Nagdarasal Ng Mga Awit: Sa Iyong Kamay (Awit 31)
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Awit 31:5 Sa Iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa; iyong tinubos ako, Oh Yahuwah, ikaw na Eloah ng katotohanan…14 Ngunit tumiwala ako sa iyo, Oh Yahuwah: aking sinabi: “Ikaw ay aking Eloah.” 15 Ang aking mga kapanahunan ay nasa Iyong kamay: iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin. 16 Iyong pasilangin ang Iyong mukha sa Iyong lingkod: iligtas mo ako ng Iyong kagandahang-loob.
Isang daang taon bago nagpasimula si Martin Luther ng Repormasyong Protestante, ang mga tao katulad ni John Hus ay naghahanda ng landas. Si Hus ay isang Romano Katolikong pari mula sa Bohemia na sumasalungat sa mga pang-aabuso na laganap sa simbahan. Sa pagsasalita laban sa papa at mga doktrina na salungat sa Salita ni Yahuwah, si John Hus ay sinentensya na sunugin sa istaka bilang isang erehe. Habang nakagapos sa istaka, sinabi ng obispo, “Ngayo’y aming inilalagak ang iyong kaluluwa sa diyablo.” Ang tugon ni John Hus, “Ngunit inihahabilin ko sa Iyong mga kamay, Oh Panginoong Kristo [Yahushua], ang aking diwa na Iyong tinubos.”1
Ang Awit 31:5 ay naging isang pinagkukunan ng kaluwagan at kalakasan para sa mga hinirang sa lahat ng panahon.
|
Ang Awit 31:5 ay naging isang pinagkukunan ng kaluwagan at kalakasan para sa mga hinirang sa lahat ng panahon. Ito ang unang panalangin na ituturo ng isang Hudyong ina sa kanilang mga anak sa pagtulog. Ito ang naging mga huling salita sa labi ng mga naghihingalong hinirang sapagkat inihahabilin nila ang kanilang sarili sa kalinga ni Yahuwah. Matapos ang maraming oras ng paghihirap sa krus na nagdadala ng mga kasalanan ng sanlibutan, binigkas ni Yahushua ang mga salitang ito bago namatay, “Sa mga kamay Mo ay ipinagtatagubilin ko ang Aking espiritu.”
Ito ay ang sukdulang panalangin ng pagtitiwala! Kapag binabasa natin ang Awit 31, nararamdaman natin ang mga emosyonal na salpok ng pagkabagabag ni David sa kanya. Inilalarawan niya ang kanyang buhay bilang “namumugto sa kapanglawan” at ang kanyang katawan ay nanglulupaypay at nalalapit sa kamatayan mula sa kapanglawan at dalamhati (31:9-13). Ang kanyang dalamhati ay tinukso pa nga siya na maniwala na walang pakialam si Yahuwah, ngunit sa halip, siya ay namahinga sa pag-ibig ni Yahuwah at hinikayat ang iba na “Kayo’y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso, kayong lahat na nagsisiasa kay Yahuwah” (31:22-23).
Kasama sa tiwala ng pagtatagubilin ng ating buhay sa kamay ni Yahuwah, ipinapaalala rin sa atin ni David na “Ang aking mga kapanahunan ay nasa Iyong kamay” (31:15). Ito ay isang mahusay na kaisipan! Ang tagapangunang Aprikanong misyonaryo na si Dan Crawford (1870-1926) ay ipinahayag ito sa ganitong paraan: “Lahat ng aking paraan at kung kailan at kung saan at kung bakit ay nasa mga kamay [ni Yahuwah]”2
KAISIPAN SA DASAL: Sa 1 Pedro 4:19, umaalingawngaw mula sa apostol ang mga salitang ito: “Kaya’t ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ni Yahuwah ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.” Marahil ay nararamdaman mo ay katulad kay David? Nararamdaman mo na napapaligiran sa bawat panig, at walang daan palabas! Hinihikayat tayo ni David na tumigil sa pamumuhay sa mga pamumuhay at sa halip ay mamuhay sa pananalig. Dalhin ang iyong mga pag-aalala at nararamdaman kay Yahuwah:
“Sapagkat Ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta; alangalang nga sa Iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako.” (31:3)
“Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod: iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob.” (31:16)
Oh pagkadakila ng Iyong kabutihan, na Iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa Iyo. (31:19)
1 Foxe’s Book of Martyrs. Chapter VIII - Persecution of John Hus
2 John Philips. Exploring the Psalms, Volume 1, p. 236
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://s3.amazonaws.com/media.cloversites.com/19/196db2ea-297d-4503-9a12-49043489c907/documents/Jan_4_-_Into_Your_Hands_-_Psalm_31.pdf
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC