaw.
Gayunman, ang ideya na ang 1 Tesalonica 4:13-5:10 na nakikitungo sa dalawang magkasunod na mgkahiwalay na kaganapan ay may mga problema. Sa pagpapaliwanag ng mga bersong ito, tayo ay nasa panganib ng pagpapalagay na ang mga Kristyanong Tesalonica ay nalaman ang isang kumpletong sistema bago pa nila natanggap ang sulat ni Pablo. Halimbawa, maaari ba nating tunay na pag-isipan na ang mga taga-Tesalonica ay pamilyar na sa pagtatangi ng modernong dispensasyonalista sa pagitan ng dalawang yugto? O sila’y tumakbo nang likas, gaya ng isang modernong dispensasyonalista, na may maliwanag na pagtatangi sa pagitan ng kahirapan (laganap na inilarawan) at ang Dakilang Kapighatian? Maitatangi ba nila nang may kamalayan sa sarili sa pagitan ng inalis mula sa paghihirap laban sa pinanatili at ipinagtanggol sapagkat lalagpas sila rito? Nakita ba nila ang isang salita gaya ng “parusa” (1 Tesalonica 5:9) bilang isang parunggit sa Dakilang Kapighatian na natatangi mula sa panghuling paghuhukom? Maliban kung ang isang ganap na eskatolohikal na sistema ay tumutulong sa kanila, mayroon ba silang mga bakas upang sabihin sa kanila na ang 1 Tesalonica 4:13-5:10 ay tungkol sa dalawang magkasunod na kaganapan sa halip na dalawang aspeto ng isang kaganapan?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Vern Poythress.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC