Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang ika-24 na kabanata ng Mateo ay isa sa mga pinaka inabusong mga sipi sa Bibliya. Ang mga premilenyalista ay ginagamit ang kabanatang ito bilang isang pambuwelo para sa lahat ng imahinatibong pagtuturo at marahas na pagpapalagay. Sa artikulong ito, ninanais naming siyasatin ang konteksto ng kabanata at nakikita ang aplikasyon sa pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD.
Bago ang kanyang pagpako sa krus, ang ating Panginoon ay tumungo sa templo at tinuligsa ang mga nananahan rito bilang “kalahi ng mga pumaslang sa mga propeta,” “mga anak ng mga ulupong,” at iyong mga itinadhana para sa “parusa sa impyerno” (Mateo 23:31, 33). Tinatapos niya ang masakit na pagsaway na ito sa mga salitang ito: “Jerusalem, Jerusalem! Ang lungsod na pumapatay ng mga propeta at bumabato sa mga isinusugo sa kanya! Ilang ulit kong ninais na tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, ngunit ayaw ninyo! Tingnan ninyo, sa inyo’y iniiwang giba ang inyong bahay. At sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ay hindi na ninyo ako makikita hanggang sabihin ninyo, ‘Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!’” (Mateo 23:37-39).
“Si Yahushua ay lumabas sa templo at paalis na nang lapitan siya ng kanyang mga alagad upang ipakita sa kanya ang mga gusali ng templo” (Mateo 24:1). Habang tumitingin sa templo ni Herod, sinabi ni Yahushua sa mga alagad na ang araw ay darating na “walang maiiwan kahit isang bato na nasa ibabaw ng isa pang bato. Lahat ng mga ito’y pawang ibabagsak” (Mateo 24:2). Matapos tumawid sa Lambak ng Kidron, si Yahushua at kanyang mga alagad ay umupo sa Bundok ng Olibo. Lumapit sa kanya ang mga alagad nang sarilinan at nagtanong, “Sabihin mo po sa amin, kailan magaganap ang mga bagay na ito at ano ang palatandaan ng iyong pagdating, at ng katapusan ng panahon?” (Mateo 24:3).
Ang pagkawasak ng templo ay ganoong kapansin-pansin na kaganapan kaya ang mga alagad ay maaari lamang pag-isipan ito na nagaganap na may koneksyon sa muling pagdating ni Kristo. Nililinaw ni Yahushua ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan at sinasagot ang kanilang mga katanungan sa ayos. Una, sinasabi niya sa kanila ang tungkol sa iba’t ibang tanda na ibibigay bago ang pagkawasak ng templo. Ikalawa, ipinapaliwanag ni Yahushua na walang tanda na ibinigay bago ang kanyang pagbabalik at ang katapusan ng panahon. Ang mga kaganapan ay inilarawan sa Mateo 24 ay naitala rin sa Marcos 13:1-37 at Lucas 21:5-36.
Susi Sa Diskurso
Aking paninindigan na ang lahat ng sinalita sa Mateo 24:4-35 ay nauugnay sa pagkawasak ng Jerusalem, at ang nalalabi ng kabanata ay nakikitungo sa muling pagdating ni Kristo. Matapos ipaliwanag ang lahat ng mga tanda na magaganap bago ang pagkawasak ng Jerusalem at templo, sinabi ni Yahushua, “Tinitiyak ko sa inyo, hindi lilipas ang salinlahing ito, hanggang hindi nagaganap ang lahat ng mga ito” (Mateo 24:34). Binalaan ni Yahushua ang kanyang mga tagasunod na ang Jerusalem ay mawawasak sa loob ng kanilang salinlahi.
Binigyang-kahulugan ni Joseph Henry Thayer ang salitang Griyego para sa “salinlahi” bilang “1. isang panganganak, pagsilang, pagkaluwal 2. pasibo, na isinilang, mga tao ng kaparehong lahi, isang pamilya ng mga maraming ranggo sa isang likas na angkan, ang mga magkakasunod na kasapi ng isang talaangkanan b. metapora, isang lahi ng mga tao na magkakatulad sa isa’t isa sa mga katangian, hangarin, pagkatao; at lalo na sa masamang diwa na isang tampalasang lahi 3. ang buong kawan ng mga taong nabubuhay sa kaparehong panahon: Mateo 24:34; Marcos 13:30; Lucas 1:48; 21:32 4. isang panahon (iyon ay ang panahon na karaniwang inookupahan ng bawat magkakasunod na henerasyon), ang puwang na mula sa 30 hanggang 33 taon.” (Greek-English Lexicon Of The New Testament).
Sinasabi ni W. E. Vine na ang salita ay “konektado sa ginomai, upang maging, pangunahing nangangahulugan sa isang pagsilang o kapanganakan; pagkatapos ay anong lumitaw, isang pamilya; o magkakasunod na mga kasapi ng isang talaangkanan o isang lahi ng mga tao, nagtaglay ng magkakatulad na mga katangian, hangarin, atbp. (ng isang masamang katangian) o ang buong kawan ng mga tao na nabubuhay sa kaparehong panahon, Mateo 24:34; Marcos 13:30; Lucas 1:48; 21:32. Inilipat mula sa mga tao tungo sa panahon na sila’y nabuhay, ang salita ay dumating upang mangahulugan sa isang panahon, iyon ay isang panahon na karaniwang inookupahan ng bawat magkakasunod na henerasyon, sinasabi, mga 30 o 40 taon.” (Vine’s Expository Dictionary Of Biblical Words).
Ang isang salinlahi ay isang panahon sa pagitan ng mga 30 o 40 taon. Ibinigay ni Yahushua ang Olibong Diskurso mga taong 30 AD; ang Jerusalem ay winasak ni Titus, ang Romanong heneral, noong 70 AD.
Flavius Josephus
Sa artikulong ito, sisipiin namin sa haba mula sa unang siglong mananalaysay na si Flavius Josephus, isang Hudyong pari na nanguna ng isang himagsikan laban sa pang-aapi ng mga Romano sa Galilee. Siya ay nadakip ng mga Romano sa pagbagsak ng Yotapata noong 67 AD, at binilanggo sa Caesarea hanggang 69 AD. Siya ay bumalik sa Jerusalem kasama si Titus noong 70 AD at naging isang saksi sa panghuling pagkubkob sa Jerusalem. Si Josephus ay ginawang mamamayan ng Roma ni Vespasian. Isang napakahusay na talambuhay ni Josephus ni Steve Mason ay kamakailan na lumitaw sa Biblical Archaeology Review (Setyembre/Oktubre 1997, pahina. 58-69).
Ngayon ay ating siyasatin ang mga tanda na sinabi ni Yahushua na lilitaw bago ang pagkawasak ng Jerusalem.
Mga Huwad Na Kristo
Nagbabala si Yahushua sa kanyang mga alagad na “maraming darating na gagamit ng aking pangalan, na magsasabing ‘Ako ang Kristo’, at marami silang maililigaw” (Mateo 24:5). Sapagkat nahulaan ni Yahushua, maraming huwad na propeta ang lumitaw.
Inangkin ni Josephus na, “mayroong isang bulaang propeta mula sa Egipto na gumawa ng mas maraming panlilinlang sa mga Hudyo kaysa sa nauna, sapagkat isa siyang mandaraya, at nagkukunwari na isang propeta rin, at nagtipun-tipon ng 30,000 tao na nilinlang niya; ang mga ito’y pinangunahan niya mula sa ilang patungo sa bundok na tinawag na Bundok ng Olibo, at handa na pumasok sa Jerusalem sa pwersa mula sa lugar na iyon.” (The Wars Of The Jews, 2:13:5).
Isinulat rin ni Josephus: “Ngayo’y nangyari na, habang si Fadus ay prokurador ng Hudea, na isang tiyak na salamangkero, na ang pangalan ay Theudas, hinikayat ang isang dakilang bahagi ng mga tao upang kunin ang kanilang mga pagsisikap, at sundan siya sa ilog Jordan; sapagkat sinabi niya sa kanila na siya ay isang propeta, at siya ay, sa sarili niyang kautusan, mahahati ang ilog, at magbibigay sa kanila ng isang madaling lagusan rito; at marami ang nadaya sa kanyang mga salita.” (The Antiquities Of The Jews, 20:5:1).
Mga Digmaan At Usap-Usapan Ng Mga Digmaan
Binalaan ang mga alagad na sila’y “makaririnig ng mga digmaan at ng usap-usapan ng mga digmaan,” Ngunit sinabi ni Yahushua sa kanila, “Mag-ingat kayo at huwag kayong mabahala” (Mateo 24:6). Ngayon, sa bawat panahon na ang isang rebentador o paputok ay umaalis mula sa Jerusalem, ilan sa tagapagturo ay magsisimulang pagpawisan at sasabihin sa kanyang kongregasyon na ang katapusan ng panahon ay nalalapit na—naiisip mo na ang Gitnang Silangan ay hindi pa kailanman naranasan ang tunggalian noon. Napakahirap ilarawan ang isang panahon nang mas maraming tangka kaysa sa bago ang pagkawasak ng Jerusalem.
Si Tacitus, isang Romanong mananalaysay, sinabi sa panahong ito: “Ang kasaysayan kung saan ako’y pumapasok ay ang panahon na mayaman sa mga sakuna, kakila-kilabot sa mga labanan, sinira ng mga pagpupunyaging sibil, nakasisindak maging sa kapayapaan. Apat na emperador ang bumagsak sa tabak; mayroong tatlong digmaang sibil, maraming digmaang banyaga, at madalas sabay na nagaganap.” (The Histories, 1:2).
Sinasabi ni Josephus ang isang araw kung kailan “ang bayan ng Caesarea ay pinaslang ang mga Hudyo na nabibilang sa kanila sa kaparehong araw at oras [noong pinaslang ang mga mandirigma], alin ang maiisip ng isa na darating sa kaganapan sa direksyon ng Kalooban ng Diyos; sa gayon na sa isang oras, mga 20,000 Hudyo ang pinatay, at ang lahat ng Caesarea ay inubos ng mga naninirahang Hudyo.” (Wars, 2:18:1).
Mga Taggutom At Mga Salot
Ang pagkawasak ng Jerusalem ay uunahan ng isang panahon ng “mga taggutom at mga salot” (Mateo 24:7). Hindi mo kailangang iwan ang mga pahina ng Bagong Tipan upang hanapin ang katuparan nito. Si Lucas, nagsusulat sa ilalim ng pagpukaw ng Banal na Espiritu, naitala na, “Nang panahong iyon ay dumating sa Antioquia ang mga propetang galing sa Jerusalem. Tumindig ang isa sa kanila na ang pangalan ay Agabo, at sa pamamagitan ng Espiritu ay nagpahayag na magkakaroon ng matinding taggutom sa buong daigdig. Nangyari ito noong panahon ni Claudio.” (Mga Gawa 11:27-28).
Sinasabi ni Josephus ang pagsisikap ng pagtulong ni reyna Helena para sa Jerusalem. “Ngayon ang kanyang pagdating ay mayroong napakadakilang kalamangan sa bayan ng Jerusalem; samantalang isang taggutom ay naniil sa kanila sa panahong iyon, at maraming tao ang namatay para sa nais na anong kailangan upang maglahad ng mga pagkain, nagpadala si reyna Helena ng ilan sa kanyang mga lingkod sa Alexandria nang may salapi upang bumili ng dakilang dami ng mais, at iba pa sa Cyprus, upang magdala ng isang lulan ng tuyong igos.” (Antiquities, 20:2:5). Isinulat ni Tacitus: “Maraming kababalaghan ang naganap sa panahon ng isang taon. Ang mga nagbabantang ibon ay kinuha ang kanilang kinauupuan sa Kapitolyo; ang mga tahanan ay binaligtad ng paulit-ulit na yanig ng paglindol, at, habang lumalaganap ang kaguluhan, ang mahina ay niyurakan ng mga talampakan sa pangamba ng madla. Isang kakulangan ng mais, muli, at ang taggutom na bunga nito, ay binigyang-kahulugan na isang talulikas na babala.” (The Annals of Imperial Rome, 12:43). Ang mga salot ay karaniwang sumusunod sa mga panahon ng taggutom.
Mga Lindol
Bilang karagdagan sa kaguluhan na hatid ng taggutom at mga salot, sinabi ng ating Panginoon na ang dakilang paglindol ay yayanig sa rehiyon bago ang pagkubkob sa Jerusalem (Mateo 24:7).
Sinabi ni J. Marcellus Kik, “At tungkol sa mga lindol, marami ang nabanggit ng mga manunulat sa panahon na nauna sa 70 AD. May mga paglindol sa Crete, Smyrna, Miletus, Chios, Samos, Laodicea, Hierapolis, Colosse, Campania, Roma, at Hudea. Kawili-wili na itala na ang siyudad ng Pompeii ay lubusang napinsala ng isang lindol na naganap noong Pebrero 5, 63 AD.” (An Eschatology Of Victory, p. 93).
Mga Kakila-Kilabot Na Lilitaw Mula Sa Langit
Sa talaan ni Lucas ng Olibong Diskurso ay nagtatala siya ng babala ni Kristo na “mula sa langit ay lilitaw ang mga kakila-kilabot at dakilang tanda.”
Isang gabi noong “may napakalaking bagyo sa magdamag, nang may sukdulang sidhi, at malalakas na hangin, kasama ang pinakamalaking buhos ng ulan, patuloy na pagkidlat, kasindak-sindak na pagkulog, at mga kahanga-hangang pagyanig at pagsigaw ng lupa, iyon ay sa paglindol. Ang mga bagay na ito ay isang malinaw na indikasyon na ang ilang pagkawasak ay paparating sa mga tao, kapag ang sistema ng sanlibutan ay inilagay sa kawalang-ayos na ito; at ang sinuman ay mahuhulaan na ang mga kakila-kilabot na ito ay nagbadya ng mga mas dakilang kalamidad na paparating.” (Wars, 4:4:5).
Sa isa pang pagkakataon, isinulat ni Josephus: “Kaya may isang bituin na kahawig ng isang tabak, na tumayo sa siyudad, at isang bulalakaw na nagpatuloy sa buong taon. Gayon din, bago ang rebelyon ng mga Hudyo na napakalaki, isang liwanag ang suminag sa altar at banal na tahanan, na lumitaw na maliwanag na araw; tumagal ng kalahating oras. Dagdag pa, ang silanganang tarangkahan ng loobang templo, na gawa sa tanso na may bakal, na may trangka na nakahigpit nang napakalalim sa matatag na sahig, na mula sa isang buong bato, ay nakita na binuksan sa sarili nitong kusa mga ikaanim na oras ng gabi.” (Wars, 4:4:5).
Ebanghelyo Na Ipangangaral Sa Lahat Ng Mga Bansa
Bago ang pagkawasak ng Jerusalem, ang “ebanghelyong ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong daigdig bilang patotoo sa lahat ng mga bansa” (Mateo 24:14). Ito ay natupad noong unang siglo. Isinulat ni Pablo sa mga hinirang sa Colosse at nagsalita ng mabuting balita na “naipangaral na sa lahat ng tao sa silong ng langit” (Colosas 1:23).
“Itinatalaga ng tradisyon ang mga sumusunod na parang sa iba’t ibang apostol at ebanghelista: sinasabi na si Andres ay nagtrabaho sa Scythia; kaya ang mga Ruso ay sinasamba siya bilang kanilang apostol. Inilaan ni Felipe ang kanyang mga huling taon sa Hierapolis sa Phyrgia. Sinasabi na si Bartolome ay hinatid ang ebanghelyo ayon kay Mateo sa Indya. Ang tradisyon tungkol kay Mateo ay medyo nakakalito. Siya ay sinasabi na nangaral sa kanyang sariling bayan, at matapos nito’y sa mga banyagang lupain. Sinasabi na si Santiago Alfeo ay nagtrabaho sa Egipto. Si Tadeo ay ang misyonaryo sa Persya. Si Simon ang Makabayan ay nagtrabaho sa Egipto at sa Britanya; habang ang isa pang ulat ay idinudugtong siya sa Persya at Babilonya. Ang ebanghelista na si Juan Marcos ay sinasabing nagtatag ng iglesya sa Alexandria.” (Lars P. Qualben, History Of The Christian Church).
Ihaharap Sa Mga Gobernador At Mga Hari
Sinabi ni Yahushua sa mga apostol na “Mag-ingat kayo! Dadalhin kayo sa mga hukuman at hahampasin sa mga sinagoga. Ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari upang sa kanila'y magpatotoo kayo alang-alang sa akin” (Marcos 13:9).
Hindi mo kailangang iwan ang mga pahina ng Bagong Tipan upang makita ang katuparan ng propesiyang ito.
Ihatid sina Pedro at Juan sa harap ng Sanhedrin (Mga Gawa 4). Binato sa kamatayan si Esteban ng isang napopoot na Hudyong madla (Mga Gawa 7:54-60). Si Herod Agripa ay “pinapatay sa pamamagitan ng tabak si Santiago na kapatid ni Juan. Nang makita niyang ito’y ikinatuwa ng mga Hudyo, ipinadakip naman niya si Pedro” (Mga Gawa 12:2).
Humarap si Pablo kay Galio, gobernador ng Acaia (Mga Gawa 18:12), Felix, isang Romanong gobernador (Mga Gawa 24), at Haring Agripa (Mga Gawa 25). Sa huli’y pinahintulutan si Pablo na ipresenta ang kanyang kaso sa harap mismo ni Caesar.
Ang ating Panginoon ay nahulaan ang pagkawasak ng Jerusalem sa ika-24 na kabanata ng Mateo. Sa isa pang artikulo ay tinalakay natin ang tagpuan sa Olibong Diskurso at naitala na ang mga tanda na ibinigay sa Mateo 24 ay darating sa katuparan sa loob ng salinlahing iyon (Mateo 24:36). Nais nating magpatuloy sa ating pagsisiyasat ng mga tanda na ibinigay bago ang pagkawasak ng siyudad noong 70 AD.
Kasuklam-Suklam Sa Banal Na Dako
Nagbabala si Yahushua sa kanyang mga alagad, na, “Kaya, kapag nakita ninyong nakatayo sa banal na dako ang kasuklam-suklam na kalapastanganan na sinabi sa pamamagitan ni propeta Daniel,—unawain ng bumabasa—, ang mga nasa Hudea ay tumakas na at pumunta sa mga bundok.” (Mateo 24:15-16).
Si Josephus, isang unang siglong mananalaysay, ay sinasabi ang malungkot na estado kung saan ang temlo ay bumagsak bago ang pagdating ni Titus, ang Romanong heneral. “At ngayon, kapag ang kawan ng mga tao ay nagtipun-tipon sa isang kapulungan, at ang bawat isa ay nasa ngitngit sa mga taong ito na nagsasamsam sa santuwaryo, sa kanilang pandarambong at pagpatay ngunit hindi pa nagsimula ang kanilang mga atake ay tumayo si Agnus sa gitna nila, at madalas hinahatid ang kanyang mga mata sa templo, at mayroong isang baha ng mga luha sa kanyang mga mata ay sinabi niya, ‘Tiyakan, mabuti sa akin na mamatay bago ko makita ang tahanan ni Yahuwah na puno ng napakaraming kasuklam-suklam, o ang mga sagradong dako na ito ay hindi dapat na tinapakan sa anuman, napuspos ng mga paa ng mga tampalasan na nagdadanak ng dugo.’” (The Wars Of The Jews, 4:3:10).
Bago ang pagkawasak ng Jerusalem, ang templo ay naging isang lugar ng pagtitipon para sa mga masasamang tao. Itinuturo ni Yahushua sa mga alagad na kapag nakita nila ang ganoong “kasuklam-suklam na kalapastanganan”, sila’y “pumunta sa mga bundok.” Ang siping ito ay hindi tumutukoy sa anumang paraan sa ilang panghinaharap na pagbabalik ng ating Panginoon. Kapag ang “kasuklam-suklam na kalapastanganan” na ito ay nagaganap, iyong mga nasa “Hudea” ay tumakas na tungo sa mga bundok—hindi sa mga kababayan na naninirahan sa Amerika ngayon!
Napalilibutan Ang Jerusalem
Sa talaan ni Lucas ng diskurso, sinabi rin ni Yahushua sa mga alagad na “Kapag nakita ninyong napalilibutan ng mga hukbo ang Jerusalem, alam ninyong malapit na ang pagkawasak nito. Kaya’t ang mga nasa Hudea ay tumakas na patungo sa bundok at ang mga nasa loob ng lungsod ay lumabas mula rito, at ang mga nasa bukid sa palibot nito ay huwag nang pumasok pa.” (Lucas 21:20-21).
Narito ang mga alagad ay binalaan na kapag ang hukbong Romano ay papalapit sa Jerusalem, sila’y tatakas para sa kanilang mga buhay. Natanggap ng mga Kristyano ang saganang babala tungkol sa paparating na paglusob. Sinabi ni Josephus, “At ngayon si Vespasian ay pinagtibay ang lahat ng dako ng paligid-ligid ng Jerusalem , at nagtayo ng mga muog sa Jericho at Adida, at naglagay ng mga garison sa dalawang lugar na ito. At ngayon ang digmaan ay dumaan na rin sa mga bulubunduking bayan, at lahat ng mga kapatagang bayan rin, iyong mga nasa Jerusalem ay pinagkaitan ng kalayaan na lumabas sa siyudad; ngayon na bumalik si Vespasian sa Caesarea, at naghahanda, kasama ang lahat ng kanyang hukbo upang martsa nang direkta sa Jerusalem, sinabihan siya na patay na si Nero, dahil dito’y ipinagpaliban muna ni Vespasian ang kanyang ekspedisyon laban sa Jerusalem, at nakatayong naghihintay kung saan ang imperyo ay ililipat matapos ang kamatayan ni Nero, ang Imperyong Romano mula noon ay nasa isang pabagu-bagong kondisyon, at hindi tumuloy sa ekspedisyon laban sa mga Hudyo.” (The Wars Of The Jews, 4:9:1, 2).
Noong ang mga lehiyon ng Roma ay tuluyang pumunta sa Jerusalem, sila’y nagkuta sa Bundok ng Olibo (The Wars Of The Jews, 5:2:3). Agaran matapos ang kanilang pagdating, isang trinsera ang itinakda sa palibot ng Jerusalem. Isang siyam na milyang haba ang itinayo sa loob ng tatlong araw na ganap na nagbakod sa siyudad. (The Wars Of The Jews, 5:12:2).
Matinding Kapighatian
Binalaan ni Yahushua ang kanyang mga alagad na kapag dumating ang hukbong Romano, iyong mga nasa Hudea ay dapat na tumakas tungo sa mga bundok at “Huwag nang bumaba ang nasa ibabaw ng bahay upang kumuha ng anuman sa loob ng kanyang bahay. At ang nasa bukid ay huwag nang bumalik upang kumuha ng kanyang balabal. Ngunit kay saklap para sa mga buntis at mga nagpapasuso ang mga araw na iyon! Kaya’t ipanalangin ninyo na ang pagtakas ninyo ay hindi matapat sa taglamig o sa araw ng Sabbath. Sapagkat sa panahong iyon ay magkakaroon ng matinding kapighatiang hindi pa nangyari mula sa pasimula ng sanlibutan hanggang ngayon, at hindi na kailanman mangyayari pa.” (Mateo 24:17-21).
Nakakamangha kung gaano karaming tao ngayon ay sinusubukan na iangkop ang mga salitang ito sa isang panghinaharap na pagbabalik ng ating Panginoon! Anong posibleng pagkakaiba ang gagawin nito kung si Yahushua ay nagbabalik sa araw ng Sabado o Linggo? Anong pagkakaiba ang maaaring gawin nito kung siya ay dumarating sa taglamig o tag-init? Gayunman, kung sinusubukan mong lumayo mula sa isang lumulusob na hukbo, ito’y gumagawa ng isang dakilang bagay ng pagkakaiba, sapagkat ang mga hangganan ng siyudad ay isasara sa araw ng Sabbath at walang paraan para sa iyo na makatakas. Mas madali pa rin makatakas mula sa mga lumulusob na hukbo kung wala kang buhat-buhat na inaalagaang bata.
Minsan ang mga tao ay minamaliit ang kabagsikan ng pag-atake sa Jerusalem. Sinasabi ni Josephus kung paano ang mga tropang Romano ay “tumungo sa maraming bilang tungo sa mga daanan ng siyudad, dala-dala ang kani-kanilang mga tabak, pinapatay nila ang mga naaabutan nila, nang walang awa, at sinusunog ang mga kabahayan na nilisan ng mga Hudyo, at kasamang sinilaban ang bawat kaluluwa sa loob nito, at nagwasak sa marami sa mga nalalabi; at sa kanilang pagpasok sa mga kabahayan upang mandambong, natagpuan nila ang buong pamilya ng mga patay na tao, at ang mga itaas na silid ay puno ng mga bangkay, iyong mga namatay sa pagkagutom; sa paningin na ito’y tumayo sila sa pagkagimbal, at lumabas nang walang hinahawakan na anuman. Ngunit bagama’t mayroon sila nitong pagkahabag para sa ganoong nawasak sa paraang iyon, subalit hindi katulad sa mga nananatiling buhay, pero tumakbo sila sa bawat isa na haharapin nila, at humarang sa mga mismong daan ay ang kanilang mga patay na katawan, at pinahinto ang siyudad sa dugo, sa ganoong antas, tunay nga na ang apoy sa maraming kabahayan ay napawi sa dugo ng mga taong ito.” (The Wars Of The Jews, 6:8:5).
Mahigit isang milyong Hudyo ang namatay sa pagkawasak ng Jerusalem—isa pang bilang na 97,000 ang dinakip bilang mga alipin!
Ang Mga Bituin Ay Mahuhulog Mula Sa Langit
“At kasunod agad ng kapighatian sa mga araw na iyon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at ang mga bituin ay mahuhulog mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig” (Mateo 24:29). Ang mga premilenyalista ay madalas ginagamit ang siping ito upang “patunayan” na ang Mateo 24 ay sinasalita ang tungkol sa pagbabalik ni Kristo sa halip na ang pagkawasak ng banal na siyudad. Madalas nilang sinasabi, “Tumingin ka lamang sa labas ng gabi—ang mga bituin ay nananatili sa kalangitan ngayon.”
Para sa mga hindi pamilyar sa propetikong wika, ang mga premilenyalista ay minsang parang nakakumbinsi. Gayunman, isang maiksing pasyal sa Lumang Tipan ay ipapakita kung gaano parehas ang ginamit na wika upang ilarawan ang pagbagsak ng mga monarka at mga bansa. Tingnan sa mga sumusunod na halimbawa ng matuwid na paghahatol ni Yahuwah at makita kung paano Niya inilalarawan ang pagbagsak ng mga pambansang lider:
- Babilonya (Isaias 13:10, 13)
- Edom (Isaias 34:4-6)
- Ang Mga Bayan (Isa. 51:5-6)
- Juda (Jer. 4:1-6, 23-28)
- Egipto (Ezek. 32:7-8)
- Ang Mga Bansa (Joel 3:15-16)
- Nineve (Nah. 1:1-5)
- Israel (Amos 8:1-2, 9)
Ang Tanda Ng Anak Ng Tao
Sa Mateo 24:30, sinabi ni Yahushua, “Pagkatapos ay lilitaw sa langit ang palatandaan ng Anak ng Tao, at magluluksa ang lahat ng mga lipi sa lupa. Makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa ibabaw ng mga ulap sa himpapawid, taglay ang kapangyarihan at maringal na kaluwalhatian.”
Pakiusap na pansinin na si Yahushua ay hindi sinasabi, “At pagkatapos ay lilitaw ang Anak ng Tao sa langit” o “pagkatapos ay lilitaw ang tanda sa kalangitan ng Anak ng Tao.” Ang parirala ay literal: “Pagkatapos ay lilitaw sa langit ang palatandaan ng Anak ng Tao” (Berry's Interlinear). Ang pariralang “sa langit” ay nagsasaad ng lokalidad ng Anak ng Tao, hindi ang lokalidad ng tanda.
Ang pagkawasak ng Jerusalem mismo ay nagsilbi bilang isang tanda ng katunayan na ang Anak ng Tao ay ang namamahala sa langit, dahil ito ang katuparan ng Kanyang prediksyon (ikumpara sa Deuteronomio 18:20-22).
Walang Isang Bato Na Nasa Ibabaw Ng Isa Pa
Sa mismong simula ng Olibong Diskurso, habang tumitingin sa templo, sinabi ni Yahushua, “Hindi ba’t nakikita ninyo ang lahat ng mga ito? Tinitiyak ko sa inyo, wala ritong maiiwan kahit isang bato na nasa ibabaw ng isa pang bato. Lahat ng mga ito’y pawang ibabagsak.” (Mateo 24:2).
Si Titus, ang Romanong heneral, ay hindi nais na wasakin ang templo. Sa isang talumpati sa mga tagapagtanggol na Hudyo ng siyudad ay sinabi niya, “Umaapela ako sa sarili kong hukbo, at ang mga Hudyo na ngayo’y kasama ko, at maging sa inyo, na hindi ko pinipilit sa inyo na dungisan ang santuwaryong ito; at kung ikaw ay subalit babaguhin ang lugar kung saan ika’y lalaban, walang Romano na darating malapit sa iyong santuwaryo, o mag-aalok ng anumang pagsuway rito; hindi, magsisikap akong panatilihin ang inyong banal na tahanan, sa ayaw man o sa gusto ninyo.” (The Wars Of The Jews, 6:2:4).
Gayunman, matapos makuha ang siyudad, siya’y “nagbigay ng utos na dapat nilang gibain ang buong siyudad at templo maliban sa lahat ng nalalabi ng pader, ito’y lubos na inilatag sa lupa ng mga naghukay hanggang sa saligan, na walang matitira upang gawin iyon ng mga dumating doon at pinaniwalaan kung may mga nakatira roon.” (The Wars Of The Jews, 7:1:1). Tunay nga, ang mga salita ng propeta ay dumating sa katuparan, “Kaya’t ang Sion ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat” (Mikas 3:12).
Mga Mahahalagang Kaibahan
Tanda na sinundan ng palatandaan ang ibinigay kaya ang mga alagad ay malalaman nang maaga ang tungkol sa pagkawasak ng Jerusalem. Ang mga babala ay ibinigay kaya ang mga tao ay maaaring tumakas sa oras ng abnormal na panahon na iyon kapag ang limitado, lokal na paghahatol ni Yahuwah ay babagsak sa Jerusalem.
Tayo ngayon ay tumatanaw sa panghuling pagbabalik ng ating Panginoon, “Subalit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama” (Mateo 24:36). Magbabalik si Yahushua sa panahon ng normal na oras at walang paunang babala. Sa halip ng isang limitadong paghuhukom ang babagsak sa isang mapanghimagsik na bansa, “titipunin ang lahat ng mga bansa at sila’y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at sa mga kambing” (Mateo 25:32).
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni David Padfield.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC