Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo kay Yahuwah, magsisampalataya naman kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagkat ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:1-3).
Naging tradisyonal para sa siping ito na kunin bilang isang pangako ni Kristo na babalik nang nakikita, pang-katawan, at personal mula sa Langit upang kunin ang mga Kristyano at dalhin sa Langit kasama niya. Ngunit hindi ito ang kahulugan ng siping ito. Anong ibig sabihin nito, at anong sinasalita ni Yahushua, ay matapos siyang mawala, isusugo niya ang Banal na Espiritu na bumalik sa mundo upang manahan sa kanyang mga alagad.
Ilan ay naniniwala rin na tinutukoy niya ang panahon ng kamatayan: “Kaya sa Juan 14:2 mababasa natin na dinala sa “maraming tahanan” sa bahay ng Ama sa bumabalik na Anak – walang alinlangan na isang sanggunian sa kamatayan ng mga mananampalataya.” Hindi rin ito ang kahulugan ng siping ito. Sinabi ni Yahushua na darating siya upang “tanggapin” ang kanyang mga alagad (mayroong “palakaibigan na tagpuan”).Hindi nito sinasabi na dadalhin niya ang mga alagad sa Langit.
Ating siyasatin ang siping ito at ang konteksto nito upang makita kung ito ay totoo. Mayroong ilang dahilan na maaari nating isaalang-alang kung bakit ang tradisyonal na konsepto ay hindi tama:
1. Ang Kahulugan Ng Bahay Ng Ama:
Una, mayroong kahulugan ng bahay ng aking Ama. Saan at ano ang bahay ng Ama? Karamihan sa mga Kristyano ay binabasa ang siping ito ay naiisip lamang ang Langit at hinahayaan na lang. Marami ang naniniwala tungkol sa maraming tahanan sa loob na isang siyudad ng ginto, atbp. Hindi sila nagsasagawa ng mga dagdag na pag-aaral tungo sa bagay na ito. Ngunit hindi nito sinasabi na ang bahay ng Ama ay ang Langit.
Kung naniniwala tayo na si Yahuwah ay sumasalahat ng dako, naiisip natin na Siya ay saanman. Walang lugar sa sanlibutan kung saan si Yahuwah ay hindi umiiral saanman. Tanong ni David, “Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon” (Awit 139:7-8). Sa Isaias 66:1, sinabi ni Yahuwah, “Ganito ang sabi ni Yahuwah, Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan: anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin? at anong dako ang magiging aking pahingahan?”
Ang Templo ay naging lugar na itinayo ni Solomon, at si Yahuwah ay nais ang Kanyang bayan na malaman ang mga bagay na iyon; ngunit nagplano Siya na direktang tumahan sa Kanyang bayan bukod sa anumang Templo. Ang Templo ay simboliko, at minsan ang ipinakitang presensya ni Yahuwah ay napatunayan rito. Ngunit ang Templo ay hindi ituturing na “Ang” nananahang lugar ni Yahuwah.
Tayo ang kasalukuyang bahay ng Ama, at si Yahushua ang Anak ay ang nananahan rito. Mayroon lamang isang bahay at maraming tahanan.
|
At ngayon, buhat nang namatay si Yahushua, inilibing, muling nabuhay sa mga patay, umakyat sa Langit, at nagsugo ng Banal na Espiritu sa kanyang mga alagad, tayong mga Kristyano ay kinukuha ang lugar ng Templo bilang lugar ng pananahanan ni Yahuwah. “Na sa kaniya’y itinayo naman kayo upang maging tahanan ni Yahuwah sa Espiritu” (Efeso 2:22). Ang Banal na Espiritu ay nananahan sa mga mananampalataya mula nang isinugo niya ito sa mga alagad. “Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ni Yahuwah, at ang Espiritu ni Yahuwah ay nananahan sa inyo?” (1 Corinto 3:16). “O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Banal na Espiritu na nasa inyo, na tinanggap ninyo kay Yahuwah? at hindi kayo sa inyong sarili” (1 Corinto 6:19). At ang manunulat ng aklat ng Hebreo ay sinabi, “Datapuwa’t si Kristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; NA ANG BAHAY NIYA AY TAYO….” (Hebreo 3:6). Tayo ang kasalukuyang bahay ng Ama, at si Yahushua ang Anak ay ang nananahan rito. Mayroon lamang isang bahay at maraming tahanan. (Tingnan ang 1 Timoteo 3:15; Efeso 2:19-21; 1 Corinto 3:9-11, 16-17.)
2. Sinasalita Ni Yahushua Ang Tungkol Sa Banal Na Espiritu Sa Juan 14:
“Sapagkat siya’y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.” Si Yahushua ay nagsasalita ng nalalapit na pananahan ng Banal na Espiritu, na darating at kukunin ang lugar na pinamamalagian ni Kristo sa mga alagad.
|
Mula sa berso 16 (ng Juan 14), hayagang tinutukoy ni Yahushua ang Banal na Espiritu sa pangalan. Sinabi ni Yahushua, “At ako’y dadalangin sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng ibang Mang-aaliw, upang siyang sumainyo magpakailan man” (Juan 14:16). Ang salitang sumainyo ay nagmula sa salitang Griyego na meno, na nangangahulugang “manatili (sa isang ibinigay na lugar, estado, relasyon o inaasahan) – manahan, magpatuloy, pumalagi, manatili, paririto, tumayo, maghintay…” Mula sa salitang ito na ang salitang “tahanan” (mone) ay nagmula. Sa berso 17. Sinasabi ni Yahushua, “Sapagkat siya’y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.” Siya ay nagsasalita ng nalalapit na pananahan ng Banal na Espiritu, na darating at kukunin ang lugar na pinamamalagian ni Kristo sa mga alagad. Ngunit sinasabi ng wika na si Yahushua ang darating at mananahan sa kanila. “Hindi ko kayo iiwang mag-isa: AKO’Y PARIRITO SA INYO” (berso 18). Ito’y kaparehong bagay noong sinabi Niya sa kanila sa berso 3. Sapagkat ang Banal na Espiritu ang dumating, namuhay si Yahushua sa atin. “Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ni Yahuwah. Datapuwa’t kung ang sinuman ay walang Espiritu ni Kristo, siya’y hindi sa kaniya. At kung si Kristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa't ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran…” (Roma 8:9-10).
At hindi lamang si Yahushua ang darating at mananahan sa mga alagad, kasama rin ang Ama. “at siya’y iibigin ng aking Ama, at kami’y pasasa kaniya, at siya’y gagawin naming aming tahanan” (berso 23).
3. Ang Salitang “Tahanan”Ay Kapareho Ng “Tirahan.”
Sinabi ni Yahushua na gagawin niya ang paninirahan sa atin. Tayo’y magiging mga tahanan na sinalita niya sa berso 2. Sinasabi niya na ang mga Kristyano ay magiging lugar ng pananahanan ni Kristo sa bahay ng Ama.
|
Noong sinabi ni Yahushua na ang kanyang Ama at siya ay darating sa mga alagad at mananahan sa kanila, ginamit niya ang salitang tirahan, ang kaparehong salita para sa salitang tahanan sa berso 2 (mone). Ang mga Kristyano ay magiging mga tahanan o lugar ng tirhan para sa Ama at Yahushua sa pamamagitan ng presensya ng Banal na Espiritu. Ang salita para sa tahanan o mone ay nangangahulugan “isang pamamalagi, iyon ay tirahan (ang gawa o ang lugar); -- pananahanan, mansyon.” Ang salita mismo ay nagmula sa pandiwang Griyego na meno, na unang nabanggit, na nangangahulugang manatili (sa isang ibinigay na lugar, estado, relasyon o inaasahan) – manahan, magpatuloy, pumalagi, manatili, paririto, tumayo, maghintay. Ang talatinigan ni Webster ay binigyang-kahulugan ang salitang Tagalog na mansyon na isang pananahanan o tirahan. Ito ay lipas na, ibig sabihin na ginamit ito na kahulugan ng salita. Dapat nating palaging isaalang-alang ang mga kahulugan ng nakalipas sa halip na ibig sabihin ng mga salita ngayon. Ang Juan 14:2 ay ang tanging lugar sa Bagong Tipan kung saan ang salitang ito ay isinalin bilang mga tahanan. Sa Juan 14:23, ito’y isinalin bilang tirahan. Ito’y magkaparehong salita. Sinabi ni Yahushua na gagawin niya ang paninirahan sa atin. Tayo’y magiging mga tahanan na sinalita niya sa berso 2. Sinasabi niya na ang mga Kristyano ay magiging lugar ng pananahanan ni Kristo sa bahay ng Ama. Hindi ibig sabihin nito, syempre, na walang ibang pagdating ni Kristo kaysa dito. Karamihan ng Bagong Tipan ay isinulat matapos ang paririto ng Banal na Espiritu, ngunit ito’y nagpatuloy na si Kristo ay hindi pa dumarating. Mayroong higit pa sa isa na “paririto” ni Kristo sa Bagong Tipan. Karamihan sa ating mga kasulatan ay nakasentro sa “muling paglitaw” ni Kristo, na naganap noong 70 AD. Ito’y tinawag na “ikalawa” sa kanyang “unang” personal na paglitaw.
4. Hindi Dapat Magulumihanan Ang Mga Alagad Sapagkat Ang Banal Na Espiritu Ay Darating:
Sa berso 27, sinabi ni Yahushua, “Huwag magulumihanan ang inyong puso.” Ito ay ang kaparehong pagtuturo na ibinigay niya sa kanila sa berso 2, nagpapakita na patuloy niyang sinasalita ang kaparehong bagay.
|
Sa berso 27, sinabi ni Yahushua, “Huwag magulumihanan ang inyong puso.” Ito ay ang kaparehong pagtuturo na ibinigay niya sa kanila sa berso 2, nagpapakita na patuloy niyang sinasalita ang kaparehong bagay. Kaya ano ang mayroon tayo ay ito: narito si Yahushua sa Juan 14 ay sinasabi na sa bahay ng Ama (na ang buong sanlibutan) , maraming lugar upang manatili at manahan. Ngunit ang mga alagad ay magiging kanyang bahay, at siya ay mamamalagi sa kanila bilang mga tahanan. Darating siya sa kanila, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, upang makamit ito. Ang kanyang pag-alis upang maghanda ng isang lugar para sa atin ay sangkot ang kanyang kamatayan, libing, muling pagkabuhay, at pag-akyat. Lahat ng ito’y kinakailangan para sa atin na maging mga tahanan sa bahay ng Ama.
Ang modernong konsepto ng siping ito ay ang mga “tahanan” na nabanggit ay ilang maringal, napakaganda, marangyang palasyo sa Langit. Hindi ito ang kahulugan ano pa man. Ang salita mismo ay walang ganoong kahulugan. Sinabi ni Yahushua na magpapatuloy siya upang maghanda ng isang lugar para sa kanila. Ginawa niya. Siya’y namatay, muling nabuhay, umakyat, at nagsugo ng Banal na Espiritu upang mamalagi sa kanila. Sinabi niya na darating siya at “tatanggapin” sila. Ito lamang ang panahon sa Bagong Tipan na ang eksaktong salita na ito ay ginamit (paralambano). Ibig sabihin nito’y “upang tanggapin ang kalapitan, iyon ay makipag-ugnay sa isa pa (sa anumang pamilyar o malapit na gawa o relasyon.” Ang kahulugan ay isusugo niya ang Banal na Espiritu sa kanyang ngalan upang tanggapin ang mga Kristyano tungo sa isang matalik na relasyon dahil ang Banal na Espiritu ay mananahan sa kanila. Hindi niya sinasabi na tatanggapin niya ang mga alagad sa Langit. Ang makahulugang relasyon na ito na sinasabi niya ay magaganap sa lupa. Hindi siya narito ay sinasalita ang isang ikalawang pagdating ng sarili niya, kundi sa presensya lamang ng Banal na Espiritu.
Nagpatuloy siya sa berso 16 sa pagsasabi na ang Ama ay magbibigay sa kanila ng isa pang Mang-aaliw (Tingnan rin ang Juan 14:26; 15:26, at 16:7). Ang salitang “Mang-aaliw” ay nangangahulugang “isang tagapamagitan, tagapayo: -- tagapagtaguyod, taga-aliw.” Sa ibang salita, siya ang tumutulong sa atin upang ipahayag ang ating mga pangangailangan sa Ama, nabanggit rin sa Roma 8:26: “At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagkat hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; ngunit ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita.” (Hindi sinasadya, hindi nito sinasalita ang tungkol sa mga Kristyano na nagsasalita sa “mga wika” gaya ng naiisip ng ilan. Ang pamamagitan ng Espiritu ay “hindi maisasaysay sa pananalita.”)
Mahalaga na makita na noong sinalita ni Yahushua ang maraming tahanan (mga lugar ng pananahan) sa berso 2, sinalita niya ang kaparehong bagay sa berso 23 noong sinabi niya na siya at ang kanyang Ama ay paririto at gagawa ng pamamalagi sa mga alagad.
|
Sinabi ni Yahushua na ang Mang-aaliw na ito ay “siyang suma inyo magpakailanman” (berso 16). Sa berso 23, sinasabi ni Yahushua, “kami’y PASASA KANYA.” Hindi lamang si Yahushua, kundi ang Ama rin, “at siya'y gagawin naming aming tahanan” (berso 23). Nauna ko nang sinabi, ang salitang “tirahan” ay ang kaparehong salita sa Griyego para sa tahanan sa berso 2, at tinutukoy nito na gumagawa ng tirahan ang Ama at Anak sa mga Kristyano. Mahalaga na makita na noong sinalita ni Yahushua ang maraming tahanan (mga lugar ng pananahan) sa berso 2, sinalita niya ang kaparehong bagay sa berso 23 noong sinabi niya na siya at ang kanyang Ama ay paririto at gagawa ng pamamalagi sa mga alagad. Ang salita ay parehas lang.
Sa berso 26, sinabi niya na ang Ama ay magpapadala ng Banal na Espiritu sa Kanyang pangalan. Ito ang paraan ng paririto ni Kristo sa mga alagad – sa katauhan ng Banal na Espiritu… Pagkatapos, sa berso 27, nagpapatuloy sa kaparehong talakayan, muli niyang sinasabi (gaya ng ginawa niya sa berso 1), “Huwag magulumihanan ang inyong puso.” Ang kanilang mga puso ay huwag magulumihanan dahil sila’y pagkakalooban ng Mang-aaliw na mananahan sa kanila. Ito ay kung bakit sinabi niya ang kaparehong bagay sa berso 1: “Huwag magulumihanan ang inyong puso.” Pagkatapos ay sinasabi ni Yahushua na narinig nila kung paano niya sinabi, “Papanaw ako, at paririto ako sa inyo” (berso 28). Sinasabi niya rito sa koneksyon sa Kanyang talakayan sa Banal na Espiritu na paparating sa kanila. Anong sinasabi niya rito sa berso 28, tungkol sa Banal na Espiritu, ay mayroong kaparehong kahulugan sa berso 3 kung saan sinabi niya, “muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili…”
Kaya ang napakagandang sipi na ito sa Juan 14:1-3, na marami sa ating mga tagapagturo ay ginamit sa mga paglilingkod sa paglilibing upang mang-aliw sa mga nagugulumihanang puso sa batayan na si Kristo ay darating at kukunin ang Kanyang mga anak sa “maraming tahanan sa langit” ay hindi ganoon ang ibig sabihin ano pa man. Ito’y nangangahulugan, sa halip, na nangako si Kristo na paparito sa katauhan ng Banal na Espiritu at mananahan sa Kanyang mga Kristyano magpakailanman. Ang bahay ng Ama ay saanman. Noong sinabi ni Yahuwah, “Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan…” (Isaias 66:1), sinabi Niya na Siya’y nananahan saanman. Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya…” (1 Mga Hari 8:27). Kung may mga sanlibutan na lagpas sa atin, hindi natin nalalaman. Ngunit kung mayroon, naroroon din si Yahuwah. Sinabi ng isang manunulat na kung ang isang butil ng buhangin sa dalampasigan ay kumakatawan sa ating sanlibutan, ang lahat ng ibang butil ng buhangin sa buong mundo ay nangangahulugan na ang lahat ng ibang sanlibutan na lagpas sa atin. Ito’y nagpapalito sa ating kaisipan na isipin ito. At si Yahuwah ay saanman – umiiral saanman. Ngunit ang kahanga-hangang bagay ay pinili ni Yahuwah na gumawa ng tirahan sa mga puso at mga buhay ng Kanyang bayan. “Ngunit katotohanan bang si Yahuwah ay tatahang kasama ng mga tao sa lupa?” (2 Paralipomeno 6:18). Tayo ang Kanyang lugar ng tahanan, tirahan, at pamamalagi. Sa katauhan ng Banal na Espiritu, paparito Siya upang tanggapin natin Siya at upang makipag-ugnayan sa Kanya sa isang personal na relasyon. At hindi sinasadya, nalalaman mo ba kung saan ang trono ni Yahuwah? Ito’y nasa kalagitnaan ng Kanyang bayan, ngayon mismo sa buhay na ito.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni John L. Bray.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC