Buhay Matapos ang Kamatayan — Ayon kay Marta at Yahushua
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang ika-11 kabanata ng magandang balita ni Juan ay taimtim na nakatawag ng pansin sa akin sa ilang panahon dahil sa makapangyarihang patotoo nito tungkol sa kamatayan. Madalas kong naiisip na kung maraming tao ay tunay na sisiyasatin ang sinabi at ipinakita sa mga munting detalye ng kabanatang iyon, ang prominenteng paniniwala sa isang kalikasan, ang Platonikong imortal na kaluluwa ay mas kusang-loob na itatapon at papaboran ang aktwal na patotoo ng Kasulatan. Ang isa ay maaaring matagpuan ang ilang kagulat-gulat na mga rebelasyon sa kwento ng magkakapatid na pamilya sa Betania kung tayo’y kusang-loob lamang na bubuksan ang ating mga mata rito.
Para sigurado, ang mga mabubuting mag-aaral ng Bagong Tipan ay may kamalayan ng mga saligang pangyayari sa Juan 11. Isinalaysay ni Juan ang kwento ng marahil ang pinakadakilang himalang isinagawa ni Yahushua. Ito ang kwento ng muling pagkabuhay ng kaibigan ni Yahushua na si Lazaro mula sa kamatayan. Bago nito, naihatid na ni Yahushua ang iba na namatay pabalik sa buhay — ang anak ng balo (Lucas 7) at anak na babae ni Jairo (Marcos 5), ngunit ang mga ito ay mga indibidwal na lubos na kamakailan lang namatay. Nang dumating si Yahushua upang tulungan si Lazaro, siya’y patay na’t nakalibing na sa loob ng apat na araw. Ang ganoong himala ay mag-iiwan ng walang pagdududa na si Yahushua ang Mesias, dahil ang mga tao ay hindi na bumabalik kapag namatay at nailibing na. Ang isang tao na kakamatay lang ay maaaring tingnan ng mga nagdududa na malamang ay mali ang pagkakasuri — hindi naman talaga sila namatay at sila sa paanuman ay pinagaling o muling binuhay ni Yahushua. Subalit ang isang hamak na “manggagamot” ay hindi maaaring dalhin ang sinuman sa buhay na ganap at lubos nang patay sa loob ng apat na buong araw — hindi pa kasama dyan ang katawan na binalot na/hinanda para sa libing at pagkatapos ay ilalagay sa libingan. Hindi, ang ganitong pangyayari ay maaari lamang na isang matapat na himala — ang kapangyarihan ni Yahuwah na nagdudulot sa “imposible” na maganap. At ito ang tiyak na dahilan kaya si Yahushua ay hindi minadali na “pagalingin” si Lazaro noong narinig niya na siya’y may malalang sakit. Naghintay si Yahushua ng dalawa pang araw bago niya itakda na makita siya. Nalalaman niya na si Lazaro ay patay na bago pa siya makapunta doon ano pa man. Dahil dito, ito’y magpapalaki ng himala kung siya ay patay na, hindi mapagtatalunan. Ito’y magpapatunay na si Yahushua ay tunay ngang Anak ni Yahuwah — ang pinili o isinugong Mesias ni Yahuwah. Subalit marami pa rin ang hindi naniniwala.
“Tumangis si Yahushua,” Juan 11:35
|
Ang lahat ay pamilyar sa mga resulta ng kwento. Matapos ipagpaliban ang kanyang pag-alis, tumungo si Yahushua sa Betania, binisita ang mga kapatid na babae ni Lazaro, naabutan ang kanilang pighati at napaiyak (kaugnay nito’y ibinigay sa atin ang pinakamaikling berso sa Bibliya: “Tumangis si Yahushua,” Juan 11:35). Sa huli’y ginawa ni Yahushua ang nakakamanghang himala ng pagtawag ng pumanaw nang si Lazaro na “lumabas ka” — nagreresulta sa pagbabalik ni Lazaro sa buhay at pinalabas sa kanyang libingan habang balot pa rin ng telang panglibing.
Bagama’t ito ang bahagi na halos ang lahat ay pamilyar, mayroong ilang tipak ng patotoo ang nakahilata sa mga detalye ng kwento. Ang mga simpleng patotoo na ito ay maaaring makilala kapag ang isa na may bukas na kaisipan kung ano ang sinasabi ni Yahushua mismo kay Lazaro, anong sinasabi nina Yahushua at Marta sa isa’t-isa sa isang pag-uusap, at sa huli ang ganap na “katahimikan” na naganap noong si Lazaro ay muling nabuhay.
Una, tingnan natin kung ano ang sinasabi ni Yahushua tungkol sa kondisyon ni Lazaro sa kanyang mga alagad. Noong si Yahushua ay handa nang bumalik sa Hudea at sinabi sa kanila ang dahilan para sa paglalakbay, sinabi niya sa kanila, “Ang kaibigan nating si Lazaro ay natutulog, ngunit pupunta ako roon para gisingin siya” (Juan 11:11). Ang mga alagad ay dapat narinig ang mensahe na natanggap ni Yahushua: “Panginoon, siya na iyong minamahal ay may sakit” (Juan 11:3) dahil likas na naiisip nila na ang pagtulog ay magpapabuti sa lagay ng isang may sakit: “Panginoon, kung siya ay natutulog, gagaling siya.” Gayunman, gaya ng maraming tao ngayon, ang mga alagad ay hindi nakuha na si Yahushua ay gumagamit ng biblikal na metapora ng pagtulog upang ilarawan ang kamatayan. Binigkas ito ni Yahushua sa kanila sa pagsabi nang malinaw, “Patay na si Lazaro” (Juan 11:14).
“Ang kaibigan nating si Lazaro ay natutulog, ngunit pupunta ako roon para gisingin siya” . . . “Patay na si Lazaro” Juan 11:11 at 14
|
Bakit gumamit ng ganoong metapora si Yahushua tungkol sa kamatayan? Ang kasagutan ay medyo simple. Ito ay dahil sa iyon ang anong sinasabi ng buong Hebreong Bibliya tungkol sa kamatayan nang marami, napakaraming beses. Ang parehong aklat ng 1 at 2 Mga Hari ay paulit-ulit na sinabi sa isang hari matapos ang isa pang hari na sa pagwawakas ng buhay ay “natulog kasama ng kanyang mga magulang.” Si Job mismo ay sinabi, “Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog” (Job 14:12). At syempre ang propetang si Daniel ay nagpakita ng mahalagang patotoo na ito tungkol sa muling pagkabuhay: “At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak” (Daniel 12:2). Tumpak na ginamit ni Yahushua ang wikang ito — halos ang mga kaparehong salita kay Job, sinalita ilang siglo bago siya unang dumating: “Pupunta ako roon para gisingin siya.” Sinulat ko na si Yahushua ay walang binanggit ng katawan o kaluluwa ni Lazaro. Sinabi lamang ni Yahushua ang tungkol kay Lazaro bilang isang tao. Nais niyang pumunta at gisingin si Lazaro mula sa kamatayan — hindi para pagkaisahin ang isang kaluluwa at isang katawan. Ang patotoo ay naipakita. Nais ni Yahushua na gisingin si Lazaro mula sa pagkatulog ng kamatayan. Ito ay isang simpleng patotoo na sobrang kakila-kilabot na nilason ng sumunod na Platonikong pilosopiya.
Ang susunod ay ang sukdulan ang kahalagahang pag-uusap sa pagitan ni Yahushua at ng kapatid na babae ni Lazaro na si Marta. Ito’y naganap noong narinig ni Marta na si Yahushua ay papalapit na sa Betania. Lumabas siya upang salubungin siya habang ang kanyang kapatid na si Maria ay nananatili sa tahanan kasama ang ibang nagdadalamhati na dumating upang aliwin sila sa pagkawala ng kanilang kapatid na lalaki. Nang makapiling na ni Marta si Yahushua, ang unang bagay na sinabi niya kay Yahushua ay, “Panginoon, kung narito ka lang, hindi po sana namatay ang aking kapatid.” Nalalaman ni Marta na may kapangyarihan si Yahushua na pagalingin siya. Ang kanyang sumunod na pahayag ay nagpapatotoo ng kanyang tunay na pananampalataya: “Ngunit ngayon, alam kong anumang hilingin mo kay Yahuwah ay ibibigay Niya sa iyo.”
Ngayo’y narito kung saan ang mga bagay ay magiging mas kawili-wili. Ang tugon ni Yahushua sa kanya ay “Mabubuhay muli ang iyong kapatid” (Juan 11:23). Ito ay lubos na makabuluhan. Ang mismong mga unang salita ni Yahushua sa bigong si Marta na ang kanyang kapatid na lalaki ay mabubuhay muli. Hindi sinabi ni Yahushua na ang kanyang kapatid na lalaki ay mas buhay na kaysa dati bilang isang kaluluwang walang katawan na aakyat sa langit (gaya ng kamakailang narinig ko sa isang mabuting Baptist na paglilibing!) Sinabi niya lamang na ang kanyang kapatid na lalaki ay “mabubuhay” muli. Ngayon ay maglaan ng matalik na atensyon sa tugon ni Marta. Sinabi niya, “Alam kong mabubuhay siyang muli sa Pagkabuhay, sa huling araw” (Juan 11:24). Si Marta ay hindi isang mag-aaral ng Griyegong pilosopiya. Wala siyang inalok na anumang bagay na ibinabad sa Platonikong Dualismo. Hindi niya sinabing naiisip niyang makapiling muli ang kanyang kapatid bilang isang may kamalayan, walang katawang espiritu sa langit. Hindi, siya rin ay naunawaan ang mga Kasulatang Hebreo at nalalaman na sa katapusan ng kapanahunan — sa huling araw — ang kanyang kapatid na lalaki ay muling mabubuhay mula sa mga patay. Ito ang pag-asang Hebreo, ibinahagi mismo ng ating guro na si Yahushua.
Dapat nating dagdagan na kung iyon ay mali o hindi ganap na tumpak, narito ang sakdal na pagkakataon para kay Yahushua na itama siya kung tunay nga ang kaluluwa ng kapatid niyang lalaki ay agad naglaho at pumunta saanman. Kung ang may malay na kaluluwa ni Lazaro ay dinala sa “mas mabuting lugar” o maging sa masamang lugar, kahit papaano’y dapat sinabi ni Yahushua bilang dugtong sa kanyang pahayag na, “ang kanyang katawan ay mabubuhay muli sa hinaharap, ngunit ang kanyang kaluluwa ay buhay pa at mabuti.” Pagkatapos ay maaaring aliwin ni Yahushua si Marta ng isang bagay kasama ang mga linyang, “ngunit bago ang araw na iyon, muli mo siyang makakasama sa langit.” Iyon ay tumutugma sa anong karaniwang naririnig ngayon kapag ang isa ay nag-aalok ng pampalubag-loob sa iba na kamakailan lang ay nawalan ng isang mahal sa buhay. Sa kaugaliang iyon, ganito dapat, “Ngayo’y masaya si Lazaro na muling makasama ang iyong mga magulang.” (Sa tingin ko’y pumanaw na sila sa puntong iyon sapagkat sila’y hindi nabanggit sa kwento.)
Subalit si Yahushua ay walang ginawang ganoong kaayusan. Hindi inayos, itinama, o dinagdagan ni Yahushua sa kanyang pahayag ang tungkol sa kanyang kapatid na lalaki na bumabalik sa buhay sa muling pagkabuhay sa huling araw. Siniyasat lamang siya ni Yahushua kung ganap niyang nauunawaan kung sino siya at ang kanyang koneksyon sa muling pagkabuhay sa hinaharap. Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang mga sumasampalataya sa akin ay mabubuhay kahit na siya ay mamatay, at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba rito?” At walang alinlangang tumugon si Marta, “Opo, Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah, na siyang dumarating sa sanlibutan.” Naunawaan ni Marta na si Yahushua ay ang Mesias. Nalalaman niya na siya ang isa na muling makakapagbuhay sa mga namatay sa huling araw na iyon. Tiyak na hindi umayon si Marta sa mga mas nahuling pananaw na si Yahushua ay isang arkanghel na bumaba sa lupa, higit na mas mababa na siya si Yahuwah!
Sa wakas, ating siyasatin sa detalye ang konklusyon ng kwento. Anong nangyari matapos si Yahushua (sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahuwah, ang kanyang Ama) ay hinatid si Lazaro pabalik sa buhay? Bueno, sinabi sa atin na si Lazaro ay lumitaw mula sa libingan at sinabi ni Yahushua sa lahat na “Kalagan ninyo siya, at hayaang makaalis.” Ngunit ano ang sasabihin ni Lazaro tungkol sa kanyang paglalakbay sa ibang mundo? Ano ang inulat ng Kasulatan tungkol sa unang tao na binalik sa pagkabuhay matapos pumanaw sa loob ng apat na araw? Wala, sinabi mo? Bueno, hindi ba ito magdudulot ng isang paghinto? Walang isang sulyap na sinabi tungkol kay Lazaro matapos ang panahong iyo? Bakit wala? Kung si Lazaro ay pinababa mula sa langit bakit hindi siya man lang nagalit kay Yahushua sa pagpapatalsik sa kanya sa isang lugar ng walang hanggang kaligayahan? At kung si Lazaro ay naglaan ng apat na araw sa mala-impyernong pagdurusa (at pinagbigyan, ng isang pagkakataon upang gumawa ng pagbabago), bakit hindi siya bumagsak sa mga paa ni Yahushua at nagpapasalamat sa kanya nang labis mula sa paghila sa kanya mula rito at binigyan ng isa pang pagkakataon? Ito ay magiging pagkakataon para sa sinuman na magbigay ng mga direktang detalye ng ano ang hitsura ng langit at impyerno. Ang mga karanasan ni Lazaro sa magkabilang lokasyon ay magbibigay ng ulirang “personal” na testimonya tungkol sa mga lugar na iyon. Oh anong klaseng saksi ang ginawa kay Lazaro! Oh anong isang dakilang oportunidad sa Kasulatan na itala ang lahat ng mga detalye sa apat na araw na iyon ng pagiging buhay ng kanyang kaluluwa nang lampas sa kamatayan ng kanyang katawan. Magagawa ni Lazaro na ibigay ang mga detalye alinman sa kung ano ang dapat abangan — o ano ang dapat iwasan ano man ang mangyari. Ngunit ano ang sinabi sa atin sa Kasulatan? Wala. Ang katanungang “Bakit ganito?” ay napakalaki. Bakit walang naitala tungkol sa apat na araw ni Lazaro sa kamatayan?
Para sa akin, ang kasagutan ay malinaw na halata na. Ang simpleng mapanirang pangangatuwiran ay dapat magsasabi sa atin na sapagkat ang Kasulatan ay gumagamit ng metapora ng pagtulog para sa kamatayan, dahil dito, ang muling pagkabuhay mula sa kamatayan ay isang “paggising” (gaya ng ipinahiwatig nina Job, David at Yahushua). Nalaman lamang ni Lazaro noong ginising siya ni Yahushua ay iyon ang sumunod na sandali ng pagkamalay dahil siya’y naanod sa kawalan ng malay sa kamatayan. Wala siyang anumang bagay na iuulat dahil wala namang bagay na maiuulat. Wala siyang anumang nalalaman tungkol sa kanyang karanasan dahil iyon lamang ang nailarawan ng Kasulatan: “nguni’t hindi nalalaman ng patay ang anumang bagay” (Mangangaral 9:5); “sapagka’t walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa libingan, na iyong pinaparunan” (Mangangaral 9:10); “Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan” (Awit 115:17). Si Lazaro ay gaya ng isang bombilya na muling binuksan matapos ang matagal na panahong hindi nakasindi. Hindi siya tumungo saanman gaya ng liwanag na hindi pumupunta saanman. Ito’y hindi umiiral hanggang ang daloy ng kuryente ay naibalik nang muli. Ibinalik ni Yahushua ang kapangyarihan ni Yahuwah na nagbibigay-buhay na enerhiya kay Lazaro at si Lazaro ay muling nabuhay o umiral muli.
Ang pagkakatulog ay nangangahulugan na ikaw ay walang kamalayan. Wala kang kamalayan ng anumang nangyayari sa paligid mo. Kaya ito ay nasa kamatayan. Ang iyong liwanag ng bombilya ay nakapatay. Ang iyong liwanag ay hindi umiiral. Ang mga patay ay kailangang maghintay para sa pagbabalik ni Yahushua at buksan muli ang daloy ng kuryente.
|
Ang simpleng patotoo na ito ay ang tunay na pag-asa na ipinapakita ng Banal na Kasulatan. Ito ang dahilan para sa paggamit ng metapora ng pagtulog para sa kamatayan. Kapag tayo’y namatay, ang ating utak ay patay rin. Ang ating utak ang sentro ng ating kamalayan. Kung wala ang isang buhay na utak, wala tayong pagkamalay. Kailangan tayong bumalik sa pagkabuhay upang magkaroon ng pag-iral muli ng kamalayan. Ito ay ang maluwalhating katuwiran para sa isang panghinaharap na muling pagkabuhay mula sa mga patay. Ang pagdadala ng mga kaluluwang walang katawan mula sa langit para ilagay muli sa isang muling binuhay na katawan sa muling pagdating ni Yahushua ay (deretsahang) walang katuturan. Hindi kailanman naglarawan ang Kasulatan ng ganoong bagay. Ang konsepto ng mga kaluluwa na muling inilagay sa sariwang muling binuhay na mga katawan ay hindi matatagpuan saanman sa Kasulatan. Ang metapora ng pagtulog ay hindi gumagana ano pa man sa ganoong pangyayari. Isipin ito nang mabuti. Ang mga tao sa literal na pagtulog ay hindi “mas gising at mas aktibo kaysa dati”! Ang ganitong pahayag ay baligho. Ang pagkakatulog ay nangangahulugan na ikaw ay walang kamalayan. Wala kang kamalayan ng anumang nangyayari sa paligid mo. Kaya ito ay nasa kamatayan. Ang iyong liwanag ng bombilya ay nakapatay. Ang iyong liwanag ay hindi umiiral. Ang mga patay ay kailangang maghintay para sa pagbabalik ni Yahushua at buksan muli ang daloy ng kuryente. Muli niya tayong bubuhayin bilang mga nilalang na taglay ang buong katawan/utak/espiritu upang muling mabuhay tayo. Iyon ang walang kapantay na mensaheng ipinakita sa Bibliya sa kabuuan.
Ang mga detalye ng Juan 11 ay nagpinta ng isang larawan na malayong-malayo ang pagkakaiba mula sa napakatanyag na pananaw ng agarang imortal na buhay matapos ang kamatayan. Ang paggamit ni Yahushua ng metapora ng pagtulog, ang pagkakaunawa ni Marta na ang kanyang kapatid na lalaki ay muling darating sa pag-iral, at ang ganap na katahimikan ng karanasan ni Lazaro habang walang buhay sa loob ng apat na araw ay hindi nagbibigay ng isang pananaw ng isang nahihiwalay na kaluluwa na agad tumatakas sa kamatayan ng katawan upang mabuhay mula sa nakaraang kamatayan. Kabaligtaran nito, sila’y nagbigay ng matatag na ebidensya na ang kamatayan ay isang panahon ng kawalan ng aktibidad — “ngunit hindi nalalaman ng patay ang anumang bagay” (Mangangaral 9:5) at sila’y “nangatutulog sa alabok ng lupa” (Daniel 12:2). At ang panahong ito na katulad sa pagtulog na kawalan ng aktibidad ay nagpapatuloy hanggang sa araw ng muling pagdating ni Yahushua at gigising sa kanila mula sa estadong iyon ng pagtulog. Ito ay ang makapangyarihan at napakagandang patotoo na kinumpirma mismo ni Yahushua sa Juan 5:25, 28-29:
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, darating ang oras, at ngayon na nga, kung saan maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ni Yahuwah, at ang mga makaririnig ay mabubuhay. Huwag kayong magtaka, sapagkat darating ang oras na ang lahat ng nasa libingan ay makaririnig sa kanyang tinig, at ang mga gumawa ng mabubuting bagay ay babangon tungo sa buhay, at ang mga gumawa ng masasamang bagay ay babangon tungo sa paghatol.” Nawa’y si Yahushua ay magtagumpay laban sa Platonismo na lubos na lumason sa mga dumadalo sa simbahan.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Ron Shockley.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC