Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Sapagkat natutunan natin sa Ang Tuntunin Ng Ahensya Sa Lumang Tipan, ang isang ahente ay isa na “itinalaga na gumawa para sa o sa kinalalagyan ng isa pa.”1 Sa Hebreong termino, ang ahente o ang “isinugo” ay tinawag na shaliah. Ang katumbas nito sa Bagong Tipan ay ang terminong apostol or Apostolos sa Griyego, at ito’y nangangahulugan na isang tagapagbalita, isa na isinugo para sa isang misyon. Tungkol sa ahensya, si James McGrath, propesor at iskolar ng Bagong Tipan, ay isinulat:
Ang ahensya ay isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na buhay sa sinaunang mundo. Ang mga indibidwal gaya ng mga propeta at mga anghel na nabanggit sa mga Kasulatan ng Hudyo ay itinuring na ‘mga ahente’ ng Diyos.
|
Ang ahensya ay isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na buhay sa sinaunang mundo. Ang mga indibidwal gaya ng mga propeta at mga anghel na nabanggit sa mga Kasulatan ng Hudyo ay itinuring na ‘mga ahente’ ng Diyos. Ang pangunahing ideya tungkol sa ahensya sa sinaunang mundo ay lumilitaw na ibinuod sa parirala mula sa rabinikong literatura na madalas na sinipi sa mga kontekstong ito: “Ang isang isinugo ay tulad ng isa na nagsugo sa kanya.”2
Bumabautismo Si Yahushua Ng Mga Alagad. O Ginawa Niya?
Ang unang pagkakataon ng ahensya na ating sisiyasatin ay matatagpuan sa ebanghelyo ni Juan. Matapos ang pagsisiyasat ng Paskua sa Jerusalem, bumabautismo si Yahushua ng mga alagad:
Juan 3:22-26 22 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nagsiparoon si Yahushua at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Hudea; at doon siya tumira na kasama nila, at bumabautismo. 23 At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagkat doo’y maraming tubig: at sila’y nagsiparoon, at nangabautismuhan— 24 Sapagkat hindi pa ipinapasok sa bilangguan si Juan. 25 Nagkaroon nga ng isang pakikipagtalo ang mga alagad ni Juan sa isang Hudyo tungkol sa paglilinis. 26 At sila’y nagparoon kay Juan, at sa kaniya’y sinabi, Rabi, yaong kasama mo sa dako pa roon ng Jordan, na binigyan mong patotoo, narito, siya’y bumabautismo, at ang lahat ng mga tao’y nagsisiparoon sa kaniya.”
Ayon sa talaan na ito, si Yahushua ay nagbabautismo ng kanyang mga tagasunod. Ito’y medyo prangka, iyon ay hanggang mabasa natin ang nagbubukas na mga berso sa sumusunod na kabanata:
Juan 4:1-3 4 Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Pariseo na si Yahushua ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan 2 (Bagaman hindi bumabautismo si Yahushua, kundi ang kaniyang mga alagad), 3 Nilisan niya ang Hudea, at naparoong muli sa Galilea.
Ang pangunahing punto ng kautusan ng ahensya ng mga Hudyo ay ipinahayag sa salawikain, “ang isang ahente ng tao ay itinuturing bilang ang tao mismo.”
|
Parehong sinasabi ng mga Kabanata 3 at 4 na si Yahushua ay nagbabautismo ng mga alagad, ngunit si Juan sa pamamagitan ng panaklong ay nililinaw na si Yahushua ay hindi nagsasagawa ng mga pagbabautismo. Sa halip, ang kanyang mga alagad ay ang nagsasagawa nito. Paano maaaring sabihin ni Juan na si Yahushua ay nagbabautismo ng mga tao noong hindi naman? Nagsisinungaling ba siya? Hindi, siya ay gumagamit ng tuntunin ng ahensya. Ito’y ipinapaliwanag ng The Encyclopedia of Jewish Religion sa paraang ito:
Ang pangunahing punto ng kautusan ng ahensya ng mga Hudyo ay ipinahayag sa salawikain, “ang isang ahente ng tao ay itinuturing bilang ang tao mismo.” Dahil dito, anumang kilos na ginawa ng isang nararapat na itinalagang ahente ay itinuturing bilang ginawa ng pangunahin…3
Dahil ang mga alagad ay ang mga “nararapat na itinalagang ahente,” sakdal na katanggap-tanggap na ikredito si Yahushua sa mga bautismo. Ito ay maaaring isang kakaibang konsepto para sa taga-Kanluran na maunawaan, ngunit sa kulturang Hebreo, ito ay normatibo.
Ang Senturyon At Ang Kanyang Maysakit Na Lingkod
Ang susunod na halimbawa ng ahensya ay nauugnay sa isang Romanong komandante at ang kanyang lubos na iginagalang na lingkod:
Mateo 8:5-10 at 13 5 At pagpasok niya [Yahushua] sa Capernaum, ay lumapit sa kaniya ang isang senturyon, na sa kaniya’y namanhik, 6 At nagsasabi, “Panginoon, ang aking alila ay nararatay sa bahay, lumpo, at lubhang nahihirapan.” 7 At sinabi niya sa kaniya, “Paroroon ako, at siya’y aking pagagalingin.” 8 At sumagot ang senturion at sinabi, “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan; datapuwa’t sabihin mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alila. 9 “Sapagkat ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, na may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, ‘Yumaon ka,’ at siya’y yumayaon; at sa isa, ‘Halika,’ at siya’y lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito,’ at kaniyang ginagawa.” 10 At nang marinig ito ni Yahushua, ay nagtaka siya, at sinabi sa nagsisisunod, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kahit sa Israel man… 13 At sinabi ni Yahushua sa senturyon, “Humayo ka ng iyong lakad; at ayon sa iyong pagsampalataya, ay gayon ang sa iyo’y mangyari.” At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon.
Sa talaan ni Mateo, direktang nakikipag-ugnayan si Yahushua sa senturyon. Ngunit kapag binabasa natin ang talaan ni Lucas, may lumilitaw na isang nakasisilaw na kontradiksyon:
Lucas 7:1-10 1 Nang matapos na niya [Yahushua] ang lahat ng kaniyang mga pananalita sa mga pakinig ng bayan, ay pumasok siya sa Capernaum. 2 At ang alipin ng isang senturyon, na minamahal nito, ay may sakit at malapit nang mamatay. 3 At nang marinig niya ang tungkol kay Yahushua, ay pinaparoon niya [ang senturyon] sa kaniya ang matatanda sa mga Hudyo, na ipamanhik sa kaniya, na pumaroon at iligtas ang kaniyang alipin. 4 At nang magsidating sila kay Yahushua, ay ipinamanhik nilang mapilit sa kaniya, na sinasabi, “Karapat-dapat siya [ang senturyon] na gawin mo sa kaniya ito; 5 Sapagkat iniibig niya ang ating bansa, at ipinagtayo niya tayo ng ating sinagoga. 6 At si Yahushua ay sumama sa kanila. At nang siya’y di na lubhang malayo sa bahay, ay nagsugo sa kaniya ang senturyon ng mga kaibigan, na nagsisipagsabi sa kaniya, “Panginoon, huwag ka nang maligalig, sapagkat di ako karapatdapat na ikaw ay pumasok sa silong ng aking bubungan: 7 Dahil dito’y hindi ko inakalang ako’y karapatdapat man lamang pumariyan sa iyo: datapuwa’t sabihin mo ang salita, at gagaling ang aking alipin. 8 “Sapagkat ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, ‘Yumaon ka,’ at siya'y yumayaon; at sa isa, ‘Halika,’ at siya’y lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito,’ at kaniyang ginagawa.” 9 At nang marinig ni Yahushua ang mga bagay na ito, ay nagtaka siya sa kaniya, at lumingon at sinabi sa karamihang nagsisisunod sa kaniya, “Sinasabi ko sa inyo, Hindi ako nakasumpong ng ganitong kalaking pananampalataya, hindi, kahit sa Israel man.” 10 At pagbalik sa bahay ng mga sinugo, ay kanilang naratnang magaling na ang alipin.
Si Mateo ay walang problema na nag-uulat na ang senturyon ay dumating kay Yahushua dahil ang mga matatandang Hudyo at mga kaibigan na isinugo niya ay kumilos bilang mga ahente sa kanyang ngalan.
|
Lumilitaw na sumasalungat si Lucas sa talaan ni Mateo kapag itinatala niya na ang senturyon ay hindi personal na nakasama si Yahushua. Sa kasamaang-palad, ang ilan ay tumitingin sa parang magkakasalungat na mga ideya katulad nito at ipinalagay na ang Bibliya ay hindi kapani-paniwala at, dahil dito, ay hindi maaaring pagkatiwalaan. Gayunman, ang kontradiksyon ay natutunaw kapag nauunawaan natin ang kautusan ng ahensya. Si Mateo ay walang problema na nag-uulat na ang senturyon ay dumating kay Yahushua dahil ang mga matatandang Hudyo at mga kaibigan na isinugo niya ay kumilos bilang mga ahente sa kanyang ngalan. At ayon sa kasanayan, makatuwiran na magsalita ng ganoong okasyon na parang ang senturyon mismo ay humaharap. Ang pastor at may-akda, si David Burge, ay nagpapaliwanag:
Ang senturyon rito ay ang pangunahin; ang mga matatandang Hudyo at ang mga kaibigan ng senturyon ay ang kanyang mga itinalaga, kinomisyong ahente. Alalahanin na sa kaisipang Hebreo, ang pangunahin at ang ahente ay hindi palaging malinaw na mabunyi, nababanggit lamang ni Mateo ang pangunahin (ang senturyon, ang prinsipal) nang hindi itinatangi ang ahente (ang mga matatandang Hudyo at mga kaibigan). Nababanggit ni Lucas ang parehong pangunahin at mga ahente. Upang ilagay ito sa ibang paraan, sa talaan ni Mateo, ang mga matatanda (mga ahente) ay mga kumatawan at itinuring bilang ang senturyon (pangunahin), bagama’t ito ay hindi literal na totoo.4
Si Earle Ellis, propesor at teologo, ay sumasang-ayon:
Gaya sa mga paghihilom sa Sabbath, sa pagpapagaling ng lingkod ng senturyon…gumagamit si Mateo ng tuntunin ng shaliah upang ipailalim ang mga matatanda bilang katauhan ng senturyon.5
Ang Petisyon Nina Santiago At Juan Kay Yahushua
Ang ating susunod na halimbawa ay isinasangkot ang dalawa sa mga apostol ni Yahushua at ang kanilang ina. Noong si Yahushua at ang kanyang mga alagad ay naglalakad tungo sa Jerusalem, tinipon ni Yahushua ang labing-dalawang apostol upang sabihin sa kanila na ang kanilang mga pangrelihiyong lider ay ipapasa siya sa mga Hentil, dahil dito, ay ilalagay siya sa kamatayan. Gayunman, sinabi ni Yahushua na muli siyang babangon pagkalipas ng tatlong araw:
Marcos 10:35-41 35 At nagsilapit sa kaniya [Yahushua] si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, na sa kaniya’y nagsisipagsabi, “Guro, ibig naming iyong gawin sa amin ang anomang aming hingin sa iyo.” 36 At sinabi niya sa kanila, “Ano ang ibig ninyong sa inyo’y aking gawin?” 37 At sinabi nila sa kaniya, “Ipagkaloob mo sa amin na mangakaupo kami, ang isa’y sa iyong kanan, at ang isa’y sa iyong kaliwa, sa iyong kaluwalhatian.” 38 Datapuwa’t sinabi sa kanila ni Yahushua, “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin?” 39 At sinabi nila sa kaniya, “Kaya namin.” At sinabi sa kanila ni Yahushua, “Ang sarong aking iinuman ay iinuman ninyo; at sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo; 40 “Datapuwa’t ang maupo sa aking kanan o sa aking kaliwa ay hindi ako ang magbibigay; datapuwa’t yaon ay para sa kanila na mga pinaghahandaan.” 41 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagpasimula silang mangagalit kay Santiago at kay Juan.
Ngayon ay pansinin ang mga pagkakaiba sa talaan ni Mateo:
Nakikita natin na ang ina nina Santiago at Juan ay nagsisilbi bilang kanilang ahente noong siya’y nagtanong kay Yahushua para sa pabor sa paparating na kaharian.
|
Mateo 20:20-24 20 Nang magkagayo’y lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni Zebedeo, na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya’y sinamba, at may hinihinging isang bagay sa kaniya. 21 At sinabi niya sa kaniya, “Ano ang ibig mo?” Sinabi niya sa kaniya, “Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, ang isa sa iyong kanan, at ang isa sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian.” 22 Ngunit sumagot si Yahushua at sinabi, “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo ang sarong malapit nang aking iinuman?” Sa kaniya’y sinabi nila, “Mangyayari.” 23 Sinabi niya sa kanila, “Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro: datapuwa’t ang maupo sa aking kanan, at sa aking kaliwa, ay hindi sa akin ang pagbibigay; datapuwa’t yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.” 24 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagalit laban sa dalawang magkapatid.
Nakikita natin na ang ina nina Santiago at Juan ay nagsisilbi bilang kanilang ahente noong siya’y nagtanong kay Yahushua para sa pabor sa paparating na kaharian. Mali ba si Marcos na itala ang tagpuan na parang sina Santiago at Juan ay nagtanong kay Yahushua nang direkta para sa mga posisyon sa kanyang pamahalaan? Hindi, ginamit ni Marcos ang tuntunin ng ahensya sa kanyang salaysay.
Saulo Ng Tarso
Ang panghuling halimbawa na titingnan natin ay mula sa Aklat ng Mga Gawa ng Apostol. Noong si Saulo ng Tarso (sa huli’y kilala bilang si Apostol Pablo) ay “sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon,” nakiusap siya sa punong saserdote para sa awtorisasyon kaya maaari siyang maglakbay sa Damasco upang dakpin ang sinumang tagasunod ni Yahushua na maaari niyang masumpungan rito. Itinatala ni Lucas ang sumusunod:
Mga Gawa 9:3-6 3 At sa kaniyang paglalakad [Saulo], ay nangyari na siya’y malapit sa Damasco: at pagdaka’y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit: 4 At siya’y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya’y nagsasabi, “Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?” 5 At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, “Ako’y si Yahushua na iyong pinaguusig: 6 Ngunit magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.”
Paano maaaring usigin ni Saulo si Yahushua noong ang Panginoon ay nakaupo na sa kanang kamay ni Yahuwah sa kalangitan? Muli, ang ahensya ay nagbibigay ng kasagutan…
|
Paano maaaring usigin ni Saulo si Yahushua noong ang Panginoon ay nakaupo na sa kanang kamay ni Yahuwah sa kalangitan? Muli, ang ahensya ay nagbibigay ng kasagutan dahil kapag ikaw ay nakikipag-ugnayan sa ahente, ikaw ay, sa bisa, nakikipag-ugnayan sa nagsugo (o ang pangunahin). Nagdagdag ng paliwanag ang propesor at teologo na si Marianne Meye Thompson:
Isang karaniwang kasabihan sa mga rabi ay “ang isang isinugo ay tulad ng isa na nagsugo sa kanya” o “ang ahente ng isang tao ay katumbas sa sarili niya.” Sapagkat ang saliah [shaliah] ay maaaring kumilos sa ngalan ng isa na nagsugo sa kanya, kapag ang isa ay nakikitungo sa saliah, ito ay katulad ng pakikitungo sa isa na nagsugo ng taong iyon.6
Sa diwa, ito ang anong itinuro ni Yahushua sa kanyang mga alagad:
Lucas 10:16 “Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki’y nagsugo.”
At isa pa:
Mateo 25:40 “At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.’”
Noong si Saulo ay nag-uusig ng mga tagasunod ni Kristo, iyong mga kinomisyon at isinugo sa kanyang pangalan, talagang inuusig niya ang isa na nagsugo sa kanila, iyon ay, si Kristo Yahushua. Hindi sa isang pisikal na paraan, syempre, kundi sa isang kumakatawan na paraan. Kaya dahil dito, ang kautusan ng ahensya ay pinahintulutan si Yahushua na magsalita na si Saulo ay inuusig siya.
Bilang pagbubuod, natutunan natin na ang isang ahente ay awtorisado na kumilos sa ngalan ng o sa kinalalagyan ng isa pa. Ang tuntunin o ang kautusan ng ahensya ay nagpapahayag na ang isa na isinugo ay nakita bilang isa na nagsugo sa kanya. Ang pagka-ahente ay isang pang-araw-araw na kaganapan sa sinaunang mundo, ipinakita sa buong Kasulatan. Kapag binabasa natin ang Bibliya mula sa isang Hudyong pananaw, ang mga mahihirap o nakalilitong sipi ay nagkakaroon ng saysay, ang mga sumasalungat na sipi ay tumugma, at ang mga pamilyar na sipi ay dumarating sa buhay.
1 “ahente,” Merriam Webster Dictionary, nakuha noong 06-16-19, https://www.merriam-webster.com/dictionary/agent
2 James F. McGrath, The Only True God: Early Christian Monotheism in its Jewish Context, (University of Illinois Press, 2009) p. 14.
3 “Ahente” (Hebreo: Shaliah), The Encyclopedia of Jewish Religion, R.J.Z. Werblowsky, G. Wigoder, (New York: Adama Books, 1986), p. 15.
4 David Burge, Divine Agency in the Scriptures, 8-10-15, https://sandrahopper.blogspot.com/2015/ accessed 7-5-19
5 E. Earle Ellis, The Making of the New Testament Documents, (Society of Biblical Literature, 2009), p. 342
6 Marianne Meye Thompson, “Gospel of John,” sa Dictionary of Jesus and the Gospels, Joel B. Green, ed. 1992 (Downers Grove, IL: Intervarsity Press, 1992), p. 377
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/the-principle-of-agency-in-the-new-testament/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC