Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
- Mateo 20:23 – Ama at Anak – Dalawang magkaibang katauhan.
- Juan 3:16 – Sapagkat ganoon inibig ni Yahuwah ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob Niya, hindi ang sarili Niya, kundi ang kanyang kaisa-isang Anak.
- Juan 3:17 – Sapagkat isinugo ni Yahuwah ang Anak sa sanlibutan. Isinugo ba ni Yahuwah ang Kanyang sarili?
- Juan 5:37 – Hindi ninyo narinig ang Kanyang tinig ni nakita man ang Kanyang anyo (ngunit nakikita’t naririnig nila ang Anak). Dalawang magkaibang katauhan.
- Juan 5:37 – May DALAWANG saksi – (1) ang Ama at (2) ang Anak (dalawang magkaibang katauhan).
- Juan 5:43 – Naparito si Yahushua sa ngalan ng Ama, at hindi ninyo ako tinatanggap.
- Juan 8:18 – May DALAWANG saksi; ang Ama at ang Anak (dalawang magkaibang katauhan).
- Juan 8:19 – Hindi ninyo ako nakikilala, maging ang aking Ama (dalawang magkaibang katauhan).
- Juan 10:29 – Ang aking Ama ay higit na dakila sa lahat (iba).
- Juan 12:28 – Sinabi ni Yahushua, “Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” Sumagot ang isang tinig. Si Yahushua ba ang sumagot sa sarili niya?
- Juan 14:1 – Sumampalataya kayo kay Yahuwah, sumampalataya RIN kayo sa akin (dalawang magkaibang katauhan).
- Juan 14:25 – Ang salitang naririnig ninyo ay hindi sa akin, kundi mula sa Ama na nagsugo sa akin (dalawang magkaibang katauhan: nagsugo at isinugo).
- Juan 14:28 – Sapagkat ang AMA ay higit na dakila kaysa akin (dalawang magkaibang katauhan; Ama at Anak).
- Juan 15:1 – Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang AKING AMA ang tagapag-alaga nito; dalawang magkaibang partido.
- Juan 15:9 – Kung paanong minahal ako ng Ama, minamahal ko rin kayo (tatlong partido; Ama, Anak at mga alagad).
- Juan 15:10 – Kung tutuparin ninyo ang mga utos ko, mananatili kayo sa pag-ibig ko, kung paanong tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
- Juan 15:24 – Kinapopootan nila ako AT ang aking Ama (dalawang magkaibang katauhan).
- Juan 16:3 – Hindi nila kilala ang Ama o ako man (dalawang partido; Ama at Anak).
- Juan 16:28 – Ako’y galing sa Ama at pupuntang muli sa Ama. Pumunta ba si Yahushua sa kanyang sarili?
- Juan 16:32 – Hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama (dalawang magkaibang katauhan).
- Juan 17:1 – Nanalangin si Yahushua sa Ama. Nanalangin ba siya sa kanyang sarili?
- Juan 17:3 – At ito ang BUHAY NA WALANG HANGGAN, ang makilala ka nila na TANGING TUNAY NA EL AT si Yahushua Mesias na iyong isinugo. Nais ba natin ang buhay na walang hanggan? Kung ganon, sumampalataya sa Ama at Anak (dalawang magkaibang katauhan).
- Juan 17:4 – Niluwalhati kita sa lupa sa pagtupad ko sa gawaing ibinigay mo sa akin (ang Amo at ang manggagawa).
- Juan 17:5 – Ama, sa iyong harapan ay luwalhatiin mo ako (dalawang partido; isa na nakakataas, isa na mababa).
- Juan 17:11 – Banal na Ama, ingatan mo sila sa pamamagitan ng iyong pangalan na ibinigay mo sa akin, upang sila ay MAGING ISA, KUNG PAANONG TAYO AY IISA. Komento: si Yahushua at ang kanyang Ama ay “iisa” gaya ng 12 apostol na dapat na “iisa;” iyon ay, “iisa sa layunin at aral.”
- Juan 17:18 – Kung paanong isinugo MO AKO sa sanlibutan, isinugo ko rin sila sa sanlibutan. Tatlong partido: Ikaw, ako, at sila.
- Juan 17:21 – Upang silang lahat ay maging isa, tulad mo, Ama, na nasa akin at ako’y nasa iyo, na sila rin ay mapasa-ATIN; ikaw at ako. Ang atin ay katumbas ng dalawa o higit pang katauhan.
- Juan 17:22 – Ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila (mga apostol), upang sila ay maging isa, kung paanong TAYO ay IISA. Ang mga apostol ba ay isang tao lamang sa halip na 12 tao? Sila’y 12 indibidwal, ngunit iisa ang layunin, kaya ang Makalangit na Ama at Kanyang Anak ay dalawang indibidwal na katauhan na may iisang layunin.
- Mga Gawa 2:24* - Narito’y may DALAWANG katauhan: Isang BUHAY, isang PATAY. Si Yahushua, na namatay, ay hindi maaaring muling buhayin ang kanyang sarili. Sinong bumuhay sa kanya? Si Yahuwah ang muling bumuhay sa kanya sa libingan – mula sa kamatayan (Mga Gawa 3:14, 15).
- Mga Gawa 2:27 – Ang kaluluwa ni Yahushua ay hindi naiwan sa sheol; ito rin ay muling binuhay mula sa sheol, mula sa libingan, mula sa mga patay (berso 32). Binuhay nino? Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahuwah (dalawang magkaibang katauhan ang tinutukoy rito).
- Roma 1:3 – Ipinahayag na Anak ni Yahuwah, … sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay mula sa mga patay (dalawang magkaibang katauhan).
- Galacia 1:1 – Si Yahuwah (ang Ama) ay muling binuhay si Yahushua (ang Anak) mula sa mga patay. Si Yahushua ay isinailalim sa kamatayan, ngunit ang Kanyang Ama ay hindi isinailalim sa kamatayan.
- Efeso 6:23 – Pagkalooban nawa ng kapayapaan mula kay Yahuwah Ama AT kay Panginoong Kristo Yahushua. Dalawang naiiba at magkahiwalay na katauhan.
- Filipos 1:2 – Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula kay Yahuwah na ating Ama at mula kay Panginoong Kristo Yahushua. Dalawang magkaibang katauhan.
- Colosas 1:1 – Mula kay Pablo, apostol ni Kristo Yahushua sa pamamagitan ng kalooban ni Yahuwah (tatlong magkaibang katauhan: Pablo, Yahuwah at Yahushua).
- 1 Tesalonica 1:1 – Kapayapaan mula kay Yahuwah na ating Ama AT kay Yahushua ang Mesias (dalawang magkaibang katauhan; Ama at Anak).
- 2 Tesalonica 1:2 – Sumainyo ang kagandahang-loob at kapayapaan mula kay Yahuwah Ama at Panginoong Kristo Yahushua (dalawang magkaibang katauhan).
- 1 Timoteo 1:1 – Mula kay Pablo, apostol ni Kristo Yahushua ayon sa utos ni Yahuwah AT Yahushua Mesias (dalawang magkaibang katauhan).
- 1 Timoteo 1:2 – Sumaiyo ang kagandahang-loob, habag, at kapayapaang mula kay Yahuwah Ama AT Kristo Yahushua na ating Panginoon.
- 2 Timoteo 1:2 – Sumaiyo ang biyaya, habag, at kapayapaan mula kay Yahuwah Ama AT kay Kristo Yahushua na ating Panginoon.
- Tito 1:1 – Mula kay Pablo, alipin ni Yahuwah, AT apostol ni Kristo Yahushua.
- Filemon 3 – Sumaiyo nawa ang biyaya at kapayapaang (1) mula kay Yahuwah na ating Ama AT (2) Kristo Yahushua.
- Hebreo 1:1 – Nagsalita si Yahuwah sa pamamagitan ng mga propeta, ngunit sa mga huling araw na ito, nagsalita Siya sa atin sa pamamagitan ng Anak.
- Santiago 1:1 – Mula kay Santiago, lingkod ni (1) Yahuwah, at ni (2) Yahushua.
- 1 Pedro 1:3 – Purihin ang El at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua.
- 2 Pedro 1:2 – Sumagana nawa sa inyo ang biyaya at kapayapaan ni Yahuwah, AT sa ating Yahushua Mesias (dalawang partido).
- 1 Juan 1:3 – Ang pakikipagkaisa nating ito ay sa Ama, AT sa kanyang Anak na si Kristo Yahushua.
- 1 Juan 2:1 – Ngunit kung magkasala ang sinuman, mayroon tayong Tagapagtanggol sa harap ng Ama, si Kristo Yahushua na matuwid (sina Yahuwah Ama at tagapagtanggol na si Yahushua (dalawang magkaibang katauhan)).
- 2 Juan 9 – Ang sinumang nananatili sa katuruan, nasa kanya ang Ama AT ang Anak.
- Judas 1 – Yahuwah ang Ama, AT Yahushua Mesias (dalawang magkaibang katauhan).
- Judas 4 – Ang ilang taong ayaw kumilala kay Yahuwah, AT ating Mesias na si Yahushua (dalawang magkaibang katauhan).
- Pahayag 1:1* – Ang pahayag na ibinigay ni Yahuwah sa Kanya. Hindi. Hindi. Hindi ibinigay ni Yahuwah ang pahayag sa Kanyang sarili, kundi sa Kanyang Anak na si Yahushua Mesias.
- Pahayag 1:4* – Isang pagbati mula sa dalawang katauhan: (1) Siya na kasalukuyan, nakaraan, at siyang darating (ang walang hanggang Yahuwah); At mula kay Kristo Yahushua, ang tapat na saksi, ang pangunahin sa mga binuhay mula sa kamatayan (berso 5).
- Pahayag 1:9* – Ang salita ni Yahuwah at pagpapatotoo ni Yahushua: dalawang magkaibang katauhan.
- Pahayag 2:8* – Ito ang sinasabi niya na una at huli, na namatay at nabuhay (si Yahushua). Imposible para sa Ama na mamatay, dahil dito, si Yahushua ay hindi isa at kaparehong katauhan sa Ama.
- Pahayag 2:26 – Sa sinumang nagtatagumpay, Bibigyan ko siya ng kapangyarihan sa mga bansa (berso 27). Dalawang katauhan. Ang mababa ay nakatanggap ng kapangyarihan mula sa iba.
- Pahayag 3:5 – Dalawang katauhan: ang isa ay ikukumpisal ang ating mga pangalan sa harap ng isa pa. Sino ang dalawang ito. Si Yahuwah Ama at Anak na si Yahushua.
- Pahayag 3:12* – Ang nagtatagumpay ay gagawin kong (Yahushua, berso 11) haligi sa templo ng AKING ELOAH; Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng AKING ELOAH; ang El ni Yahushua ay isa pa maliban sa kanyang sarili, si Yahuwah.
- Pahayag 3:14 – Ang sinasabi ng Amen, ang tapat at totoong saksi, ang pinagmulan ng mga nilikha ng El. Dalawang katauhan ang sinasalita rito: (1) El ang Manlilikha, at (2) ang isa na nilikha – ang Tunay na Saksi (Yahushua).
- Pahayag 3:21 – Ang nagtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang makasama ko (Yahushua) sa aking trono, kung paanong nagtagumpay ako at umupo kasama ng aking Ama sa kanyang trono. Dalawang trono at dalawang katauhan ang sinasalita rito: (1) ang Ama at Kanyang trono, at (2) ang Anak at kanyang trono.
- Pahayag 4:2-11 – Siya na nakaupo sa trono (Pahayag 4:2, 3, 9, 10; 5:1, 7; 19:4; 20:11; 21:5), ay si Yahuwah, ang Makapangyarihang El. Si Yahushua, ang Leon ng tribo ng Juda, ang Ugat ni David, ang Kordero na pinaslang, at ang nagbukas ng pitong tatak (Pahayag 5:2-10); ay hindi si Yahuwah. Nakatayo siya sa harap ng trono kung saan si Yahuwah Ama ay nakaupo: dalawang katauhan.
- Pahayag 5:11-13 – Ang mga papuri ay ibinigay sa (1) Kanya na nakaupo sa trono, at (2) ang Kordero na pinaslang.
- Pahayag 6:16 – Ikubli ninyo kami mula sa mukha (1) Niya na nakaupo sa trono at (2) mula sa galit ng Kordero: Dalawang katauhan.
- Pahayag 7:9, 10 – Ang kaligtasan ay buhat sa ating El at sa Kordero: Dalawang katauhan.
- Pahayag 7:17 – Ang Korderong nasa gitna ng trono, nasa kanang kamay ng Ama (Hebreo 1:3), ang kanilang magiging pastol, at papahirin ng Diyos ang luha sa kanilang mga mata: Dalawang katauhan.
- Pahayag 11:15 – Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Yahuwah at ng Kanyang Kristo: dalawang katauhan.
- Pahayag 12:17 – Sa mga sumusunod sa mga utos ni Yahuwah (unang katauhan) at naninindigan sa patotoo ni Yahushua (ikalawang katauhan).
- Pahayag 14:1, 4 – Ang pangalan niya at ng kanyang Ama ay nakasulat sa kanilang mga noo (Griyego – pangalan ng Ama at Anak), at mga unang alay kay Yahuwah AT sa Kordero.
- Pahayag 14:12 – Sila na tumutupad sa mga utos ni Yahuwah at patuloy na sumasampalataya kay Yahushua: dalawang katauhan.
- Pahayag 15:3* – Tatlong magkakahiwalay na katauhan ang pinangalanan rito: Yahuwah, ang Kordero at si Moises. Kung sina Moises at Yahuwah ay hindi isa at kaparehong katauhan, bakit dapat nating isipin ang Kordero at si Yahuwah ay isa at kaparehong katauhan?
- Pahayag 19:4-7 – Apat na partido ang pinangalanan dito: Yahuwah ang Makapangyarihan, ang Kordero (Yahushua, ang lalaking ikakasal), ang babaeng ikakasal sa Mesias, ang napakaraming tao.
- Pahayag 20:6 – Sila’y magiging mga pari (1) ni Yahuwah at (2) ni Kristo.
- Pahayag 21:9, 10 – Tatlong partido: Yahuwah, ang Kordero, at ang babaeng ikakasal.
- Pahayag 21:22 – Dalawang partido ang pinangalanan: Yahuwah at ang Kordero. Ang mga ito’y templo sa Bagong Jerusalem.
- Pahayag 22:1 – Ang bukal ng buhay ay umaagos mula sa trono ni Yahuwah AT ng Kordero (dalawang katauhan).
- Pahayag 22:3 – Hindi na magkakaroon doon ng anumang isinumpa, sapagkat ang trono ni Yahuwah AT ng Kordero ay naroon: dalawang katauhan.
Pagwawakas:
Kapatid, upang lumikha ng ISANG katauhan lamang mula sa dalawang ito:
- Yahuwah ang Ama (na nakaupo sa trono), at
- Yahushua ang Anak (ang Mesias, ang Kordero);
…ay nangangailangan ng napakaraming pagbaluktot ng mga termino, titulo, pangalan, lohika, katunayan, at Kasulatan. Mas mabuting tanggapin ang “dalisay na gatas na ukol sa espiritu” (1 Pedro 2:2), at “tanggaping may pagpapakumbaba ang salita” ni Yahuwah (Santiago 1:21), “upang matutuhan ang kaligtasang makakamit sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Yahushua. Ang lahat ng mga kasulatan ay ihininga ni Yahuwah at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at pagsasanay sa katuwiran, upang ang lingkod ni Yahuwah ay maging karapat-dapat at lubusang maihanda sa lahat ng mabubuting gawa” (2 Timoteo 3:16, 17).
Isang mabuting gawa na dapat nating patuloy na itaguyod ay PANANALIG; Pananalig sa sumusunod:
- Pananalig sa isang Kataas-taasan na NABUBUHAY NANG WALANG HANGGAN. Ang pangalan Niya ay Yahuwah, ang Manlilikha ng langit at lupa at lahat ng mga bagay na narito.
- Pananalig sa Anak ni Yahuwah; Yahushua ang Mesias, ang taong NAMATAY upang tubusin ang mga makasalanan at muling nabuhay sa ikatlong araw. Siya ay “ipinahayag na Anak ni Yahuwah… sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay mula sa mga patay” (Roma 1:1-4).
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo mula sa https://everlastinggoodnewsofyahweh.info/.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC